CHAPTER 4 - Si Alexander

1611 Words
“ Riaaaaa……….! “ sigaw ni Lola Iska sa batang humahangos pauwi nang marinig ang sigaw ng matanda. “ Nandito na po. Lola naman eh, tawag ng tawag. “ nag kakamot na reklamo ni Carla Valleria Rivera Tangulan . “ Saan ka nanaman ba galing bata ka? Namamaos na ako kasisigaw dito kahahanap sayo. “ halos maubos at napapaos na boses ni Lola Iska. “ katatapos lang pong maubos ng paninda ko pong sampaguita, kaya po namalimos naman po ako sa gilid ng simbahan po. “ mahabang paliwanag naman ni Ria. “ Ah ganun ba iha? Kamusta naman ang kinita mo? Pumarini ka na sa bahay ng makakain ka na ng pananghalian.” aya ni Lola Iska sa bata na si Ria. Pumasok naman sa loob ang bata at nag kuwento sa kanyang Lola. “ Naka sampu po ako na tig isangdaan sa pag titinda po ng bulaklak nang Sampaguita at paglilimos. Kapag wala pong nag bibigay kumakanta po ako at sumasayaw. Kaya po umabot po ng sampu ang isangdaan kasi po kapag may barya po pinapapalitan ko po ng buo para po magaan dalhin.” Hindi magkanda ugaga na pagkukuwento ni Ria habang nakataas ang isang paa sa upuan at nakaupo na kumakain ito. Halatang gutom na gutom. Madaling araw pa siya nagtitinda ng bulaklak sa gilid ng simbahan para maraming bumili habang umaattend na rin siya ng simba ay nag hihintay siya sa mga parokyano niya na suki sa tinitinda niyang bulaklak. Nag tinapay laman siya at nag tubig. Alas tres na siya nakauwi. “ Sige, mabuti naman iha nakarami ka ng kinita. Mamaya mag igib ka ng isang baldeng tubig, bayaran mo. May limang piso diyan malapit sa altar para maligo ka na sa kubeta natin. Pagkatapos mag pahinga ka na at matulog. Para mamayang alas singko imedya mamalengke tayo. Kailangan mag tipid tayo at mag ipon para sa pag pasok mo sa eskuwela.” Masaya at mahabang paliwanag ni Lola Iska sa apo. Masaya siya na ituring na apo niya si Carla Valleria Rivera Tangulan. Hindi niya nilihim sa bata ang kanyang pagkatao. Mabait ito at lumaking masunurin. Malapit sa Diyos at may takot ito sa Diyos. Kinuha ni Ria ang limang piso na ibinilin ni Lola Iska niya at nag igib na siya. Sa igiban…Naku, mahaba ang pila!`Yari ako kay Lola Iska kapag natagalan ako. Kailangan gumawa ako ng paraan. Ah! Alam ko na! Kumislap ang mga mata ni Ria at nanlaki ang mga mata nang makaisip ng paraan. “ Tabi , tabi ….. Mga kapitbahay, kakantahan ko kayo para hindi kayo mainip at sasayawan. Pero pauunahin nyo ako ng pag igib sa gripo ng tubig. Isang balde lang naman ang sa akin.” masiglang sabi ni Ria at bibang biba. Ang mga kapitbahay ay magiliw at naaaliw ito kay Ria. Nababaitanang mga ito sa kanya sa dahilan na masunurin si Ria sa mga nakakatanda at nauutusan siya ng mga ito. “ Oo sige bah! Basta ba kakanta at sasayaw ka para hindi kami nababagot dito kakapila. Sige payag ako na mauna ka sa akin, isang balde lang naman. “ sumang ayon ang nasa harapan ni Ria sa pila at ganun din ang iba pa. Nag si ngitian at pumalakpak ang mga ito na tila excited sila sa gagawin ni Ria. Magiliw naman na nag paunlak si Ria sa iminungkahi niya. Bawat oras kasi sa kanya ay mahalaga. “ Ready…. Get set…. Go! Heto na…. Heto na…. Ahhh ahhh! Party! Party! Party!. Boom boom pow!.” sayaw ng sayaw naman si Ria, habang kumakanta. Tuwang tuwa ang mga kapitbahay niya sa mga galaw at sayaw niya. Pakendeng kendeng pa siya. Malapit na mapuno ang tubig sa balde niya. Malapit na rin siya matapos sa kanta niya at sayaw niya. Hanggang umapaw na ang tubig sa balde niya. Huminto siya….. “ Ooops! Puno na ang tubig sa balde ko. Oras na para kunin ko na at mag bayad.” biglang pumunta siya sa lamesa ng mag babayad ng tubig at doon nag bayad si Ria. “ Ria, ang galing mo na lalo ah. Ganda ng boses mo at ganda ng sayaw mo. Kanta ka ulit bukas ha? “ request pa ng isa pa na kapitbahay niya. “ Oo bah! Kung gusto ninyo punta kayo sa puwesto ko sa gilid ng simbahan sa labas. Nandoon lang ako, kumakanta habang nag titinda ng sampaguita.” masayang sabi ni Ria. “ Sige, punta kami ha?” sabi naman ng mga nag lalaba. Malapit sa mga nakapila para mag igib. Kumaway si Ria habang papalayo. Halatang hirap na hirap itong bitbit ng dalawang munting mga kamay niya na kinakalyo na dahil sa mga gawain sa mura niyang edad, ang hawak na balde. Nakarating na siya sa kanilang kubeta. Isa itong maliit na barong barong na may ding ding na yero at bubong na yero na kinakalawang na. Binuksan niya ang pinto at pinasok niya ang isang baldeng tubig. Naligo siya, nag patuyo sa kinuhang tuwalya na nakasampay doon kanina at nagtapis. Pumasok sa bahay at saka nag bihis sa kanilang munting kuwarto. Nag suklay at nag pulbos. Naghanda siya sa kanyang pag tulog. Humiga habang nag iisip ay unti- unti siyang nakakatulog at ipinahinga ang pagod na munting katawan ni Ria. Sa Limang taong gulang pa lang si Ria, bibang biba siya at kina gigiliwan siya ng mga taong nakakakita sa kanya. Lalo na ng kanyang mga kapitbahay niya at mga kakilala o mga kaibigan. Sa murang edad niya, alam niya ang hirap ng buhay. Tadtad si Ria ng gawain o trabaho. Mga raket nga. Raket ang tawag niya sa mga naiisip niyang hanap buhay. Matitino naman ang mga naiisip niya. Kaya aliw na aliw at sinusuportahan siya ng mga kapitbahay niya at mga kaibigan. Dito sa Pihilppines, ang mga bata ay maagang namulat sa gawaing bahay at hanap buhay, dahil sa hirap ng buhay. Matulungin ang mga bata sa mga magulang nila at magagalang. At masayahin. Kinahapunan, alas singko y medya…. Naghihikab pa na bumangon si Ria, pilit ginigising ni Lola Iska si Ria para mamalengke. Nag unat ito at nag sipilyo. Nagbihis ng damit na maayos at tinupi ang damit na sinuot na pinantulog niya kanina, para isusuot niya iyon para mamayang gabi para matulog. “ Ria, iha asaan ka na ba? Kanina pa ako dito nag hihintay! Baka bilasa na ang mabili nating isda niyan iha. Bilis bilisan mo naman. “ inip na tawag ni Lola Iska sa apong si Ria. “ Andyan na po Lola!” nag kukumahog na pinantsla habang nakatayo ang damit ng dalawa niyang kamay na sigaw ni Ria at sabay suot ng tagpi tagping tsinelas ng paa munting bata na si Ria. “ Lola, cool ka lang po. Relax lang po. May suki na po tayo dun. Alam po nila na kailangan po natin bumili sa kanya ng sariwang isda po para sa ulam po natin at paninda po natin sa harapan ng bahay natin. Buti nga po napanatili po natin ang paninda natin na sari sari store at tindang ulam po, okay na po yun.” masayang kuwento naman ni Ria sa Lola Iska niya. Sa palengke….. “ Uy si Ria nandito, dumarating na! “ wika ng isang tindera na tuwang tuwa sa batang akay akay ang Lola niya. “ Hello po Aling Magda! Kamusta po kayo? “ kaway ng paslit sa edad 50 anyos na babaeng tindera ng gulay. “ Kagandang bata talaga ere. Aling Iska, kamusta po? Kukunin nyo na po ba yung tulad ng dati na pina reserba nyo pong gulay? “ Nakangiting wika ni Aling Magda sa dalawa, kay Ria at Lola Iska. “ Oo Magda, kukunin na namin. Eto na yung bayad.” Nakangiting wika naman ni Lola Iska. “ Salamat suki! Apir tayo Ria! Kagandang bata at magaling kumanta at sumayaw! Punta ako doon sa gilid ng simbahan para marinig ko kanta mo.” masayang pamamaalam ni Aling Magda sa dalawa , lalo na kay Ria. “ Sige po Aling Magda, asahan ko po `yan.” kaway naman ni Ria habang papalayo sa gulayan at sinundan ang kanyang Lola na nauna na sa bilihan ng isda. Masayang sinalubong ng bati si Ria ng mga na sa palengke. Alam ng mga ito kung paano nagsisikap sa buhay ang mag Lola’t Apo. Meron siyang isang kababata na nag kargador ng mga tsitserya sa grocery. Sa loob ng palengke, ay nakita niya ito. “ Uy! Nandito ka pala nag tratrabaho? “ sabi ni Ria sa batang lalaki. Walong taon ito at matangkad ng konti kay Ria ito. “ Nakakuha ng pwesto dito sila Inay para mag tinda ng grocery. Tumutulong ako sa pag bubuhat at pag titinda. “ Nakangiting sabi ng batang lalaki kay Ria. “ Buti naman may pinag kakaabalahan ka na. Eh di papasok ka na sa darating na pasukan? “ wika naman ni Ria na habang namimili si Aling Iska ng mga vetsin, paminta at dahong laurel, ay nag uusap naman sila. “ Oo papasok na ako. E-nenroll ako ni Inay sa paaralan ng elementarya malapit sa lugar natin. “ tuwang balita naman ni Alexander. “ Ayan, sabay tayo sa pag pasok sa school ha? “ tuwang tuwa naman si Ria at napapalakpak pa ito sa kanyang mga kamay, na wika pa nito. “ Oo bah! Apir! “ wika ni Alexander, ang batang lalaki, at sabay na nag apir silang dalawa ni Ria. Nag paalam na si Ria sa kaibigan na si Alexander at kumaway ito papalayo. Sa pag kabata ay malaki na ang pag kaka matured ni Ria kahit sa munting kaisipan niya, alam niya ang estado ng kanilang pamumuhay. Kaya alam din niya na importante ang pag aaral para sa ikakaunlad ng kanilang kabuhayan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD