Chapter 22 - proposal

1143 Words
CHAPTER 22 Lumipas pa ang mga oras ay nakauwi na sila, nagsibabaan na sila ng sasakyan, kinuha naman ni Sasha ang ibang paper bag "Ay Sasha wag mo nang dalhin yan, pasok ka na sa loob, pakitawag na lang ng maid" "Ha?" takang tanong ni Sasha, eh andun naman siya at mga yaya bakit tatawag ng maid, hindi na lamang siya kumibo at nagpunta na sa may pintuan, umikot naman sa gilid sina Liezl at sa may pool area sila dadaan, pagpasok ni Sasha ay nagulat siya dahil puno ng pink rose petals ang sahig at sa gilid naman ay may mga white candles, patay pa ang ilaw, nang may biglang tumugtog ng kantang "Till I Met You", napatingin si Sasha sa harapan, napangiti siya nang makita si Diego na naka-suit na black at white polo sa loob, may dala pa itong long stemed pink rose, ang mga kasama naman nila sa bahay ay nasa gilid, habang si JC ay nagvivideo, tumulo ang luha niya, nawala na lang bigla ang tampo sa boyfriend niyang maghapong hindi nagparamdam sa kanya, naglakad silang dalawa at nagsalubong sa gitna "Mahal ko ang ganda ganda mo naman talaga" "Talaga ba? Ikaw naman ang gwapo mo" nakangiting ani ni Sasha "Bagay tayo, ganda babae, ganda lalake noh?" natatawang ani ni Diego, pigil rin si Sasha sa pagtawa sa sinabi ni Diego "Mahal puro ka kalokohan" "Mahal, eto hindi to kalokohan, ayoko talagang mawala ka pa sa akin, ikaw sana ang gusto kong makasama sa habang buhay ko, Mahal, alam ko nagsabi na ako sayo kahapon, pero gusto kong ayusin, gusto ko maganda at memorable talaga, kaya Mahal ko" ani ni Diego, iniabot niya ang pink rose kay Sasha at saka may kinuha sa bulsa at lumuhod "Mahal, will you be mine forever? Will you be my Mrs. Cristobal? Will you marry me?" Ngumiti si Sasha, muling tumulo ang luha niya "Yes Mahal ko, I wanna be your Mrs. Cristobal forever" ani ni Sasha, nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila, isinuot ni Diego ang singsing sa daliri ni Sasha saka tumayo at niyakap ito "I love you so much my Sasha" "I love you too my Diego" ani ni Sasha "Congratulations" ani ng lahat sa kanila "Ate ang daya mo ah, akala ko pinaglilihihan mo ako" ani ni Sasha kay Liezl "Loka, kakamens ko lang, pero I'm happy for you" ani ni Liezl at niyakap siya nito "Thank you Ate" ani ni Sasha "Congrats Sasha" ani ni Nenita at niyakap rin siya "Thank you po Tita" "O ang usapan Diego, after graduation ha?" ani ni Nenita kay Diego "Opo naman Tita, basta gagraduate ang Mahal ko" ani ni Diego sabay akbay kay Sasha, lumapit naman si Alfredo sa kanila "Congrats" ani nito "Thank you Tay, salamat din sa tulong" ani ni Diego "Payakap naman sa manugang ko" ani ni Alfredo, yumakap naman si Sasha sa kanya "O Nak, pag inaway ka nitong si Diego isumbong mo agad sa akin ah?" "Opo Tay" sagot ni Sasha sabay tingin kay Diego "Mahal narinig mo yun?" "Loud and clear" sagot naman ni Diego "Masaya ako para sa inyo, mahaba habang preparation to" "Opo nga" ani ni Sasha "Basta masaya ako para sa inyo, masaya ako dahil sa wakas ang Diego ko lalagay na sa tahimik" ani ni Alfredo "Tahimik naman ako Tay ahh" "Oo na sige na" "O picturan ko kayong tatlo" ani ni JC, nagpose naman ang tatlo, sunod ay kasama naman sina Nenita at Norma, sunod ay si Abby, sunod sina JC, Liezl at Callie, sobrang saya nila, naghanda pa ng pagkain si Diego para pagsaluhan "Mommy, sabi ni Ate Leny, pag nikasal ka kay Daddy, sa condo na ikaw uuwi" ani ni Abby habang nakaupo silang tatlo sa sofa "Hmm, opo" ani ni Sasha "Tabi tayo mag-isleep?" "Hindi po" ani ni Diego "Kami ang tabi ni Mommy para magkaroon ka na ng kapatid" "Kapatid? Hindi pinsan?" "Opo kapatid" "Ilan po?" "Nyek, ilan ba ang gusto mo?" ani ni Sasha "Hmmm" ani ni Abby na tila nag-iisip "Dalawa" Natawa naman si Sasha "Dalawa agad? Tutulungan mo ba ako mag-alaga sa kanila?" "Opo Mommy, ako magpapaligo sa kanila dyan sa swimming pool" "Sus ang anak ko napakadaldal, kung ano ano ang iniisip" ani ni Diego "Daddy, excited na po ako tumira si Mommy sa house" "Talaga ba anak?" "Opo, para hindi ko na siya namimiss" "Di bale, malapit na yun, kaunting wait na lang" ani Diego sabay yakap sa anak at halik sa buhok nito Kinabukasan, sinundo ni Diego at Abby si Sasha, ihahatid muna ni Diego si Sasha saka niya ihahatid sa school si Abby, kasama nito si Leny, susunduin na lamang ito ni Alfredo mamayang uwian "Mommy pretty po ako sa school uniform ko" ani ni Abby pagkasakay ni Sasha sa kotse, dinampian naman ng halik ni Diego sa lips sa Sasha "Wow ang ganda naman ng baby ko ahh" ani ni Sasha "Kaso hindi niya pa ako kinikiss" ani pa ni Sasha, ngumiti si Abby at kumiss din sa lips niya "Mommy sasama ka sa school ko po?" "Hindi na po, may school din kasi ako" "Ako sasama sa school mo?" "Opo hahatid niyo po muna ako ni Daddy" "Makikita ko school mo?" "Hindi kayo makakapasok eh, sa may gate lang kayo" "Sayang" ani ni Abby, tumingin naman si Sasha kay Diego "Good Morning Mahal ko" ani ni Sasha "Good Morning Misis ko" nakangiting ani ni Diego "Mahal ko, susunduin mo ako mamaya?" "Anong oras ba uwian mo?" "3:30pm" "Naku, ang aga pala" "Ako na lang ang uuwi Mahal" "Ano ba yan?" "Okay lang" "Sige na nga, mag-iingat ka ha? O kaya daan ka muna sa condo, dun na tayo magkita, ay hindi, daan ka sa office, sige na please Mahal ko" "Hmmm, sige na nga, sa office na ako didiretso" "Yan... mamimiss ko kasi ang Mahal ko eh" "Ako Daddy mamimiss mo rin?" ani ni Abby "O anak, andyan ka pala" "Kanina pa po Daddy" sagot ni Abby, natawa si Diego at hinalikan sa pisngi ang anak "Daldal" ani pa ni Diego, ngumiti naman si Abby Pagkatapos ihatid si Sasha ay si Abby naman ang inihatid ni Diego sa school "O anak, dito na tayo sa room mo, papakabait ka ha?" ani ni Diego "Yes Daddy" ani ni Abby pero tila naluluha "O bakit parang malungkot ka?" ani ni Diego sabay karga sa bata "Daddy, magkakaroon po ba ako ng mga friends?" "Opo anak, basta maging good girl ka at hindi ka mang-aaway, pag may umaway naman sa anak ko, isumbong mo kay Teacher okay?" "Yes Daddy" "O paano, iiwan ko na kayo ni Ate Leny, papasok pa sa office si Daddy eh" "Okay po Daddy, behave ka rin sa office" Napangiti si Diego "Opo, behave po ako" ani ni Diego, yumakap naman ang anak sa kanya "I love you Anak" "I love you too Daddy"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD