CHAPTER 13 - TATAY AL
"O tutal Sunday naman, bukas na kayo umuwi at alam ko holiday din bukas" ani ni Nenita sa mga bisita
"Sige po ba Tita, mukhang namiss niyo kami" ani ni Marco
"Oo naman, namiss ko kayo, one time nga mag-out of town tayo"
"Ahh alam ko na kung saan tayo pupunta" ani ni Diego "JC, sa farm"
"Tama, sa farm sa Batangas Ma" ani ni JC
"Farm nino?"
"Farm po nina Diego"
"May farm kayo?" ani ni Nenita kay Diego
"Actually sa parents ko po yun"
"Eh di maganda, sige set natin yan"
"Sige po, sasabihin ko po sa tatay ko, siya na lang po ang namamahala dun eh"
"Sige pag-usapan natin yan mamaya"
"Sige po"
"May farm kayo?" ani ni Sasha
"Sa parents ko yun"
"Ang sarap siguro magrelax dun"
"Oo naman Mahal ko, masarap magrelax dun, sariwa ang simoy ng hangin, pati mga tanim na gulay at prutas sariwa din, pero mas marami ang puno ng mangga"
"Nakakaexcite naman"
"Papakilala kita sa tatay ko"
"Hala"
"Bakit?"
"Nakakahiya, wag muna nating sabihin"
"Mahal ko, ako ang bahala, gusto ko maipakilala kita sa tatay ko, pati si Abby, alam na niya ang tungkol kay Abby kaya gusto niyang makilala, hindi lang siya makaalis sa farm, wala kasi yung katiwala, nagbakasyon, sabi ko kami na lang ni Abby ang pupunta"
"Tingin mo magustuhan ako ng Tatay mo?"
"Oo naman, adorable ka rin kaya"
"Ikaw yun eh" natatawang ani ni Sasha
"Ikaw rin kaya" natatawang sagot ni Diego
Lumipas pa ang mga araw, napagkasunduan nilang friday morning sila babyahe papuntang Batangas, dalawang van ang dadalhin nila, sumapit ang araw ng biyernes, nagleave na sa trabaho sina JC at Diego, nag-aayos na sila ng mga gamit at sinakay sa van
"Magdadala ng sariling van mga San Miguel, convoy na lang tayo" ani ni JC
"Daddy san tayo punta?" ani ni Abby
"Kay Lolo mo, Lolo Al"
"Lolo Al?"
"Opo, tatay ko siya kaya Lolo mo siya"
"Daddy, mabait lolo ko?"
"Opo mabait si Lolo, matagal ka na niyang gustong makita eh"
"Love niya rin ako?"
"Opo love ka ni Lolo, anak, happy ka ba kay Daddy?"
"Opo happy po, mas happy po ako dito" ani ng bata, ngumiti si Diego at niyakap ang anak
"O lika na, ready na ba lahat?" ani ni JC, nilapitan naman ni Diego si Sasha at kinuha ang mga gamit nito
"Akina na Mahal ko, dun tayo sa likod ng sasakyan para masolo kita"
"Hoy Diego" ani ni JC "Narinig kita, dun ka sa harap at magpapalitan tayo ng pagmamaneho at siguradong traffic"
"Talaga tong si JC" ani ni Diego sabay nguso, napangiti naman si Sasha at inipit ang nakangusong labi ni Diego
"Yaan mo na Mahal, kawawa naman si Kuya JC walang kapalitan"
"Sige na nga, lika na" ani ni Diego at magkahawak kamay silang nagpunta sa van
"Anong oras kaya tayo makakarating sa inyo?" ani ni Sasha habang inaayos ang gamit
"Sana makarating tayo ng lunch time" ani ni Diego
Lumipas pa ang mga oras, sinwerte na silang nakarating ng 12:30pm sa Cristobal Mango Farm, malaki ang lupain na yun at maraming puno ng mangga
"Daming trees" ani ni Abby
"Dami ba baby?" ani Sasha habang kandong si Abby
"Opo Mommy, akyat tayo sa trees"
"Sabihin mo kay Daddy mo, akyat kayo"
"Marunong ba si Daddy?"
"Tanungin mo"
"Daddy" tawag ni Abby si ama
"O bakit?"
"Akyat tayo sa tree"
"Naku, marunong ka ba?"
"Hindi, karga mo ako pag akyat"
"Patay tayo dyan" natatawang ani ni Diego "O andito na tayo" ani ni Diego, hininto na ni JC ang van, huminto na rin ang van na dala nila Marco, nagsibabaan na sila, bungalow style ang bahay sa may farm pero malaki ito, lumabas naman sa may pinto si Alfredo, ang ama ni Diego
"Tay" tawag ni Diego sa ama, binuhat naman niya ang anak at hinawakan sa kamay si Sasha "Lika dali pasok tayo"
"Tara" ani ni JC, lumapit si Diego sa ama
"Tay" ani ni Diego sabay mano
"O, siya na ba?" sabay turo kay Abby
"Opo" ani ni Diego "Anak, bless ka kay Lolo Al" ani pa niya, nagmano naman ang bata, kinuha naman ito ni Alfredo
"Apo ko, kamusta ka?"
"Lolo kita?" ani ni Abby
"Opo, lolo mo ako, ako si Lolo Al"
"Lolo Al"
"How old are you apo?"
"Four years old po"
"Ganda naman ng apo ko" ani ni Al sabay halik sa pisngi ni Abby
"Ahm Tay" ani ni Diego "Si Sasha po, girlfriend ko po"
"G-Good Afternoon Sir" ani ni Sasha
"Ano bang Sir, tawagin mo akog Tatay Al" nakangiting ani ni Alfredo "Mahusay kang pumili Diego ha"
"Siyempre naman po Tay" ani ni Diego, ngumiti naman si Sasha
"O kumain na lika na, JC" ani pa ni Alfredo
"Opo Tito, kilala niyo na sila diba?" ani ni JC
"Oo naman, nung kasal mo, nagbonding kami" ani ni Al, nagtawanan naman ang mga kasama "Marami akong pinahandang lunch"
"Lolo, may fried chicken po?" ani ni Abby
"Opo apo, meron"
"Yehey, kakain kami mga pinsan ko kasi favorite namin yun eh"
"Sus anak" ani ni Diego "Yayain mo na ang mga pinsan mo" ani pa ni Diego, binaba naman ni Al ang apo, lumapit naman si Abby sa ibang bata at sabay sabay na silang nagpunta sa dining, marami nga itong pinahandang pagkain, may crabs, shrimps, inihaw na bangus, fried chicken, mangga, s**o at gulaman at kung ano ano pa
"Ang daming foods, parang fiesta" ani ni Echo, nagtawanan naman ang mga kasama
"Fiesta talaga ngayon iho" ani ni Alredo "Kasi andito kayo"
"O kain na" ani ni Diego saka tumingin kay Sasha "Mahal ko kain ka na, pakabusog ka ha?"
"Oo naman, sabay tayo"
"Subuan kita gusto mo?" nakangiting ani ni Diego
"Wag na ikaw talaga" natatawang ani ni Sasha
"Mahal mo ako?"
"Mahal na mahal"
"Namiss kita Mahal ko"
"Namiss? Eh magkasama naman tayo sa sasakyan ah"
"Hindi naman kita katabi, bwisit kasing JC to eh"
"Yaan mo na"
"Hoy kayong dalawa, kain muna" ani ni Alfredo kay Diego at Sasha
"Opo Tay" ani ni Diego "Kain na tayo" ani pa niya kay Sasha.