Chapter 14 - STELLA

1119 Words
CHAPTER 14 - STELLA Lumipas pa ang mga oras, pagkatapos kumain ay hinatid muna ni Al ang mga bisita sa guest rooms, marami rin silang kwarto, merong pangmaramihan at dun nila dinala ang mga bata pati mga Yaya, Ang mag-aasawang San Miguel naman ay magkakasama sa isang kwarto, sa isang kwarto naman sina Nenita, Norma at Sasha, tumambay naman sa may balkonahe sina Diego at Sasha at nakaupo sa kawayang sofa "Grabe Mahal ko, busog na busog ako" ani ni Sasha sabay himas sa tiyan "Ako rin, nabusog" ani ni Diego, nahiga siya at umunan sa hita ni Sasha, hinimas naman ni Sasha ang buhok niya "Hala may kuto" natatawang biro ni Sasha habang sinisilip ang buhok ni Diego "Baliw ka Mahal ko ah" natatawang sagot ni Diego "Si Abby kaya matutulog yun kasama sina Gianna?" "Oo, malamang yun" "Ikaw? Okay ka lang kasama sina Tita Nenita?" "Oo naman" "Ayaw mong tumabi sa akin?" "Ikaw talaga" naiiling na ani ni Sasha "Bakit? Ikaw ah, behave kaya ako" "Hindi papayag sila Tita Nenita, at saka kahit pumayag sila ayoko pa rin, kasi ayokong may masabi sila sa akin lalo na ang tatay mo" "Sus naman ang Mahal ko, okay lang sige, mamaya pasyal tayo, merong perya dito, punta tayo gusto niyo?" "Okay lang sa akin, tanungin mo sila" "Sige, matutuwa ang mga bata dun may magic show kasi dun" "Sige dalhin natin sila, malamang marami nanamang tanong si Abby" "Ang kulit pa naman nung anak natin na yun" "Oo nga" "Okay lang sayo na anak si Abby?" "Oo, mahal ko si Abby at mahal rin kita" "Mahal na mahal ka rin namin" ani ni Diego saka bumangon at niyakap si Sasha at hinalikan sa noo, siya namang lapit ni Alfredo sa kanila, umayos sila ng upo "Kamusta kayong dalawa?" ani ni Alfredo "Okay lang po kami Tay" ani ni Diego "Mabuti naman Iha at natanggap mo si Diego kahit may anak na siya" "Ah Tatay Al, mabait naman po si Diego, at nakikita ko po na mahal na mahal niya si Abby, yun po ang nagustuhan ko sa kanya, mapagmahal kasi siya" "O diba Tay?" nakangiting ani ni Diego sa ama "Eh paano nga ba kayo nagkakilala?" Nagkatinginan sina Diego at Sasha "Ahm, Kapatid po siya ng officemate ko dati" "Ahh, nagtatrabaho ka na ba Iha?" ani ni Alfredo kay Sasha "Ahm, nag-aaral pa po, pero this school year po graduating na po ako" "Talaga? Maganda yan, magtapos ka muna ng pag-aaral, wag kang pabobola masyado sa anak ko" natatawang ani ni Alfredo napakamot naman sa ulo si Diego "Ah Tay" ani ni Diego "Bukas pa ang peryahan malapit dito diba?" "Ah oo, tama ipasyal mo sila mamaya dun, matutuwa lalo ang mga bata" "Sama ka Tay, samahan mo kami" "Alam mong wala akong hilig sa ganyan" "Sige na Tay, minsan lang naman kaming nandito" "Sige titingnan ko, mamaya pa naman yan... o paano magpapahinga muna ako, kayo rin magpahinga muna kayo" "Sige Tay" ani ni Diego "Sige po" ani ni Sasha saka tumingin kay Diego "Wag raw ako pabobola sayo" natatawang ani ni Sasha "Wag kang maniwala dun, saka kailan ba kita binola? Mahal na mahal kaya kita" "Sus" ani ni Sasha sabay pisil sa pisngi ni Diego "Mahal na mahal rin kita" "Kiss mo ako" ani ni Diego, dinampian naman siya ng halik sa labi ni Sasha, napakamot nanaman siya ng ulo "May kuto ka nga siguro" natatawang ani ni Sasha "Loko ka ah" natatawang ani ni Diego saka kiniliti sa bewang si Sasha "Wag!" ani ni Sasha, niyakap naman siya ni Diego at gumanti rin siya ng yakap dito, hinalikan naman siya nito sa balikat tapos ay sa leeg saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi at hinalikan sa labi at muling niyakap. Kinagabihan ay nagpunta sila sa perya, sumama na rin si Alfredo dahil pinilit siya ng apo "Wow Lolo ganda dito" ani ni Abby habang karga ni Alfredo "O apo, manonood kayo mamaya ng magic show ha?" "Opo" sagot ng bata nang may madaanan silang isang hotdog booth, napakunot ng noo si Diego nang makita ang babaeng nasa gilid ng isang booth "Stella?" ani ni Diego, napatingin naman ang babae sa kanya "Diego Silang?" "Stella" ani ni Diego sabay tingin kay JC "JC si Stellang Bayawak o" tinanguan naman ito ni JC "Tarantado ka talaga" ani naman ni Stella sabay hampas kay Diego "Nax naman Stella, mukha ka nang tao ngayon ah" "Ewan ko sayo, galit ako" Napakunot naman ang noo ni Sasha, ni hindi man lang siya pinakilala ni Diego sa kausap "Ang kulit mo naman eh, teka may papakilala ako sayo" ani ni Diego at hinawakan ang kamay ni Sasha "Si Sasha, girfriend ko, ah Sasha si Stella kababata namin" "Girlfriend mo?" ani ni Stella "Naku iha, wag mong sirain ang buhay mo, bata ka pa at maganda, humanap ka na lang iba" ani nito kay Sasha, ngumiti naman si Sasha "Siraulo talaga to" ani ni Diego kay Stella saka bumulong "Yung asawa mo may iba na sa Dubai" natawa naman si Stella saka bumulong rin "Gago, pepay ko lang ang gusto nun" ani ni Stella at nagtawanan sila at naghampasan, kinuha naman ni Sasha ang kamay at lumapit kay Abby "Mommy, sino yun?" ani ni Abby "Friend daw ng Daddy mo" "Oo kababata nila yun ni JC pero mas close sila ni Diego" ani ni Alfredo saka binaba ang apo "Mommy nood na tayo ng magic" ani ni Abby "Sige lika" ani ni Sasha at hinawakan sa kamay si Abby at naglakad na sila "Naku Stellang Bayawak, mukhang iniwan na ako ng mga kasama ko" ani ni Diego "Ang daldal mo kasi" natatawang ani ni Stella "O sige kita kits na lang ulit" "Sige" at tumalikod na si Diego, nakita niya ang mga kasama papasok na sa magic show, kaya sumunod siya "Iniwan niyo naman ako" ani ni Diego, napatingin lang si Sasha sa kanya "Eh mukhang busy ka pa kay Stella, eh magsisimula na ang show" ani ni Alfredo sa anak, hinawakan naman ni Diego ang kamay ni Sasha pero binawi ito ng babae, napakunot ng noo si Diego, maya maya ay pumasok na sila sa loob, tinabihan niya si Sasha at hinawakan ulit ang kamay nito, pero binawi ulit ni Sasha, kinuha niya ulit ang kamay pero binawi ulit ni Sasha, kaya kinuha niya ulit ito ay inipit sa braso niya, pilit itong binabawi ni Sasha pero hindi makuha, tumingin si Sasha sa kanya at nilakihan niya ito ng mata "Naiinis na ako" bulong ni Sasha "Pag binawi mo ang kamay mo sisigaw ako dito na mahal kita" ani ni Diego, sumimangot si Sasha at hindi na binawi ang kamay niya, napangiti naman si Diego dahil mukhang nagseselos ang Mahal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD