"Hindi totoo ang sinasabi niya" bulong ni Diego kay Rico "Hayaan mo siya Diego, hayaan mong maniwala siyang makukuha niya ang anak niyo" "Your Honor" ani ng abogado ni Luisa na si Atty. Mendoza "Hihilingin po sana namin na habang umaandar ang kasong ito ay makuha ni Mrs. Fernandez si Abigail Louise Ramirez Cristobal, sa tingin po namin ay dapat na nasa pangangalaga ng ina ang bata" Tumayo naman si Rico "I object your honor, paano po natin ipagkakatiwala ang bata sa mga taong kinatatakutan niya dahil sa attempted kidnapping na ginawa nila, sa kasalukuyan po ay ayaw pumasok ng bata sa eskwela dahil na rin sa ginawa ng mag-asawang Fernandez" "Anak ko siya, gusto ko siyang makasama" ani ni Luisa, pinatahimik naman sila judge, naupo silang lahat at nag-antay "Ang kakapal ng mukha nila, hin

