CHAPTER 19 - BISITA
Lumipas pa ang mga oras, papasok na sa condo sina Diego at Sasha habang tawanan nang tawanan, pagbukas ng pinto ay nagulat si Diego at Sasha saka napangiti
"Tay" ani ni Diego
"Good Evening po" ani ni Sasha at sabay silang lumapit para magmano
"Mommy" ani naman ni Abby kay Sasha saka nagpabuhat
"Nagbless ka kay Lolo?" ani ni Sasha
"Opo, may salubong si Lolo daming mangoes"
"Oo" ani ni Alfredo "Bigyan niyo sila JC pati yung mga San Miguel"
"Sige Tay" ani ni Diego "O Tay, dito ka na ha?"
"One week lang" ani ni Alfredo
"One month"
"Hindi, one week lang"
"Three Weeks?"
"No deal"
"Two weeks"
"Okay two weeks"
"Tay anak mo ba ako?"
"Oo naman nag-iisa kang anak ko"
"Eh bakit parang ayaw niyo po akong kasama?"
"Hay naku Diego eto nanaman po tayo"
"Ahm Tay" ani ni Sasha "Magdinner na po tayo, may dala po kaming lechong manok"
"O sige ba, may dala rin akong hipon, niluto ko na kanina" nakangiting ani ni Alredo
"Sige po, magpeprepare lang ako" ani ni Sasha "Lika Abby help ka?"
"Yes Mommy" ani ni Abby at nagpunta na sila sa dining
"Hindi pa ba nag-aaral si Abby?" ani ni Alfredo
Ngumiti si Diego "Next week siya mag-ischool"
"Talaga? Mabuti naman, eh malaki ata tong unit mo ah"
"Actually Tay, kay Jake to pero binenta niya sa akin sa halaga kung magkano niya nakuha ang unit plus yung mga gamit, huhulug-hulugan ko na lang sa kanya"
"Magkano ba?"
"4M"
"Eh di bayaran mo na sa kanya"
"Tay naman"
"Diego, gamitin mo yung share mo sa farm, nakatabi naman yun"
"Eh kasi"
"Diego, may anak ka na, malaki na ang gastusin mo, gamitin mo na ang perang para sayo"
"Ang daya niyo po kasi Tay, 20% lang ang kinukuha niyo sa share niyo, akin 80%, parang hindi ko deserve"
"Deserve mo yun dahil anak kita, at saka kahit 100% ng kita mapunta sayo walang problema sa akin, dahil sooner or later sayo talaga yun mapupunta"
"Sigurado ka ba Tay?"
"Oo, para na lang kay Abby at saka kay Sasha, gusto ko siya para sayo, mahal din siya ng apo ko"
"Mahal na mahal rin namin siya Tay"
"Ano? Itatransfer ko na ang pera sa account mo para mabayaran mo na si Jake, para wala ka nang poproblemahin pa, lahat ng pera na papasok sa farm sa account mo na didiretso"
"Pero Tay"
"Para kay Abby, yun na lang ang isipin mo"
"Okay fine"
"Lika na gutom na ako" ani ni Alfredo at sabay sabay na silang kumain
"Sasha, kamusta? Galing kang school?" ani ni Alfredo
"Opo Tay, first day ko po"
"Mommy ako rin ischool na ako" ani ni Abby
"Opo, gagalingan mo sa school baby ha?"
"Opo Mommy, mag-aaral ako mabuti para tulad ako kay Daddy, mag-ooffice din ako"
"Wow naman, ang galing idol niya pala si Daddy" ani ni Alfredo
"Opo Lolo, idol ko po si Daddy"
"Nax naman ang anak ko" ani naman ni Diego "Basta mag-aaral mabuti ha? At wag malikot sa school okay?"
"Yes Daddy"
"Diego, tawagan mo na si Jake okay?"
"Opo Tay"
"Sasha, Iha, dito ka na ba natutulog Iha?"
"Naku Tay hindi po, dumadalaw lang ako"
"Miss ko na nga Mommy Sasha ko eh" ani ulit ni Abby
"Baby, kahapon lang nagkita tayo ahh"
"Miss kita eh" ani ni Abby na nanlalaki pa ang mga mata, nagtawanan naman sila
"Okay sige, namiss rin naman kita"
"Mommy dito ka sleep, tabi tayo"
"Naku baby, wala akong dalang damit at saka may school rin si Mommy bukas"
"School ka rin? Behave ka sa school?"
"Opo behave lang ako"
"Hindi magagalit ang teacher?"
"Basta behave ang student hindi magagalit ang teacher"
"Ang daldal ng apo ko, mamaya kain ka ng mangoes ha?"
"Yes Lolo, I also want mango shake"
"Sure, maraming dala si Lolo, pwedeng pwede mag-mango shake ang apo ko"
"Mommy gawa mo ako ng mango shake please" ani ni Abby kay Sasha
"Sige gagawa kita after dinner okay?"
"Yehey"
Lumipas pa ang mga sandali, pagkatapos ng hapunan ay gumawa nga sila ng mango shake, tuwang tuwa naman si Abby, nasa sala naman sina Alfredo at Diego
"Ayan, nakalog in na ako, tingnan mo to" ani ni Alfredo sabay harap ng laptop kay Diego, nanlaki ang mata ni Diego
"More than 50M?"
"Oo, yan ang share mo sa farm, mababa nga yan kasi alam mo naman nagkaroon ng problema sa farm, pero ngayon bumabawi na tayo"
"Ganyan na talaga siya kalaki Tay?" hindi makapaniwalang tanong ni Diego
"Oo anak, ganyan na siya kalaki, ikaw kasi, para sayo rin naman lahat to ehh, anak ka namin, anak kita, wala naman akong ipapamana sayo kundi ang farm"
"Pero Tay, alam mo naman diba? Gusto kong may mapatunayan ako sa sarili ko, ayoko pong umasa nang umasa sa inyo"
"Eh paano pag nawala ako? Sino ang mag-aasikaso sa farm?"
"Tay naman, matagal pa yun"
"Anak, we can never tell"
"Tay ayoko ng ganyang usapan"
"O siya sige, basta bayaran mo na tong condo kay Jake"
"Sige po" ani ni Diego "Ahm Tay, gumagabi na ng husto, ihahatid ko muna si Sasha sa kanila, alam niyo na po kung saan ang kwarto niyo?"
"Oo naman" ani ni Alfredo, siya namang lapit ni Abby at Sasha
"Mahal ano?" ani ni Diego
"Uwi na ako, may aayusin pa akong mga dadalhin bukas sa school" ani ni Sasha
"Paano Tay mamaya na lang ulit" ani ni Diego sabay tayo
"Tatay Al, una na po ako ah, may mga aayusin pa po ako para sa school" ani ni Sasha sabay mano kay Alfredo
"O sige Iha, ingat kayo sa byahe"
"Sama ako" ani ni Abby
"Anak, samahan niyo na lang ni Ate Leny si Lolo Al" ani ni Diego
"Takot siya?" ani ni Abby
"Opo takot si Lolo Al" natatawang ani ni Alfredo
"Babye na Abby" ani ni Sasha
"Babye Mommy" ani ni Abby sabay kiss sa lips ni Sasha "Babye Daddy" ani niya ulit kay Diego sabay kiss sa lips
"Lika na" ani ni Diego sabay hawak sa kamay ni Sasha at lumabas na sila, napansin ni Sasha na tila seryoso si Diego
"Mahal, may problema?" ani ni Sasha
"Wala naman Mahal, si Tatay kasi, medyo makulit"
"Bakit?"
"Pinababayaran na niya yung condo ng buo, hindi na ako makatanggi"
"May pera si Tatay Al?"
"Gusto niya ipagamit sa akin yung share ko sa mango farm"
"O yun naman pala eh, baka ayaw lang ni Tatay Al na masyado kang mahirapan"
"Oo nga"
"Sundin mo na lang siya para okay na"
"Sige na nga po" nakangiting ani ni Diego saka hinapit sa bewang si Sasha habang naglalakad sila.