Lumipas pa ang mga araw, weekend na, celebration na ng 4th birthday ni Abby, nag-ayos na sila sa bahay, marami rin gifts dahil kada bata may gift para kay Abby, alam kasi nila ang kwento kaya gusto nila maging special to para kay Abby, nagluto na lamang sila, nagbigay na lang si Diego na pambili ng mga kailangan, ayaw na sanang tanggapin ni JC pero ayaw naman ni Diego na walang ambag para sa birthday ng anak, nasa may condo pa sila at nag-aayos nang magtanong si Abby
"Daddy, what time tayo aalis?"
"Maya maya, wait lang, magsisimba muna tayo tapos pupunta tayo kina Tito JC"
"Okay po pero bakit nakadress po ako ng maganda?"
"Maganda ba? Si Mommy Sasha ang pumili niyan"
"Ang galing talaga ng Mommy Sasha ko" ani ni Abby, napangiti naman si Abby saka tumingin kay Leny "Ate Leny pretty na ba ako?"
"Sobrang pretty na ng baby girl na to" ani naman ni Leny
"Maayos na ba ang hair ko? Tingin ko sa mirror" ani pa nito at kinuha ang salamin, napangiti naman si Diego
"Ano? Okay na Baby Abby ko?"
"Yes Daddy"
"O magbihis ka na Leny"
"Opo Kuya" ani ni Leny at pumasok na sa kwarto nila ni Abby
"Daddy para akong princess today"
"Princess naman talaga ng Daddy yan eh" ani ni Diego sabay yakap sa anak
"Daddy baka magulo ang hair ko"
"Anak ang arte mo ah" natatawang ani ni Diego, natawa rin si Abby "Kiss ko nga baby ko" ani pa ni Diego kumiss naman sa lips niya si Abby, walang alam ang bata na may birthday party pala na inihanda para sa kanya sa bahay ng Tito JC niya
Maya maya ay umalis na sila, 11am ay nasa bahay na sila ni JC, pagbukas ng pinto ay nagpasabog sila ng confetti at sumigaw ng "Happy Birthday" nagulat si Abby na karga naman ni Diego, napatingin ang bata sa kanya
"Happy birthday anak" ani ni Diego
"Tara na sa pool area" ani ni Liezl at nagpunta na sila sa may pool area, gumawa pa sila ng parang stage, may back draft, may balloons and flowers, malaki rin cake niya, hindi nakakibo si Abby at nakatingin lang sa paligid, dinala siya ni Diego sa may cake, at nagsimula na silang kantahan ito ng Happy Birthday, biglang tumulo ang luha nito at yumakap sa ama, huminto sila sa pagkanta
"Anak bakit?" nag-aalalang ani ni Diego
"Birthday ko po pala, hindi ko po alam, saka ngayon lang po ako nagkaroon ng cake at balloons pag birthday"
"H-Hindi ka ba hinahandaan ni Mommy pag birthday mo?"
"Hindi po, hindi niya sinasabi pag birthday ko"
"Yaan mo anak, every year magcecelebrate ka ng birthday mo" ani ni Diego, yumakap ulit si Abby sa kanya, hindi rin napigilan ni Diego na tumulo ang luha, talaga palang memorable ito kay Abby dahil first time niya na magbirthday party "O go, sing ulit" ani niya kaya nagkantahan ulit ang mga bisita, lumingon naman si Abby kay Sasha at iniabot ang kamay dito, inabot naman ito ni Sasha at lumapit, mukhang isa talaga siya sa magulang ni Abby, nang matapos ang kanta ay binlow na ni Abby ang candle sa cake, nagpalakpakan ang mga bisita, nagpicturan muna sila, may solo picture si Abby, sila ni Diego, sila ni Sasha, silang tatlo, kasama ang mga bata, kasama ang lahat, maya maya ay kumain na sila, kasama ni Abby ang ibang mga bata, pati si Callie ay andun
"Abby ako si Alliyah" ani ni Alliyah
"Ako si Abby" sagot ni Abby at nagtawanan sila
"Swimming tayo mamaya"
"Sige paalam tayo swimming tayong lahat"
"Abby ako si Ate Gianna" ani naman ni Gianna
"Ate Gianna, pinsan ko rin po kayo?"
"Oo, pwede"
"Yehey dami kong pinsan" ani ni Abby
"Abby magaganda gifts namin para sayo" ani ni CJ
"Talaga? Maya open ko"
"Sige"
"Nakakatuwa sila, akala mo matagal nang magkakakilala eh ngayon lang naman nagkita" ani ni Diego
"Lagi naman na silang magkikita" ani ni Jake
"Salamat sa inyong lahat ha?" ani ni Diego
"Pero ang gara naman" ani ni Hannah "Hindi man lang siya pinaghahanda ng Mommy niya pag birthday niya"
"Naku, ewan ko kay Luisa, sana nung una pa lang binigay na niya si Abby sa akin, iba ang naranasan ni Abby sa piling niya"
"Di bale andyan ka naman para bumawi sa kanya" ani ni Jake, tumango naman si Diego at napatingin kay Abby na papalapit sa kanila, binuhat niya ito
"Daddy thank you po"
"Para saan?"
"Para sa party ko"
"You're welcome anak, magthankyou ka rin sa mga Tito at Tita mo"
"Thank you po mga Tito at Tita" ani ni Abby sabay kaway
"Ako si Tita Hannah"
"Tita Hannah" ani ni Abby
"Ako si Tita Magdalene"
"Tita Magdalene"
"Ako si Tito Jake"
"Tito Jake"
"Ako si Tito Marco"
"Tito Marco"
"Natatandaan mo?" ani ni Diego
"Opo, siya po si Tito Marco" sabay turo kay Marco "Si Tito Jake, Tita Hannah, Tita Magdalene" ani ng bata at tinuro isa-isa
"Ang talino mo naman" ani ni Hannah
"Thank you po"
"Ehem syempre kanino pa ba magmamana yang anak ko?" ani ni Diego
"Kay Mommy Sasha" sagot ni Abby, nagtawanan naman ang mga kasama
"Ah ganun? Sige na bumaba ka na" ani ni Diego at binaba ang anak
"Daddy, wag ka nang magalit, magsuswimming po kami ah"
"Opo na po sige na po, sabihin mo kay Ate Leny" ani ni Diego
"Yehey" at tumalikod na ito at nasalubong naman nito sina Nenita at Norma
"Hi Mamita, Hi Lola" ani ni Abby
"Hi Abby, Happy birthday" ani ni Nenita "O gift namin to ni Lola Norma sayo, ingatan mo, baka mabagsak, bawal mabagsak" ani pa ni Nenita, nagtinginan naman sila Diego at ibang mga kasama
"Bawal mabagsak po?" ani ni Abby
"Opo"
"Buksan mo na Abby" ani ni Norma, kaya binuksan ito ni Abby
"Wow, tablet, yehey" ani ng bata
"Nagustuhan mo apo?" ani ni Nenita
"Opo, thank you po Mamita, thank you po Lola"
"You're welcome"
"Abby, patabi mo muna kay Ate Leny, magsuswimming na kayo diba?" ani ni Diego
"Opo" sagot ng bata, lumapit naman sina Nenita at Norma sa kanila
"Thank you po Tita Nenita, Tita Norma, sana hindi na po kayo nag-abala, sobra na nga po to na dito ginawa ang celebration niya"
"Okay lang, bata yun eh" ani ni Nenita "Saka magagamit niya yun para matuto magbasa at kung ano ano pa"
"Thank you po ulit"
"You're welcome, o ano bang pagkain? Gutom na rin kami"
"Ma" ani ni Liezl "May menudo, lumpiang shanghai, spaghetti, palabok, fried chicken lollipops, may pork barbeque din po, tapos may salad din"
"Wow dami ahh, kamusta ang cake? Masarap ba?"
"Opo" ani ni Liezl "Galing mo magbake Ma"
"Syempre naman, ginandahan ko talaga yan para kay Abby, saka passion ko yan eh, kaya nga sabi ko wag na kayong bumili at ako na ang bahala sa cake"
Lumapit naman si Diego kay Sasha na nag-aayos ng mga regalo "Mahal ko"
"O Mahal"
"Kain na tayo"
"Sige, ano bang gusto mo?"
"Ikaw" bulong ni Diego
"Pilyo ka" ganting bulong ni Sasha
"Basta, lahat naman masarap, kain na muna tayo"
"Oo sige, upo ka na"
"Ikaw ang maupo, ako na ang kukuha" ani ni Diego, siya namang lapit ni Nenita
"O kayong dalawa" ani ni Nenita "Okay lang sa akin na may relasyon kayo, pero Sasha gusto ko makapagtapos ka"
"Tita, nangako po ako, at saka gusto ko po kayo ang kasama ko sa pagmamartsa pag nakagraduate ako"
Ngumiti si Nenita at hinimas sa pisngi si Sasha "Magiging masaya ako pag nakatapos ka at natupad mo ang mga pangarap mo"
"Thank you po" ani ni Sasha at nagyakapan sila ni Nenita "Kakain na po kayo? Upo na lang po kayo, ako na po magbibigay ng food niyo"
"Naku wag mo kaming intindihin, yang boyfriend mo ang intindihin mo" nakangiting ani ni Nenita
"Thank you po sa pagtanggap" ani ni Diego
"Kilala naman kasi kita, at saka pinsan ka ni JC, madali kitang mahahunting pag may ginawa kang mali" natatawang ani ni Nenita
"Lagot ka" ani ni Sasha kay Diego, napangiti lang naman siya.