CHAPTER 18 - FIRST DAY
Lumipas pa ang mga araw, unang araw ng klase ni Sasha, inihatid siya ni Diego sa University
"Ang aga pa natin Mahal" ani ni Diego
"Okay lang, gusto ko ifamiliarize ang sarili ko dito, saka maghahanap pa ako ng room ko"
"Ahh okay, o anong oras uwi mo?"
"5:30pm end ng last class ko"
"Sige susunduin kita, antayin mo ako ha? Tapos sa condo na tayo magdinner"
"Sige antayin kita"
Kinuha ni Diego ang wallet niya at naglabas ng 500 saka iniabot kay Sasha "Idagdag mo na to sa baon mo"
"Naku Mahal, wag na, binigyan na ako ni Tita ng allowance"
"Kahit na, idagdag mo lang for today"
"Ayoko, itabi mo na lang na lang yan for Abby"
"Magagalit ako"
Napabuntunghininga si Sasha "Sige tatanggapin ko, pero last na to, ayokong intindihin mo pa to kasi alam kong marami kang binabayaran"
"Kaya ko, eto na nga lang ang maitutulong ko sayo, every sahod aabutan kita ng pandagdag sa allowance mo, para in case na may kailangan kang bilhin, hindi mo na kailangang manghingi kay Tita, gusto kong makatulong kahit sa ganitong paraan lang"
"Sige na nga, ikaw na ang bahala"
"O paano? Antayin mo ako ha? Saka kumain ka ng lunch, wag kang papagutom"
"Opo na po Mahal ko" nakangiting ani Sasha, hinalikan naman siya ni Diego sa labi
"I love you Mahal ko" ani ni Diego
"I love you too Mahal ko" ani ni Sasha "Ingat sa pagmamaneho ha?"
"Sure" ani ni Diego at muling dinampian ng halik sa labi si Sasha, bumaba na ng sasakyan si Sasha at kumaway kay Diego saka pumasok sa loob ng University, tumitingin tingin pa siya sa paligid nang may nakabangga sa kanya, nalaglag ang mga libro niya
"Naku sorry Miss" ani ng lalaki at napatingin sa kanya "Sasha? Sasha Cortez?"
"O-Oo" ani ni Sasha na tila nag-isip kung sino ang nasa harapan niya "Donato? Donato Del Rosario?"
"Sasha" nakangiting ani ng lalaki
"Donato, kamusta ka na?"
"Donni na lang, Donato ang tanda eh" ani ni Donni, natawa naman si Sasha
"Sige Donni, kamusta?"
"Eto, okay lang, ikaw ang kamusta, nabalitaan namin ang nangyari sa Ate mo"
"O-Oo nga"
"Kamusta siya?"
"Ayun nakakulong"
"Yaan mo, mabuting tao naman si Ate Sally, makakalaya rin siya... eh ikaw saan ka umuuwi?"
"Ahm, sa Don Antonio Heights"
"Ahh, okay, kamusta ka naman?"
"Eto, okay na okay, may mga taong tumulong sa akin at hindi ako pinabayaan, basta mahabang kwento"
"Paano? Pwede ba tayong sabay maglunch mamaya? Sige na, sagot ko, catch up na rin"
"Sige ba"
"Anong number mo? Save mo" ani ni Donni sabay abot ng phone, sinave naman ni Sasha ang number niya, saka binalik ang phone kay Donni, tinawagan naman siya ni Donni "Save mo number ko"
"Okay sige"
"O paano? Kita kits mamaya ah"
"Sige" ani ni Sasha at tumalikod na si Donni, kababata ito ni Sasha, naging classmates sila mula Grade 1 hanggang Grade 6, nang makagraduate si Donni ay nagpunta na sila ng pamilya niya sa Manila, crush niya si Donni nung elementary, mabait rin naman kasi ito at magalang, hindi tulad ng ibang classmate nila na bully
Dumating ang lunch break, nagkita nga sila ni Donni sa cafeteria, nagkukwentuhan sila nang magring ang phone ni Sasha
"Hello Mahal" ani ni Sasha
"Mahal ko, kumakain ka na?"
"Oo, ikaw?"
"Oo kumakain na rin, ano? Okay ka lang?"
"Oo Mahal ko, okay na okay"
"May kasabay ka ba?"
"Ahm, oo, si Donni"
"Sinong Donni?" kunot noong tanong ni Diego
"Kababata ko, classmates kami since elementary days"
"Ahh okay, paano? Sunduin kita mamaya ah?"
"Sige Mahal ko, antayin kita"
"I love you"
"I love you too" ani ni Sasha sabay off ng phone
"Boyfriend mo?" ani ni Donni
"Oo"
"Ahh, matagal na kayo?"
"Hindi, bago pa lang, mahigit two months pa lang"
"Ahh okay"
"Ikaw? May girlfriend ka na?"
"Wala, kakabreak lang namin"
"Ay ganun? Wala kang nililigawan?"
"Sa ngayon wala, meron sana akong gustong ligawan kaso hindi na pala pwede"
"Ay ganun? Hanap ka na lang ng iba" nakangiting ani ni Sasha
"Eh ikaw? Asan pala ang boyfriend mo?"
"Nasa work"
"Working Student?"
"Hindi, sa office siya nagwowork"
"Sa office, don't get me wrong ha? Ilang taon na ba siya?"
"30"
"Eh ikaw?"
"21"
"Nine years gap, pwede na"
"Oo naman, masayang kasama yung si Diego, nakakatuwa"
"Diego pala ang name"
"Oo Diego Cristobal"
"Sabagay, mukha ka namang happy"
"Happy talaga ako"
"Oy ubusin mo yang inorder ko ahh" nakangiting ani ni Donni
"Ang dami naman kasi nito"
"Yaan mo na, ngayon lang ulit tayo nagkita eh" ani na Donni at pinagpatuloy na nila ang pagkukwentuhan habang kumakain
Lumipas pa ang mga oras, inaabangan na ni Sasha si Diego sa may waiting shed, maya maya ay dumating na ito at inihinto ang sasakyan sa harap niya, ilang saglit lang ay nakasakay na siya sa kotse, pag upo niya ay humalik siya sa pisngi ni Diego
"O kamusta ang araw ng Mahal ko?" ani ni Diego
"Okay lang, medyo nakakapagod, pero wala naman kaming masyadong ginawa" natatawang ani ni Sasha
"O anong gusto mong dinner?"
"Kahit ano"
"Bili na lang tayo ng lechon manok"
"Sige saka atsara"
"Atsara?"
"Oo gusto ko yun"
"Okay sige Mahal ko"
"Thank you"
"Eh yung friend mo? Kamusta naman?"
"Si Donni? Umuwi na, isasabay niya sana ako sabi ko wag na kasi may sundo akong gwapong lalaki"
"Ehem" nakangiting ani ni Diego "Kilala ko ba yan?" ani pa nito na nilakihan pa ang boses
"Hindi siguro"
"Ah ganun Mahal ko?"
"Joke lang" natatawang ani ni Sasha, ngumiti rin si Diego
"Masaya ako kasi mukhang okay naman ang first day mo"
"Ako rin, sobrang saya ko, kasi nalibre ako ng lunch kanina"
"Libre?"
"Oo nilibre ako ng Donni"
"Ah okay" ani ni Diego, hindi niya alam pero parang nakakaramdam siya ng selos sa Donni na to kahit hindi pa niya nakikita.