CHAPTER 5 - Si Twinkle

1194 Words
Tuwang - tuwa si Ria at Lola Iska na umuwi, sa kadahilanan na marami silang napamili at marami pang natitira sa kanilang pera para sa enrolment ni Ria sa Elementary School. Mayroon pa silang maiipon na pera, sa sobra o natira sa pera nila. Habang nag luluto si Lolang Iska ng paninda nila at ulam na din nila, ay nag saing naman si Ria sa lumang luma nilang Rice Cooker. Bigay ito ng kanilang kapitbahay. Para makatulong sa dalawang mag Lola’t Apo. Pag katapos mag saing ay nag bihis na ng pantulog si Ria sa kanilang kuwarto ng kanyang Lola. Kahit hindi pa siya matutulog, at balak pa niyang mag bantay ng kanilang maliit na sari sari store. Habang nag babantay ay, dumampot ng comics na luma si Ria upang basahin. Nag aaral siya mag basa at mag bilang ng pera. Hanggang isangdaan lamang ang alam pa lang niyang bilangin. Pero nag papasalamat siya sa Lola niya na matiyaga na tinuturuan siya nito. Lalong lalo na sa pananalangin, kung paano mag sign of the cross at manalangin ng Ama Namin. Sa mura niyang edad ay hindi na din siya gaano nahuhuli sa mga nalalaman niya pag dating sa Math subject at Filipino subject. Ang iba pa ay sa school na lang niya aalamin o pag aaralan. Pala kaibigan si Ria, kaya maraming naaaliw sa kanya. Pero kahit marami siyang kaibigan ay nanatiling mapagpakumbaba at marunong rumespeto sa mga matatanda. Sa taglay niyang ganda kahit musmos pa lamang, ito ang nag sisilbing blessings sa kanya. Dahilan upang siya'y kagiliwan ng marami. Kinabukasan ng umaga, bago mag Misa ay na sa gilid na ng simbahan si Ria upang mag tinda ng sampaguita. Nag kukumpulan sila habang si Ria naman ay nag titinda sa mga suki niyang mamimili. “ Ria ganda natin ah. Mamaya manonood ako ng kakantahin mo ha? “ wika naman ng isang batang babae kay Ria. Kasama nito ang kanyang Mommy and Daddy. “ Mommy, Daddy susunod na po ako sa inyo, Mauna na po kayo. Sasaglit lang po ako kay Ria upang bumili ng sampaguita. Pero need ko pa pong pumila. “ hiling ng isang mistisang batang babae na sa ganda ng kasuotan ay lalong nag mukahng mayaman ito. “ OKay iha. Basta sumunod ka kaagad ha. Kailangan bago mag umpisa ang Misa ay nandito ka na sa loob at naka upo sa tabi namin. “ wika ng kanyang Daddy. “ Opo. “ maikling sang ayon ng batang babae. Pumasok na ang mga magulang ng batang baba. At pumila naman ito upang bumili ng sampaguita. Tuwang tuwa itong nakipag kwentuhan kay Ria. “ Ria, nandyan ba si Alexander? Kasama mo ba siya? “ kinikilig na sabi naman nito, habang sinasamyo ng batang babae ang kumpol ng sampaguita sa kanyang mga kamay na hawak. “ Ay! Si Alexander? Oo mamaya pupunta yun dito. Hindi ko pa alam kung dumating na ba siya para mag tinda ng medalyon ng Mahal na Birheng Maria. At ng Kruz. “ wika ni Ria habang abala ito sa pag tanggap ng bayad at pag abot ng sampaguita sa mamimili. “ Hay naku! Malapit na mag umpisa ang Misa. Papasok na ako. Paki sabi kay Alexander, I miss him. Hihihihi. “ lambing naman ng batang babae kay Ria na akala mo si Alexander ang kaharap. Natawa naman si Ria sa inakto ng batang babae. Pumasok na ang batang babae na kaibigan ni Ria. Si Twinkle. Napakabait, maganda at tahimik na bata si Twinkle. Pero nang makilala nito si Ria ay naging madaldal na ito at masiglahin. Anak mayaman si Twinkle. Pero hindi spoild brat. Kaisa-isang anak ng isa sa mga Billionariong mag asawa dito sa Maynila. Saka naman dumating si Alexander at lumugar ito sa tabi ni Ria. Mayroong hawak na bungkos na kuwintas ng Medalyon ng Mahal na Birhen at Kuwintas na Kruz. “ Alexander, mayroong nangangamusta sayo. “ wika ni Ria dito. “ Sino? “ pasimpleng itinaas ni Alexander ang isang kilay na tanong niya kay Ria. “ Si Twinkle. Miss ka daw niya. “ nangingiting wika ni Ria kay Alexander. Biglang inihit ng ubo si Alexander sa mensaheng pinaabot ni Twinkle kay Ria para sa kanya. “ Oh, napaano ka diyan? “ natatawang sabi ni Ria kay Alexander. “ Wala `to. “ ngising wika ni Alexander, kahit napipilitan ay ngumiti ng pilit at yumuko ito. “ Kaya mo `yan. Masyado ka naman seryoso ngayon. Naninibago ako sayo ngayon. “ hampas ni Ria kay Alexander. “ Wala naman nag bago sa akin. “ malumanay na sagot naman nito kay Ria. Habang nag aabot ng kuwintas sa bumili ng Kruz sa mamimili. “ Kakanta ka ba mamaya? “ pag iiba ng kuwento ni Alexander. “ Ah, Oo. Mamaya kakanta ako. Sana magustuhan ng mga tao ang hinanda kong tatlong kanta. “ nag ning - ning bigla ang kanyang mga mata sa tanong ni Alexander na sagot naman ni Ria. “ Wow, talaga? Tatlong kanta ang kakantahin mo ngayon? Excited ako marinig `yan. “ natutuwang sabi ni Alexander kay Ria. “ Mauubos na ang paninda kong Sampaguita at Kandila. “ wika ni Ria. Suot niya ang simpleng bistida na kupas na, at isang tsinelas na pudpud naman. “ Malapit na din maubos ang mga paninda ko. Samahan na lang kita, habang kumakanta at namamalimos dito sa gilid mamaya. “ pang kukumbinsi ni Alexander kay Ria na samahan nito siya . “ Ako na lang hahawak ng lata at taga kolekta ng ibibigay na tulong galing sa mga tao. Para hindi ka malito at makapag kanta ka. “ pag aalok na tulong ni Alexander kay Ria. “ Sige, sige. Para hindi ako maguluhan sa pag kanta. At para magandahan sila sa kakantahin ko mamaya. “ masayang wika pa ni Ria. “ Teka mag meryenda muna tayo. Siyam na oras na ng umaga. Malapit na silang mag labasan sa Simbahan. Kaya kumain muna tayo, para mamaya trabaho na lang ang aasikasuhin natin. “ sabi ni Alexander na aktong bibili ng meryenda nila. Bumalik ito. “ Ano nga pala gusto mong tinapay at juice? “ tanong ni Alexander kay Ria bago umalis. “ Ikaw na bahala. Eto ang pera na parte ko sa meryenda natin. “ abot ni Ria kay Alexander. Inabot naman ni Alexander ang pera at umalis na ito. Siya namang dating ni Twinkle at ang magulang nito. Masayang lumapit ito kay Ria. At nag tanong. “ Ria, kakanta ka ba ngayong araw na `to? “ tanong ni Twinkle kay Ria. “ Oo Twinkle. Makikinig ka ba mamaya? Tatlong kanta ang hinanda ko, para sa schooling ko. Mag eenrol na kasi ako nitong pasukan. E-enroll ako ni Lola Iska. “ Wow! Magandang balita `yan. Saan ka mag aaral? Dito lang ba malapit sa lugar natin? Katabi ng school namin? “ excited naman na tanong ni Twinkle kay Ria. “ Oo Twinkle. Kaya madalas magkikita na din tayo sa school. “ masayang sabi ni Ria kay Twinkle. “ Sige, masaya `yan. Teka mag papaalam lang muna ako sa magulang ko na manonood ng kanta mo at nang makikita ko ulit si Alexander. “ may ningning ang mga mata na wika naman ni Twinkle. Nag tawanan ang dalawa na sina Ria at Twinkle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD