Chapter 17 - LIPAT BAHAY

1241 Words
CHAPTER 17 - LIPAT BAHAY Kinabukasan ay nagkita nga sina Diego at Jake sa condo ng huli "Diego kamusta?" ani ni Jake "Ayus naman, teka Jake, pag-usapan muna natin kung magkano mo papaupahan, baka kasi hindi ko kayanin" Ngumiti si Jake "Wag mo nang upahan, yung mga bills na lang ang asikasuhin mo" "Hindi nga?" "Oo nga, kesa walang gumagamit, kayo na lang, hindi naman na kayo iba sa amin" "Sigurado ka ba?" "Oo, hindi ko na rin kasi talaga naasikaso, eh may sarili na kaming bahay diba?" "Naku salamat Jake, maraming salamat talaga" "Okay lang, pamilya na rin tayo, magpipinsan nga ang mga anak natin diba?" "Oo nga eh" "O lika na nang makita mo" ani ni Jake at sabay na silang umakyat sa taas, namangha si Jake nang makita ang loob ng unit, halos kumpleto na rin ito sa gamit "Ang ganda naman ng unit mo at halos kumpleto na sa gamit" "Oo nga eh, tatlo ang kwarto nito, isang masters bedroom, tapos may dalawa pang kwarto na pwede kay Abby at kung may bisita ka, may sariling CR sa masters, tapos share yung dalawang kwarto, actually pwede pa tong irenovate para magkaroon ng second floor, dito sa area malapit sa kitchen, may maids quarter dyan pero maliit lang, siguro hanggang dalawang maid lang ang kasya" "Ahh okay, sigurado ka ba hindi mo to papaupahan?" "Kung sa iba malamang paupahan ko, pero since ikaw yan, hindi na, okay na sa akin yung may gumagamit ng unit" "Maraming salamat talaga Jake, yaan mo pag nakakuha ako ng bahay lilipat agad kami" "Eto naman, hindi mo kailangan magmadali, yung budget mo sa renta, itabi mo na lang, teka, hmmm..." "Bakit?" "Kung ibenta ko na lang kaya sayo tong condo?" "Ha?" "Oo wala namang gumagamit nito eh" "Sige pag-iisipan ko" "Wag kang mag-alala, kung magkano ang kaya mo per month sige yun lang isisingil ko" "Magkano ba if ever?" "4M kasi ang bili ko dito, pre selling kasi to nung nabili ko kaya mura pa, yun na lang, wag mo nang intindihin ang mga gamit, kasama na yun sa 4M" "Talaga? Sure ka ha? Actually mura to sa 4M, ang laki kasi ng unit mo, to think na malapit pa sa lahat" "Oo naman, may kapitbahay pa kayong mga artista dito" natatawang ani ni Jake "Ano? Okay ba sayo?" "Okay sa akin, eh ikaw? Okay ba sayo? Sigurado ka ba na 4M mo lang ibibigay sa akin lahat lahat?" "Oo nga, deal?" "Deal" ani ni Diego "Sige papaayos ko ang Deed of Sale" "Salamat Jake" "Wala yun, O lumipat na kayo ah, para safe si Abby, kawawa naman ang bata, grabe naman dun sa nalipatan niyo" "Kaya nga eh, nadisappoint talaga ako" "Paano hindi ka agad sa akin nagsabi" "Actually sinabi yun ni JC pero kasi nahihiya ako, saka baka nga hindi ko kayanin kasi pang yayamanin ang condo mo" "Loko ka" ani ni Jake "O Eto ang keycard, tapos lika ireregister kita sa baba, para alam nilang tenant ka na dito" "Sige" ani ni Diego at sabay na silang bumaba ni Jake papuntang opisina ng condo Lumipas pa ang mga oras, bumalik si Diego kina JC, nakasalubong niya naman si Liezl "Kamusta na?" ani ni Liezl "Okay na lilipat na ako kina Jake, mag-aayos na ako ng mga gamit" "Kailangan mo ng tulong?" "Kaya na siguro namin ni Leny yun, gusto kong makalipat na agad" ani ni Diego, siya namang labas ni Sasha, Leny at Abby "Mahal" ani ni Sasha "Daddy" ani ni Abby "Hello sa mga mahal ko" ani ni Diego sabay halik sa pisngi ni Sasha at buhat kay Abby "Ano? Lilipat na kayo?" ani ni Sasha "Oo, kami na lang ni Leny ang mag-aayos ng mga gamit" "Tulungan na namin na kayo" ani si Sasha "Hmm, akala ko aalis kayo?" "Bukas na lang tayo mag-mall Abby, tulungan muna natin si Daddy" "Sige po Mommy" "Yung van na muna ang dalhin niyo para mabilis lang ang hakot" ani ni Liezl "Sige Liezl salamat, ako na lang magdadrive" "Oo sige" "Paano una na kami" "Sige ingat kayo" "Tita Liezl babalik ako ah?" ani ni Abby "Iwan ka na lang kaya, play na lang kayo ni Callie dito" "Ano anak? Dito ka muna? Susunduin na lang kita mamaya, sasama ko lang si Mommy at Ate Leny" "Sige po Daddy" ani ni Abby "Ang bait naman ng anak ko, ang bilis kausap" ani ni Diego sabay yakap sa anak "O lika na Abby, dun muna kayo sa room ni Callie, mamaya gagawa tayo ng pancake gusto mo yun?" ani ni Liezl sabay kuha kay Abby "Opo Tita, baby pancakes, yung liit lang" "Opo yun ang gagawin natin" ani ni Liezl saka tumango kay Diego at pumasok na sila ni Abby sa kwarto "Mahal, kukuha lang ako pampalit, wait lang" ani ni Sasha "Sige Mahal" ani ni Diego at tumalikod na si Sasha Lumipas pa ang mga oras, naghakot na sila ng mga gamit, sa totoo lang halos mga personal na gamit lang naman ang hahakutin nina Diego, yung mga gamit sa bahay ay sa may-ari na ng condo unit, pag dating naman sa condo ni Jake ay namangha sina Sasha at Leny "Kuya dito na po tayo titira?" ani ni Leny "Oo Leny dito na" sagot ni Diego "Ang laki Kuya, malaki na paglalaruan ni Abby" "Oo nga eh, sige Leny, ayusin mo na yung mga gamit niyo ni Abby dun sa kwartong yun, kami naman ng Mahal ko mag-aayos sa kwarto ko" "Sige po" ani ni Leny at binuhat na ang bag sa kwarto, ganun din ang ginawa nina Sasha at Diego "Ang sosyal naman pala ng condo ni Kuya Jake" "Oo nga eh" "At ang laki Mahal" "Ang galing noh? Pang yayamanin talaga" "Magkano ang upa dito?" "Actually Mahal ko, nagkasundo kami ni Jake na ibebenta na lang niya ito sa akin, 4M, lahat na yun" "Talaga?" "Oo, 4M kasama mga gamit" "Ay grabe Mahal ko, mura na yun" "Mura na talaga, mababa niya lang talaga to nakuha kasi pre-selling siya, pero ngayon mahal na yung ganitong unit, baka aabot na ng 6M to 10M, wala pang gamit yun" "Malaki ang matitipid mo" "Oo, at saka at least hindi na kami palipat lipat ni Abby at saka mas secured, madalas raw na may mag-rounds na guard dito" "Sabagay nga Mahal ko" Ngumiti si Diego at niyakap si Sasha mula sa likod "At dito tayo titira at bubuo ng pamilya" "Tayo?" "Oo tayo" "Matagal pa yun Mahal" "Sandali na lang yun, ang importante matupad mo ang mga pangarap mo" "Basta Mahal, magwowork ako ah? Magtutulungan tayo" "Sige, kung yan ang gusto mo, pero Mahal ko hindi kita inoobliga" Sinandal naman ni Sasha ang ulo sa balikat ni Diego "Diego ko Mahal ko" "Sasha ko Mahal ko" ani ni Diego at nagtawanan sila, humiwalay ng yakap si Sasha at humarap kay Diego "Lika na mag-ayos na tayo" "Sige, tapos bibili muna ako ng makakain natin for lunch" "Mag-ayos nga muna tayo" "Mahal, pampagana muna" ani ni Diego sabay pikit at nguso, napangiti si Sasha, hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Diego at dinampian ng halik sa labi "Ano yun? Walang thrill" ani ni Diego saka hinapit sa bewang si Sasha at muling hinalikan si Sasha, gumanti naman ng halik ang babae "Nax naman marunong na kumiss ang Mahal ko ah" "Talaga?" nakangiting ani ni Sasha "Oo" ani ni Diego sabay himas sa pisngi ni Sasha "I love you" "I love you too"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD