CHAPTER 11 - KISS
Lumipas pa ang mga oras, nakapag-enroll na si Sasha at nagpunta na sila sa mall, binilhan na siya ni Liezl ng laptop, dinala nila ang mga bata sa isang pay playground, kasama nito sa loob sina Leny at Lita, naiwan naman sa labas sina Liezl at Sasha
"Ate, salamat po" ani ni Sasha
"Ang dami mo nang thank you, tama na" nakangiting ani ni Liezl "Pero maiba tayo, happy ka ba ngayon na kayo na ni Diego?"
"Opo, mahal ko po talaga siya, unang kita ko po sa kanya sa may coffee shop kausap si Kuya JC, dun pa lang crush ko na po siya"
"Talaga?" tila kinikilig na ani ni Liezl
"Oo Ate, grabe ang ganda kaya ng ngiti niya"
"Kagabi mo lang daw siya sinagot?"
"Opo, hindi ko na po matiis eh, para po akong sasabog pag hindi ko po nasabi na mahal ko siya"
"Mabuting tao naman si Diego, pero alam mo na"
"Oo Ate, magtatapos ako, magtatrabaho po ako, tutulong rin po ako sa inyo kahit paano"
"Naku, ang ayusin mo yung buhay mo, yung matupad mo ang mga pangarap mo, wag kami ang intindihin mo, etong binibigay namin, tulong to dahil alam namin na mabait kang bata"
"Alam mo Ate, sana maging masaya rin si Ate Sally para sa akin"
"Sure ako, narinig ko naman ang naging usapan niyo, sorry Sasha, pero kailangan pagbayaran ni Sally ang nagawa niya eh"
"Naiintindihan ko po, nagkamali siya eh, muntik pang mapahamak si Callie at Kuya JC"
"Oo nga pala, sabi ni JC, sa wednesday daw four years old na si Abby"
"Talaga po? Ano kaya ang plano ni Diego?"
"Ewan ko dun, pero parang weekend gagawin"
"Hmm, Ate, pwede ba akong magpaalam bukas? Bibilhan ko ng gift si Abby"
"Eh bakit hindi na lang tayo bumili ngayon?"
"Baka makita niya po"
"Mamaya pa naman sila, bumili muna tayo tapos lagay na natin sa sasakyan"
"Sige po"
"Lika na" ani ni Liezl at umalis na nga silang dalawa
Halos 6pm na nang makauwi sila, andun na rin sina JC at Diego at nagkukwentuhan sa sala, tumakbo naman si Abby sa ama
"Daddy"
"Baby" ani ni Diego sabay yakap sa anak
"Daddy may mga crayons ako, tapos coloring book saka reading book saka paper and pencils saka backpack"
"Wow naman, nagthank you ka ba kay Tita Liezl?"
"Opo, maraming thank you" ani ni Abby, natawa naman sila sa sagot ng bata, tumayo naman si Diego at lumapit kay Sasha
"Hi Mahal ko, napagod ka ba?"
"Okay lang ako Mahal" sagot naman ni Sasha "Wait lang, ipapasok ko lang sa kwarto yung binili namin
"Tulungan na kita"
"Hindi na"
"Mommy, sama ako sa room mo, patingin ako things mo" ani ni Abby
"Anong tawag mo sa kanya anak?" ani ni Diego
"Mommy po"
Napatingin si Diego kay Sasha "Sabi niya yun daw ang gusto niyang itawag sa akin eh" ani ni Sasha
"Talaga?"
"Oo" ani ni Sasha saka tumingin kay Abby "Baby lika na, tapos magpalit ka ng damit okay?"
"Opo" sagot ng bata
"Ate, Kuya pasok lang kami sa loob"
"Sige lang" ani ni JC, naupo naman ulit si Diego
"Nakakatuwa naman, magkasundo ang dalawang pinakaimportanteng tao sa buhay ko" ani ni Diego
"Uy Diego, birthday na pala ni Abby sa wednesday anong plano?" ani ni Liezl
"Sa weekend ko na lang gagawin, wala pa nga akong maisip, gusto ko sana siyang bigyan ng isang mini party, pag five na lang niya saka ako magpapaparty talaga ng bongga"
"Sige, dito na lang, invite na lang natin sina Hannah at Ate Magdalene, swimming party tapos maglagay tayo ng tarpaulin, balloons at kung ano ano pa" ani ni Liezl
"Pwede wifey" ani naman ni JC
"Hindi ba nakakahiya? Baka naman pang-aabuso na yun"
"Okay lang yun, first time ni Abby magbibirthday kasama ka, dapat memorable yun"
Ngumiti si Diego "Sige salamat ah"
"Wala yun, all for our Baby Abby"
Maya maya ay nagdinner na sila, pumasok naman na sa kwarto sina Liezl at JC kasama sina Abby at Callie, nasa may poolside naman sina Diego at Sasha na magkatabing nakaupo sa isang long chair
"Mahal" ani ni Diego "Ang saya ko, hindi ko alam"
"Hmm" nakangiting ani ni Sasha "Ngapala, anong plano mo sa birthday ni Abby?"
"Eh sabi ni Liezl, swimming party na lang daw, invite na lang San Miguel Family, tapos mag-aayos siya ng mga designs"
"Pwede nga, tutulong ako"
"Salamat" ani ni Diego saka inikot ang kamay at inikot sa may braso ni Sasha, sinandal ni Sasha ang ulo sa may balikat ni Diego
"Excited ako sa preparation ng Birthday ni Abby" ani ni Sasha
"Ako rin, kailan pala ang pasok mo?"
"Three weeks from now"
"Anong schedule mo?"
"Wala pa eh, babalik na lang kami for the schedule, hindi pa raw naaayos kasi early enrollment ako"
"Okay, pag may time ako, sasamahan kita"
"Sige ikaw ang bahala"
"Parang ayaw mo ah" biro ni Diego
"Gusto ko kaya" ani ni Sasha saka humarap kay Diego, hinalikan naman siya nito sa labi, mas matagal, mas intimate, naghiwalay ang kanilang mga labi, yumuko si Sasha
"Bakit?"
"Nahihiya ako"
"Bakit naman?"
"Hindi ako marunong kumiss"
"Ang sarap nga eh, ang tamis"
Napailing si Sasha at ngumiti "Puro ka kalokohan"
"Joker lang ako, pero hindi kita lolokohin"
"Promise?"
"Oo naman, promise"
"Mahal na mahal kita"
"Mahal na mahal rin kita"
"Sana hindi matapos to, sana tayo nga forever"
"Tanggalin mo yung sana, dahil magiging tayo forever"
"Paano kung bumalik ang Mommy ni Abby?"
"Eh di bumalik siya, if ever naman si Abby lang ang magiging reason ng pagbalik niya, wala naman siyang babalikan sa akin, saka ikakasal na nga siya, o baka kinasal na nga, kasi nung iniwan niya si Abby, one month pregnant na raw siya"
"Magkakaroon na pala siya ng bagong baby, wag niya sanang gawin yung ginawa niya kay Abby dun sa baby niya"
"Malamang hindi, kasi sabi niya mahal niya si Harold, kaya mas pinili niyang iiwan ang anak ko sa akin dahil hindi niya nga ako mahal, alam mo kahit ganun na one night stand lang ang nangyari sa amin, mahal ko si Abby, ni hindi ko naramdaman na hindi ko siya mahal kasi hindi ko naman mahal ang Mommy niya, magkaiba sila, dugo at laman ko ang anak ko" ani ni Diego
Ngumiti si Sasha at yumakap kay Diego, niyakap rin siya nito "Kaya mahal kita eh"
"Wow ahh, kala ko kaya mahal mo ako kasi gwapo ako"
"Secondary na lang po yun"
"Basta ako ikaw lang ang mahal ko"
"Dapat lang"
"Pakiss pa ako"
"Ayoko na"
"Bakit naman?"
"Hindi nga ako marunong nakakahiya"
"Tuturuan kita"
"Ayoko nga"
"Alangang iba ang magturo sayo, ako lang ang magtuturo sayo, hindi pwedeng iba" ani ni Diego natawa naman si Sasha, hinalikan siya ulit ni Diego, kusa namang gumalaw ang mga labi kasabay ng pag galaw ng mga labi ni Diego.