Chapter 16 - NANAKAWAN

1172 Words
CHAPTER 16 - NANAKAWAN Lumipas pa ang mga araw, araw ng linggo, hapon, pabalik na sila sa Manila "Tay, sama ka kaya muna sa amin" ani ni Diego "Anak, wag ngayon, walang mag-aasikaso dito sa Manggahan, pagbalik ni Nestor sige pupunta ako sa inyo" "Oo sa amin ka na lang tumuloy" ani naman ni Nenita "Tita ha, marupok ang tatay ko, wag kang ganyan" biro ni Diego "Ay salbahe ka" natatawang ani ni Nenita "Hindi para sa akin, para kay Ate Norma" ani pa ni Nenita "Uuuyyy" ani naman ng mga kasama "Baliw ka talaga Nenita" ani naman ni Norma sa kapatid sabay kurot sa bewang nito, tatawa tawa lang naman si Alfredo "Hindi nga pwera biro, tapos bonding ulit tayo lahat" "Mahilig po kasi sa bisita si Mama" ani ni JC "Kasi naman, ngayon lang ako bumabawi, eto na ang enjoyment ko" ani ni Nenita "Oo sige" ani ni Alfredo "Pag balik ng katiwala ko dito ako naman ang magbabakasyon" "Lolo sama" ani naman ni Abby "Apo sa inyo nga magbabakasyon ang lolo eh" "Pasyal kita Lolo" "O sige ipasyal mo ang Lolo" ani pa ni Alfredo "O paano Tay? Una na po kami para hindi kami gabihin masyado, may work pa kami bukas eh" ani ni Diego "O sige ingat kayo" ani ni Alfredo, nagsipagmano naman sa kanya ang lahat at nagpaalam na "Paano Tay, ingat kayo dito, pag may emergency tawagan niyo agad ako" ani ni Diego habang buhat si Abby at hawak ang kamay ni Sasha "Oo naman" ani ni Alfredo "O apo para sayo to, hindi alam ni Lolo ang ireregalo sayo kaya ikaw na lang bumili" sabay abot ng sobre "Mommy tabi mo po, bili po ako toy bukas" ani ni Abby sabay abot kay Sasha "Kay Daddy mo na lang ipatago" ani ni Sasha "Sayo na Mommy tapos alis tayo bukas" ani ni Abby, napatingin naman si Sasha kay Alfredo "Sige na Iha, may tiwala sayo ang apo ko, at gusto ko rin magpasalamat sayo dahil dumating ka sa buhay ng mag-ama, pag may ginawang mali si Diego isumbong mo sa akin, akina phone mo" ani ni Alfredo, iniabot naman ni Sasha ang telepono niya at sinave ni Alfredo ang number niya at nakalagay ay Tatay Al, ngumiti naman si Sasha "Sige po Tatay Al, mamaya po tetext ko kayo para alam niyo rin po number ko, para pag namili po kami ni Abby tatawagan namin kayo" "Sige sige, salamat iha" ani ni Al "Oy anak, nagplano ka nang bibili ng toys pero hindi ka pa nagthank you" ani ni Diego "Thank you Lolo, I love you" ani ni Abby sabay halik sa pisngi ni Alfredo "You're welcome apo, I love you too" ani ni Alfredo, bumeso naman sina Diego at Sasha sa kanya saka sumakay na sa sasakyan, nakaramdam naman ng lungkot si Diego nang umalis sila, ayaw naman ng Tatay niya na sumama sa kanya sa Maynila, kahit sabihing may mga kasama ito sa farm, iba pa rin na pamilya ang tumitingin dito Halos alas nwebe na nang makauwi sila, dumiretso na ang San Miguel Family sa kanila "Diego, dito na kaya kayo matulog nina Abby, kasi binibida ng bata kanina na aalis sila bukas ng Mommy Sasha niya" "Naku Tita" "Ayan nanaman siya" "Sabi ko nga po, pero sila Abby na lang po, eh may pasok po ako bukas wala akong damit" "Naku, o siya ikaw na ang bahala, bumalik ka na lang, kumuha ka ng damit sa condo" "Ahm, sige po Tita" "O paano mauuna na kami, matutulog na rin kami" ani ni Nenita "Mommy pasyal tayo bukas ha?" "Opo na po" sagot ni Sasha "O Diego, kumuha ka na lang ng damit" ani ni JC "Sige babalik na lang ako" "Daddy sa tabi ako ni Mommy isleep" ani ni Abby "Nagpaalam ka kay Mommy?" tanong ni Diego tumingin naman si Abby kay Sasha na tila nahihiya "Opo na po, tabi tayo mag-sleep" "Paano? Alis muna ako" ani ni Diego sabay himas sa likod ni Sasha "Sige Mahal, ingat ka" "Oo" ani ni Diego at hinalikan sa pisngi sina Sasha at Abby, pumasok naman na sa loob ng kwarto si Sasha, binihisan naman ni Leny si Abby at hinatid sa kwarto ni Sasha, pinatulog naman na niya ang bata, maya maya ay tulog na ito, pero wala pa rin si Diego, tinawagan niya ito pero hindi sumasagot, lumabas siya ng kwarto, siya ring labas ni JC sa kwarto "Sasha" "Kuya" "Saan ka pupunta?" "Si Diego po kasi wala pa, kayo po san kayo pupunta? Bakit nakapang-alis kayo?" "Pupuntahan ko si Diego, nasa prisinto siya" "Po? Bakit?" "May pumasok sa condo niya, nanakawan" "Ha?" "Oo, sige na susunod ako sa prisinto" "Sama ako" "Wag na, sinabi nga sa akin ni Diego na wag ko nang sabihin sayo kasi baka mag-alala ka, pero wag kang mag-alala, uuwi kami" "Sige po Kuya" ani ni Sasha, at umalis na si JC Hindi makatulog si Sasha, lumabas siya sa may sala at nagpalakad lakad, halos ala una nang bumukas ang pinto "Mahal" ani ni Sasha at yumakap kay Diego "Mahal ko, bakit gising ka pa?" "Inaantay kita" "Okay lang ako, wala namang nakuha yung tv lang, wala pa naman kaming masyadong gamit, hindi naman nila ninakaw ang rice cooker at kalan ko, pero yun nga kinuha ang tv, na nakakapagtaka kung paano nangyari" "Baka inside job" "Yun nga rin hinala ng mga pulis, kailangan makahanap ako ng malilipatan" "Sabi ko kasi sayo dun na lang sa condo ni Jake, umayaw ka" "Nahihiya kasi ako at saka baka hindi ko kayanin" "Hindi yun, kakausapin ko si Jake, gising pa yun eh, nagpm sa akin ngayon ngayon lang" ani ni JC at tinawagan si Jake "Hello Kuya JC" ani ni Jake "Jake may gusto sana akong ipakiusap sayo" "Ano yun?" "Wala namang gumagamit ng condo mo diba?" "Wala nga" "Baka pwedeng paupahan mo na lang kay Diego, medyo may problema eh" ani ni JC at kinwento ang nangyari "Grabe naman yun, sige Kuya, magkita na lang kami bukas dun" "Sige Jake salamat" "Okay lang yun" "O sige na, pahinga ka na bye" "Bye" ani ni JC at inoff na ang phone "Magkita raw kayo ni Jake bukas" "Sige, leave na lang muna ako bukas" ani ni Diego "Ako nang bahala dun, magpahinga ka na" ani ni JC at pumasok na sa loob ng kwarto "Mahal ko, okay ka lang?" ani ni Sasha "Okay lang naman, mabuti na rin siguro yun na nangyari yun na wala kami dun, lalo si Abby, baka mapahamak pa ang anak ko" "Wag mo nang isipin yun" "Tama ka naman dun, ayoko na ring mag-isip, paano? Magrest ka na rin" "Ikaw rin, magpahinga ka na" Niyakap ni Diego si Sasha "Wag mo akong alalahanin Mahal ko, kaya ko to" "Mahal ko, andito lang ako ahh" "Alam ko, mahal na mahal kita" "Mahal na mahal rin kita, lika na" ani ni Sasha at hinatid na siya ni Diego sa kwarto "Goodnight Mahal" ani ni Diego at hinalikan sa labi si Sasha, saka niyakap ng mahigpit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD