Chapter 20 - DONNI

974 Words
CHAPTER 20 - DONNI Lumipas pa ang mga araw, weekend na ulit, nagkaroon ng salo salo kina JC pero hindi nakasama ang mga San Miguel, may prior family commitment kasi ang mga ito, tuwang tuwa naman sina Nenita at Norma dahil nakarating si Alfredo sa kanila "Aba ang gara pala ng bahay niyo ah" ani ni Alfredo habang nasa sala sila papuntang dining "Naku hindi naman masyado" ani ni Norma "Maraming Salamat pala sa mangga ha" "Sus wala yun, saka ako nga ang nahihiya dahil yun lang ang nadala ko" "Okay lang yun" "Tingnan mo JC si Tatay, mukha namang masaya siya na makita sina Tita Nenita at Tita Norma diba?" bulong ni Diego habang nasa may pinto sila papuntang pool "Oo nga eh" ani ni JC "Nabayaran mo na pala ang condo ni Jake?" "Oo, makulit si Tatay eh" "Tama rin naman yun Diego, kesa pahirapan mo pa ang sarili mo, ewan ko sayo, nagtatyaga ka pa sa opisina eh may farm kang dapat na mas inuuna" "Parang si Tatay rin to eh" ani ni Diego sabay kamot sa ulo, siya namang lapit ni Sasha sa kanila "Mahal ko, mukhang kinukuto ka nanaman" nakangiting ani ni Sasha "May kuto ka?" gulat na ani ni JC "Wala ah" ani ni Diego sabay hampas sa pisngi ng pwet ni Sasha "Eto kasi eh" "Paano nagkakamot ka nanaman ng ulo mo" natatawang ani ni Sasha "Mannerism na niya yun pag may ayaw siya at wala siyang magawa" natatawa ring ani ni JC "Kain na raw sabi nila Tita Nenita, nakahanda na ang dining" ani ni Sasha "Ahh okay sige lika na kain na tayo" ani ni JC "Si Abby pala Mahal?" tanong ni Diego "Ayun nasa dining na, kanina pa yun dun" "Anak ko, parang tumatakaw" "Oo noh? Tumaba nga siya eh, lalo siyang naging cute" "Syempre ako ang Daddy eh" "May connect?" biro ni Sasha "Kanina mo pa ako inaapi Mahal ko" "Hindi ah" ani ni Sasha sabay yakap "Lika na kain na tayo baka ikaw pa ang makain ko" bulong ni Diego sabay hawak sa kamay ni Sasha Habang kumakain ay nagkukwentuhan pa rin sina Norma, Nenita at Alfredo, nakikinig lang naman ang ibang kasama, maya maya ay lumuhod si Abby sa upuan at bumulong kay Diego "Daddy daldal nila" "Sshhh yaan mo sila" nangingiting ani ni Abby "Pag nagschool sila magagalit si Teacher diba?" Natawa si Diego sa sinabi ng anak "Bakit?" ani ni Nenita "Sabi po kasi ng Abby na to, madaldal daw kayong tatlo, pag nagschool daw kayo magagalit ang teacher" natatawang ani ni Diego Nagtawanan rin ang mga kasama "Ay opo apo, magagalit ang teacher" ani naman ni Norma, nang biglang nagring ang landline nila "Ako! Ako maghehello" ani ni Abby sabay baba sa upuan at takbo sa may telepono "Hello" "Ahm Hello, Good afternoon, andyan si Sasha?" "Sino ka po?" "Pakisabi si Donni" "Wait lang" ani ni Abby sabay tawag kay Sasha "Mommy ikaw hinahanap" Tumayo naman si Sasha at pinuntahan ang bata saka kinuha ang phone "Hello" "Hello Sasha" "Sino to?" "Donni" "O Donni, napatawag ka" "May notes ka nung lesson sa accounting? Diba hindi ako umabot dun?" "Oo meron naman" "Pwede makahingi?" "Oo naman" ani ni Sasha, sa dining naman "Nak, sino yun?" ani ni Diego kay Abby "Hindi ko po alam" "Hindi sinabi ang name?" "Donni daw po" "Ahh okay" ani ni Diego pero napaisip siya kung bakit pati landline sa bahay ay alam nito, maya maya ay bumalik na si Sasha "Sino yun?" ani ni Nenita. "Schoolmate ko po saka kababata ko, classmates po kami nung elementary tapos ngayon po may classmates rin po kami sa ibang subject" "Ah talaga? Akalain mo yun, bakit napatawag?" "Nanghihingi po ng notes sa accounting kasi hindi po siya nakaattend ng class" "Ahh okay, mabuti yan, nagtutulungan kayo sa pag-aaral" "Opo, mabait po yun kahit nung elementary pa po kami, super bait" "Siguro crush mo yun noh?" ani ni JC "Huy!" ani ni Diego "Pasintabi o, tabi tabi po, andito ang boyfriend" ani pa nito, tawa naman ng tawa si JC, hinimas naman ni Sasha sa pisngi si Diego "Sus naman ang Mahal ko, napag-uusapan lang" "Umayos yun ah" ani naman ni Diego, nilakihan tuloy siya ng mata ni Sasha, maya maya ay tapos na silang kumain, tumambay naman sa may poolside sina Norma, Nenita at Alfredo, umalis naman sina JC at Liezl kasama ang dalawang bata pati mga yaya nito, dadaan muna sila coffee shop tapos ay bibili ng meryenda, sina Diego at Sasha naman ay nasa may sala at nagkuwentuhan "Mahal ko" ani ni Diego "Bakit?" "Naging crush mo ba yung Donni na yun?" "Hmmm, honestly crush ko siya nung elementary ako" "Ha?!" malungkot na ani ni Diego "Ikaw naman ang mahal ko, ang nag-iisang mahal ko" ani ni Sasha sabay yakap kay Diego "Talaga?" "Opo ikaw lang po" "Bakit pati landline alam niya?" "Hiningi niya kasi tulad niyan, kailangan niya ng notes" "Hmm" ani ni Diego at yumuko "Sus, nagseselos ba ang Diego ko?" nakangiting tanong ni Sasha, tumingin naman si Diego sa kanya at malungkot na tumango "Asus naman ang Mahal ko, kawawa naman" ani ulit ni Sasha at dinampian ng halik sa labi si Diego "Ganun lang?" "Huy nakakahiya, baka sabihin nung senior sa labas" bulong ni Sasha, napangiti naman si Diego "Mahal na mahal kita, akin ka na, baka mamaya bumalik yung pagkacrush mo sa Donni na yun ah" "Para kang sira" natatawang ani ni Sasha "Basta akin ka" "Iyo lang ako, ikaw lang ang mahal ko hmm?" ani ni Sasha at nagnose to nose sila "Pagkagraduate mo pakasal na tayo" "Nagpopropose ka ba?" "Basta, gusto ko pagkagraduate mo pakasal na tayo, please?" Ngumiti si Sasha "S-Sige, magpapakasal ako sayo" "Promise?" "Promise" ani ni Sasha, niyakap siya ng mahigpit ni Diego, ngayon niya lang ito naramdaman, ang magmahal ng ganito, kay Sasha lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD