“ Alexander! Tara na sabay na tayo mag enroll. Labas ka na! “ sigaw at tawag ni Ria kay Alexander, na kasama si Lola Iska niya para gabayan siya sa pag e-enroll.
“ Andiyan na! Wait lang Ria. “ palabas na si Alexander at pakendeng na humabol ito kay Ria.
“ Ano ba nangyayari sayo at ang bagal - bagal mo? “ tanong ni Ria.
“ Nag bihis lang saglit, kaya natagalan. “ malamya na wika ni Alexander at bigla itong tumikhim, saka naging matigas ulit ang boses nito.
Sa Public School sila Ria at Alexander inenroll ni Lola Iska. Katabi ng Public School ay isang Prestigious Private School.
Sa ` di kalayuan, mayroong nag titinda ng Cotton Candy. Tuwang tuwa si Ria at gusto niyang kumain ng kanyang paboritong Cotton Candy. Dumukot ng baryang pera si Lola Iska para makabili si Ria at Alexander. Inabot ni Lola Iska ang baryang pera kay Ria at mayroong pisong nahulog sa kalsada. Gumulong ito papunta sa gitna ng daanan ng mga sasakyan at hinabol ito ni Ria.
“ Ay ang bata masasagasaan! “ napasigaw ang ilang mga tao, nang makita si Ria na nakayuko at dinadampot ang pisong nahulog at gumulong sa gitna ng daan.
Isang maingay na pilit na tigil ng gulong ang maririnig mo sa pagitan ng nguso ng magarang kotse, isang dangkal na pagitan na lamang ang kay Ria at muntikan na itong abutan.
Lumabas si Manong Driver ng magarang kotse na muntik nang bumangga kay Ria.
“ Hoy! Mag papakamatay ka ba? Tumabi ka nga diyan bata. Delikado dito sa gitna ng kalsada ang isang tulad mo. “ inis na wika ni Manong Driver.
Sumilip naman ang isang matandang babae na nakaputi ang kasuotan.
“ Arnold, matagal pa ba `yan? Naiinip na ang alaga ko. “ wika ng matandang babae na naka uniporme na kulay puti.
“ Saglit lang po Yaya Ising. “ natatarantang wika ni Manong Arnold na Driver ng kotse.
Sila Lola Iska naman ay nag mamadaling lumapit ito kay Ria, kahit mabagal ay hindi ito mag kanda uga-ga kamamadali para malaman lamang kung ano ang kalagayan ni Ria.
“ Iha- iha , nasaktan ka ba? “ kinapa at hinawakan at tinignan ang mga braso at katawan ng paslit na si Ria.
“ Okay lang po ako Lola Iska. Wala po akong galos o sugat. Awa po ng Diyos. “ pag kukumbinsi ni Ria sa kanyang Lola.
Nang oras na `yun napa silip si Lola Ising sa labas ng bintana ng magarang kotse.
“ Arnold ano na ba - - ? “ takang tanong sana ni Yaya Ising nang bigla itong napahinto nang makita si Lola Iska.
“ Iska? Ikaw ba `yan? “ gulat na sabi ni Yaya Ising kay Lola Iska.
“ Ising? Anong ginagawa mo dito? “ gulat din na wika ni Lola Iska na napanganga pa sa pagkakita kay Yaya Ising. Si Ising nga!
“ Ba’t nandito ka sa Maynila Ising? Anong nangyari? “ hindi magkanda uga - ga na sabi ni Lola Iska kay Yaya Ising.
“ Hay naku! Mahabang kuwento Iska. Mamaya na tayo magkwentuhan. Kung gusto mo tawagan mo ako sa bahay na ito. “ ani ni Yaya Ising kay Lola Iska. Sumulat ng numero ng telepono at address ng bahay si Yaya Ising, upang meron silang komunikasyon muli ni Lola Iska.
Tinanggap naman ni Lola Iska ang inabot ni Yaya Ising na munting papel na sinulatan nito.
“ Yaya! Where are you na ba? So tagal mo. I’m hungry and I want Crispy Chicken with Rice! “ dumungaw ang isang mistisong gwapong batang lalaki.
Nakita ng lalaki si Ria at si Alexander. Kumaway ito, na ikina pag taka nila Ria at Alexander. Kilala ba nila ito? Wala silang kilalang mayaman na bata, kundi si Twinkle lamang.
“ Hello! What is your name, you two? “ friendly na wika naman ng batang lalaki.
Namula si Alexander at parang kinikilig na pinag taka naman ni Ria dito.
“ Ano sabi mo? Hindi kita maintindihan eh. “ sabi ni Ria. Tanging tagalog pa lamang ang nalalaman na salita ni Ria, sapagkat ito lamang ang naituro ni Lola Iska niya. Tagalog din ang pag babasa at sa comics pa. Sa hirap at payak na buhay nila ay masaya naman siya sa mga natutunan ni Ria na mabubuti.
“ Ang ibig kong sabihin ay anong pangalan mo at siya din. “ turo sa kanya at kay Alexander ng batang lalaki.
“ Ako nga pala si Alexander at siya naman ay si Ria. “ aktong shake hand naman si Alexander. Gumaya din si Ria kay Alexander. Nilahad niya ang kamay at nag kamay sila.
“ Ikaw nga pala anong pangalan mo? “ tanong ni Ria.
“ Ako si Sean. Sean Soriano. “ wika ng batang mistisong kano na lalaki.
“ Ay napapanood kita! Sa TV commercial ng sabon mabango. “ sabi ni Alexander kay Sean. Halos mag ka edad lamang sila at mag kasing taas.
“ Yaya Ising tara na po. Baka abutan po tayo ng gabi sa daan. “ wika ni Manong Arnold.
“ Oh sige na Iska. Alis na kami. Kailangan di kami gabihin sa daanan. “ saad ni Yaya Ising kay Lola Iska.
“ Sige tatawag na lamang ako sayo, kapag nag kapanahon ako. “ sang ayon ni Lola Iska.
Pumasok na si Yaya Ising at kasama si Sean sa loob ng magarang kotse.
Kumaway naman sila Ria at Alexander kay Sean at ganun din si Sean sa kanila.
“ Ria at Alexander, tara na. Mag aalas sais na ng hapon at baka abutan pa tayo ng gabi sa daan, kapag nag tagal pa tayo dito. Mabuti nakapag enroll na kayo at puro kayo pang umaga. Mag sabay na kayo sa pag pasok sa susunod na buwan na ang pasukan. “ wika ni Lola Iska sa dalawa.
Nag lakad na silang tatlo pauwi. Habang nag lalakad ay inaakay naman nila si Lola Iska.
Masaya sila sa kadahilanan na makakapag aral na sila ngayong taon na ito. At meron silang bagong kaibigan na hindi malaman ni Ria ang nararamdaman. Ayaw niya sa mga bagong kakilalang lalaki. O kaya sa mga lalaki. Ano kaya ang mangyayari kung magkikita muli sila nito?
Sa Mansion….
“ Yaya Ising! Kilala mo po ba `yung kanina pong mga bata na muntikan na pong masagasaan ni Manong Arnold? “ tanong naman ni Sean sa Yaya Ising niya.
“ Ha? A-ano kasi - - . Kaibigan ko `yung matanda na kasama nila. “ paliwanag naman ni Yaya Ising kay Sean.
“ Talaga po Yaya? So, puwede ko po silang maging friends din? “ tanong ni Sean kay Yaya Ising.
“ Ha? Siguro, pag nag kita ulit kayo. Kaya lang malabo ata `yun. Hindi ko alam kung saan sila nakatira. “ wika naman ni Yaya Ising sa alaga.
“ Sige na po Yaya. Kasi po gusto ko po silang maging friends. “ pamimilit naman ni Sean sa kanyang Yaya Ising.
Hindi matanggihan ni Yaya Ising si Sean. Hindi niya alam kung anong sasabihin sa kanyang alaga sa pamimilit nitong maging kaibigan sila Ria at Alexander.
“ Sige, sige kapag nakausap ko si Lola Iska nila. “ Wika ni Yaya Ising kay Sean.
Hindi niya masabi sa kanyang alaga na ang kanilang estado sa buhay ay malaking hadlang sa pakikipag kaibigan sa mga bata. Paano na lang kung malaman ng mga magulang ni Sean ang pakikipag kaibigan nito kanila Ria at Alexander.