Chapter 15 - COLOR GAME

1207 Words
CHAPTER 15 - COLOR GAME Pagkatapos ng magic show ay lumabas na sila, pero nakaipit pa rin ang kamay ni Sasha sa braso ni Diego "Diego bitawan mo na ako" bulong ni Sasha "Ayoko nga, at saka bakit Diego tawag mo sa akin? Dapat Mahal ko" "Ayoko" "Sus nagseselos ka ba kay Stella?" "Isusumbong kita kay Kuya JC" "Gusto mo paiyakin ko si JC sa harapan mo?" "Diego naman eh, bitawan mo na ako, puro ka kalokohan" "Ayoko hindi pwede" "Bakit ba?" "Ayokong mawala ka sa tabi ko" "Hindi mo nga ako napapansin kanina eh" ani ni Sasha saka yumuko, napangiti naman si Diego "Nagseselos ka nga" ani ni Diego at hinawakan ang magkabilang pisngi ni Sasha "Mahal ko, ikaw lang ang nasa puso ko, wala kang dapat ikaselos kay Stella, may asawa na yun, kababata rin namin, ganun lang kami magkulitan" "Totoo?" "Opo totoo po" "Promise? Ako lang mahal mo?" "Oo naman" ani ni Diego saka niyakap si Sasha, yumakap rin si Sasha sa kanya "Mahal, asan na sila?" ani ni Sasha "Naku malamang nagkanya kanya nang lakad yun" "Si Abby?" "Ayun o, kasama nila Hannah, magkacarousel sila" "Mahal, laro tayo ng color game" "Ayoko nga" "Sige na" "Kiss ko muna" ani ni Diego at hinalikan siya ni Sasha sa labi "Mahal na mahal kita Sasha Cortez" "Mahal na mahal rin kita Diego Cristobal" ani ni Sasha at magkahawak kamay silang nagpunta sa nagpapalaro ng color game "Mahal tataya ka?" ani ni Diego "Oo" "Sige anong color?" "Hmmm, pink, red and white" sagot ni Sasha, tinayaan ito ni Diego ng tig twenty pesos saka tumingin sa operator "Kuya ipanalo mo kami ah?" "Oo nga Kuya" ani naman ni Sasha "Basta ikaw Miss Maganda" sagot ng lalaki, sabay angat ng tali, naglabasan lahat ng color na pinili ni Sasha, napatalon siya at napayakap kay Diego "Ang galing" ani ni Sasha "Isa pa" "O sige" ani ni Diego at tumaya ulit sila, maya maya ay umalis na sila, dahil yung 60 pesos na pinuhunan ni Diego ay naging 500 na "Mahal gugutom ako" "Anong gusto ng Mahal ko?" ani ni Diego sabay hapit sa bewang ni Sasha "Hotdog" "O sige dun tayo sa booth ni Stella, mambuburaot ako" "Grabe ka" natatawang ani ni Sasha, at magkahawak kamay silang nagpunta sa pwesto ni Stella "Stellang Bayawak, hotdog on stick nga dalawa saka mineral water" "Yung may bacon?" tanong ni Stella "May bacon?" ani ni Diego kay Sasha "Sige" "Sasha, bakit ka nagpabola kay Diego Silang?" ani ni Stella "Sabihin mo Mahal ang dahilan kung bakit mo ako minahal" ani ni Diego kay Sasha "Adorable kasi siya saka loving" "Naku, eto?" natatawang biro ni Stella, siya namang lapit ni Abby at Leny "Daddy" "Daddy? May anak na kayo?" ani ni Stella "Mahabang kwento pero anak ko nga siya" ani ni Diego at tumingin kay Abby "Abby, anak, siya si Tita Stella, friend siya ni Daddy" "Hello po Tita Stella, pwede ako enge hotdog?" ani ni Abby "Sure baby" ani ni Stella "Hoy Stella, enge raw ah" ani ni Diego "Sige na Diego Silang, libre na to para sa inyo" "Apat ahh, apat kami dito" "Oo na" "Nax naman, galante, joke lang yun, babayaran ko to, negosyo to eh" "Wag na okay lang, libre ko na to, minsan lang naman tayo magkitakita, hindi tulad ng iba dyan, walang kwentang kaibigan" "Sorry na kasi" "Bakit?" tanong ni Sasha "Paano kasi three weeks ago ata, kasal nila ni Alex sa civil, invited ako, hindi ako nakapunta" "Busy raw" ani pa ni Stella "Oo nga, madalas nga kaming OT nun, even saturdays may pasok kami, babawi ako sa binyag" "Dapat lang, dahil kahit ayoko gusto ni Alex na magninong ka, sabi ko nga naku ano na lang ang ituturo mo sa anak namin noh" "Kapal mo, ang bait ko kaya" ani ni Diego, inabutan naman ni Stella ng hotdog sina Leny at Abby, tapos ay si Sasha at saka Diego pati na rin Mineral Water "Anak say thank you to Tita Stella" "Thank you po Tita Stella, delicious po" ani ni Abby "You're welcome cutie pie" "Kailan ang balik ni Alex?" ani ni Diego "Two Years contract niya eh, kaya manganganak ako nang wala siya" "Eh ganun talaga, magvideo call kayo habang nanganganak ka, tapat mo sa pepay mo yung camera" ani ni Diego sabay nguya ng hotdog, hindi naman napigilan ni Sasha ang mangiti sa sinabi ni Diego "Siraulo ka talaga" ani naman ni Stella sabay tingin kay Sasha "Uy gandang Sasha, sa binyag sama ka ha? Yayain mo tong tsonggong to" "S-Sige" "Ako din po sama ako" ani naman ni Abby "Sure baby sama ka rin" "Daddy ano po yun?" tanong ni Abby sa ama "Anak, sasama ka pero hindi mo alam kung ano yun? Binyag yun, dun magkakaroon ng godparents ang mga baby na binibinyagan, tapos parang.... basta binyag anak" "Godparents?" "Oo, Ninong at Ninang" "Ano yun?" ani ni Abby, nagkatinginan sina Diego at Sasha "Anak, wala ka bang tinatawag na Ninong at Ninang sa Switzerland?" "Wala po" "Ano ba tong Luisa, napipikon na talaga ako" bulong ni Diego kay Sasha "Diego" ani ni Stella "Iba ang Mommy?" bulong nito, tumango naman si Diego "Nasaan?" "Switzerland, dati kong officemate" "Ahh, bakit parang hindi siya nabinyagan? Kawawa naman" "Kaya nga eh" naiiling na ani ni Diego "Tawagan mo kaya siya, tanungin mo, pag hindi talaga, pabinyagan mo na lang" "Sige pagbalik natin sa Manila" ani ni Diego saka napatingin sa anak na umiinom ng tubig "Daddy pasok tayo sa mumu" ani ni Abby "Bawal ka pa dun, pag bigger ka na lang" "Punta tayo kina Tita Hannah" Hinanap naman ng mata ni Diego ang mga kasama, nakita niya ang mga ito papunta sa nagtitinda ng shawarma "Ayun sila, lika na" saka tumingin kay Stella "Uy eto bayad ko sa kinain namin" "Wag na nga libre ko na sa inyo yun" "O di sige salamat" "Sa binyag ng anak ko ah, Sasha ahh" "Sige" nakangiting ani ni Sasha "Puntahan lang namin mga kasama namin" ani ni Diego "Sige lang" nakangiting ani ni Stella, magkahawak kamay namang naglakad sina Sasha at Diego, maya maya ay nakalapit na sila sa mga kasama "O kayo, shawarma?" ani ni Marco "Hindi na Kuya, kumain na kami ng hotdog" sagot ni Diego "Sure kayo? Libre ko" "Ahh sige libre pala eh" tatawa tawang ani ni Diego "Abby nachos?" ani ni Marco, nakangiti namang tumango si Abby "Thank you Tito Marco" "You're welcome" "Nasaan ang mga Senior?" tanong ni Diego "Anong Senior?" natatawang ani ni Liezl "Lagot ka kay Mama" "Wag ka nang maingay eto naman, asan nga, baka naman naa-out place naman ang tatay ko" "Hoy Diego, ayun sila, nasa gitna pa si Tito Al" ani ni JC "Chickboy din eh" "Chickboy? Susme ang Tatay ko, baka malito yun kay Tita Nenita at Tita Norma, naku JC, baka maunahan pa ako ng tatay ko ikasal, mali to, pipigilan ko sila" biro ni Diego na kunwari ay lalapit pa, tawa naman ng tawa si Sasha "Mahal ko tatawanan mo lang talaga ako, hindi mo ako pipigilan?" "Bahala ka tatay mo naman yun eh" ani ni Sasha at nagtawanan ang mga kasama nila "Unahan na lang natin si Tatay" ani ni Diego "Hoy Diego tumigil ka" ani naman ni Liezl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD