Chapter 23 - Aksidente

1175 Words
CHAPTER 23 - AKSIDENTE Lumipas pa ang mga oras, naglalakad na palabas ng university si Sasha, sobrang init pa ng panahon, nang madaanan siya ni Donni sakay ng motor nito "Sasha" tawag nito sa kanya "Uy Donni, pauwi ka na rin?" "Oo, pero dadaanan ko yung pinsan ko, pinapasundo ni Mama eh" "Ahh sige ingat" "San ka ba? Isasabay na kita" "Naku wag na baka ma-out of the way ka pa" "Eto naman, dali na, para mapabilis ka rin, mahirap nang sumakay dito pag ganitong oras dahil maraming estudyante ang nag-uuwian" "Sigurado ka ha?" "Oo, at wag kang mag-alala, maingat ako magdrive" "Sige na nga, mapilit ka eh" nakangiting ani ni Sasha, ibinigay na ni Donni ang helmet kay Sasha at sinuot nito saka sumakay sa likod ni Donni, ilang saglit lang bumabyahe na sila, 4:05pm nang dumating sila sa opisina nina Diego at JC, mismong sa tapat pa ng entrance ibinaba ni Donni si Sasha "Salamat ah" ani ni Sasha "Wala yun, sige una na ako, see you tomorrow" "Sige ingat ka" nakangiting ani ni Sasha at umalis na si Donni, pagpasok niya sa may lobby ay nakita niya si Diego na nakatingin sa kanya, ngumiti siya dito, nilapitan naman siya ni Diego "Sino yun?" seryosong tanong ni Diego, nawala ang ngiti sa labi ni Sasha "S-Si Donni" "Donni nanaman" "Mahal, sinabay niya lang ako" "Sa motor? Ganito kainit, mas maigi pang nag-jeep ka na lang" "Kung nag-jeep ako baka wala pa ako ngayon, sobrang traffic at mahirap nang sumakay" "Nanliligaw ba sayo yun?" "Hindi, magkaibigan lang kami" ani ni Sasha na nangingilid na ang luha at napansin yun ni Diego, huminga ng malalim si Diego at saka hinawakan sa kamay si Sasha "Sorry, pero ayoko nang maulit na sasakay ka pa sa motor okay?" "S-Sige" "Antayin mo na lang ako dito Mahal ko" ani ni Diego, naglakad sila papunta sa lobby desk at kinuha ang starbucks frappucino niya, saka sila naupo sa sofa, iniabot niya kay Sasha ang starbucks "Iyo yan eh, inumin mo na" ani ni Sasha "Hindi, binili ko talaga to para sayo kasi alam kong mainit ang oras ng uwi mo" Ngumiti si Sasha saka kinuha ang inumin "Wala bang sandwich?" "Gusto mo ba? Ibibili kita" "Wag na, okay na to, hindi naman ako gutom" "Baka may iba ka pang gusto?" "Meron" "Sige ano?" "Smile mo" ani ni Sasha, unti unti napangiti at napailing si Diego "Mahal, wag ganun, kinikilig ako eh" kinikilig na ani ni Diego "Hindi ka na galit?" "Hindi naman ako galit Mahal, nag-alala lang ako" ani ni Diego, pero ang totoo nagseselos siya "Marami kasing nadidisgrasya sa motor" "Hindi na mauulit Mahal ko" "O sige, inumin mo na yan, tumawag si Tatay dun daw tayo magdinner, nagluto raw siya ng ginataang sitaw at kalabasa na may crabs, take note Mahal ko, crabs ang nilagay ni Tatay, tukso siya diba?" "Oo nga, parang ginutom ako Mahal ko, uwi tayo agad" "Sige Mahal ko, dito ka lang, wait mo ako okay?" "Sige" ani ni Sasha, hinalikan naman siya sa pisngi ni Diego saka bumulong "Bawal PDA dito eh, mamaya na kita itotorrid kiss" Natawa naman si Sasha "Para kang sira, sige na bumalik ka na, aantayin kita" ani ni Sasha, tumayo naman na si Diego at tumalikod na Ilang saglit pa, 5 minutes na lang 5pm na, biglang nagpameeting si JC at nagpunta sila sa conference room "JC talaga" bulong ni Diego habang papunta silang lahat sa conference room, 5:20pm na, patapos na rin ang meeting nila nang may narinig silang ingay galing sa baba ng building "Ano yun?" ani ni JC, tumawag siya sa may lobby ng building "Anong ingay yun?" ani niya sa kausap habang nakaspeaker phone, ginagamit nila ito pag may meeting sila with the big bosses sa Switzerland "Sir, may sumalpok na sasakyan dito sa labas, sira ang entrance natin" "Ano?" "May nadisgrasya nga po, yung babae" Biglang kinabahan si Diego "JC si Sasha" "Ha?" ani ni JC kay Diego "Si Sasha nasa baba siya" "Ano?!" gulat na tanong ni JC, tumakbo sila ni Diego palabas ng Conference Room "Hala nakakatakot" ani ng isang babaeng staff "Sino kaya yung babae?" ani naman ng isa "Kakilala siguro nilang dalawa" "Nakakatakot naman" "Lika na, umuwi na tayo tapos naman na siguro ang meeting" ani naman ng isa "Oo lika na, baka magpatay sila ng kuryente" ani naman ng isa at naglabasan na sila ng conference room Sa elevator naman "Bakit nasa baba si Sasha?" ani ni JC kay Diego "Pinapunta ko siya dito saka kami uuwi" mangiyak ngiyak na ani ni Diego "Diyos ko wag naman po sana" Maya maya ay nakababa na sila, nakita nila ang isang kotse na nakapasok sa loob ng lobby, kung saan mismo nakaupo si Sasha nang iwan siya ni Diego, nagkakagulo na dahil napailaliman ang babae ng kotse, sinubukan naman kontakin ni Diego ang phone ni Sasha pero out of coverage area ito, lalapitan sana ni Diego ang kotse para silipin ang babae sa ilalim pero pinigilan siya ni JC "Saan ka pupunta?" "Baka si Sasha yun" umiiyak na ani ni Diego "Ano ka ba?" ani ni JC pero hindi na niya masundan ang sasabihin dahil kahit siya ay natatakot na "Tawagan natin si Sasha" ani ni JC at yun na nga ang ginawa nila pero parehas nilang hindi makontak si Sasha "Mahal please answer your phone" iyak na ani ni Diego "Mahal" tawag ni Sasha kay Diego, galing pala ito sa CR, tumakbo si Diego para yakapin si Sasha "Mahal ko, akala ko mawawala ka na sa akin" iyak na ani ni Diego "Anong nangyari Mahal? Ano yung ingay?" ani ni Sasha, siya namang lapit ni JC "Saan ka galing?" ani ni JC "Sa CR po Kuya" ani ni Sasha, humiwalay naman siya ng yakap kay Diego, niyakap naman siya ni JC "Pinakaba mo kami Sasha" ani ni JC "Ano po bang nangyari?" "May aksidente sa may entrance, may babae raw na nailaliman nung kotseng aksidenteng pumasok sa lobby" "Ganun?" ani ni Sasha "Buti pala nag-CR ako" "Ang mabuti pa umuwi na kayo ni Diego, magpapaiwan muna ako dito" "Sige po Kuya" "Diego okay ka na?" ani ni JC, tumango naman si Diego "Sigurado ka bang maiiwan ka?" ani naman ni Diego "Oo kailangan kong maiwan, malamang parating na rin ang mga pulis" "Sige aalis na kami" "Ingat kayo" "Ingat ka rin mamaya" "Sige Kuya" ani ni Sasha at magkahawak kamay silang umalis ni Diego, sa likod na sila dumaan at pumunta na sa parking, pagsakay sa kotse ay napatingin si Diego kay Sasha "Sorry Mahal ko" ani ni Diego "Bakit?" "Sana hindi kita iniwan sa lobby, sana kahit bawal isinama na lang kita sa taas" "Mahal, wala kang kasalanan okay?" "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sayo" "Mahal ko okay na, okay ako, umuwi na tayo" "Sige Mahal" "Mahal gutom na ako" nakangiting ani ni Sasha Ngumiti rin si Diego "Sige uuwi na tayo Mahal, I love you" ani ni Diego sabay himas sa pisngi ni Sasha "I love you too" sagot ni Sasha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD