Lumipas pa ang mga araw, Linggo, araw ng civil wedding nina Diego at Sasha, dumating din si Alredo, pati mga San Miguel "Andito na pala sila" ani ni JC nang dumating ang mga San Miguel, naglapitan rin ang mga ito kay Alfredo at bumati dito "Lolo Al may dala kang mangoes?" ani ni Gianna "Opo Apo" ani ni Al "Enge kami" "Meron kayong lahat" "Lolo Al, sa bakasyon punta kami sa farm ah?" ani naman ni Alliyah "Sure kahit buong bakasyon anduon kayo, magiging masaya ang Lolo Al niyo" "Tito pasensiya na po kayo sa mga anak, napakadaldal" ani ni Hannah, naiilang pa rin siya sa matanda dahil kapatid ito ng ina ng Kuya JC niya "Naku Hannah, okay lang yun, pamilya tayo dito, pamilya rin kita dahil kapatid ka ng kaisa isa kong pamangkin, kaya wag ka sanang maiilang sa akin" "O-Opo, pasensiya n

