Chapter 21 - PINK DRESS

1109 Words
CHAPTER 21 - PINK DRESS "Pagkagraduate mo pakasal na tayo" "Nagpopropose ka ba?" "Basta, gusto ko pagkagraduate mo pakasal na tayo, please?" Ngumiti si Sasha "S-Sige, magpapakasal ako sayo" "Promise?" "Promise" ani ni Sasha, niyakap siya ng mahigpit ni Diego, ngayon niya lang ito naramdaman, ang magmahal ng ganito, kay Sasha lang. Maya maya ay pumasok si Sasha sa kwarto niya, lumabas naman si Diego at lumapit kina Alfredo, Nenita at Norma "O anak, san si Sasha?" ani ni Alfredo "Nasa room niya po" sagot ni Diego at naupo rin sa tabi ng ama "Ahm, Tita Nenita, Tita Norma, ahm, may gusto po sana akong sabihin" "Ano yun?" ani ni Nenita "Mahal na mahal ko po si Sasha, sobra po, ayoko pong mawala pa siya sa akin" "Anong ibig mong sabihin?" "Gusto ko po na magpakasal na kami after her graduation" Ngumiti si Nenita "Diego, natutuwa ako kasi nagpapaalam ka sa amin, pero kung payag si Sasha walang problema sa amin, sino ba naman kami para pigilan kayo sa magiging kaligayahan niyo" "Thank you Tita, payag naman po siya, pero feeling ko hindi siya ganun kakumbinsido" "Bakit?" "Paano basta ko lang sinabi, hindi ko mapigil ang damdamin ko eh" "Eh di ayusin mo" ani ni Alfredo "Tutulungan ka namin" ani ni Norma "Sige po" ani ni Diego at nagplano na nga sila Kinabukasan, sa labas nag-almusal sina Nenita, Norma at Alfredo, wala rin si Diego, hinahanap naman ito ni Sasha, nakita ni Sasha si Liezl habang pinapakain si Callie sa may pool side "Ate" ani ni Sasha "Bakit?" tanong ni Liezl "Asan po sila?" "Sila Mama sa labas sila nag-breakfast kasama sina Tita saka Tito Al" "Si Diego po, wala naman silang pasok ni Kuya JC diba?" "Si Diego? Umalis, nagmamadali eh" "Saan po pupunta?" "Hindi ko alam eh, ahm Sasha pwede mo ako samahan mamaya? May gagawin ka ba mamaya?" "W-wala naman po Ate, okay na po yung assignments ko" "Samahan mo ako mamaya ha?" "Sige po Ate" "Ta, eat" ani ni Callie Ngumiti si Sasha "Eat ka?" "Eat po bibi" "Eat ang baby" ani ni Sasha sabay buhat kay Callie, yumakap naman ito sa kanya, yung yakap na parang namiss siya nito "Namiss mo si Tita Sasha?" tanong ni Liezl sa anak "Yet, mit" sagot naman nito Dumating ang lunch time wala pa rin si Diego, umalis na sila ni Liezl, kasama nila ang mga bata at yaya nito, nagpunta sila sa isang boutique "Sasha, bagay to sayo" ani ni Liezl, isang baby pink na spaghetti strap na mini dress ang hawak nito, pa-lace ang nasa ibabaw at silk ang nasa loob "Maganda yan Ate" "Gusto mo?" "Po?" "What I mean is kung ikaw ang magsusuot gusto mo?" "Opo, simple and elegant" "Sabi ko na eh, maganda to" "Para po ba kanino?" "Panregalo ni JC dun sa anak ng friend niya, magbibirthday na raw, eh 16 years old na, ako ang pinabili niya" "May 16 years old nang anak yung friend ni Kuya JC?" "Oo, maaga raw nagkaanak, hindi nga ata nakatapos ng highschool" "Buti alam mo ang size Ate" "Eh yun nga, kaya kita isinama, papasukat ko sayo, kasi sabi ng Kuya JC mo parang singkatawan mo raw" "Ganun? Laking bulas naman niya" nangingiting ani ni Sasha "Ganun talaga, may mga batang ganun, sige na, isukat mo na" "S-Sige" ani ni Sasha, kinuha niya ang dress at nagpunta na sa fitting room, maya maya ay lumabas si Sasha "Wow, ang ganda, bagay rin sayo" ani ni Liezl "Hmmm, maganda Sasha" "Kaya nga Ate, ang ganda, para akong si Marian Rivera" biro pa ni Sasha "Kapal ko eh noh? Marian Rivera talaga" "Bakit? Maganda ka kaya, maputi ka rin, para ka ngang si Yanyan" ani ni Liezl saka tumingin sa sales lady "Miss, kunin ko na to, pero isusuot na niya ha?" ani ni pa niya "Sige po Mam" sagot ng sales lady "Ate bakit?" "Basta, iyo na yan, ibibili ko na lang ng iba yung anak ng kaibigan ni JC, mukhang mas bagay kasi sayo" "Eh Ate" "Walang pero pero, magagalit ako" ani ni Liezl, hindi naman na makatanggi si Sasha, binilhan rin siya ni Liezl ng shoes na white, yung may takong pa at pinasuot rin sa kanya "O diba ang ganda ng model ko" nakangiting ani ni Liezl "Lika, papamake up-an kita" "Hala si Ate" "Sige na, minsan lang eh" "Naglilihi ka ba? Pinaglilihihan mo ba ako?" natatawang ani ni Sasha "Ssshhh, wag kang maingay, hindi ko pa sure" "Hindi nga Ate?" "Oo nga, pero basta ang ganda mo" "Naku" "Mommy ang pretty mo po, akin na lang dress mo" ani ni Abby "Nyek, sige pag big ka na" natatawang ani ni Sasha "Malapit na yun?" "Opo, lalo na pag magana kang kumain" ani ni Liezl "Tita gusto ko rin dress" ani ni Abby "Gusto mo rin? Sige bibili tayo" "Parehas kami ni Callie ha?" "Sige po parehas kayong dalawa, tama bili muna tayo ng dress nyo, then meryenda saka tayo pupunta sa salon" ani ni Liezl, napatingin naman si Sasha sa phone niya, kanina pa siya tumatawag at nagtetext kay Diego pero hindi ito sumasagot, wala namang makapagsabi sa kanya kung nasaan ito ngayon Nagpunta nga sila sa Dept. Store para bilhan rin ng dress si Callie at Abby, pagkatapos ay nagmerienda muna sila saka dinala ni Liezl si Sasha sa salon, pinicturan niya pa ito habang inaayusan "Ate, pasensiya ka na sa Ate Liezl ko ah, naglilihi ata" ani ni Sasha sa make up artist "Pinaglilihihan ka siguro, maganda ka kasi" "Nyek, nambola pa si Ate" "Hindi ah, maganda ka nga" "Salamat po" ani ni Sasha, napatingin ulit siya sa phone niya, pero ni seen, hindi siniseen ni Diego ang mga messages niya, nagtry siyang tawagan ito pero hindi talaga ito sumasagot, nakakaramdam na siya ng inis sa totoo lang. Pagkatapos ayusan ni Sasha ay nagpasya na silang umuwi, nasa sasakyan na sila nang magtanong ulit si Sasha kay Liezl "Ate, si Diego ba kumontak na sayo or kay Kuya JC?" tanong ni Sasha "Naku, sa akin hindi, pero kay JC, ewan ko lang" "Asan pala si Kuya JC?" "Nasa kwarto, medyo masama ang pakiramdam eh" "Ah kaya pala hindi siya lumalabas" "Oo nga eh, kaya nga mamaya pag-uwi natin lulutuan ko ng sopas si Kuya mo" "Sana Ate bumili ka ng pregnancy test kit" "Bakit?" "Sabi mo baka naglilihi ka" "Ahh, oo nga, yaan mo, sa susunod na lang, kailangan na natin umuwi, sumasakit na rin ang tiyan ko eh" ani ni Liezl, ngumiti na lang si Sasha at tumingin sa daan, nagtatampo na talaga siya kay Diego, kahapon lang sinabi nitong magpapakasal sila pagkagraduate niya, ngayon hindi naman na nagpaparamdam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD