CHAPTER 14 - Sa Workshop

1441 Words
“ Teka Sean, paki baba na ako. Nangangalay na ako. “ wika ni Ria habang nakaliyad at sapo sapo naman ni Sean ang likod nito. Kinikilabutan siya at namumula ang pisngi niya sa tuwing dumadantay ang mga kamay ni Sean sa kanyang malasutlang likod at braso. Inalalayan ni Sean si Ria na tumayo. Naiilang si Ria kay Sean ng mga oras na `yun. Pakiramdam niya namumula siya sa hiya. Tumindig ng maayos si Ria at pinagpag ang damit. Kinuha ang nilapag na pinamili at patay malisyang kinuha ang isang kamay ni Sean upang ayain itong umalis na sila sa gitna ng mall. Pinag titinginan na silang apat doon. “ aheemmmm! Hintayin ninyo naman kami ni Alexander. Ang lagay eh…. “ natatawang wika ni Twinkle sa dalawa. Halatang nahihiya din ito dahil hawak din nito ang isang kamay ni Alexander at hatak - hatak ito. “ Tara na. “ nilingon sila ni Sir Theo nang makitang papalapit na silang apat. “ Sumabay na kayo Twinkle at Alexander sa amin. Tutal, papunta kami sa kanila Ria. “ wika ni Sir Theo, pasakay na sa pajerong itim na makimtab. Pinag buksan ni Sean si Ria ng sasakyan. Si Alexander ay si Twinkle naman sa kabila ay pinag buksan din nito ng sasakyan. Sa loob ay tahimik ang mga ito. Parang hindi makabasag pinggan sa sobrang tahimik ng mga nakasakay doon. “ Ria, bukas mag practice tayo kung paano mag lakad ng tuwid at umupo ng tuwid, nang maayos na upo. Parang prinsesa. “ biglang nagsalita si Sir Theo kay Ria na ikinabigla nilang apat. Nabasag kasi ang kanilang katahimikan at ang pag mumuni - muni. “ Sige po Sir Theo. Kausapin ko po si Lola Iska tungkol po sa sinabi ninyo po sa akin. “ masayang wika ni Ria. “ Don’t worry iha, I will talk to your Lola about this Contract that I will offer to you. “ mahabang wika naman ni Sir Theo kay Ria. Tumango - tango naman si Ria sa pag sang ayon niya kay Sir Theo at naka ngiting tumingin siya kay Sean. Hindi niya alam na matagal na palang nakatitig si Sean sa kanya. Napatitig din siya dito at biglang namula silang pareho ang mukha at sabay silang umiwas ng tingin. Sinabihan ni Sir Theo ang driver na patugtugin ang stereo sa loob ng sasakyan. At tumugtog ang kanta ni Aiza. “ Palagay ko mahal kita, ikaw na nga walang iba….. Ba’t di pa kasi masabi ang nadarama. Pansinin mo rin kaya, mahalin mo rin sana. Kasi na nga palagay ko Mahal Kita…… “ lalong di nag imikan ang apat na kabataan sa loob ng sasakyan. Kanya - kanyang lingon sa magkabilaang tingin ang isa’t isa. Namumula. Lihim na natatawa si Sir Theo sa mga bata. Kitang - kita ang pag ka transparent ng mga ito sa isa’t isa. Ngunit di nila masabi ang katotohanan ng kanilang damdamin sa isa’t isa. Nakarating na sila sa kanila Ria. At sinalubong sila ni Lola Iska at Mang Cardo. Tuwang tuwa ang dalawa sa nakita nilang pag babago ni Ria sa kanyang kasuotan. Kitang - kita ang pagiging dalagita nito. Ang kaputian at malasutlang kutis at mistisang mukha. Kumukurba na din ang hubog ng kanyang katawan. Bumaba sila Ria, Twinkle, Sean, Alexander at si Sir Theo. Pinakilala ni Ria si Sir Theo sa kanyang Lola Iska. “ Lola, si Sir Theo po. Manager at Kuya ni Sean po. “ wika ni Ria. “ Sir Theo, Lola Iska ko po. “ dagdag na pakilala ni Ria sa Lola niya. “ Hello po Lola Iska. Ikinagagalak po kitang makilala. “ wika naman ni Sir Theo kay Lola Iska. “ Gayun din ako Iho. “ saad naman ni Lola Iska kay Sir Theo. “ Pasok po, pasok po kayong lahat. “ paanyaya ni Lola Iska ni Ria sa lahat ng kanilang bisita. Si Mang Cardo ay kumuha ng meryenda at maiinom na softdrinks at sinilbi sa mga bisita. At saka pumuwesto sa gilid. Makikinig lamang siya. `Yun lamang ang kaya niyang magagawa sa anak. Susuportahan niya ito. Umupo na sila saka nag simulang mag paliwanag si Sir Theo kay Lola Iska. “ Lola, gusto ko po sanang kunin pong modelo sa telebisyon si Ria. Tulad ni Sean. `Yun po bang nakikita sa TV. na komersyal, halimbawa po ng sabon. “ paliwanag ni Sir Theo. “ Pero po kailangan po niyang umattend ng workshop para po dito. Kami na ni Sean ang bahalang mag bayad sa mga kailangan ni Ria. Saka na lang po niya kami babayaran ni Ria kapag kumita na po siya. Ako po ang mag sisilbing Manager niya. “ mahabang paliwanag ni Sir Theo kay Lola Iska. Nag liwanag ang mukha ni Lola Iska sa tuwa nang malaman ang lahat ng detalye na gagawin ni Ria. Excited sila pati na din si Twinkle, Alexander at Mang Cardo para kay Ria. “ Sir Theo, maari po bang mayroong ibang name si Ria na gamitin para hindi siya maguluhan sa kanyang pag study o awayin sa school niya. “ wika ng Lola Iska niya. “ Baka po kasi asarin siya.” dagdag ni Lola Iska. “ Huwag po kayong mag alala. Sa pag kakaalam ko po ay pwedeng mag karoon ng screen name ang isang modelo sa komersyal na parang artista na din. “ paliwanag ni Sir Theo. “ Gawin na lang nating CARLA VALLERIA. “ dagdag ni Sir Theo. Nag paalam na sila Sir Theo at Sean. Si Twinkle ay nag pasundo na kay Yaya Ising. At si Alexander naman ay umuwi na sa kanila. Wala silang pasok sa school sapagkat summer days na. Kaya kinabukasan ay pumunta si Carla sa Workshop ng mga modelo. Nag practice si Carla kung paano mag lakad nang tuwid at mayroong dating. Naglakad siya na may libro sa ulo at saka siya pinalakad ng tuwid. Dahan - dahan ay nakakalakad ng tuwid si Carla. Hanggang masanay siya at nagagawa na niya ang mag lakad ng tuwid na mayroong libro sa ulo. Suot ni Carla ang 3 inches na takong ng sapatos. At nag lalakad siya, nasasanay na siya sa paglalakad nang biglang bumukas ang pintuan at iluwa si Sean. Biglang nanginig ang mga tuhod ni Carla nang makita niya ito. Kani - kanina lamang ay lumalampaso na siya sa paglalakad. Nabigla talaga siya at di niya alam kung ano ang gagawin niya nang makita ang binatilyo. Guwapong - guwapo ito sa suot na white rubber shoes and faded maong pants, t-shirt na kulay black na tuck in. “ Sir Theo, pwedeng pahinga po muna ako? Nanginginig po kasi tuhod ko. “ request ni Carla. “ Okay, break time muna. Mga 10 minutes lang ha. Matagal pa ang breaktime for food. “ nauunawaan naman ni Sir Theo si Carla sapagkat naninibago pa lamang ito at sinasanay pa lamang nila. Lumapit si Sean kay Carla na nagpapahinga sa isang couch at nag papahinga. Hinihilot - hilot ni Carla ang kanyang mga binti nang mag salita si Sean at umupo, sa isa pang couch sa harapan niya. “ Kamusta na? Oh, anong nangyari diyan sa binti mo? Hilutin ko gusto mo? “ sabay hawak sa binti ni Carla at hilot dito. Ikinagulat naman ni Carla ang guesture nito sa kanya. Nakakabigla pero nakakatuwa. Binibigyan siya ng attention ni Sean at ikinatataba ng puso niya. Napatitig si Sean sa kanya at si Carla din kay Sean. Unti - unti ay nag iinit ang kanilang mga pisngi, ngunit di nila ma - e - alis ang kanilang mga mata sa isa’t isa. Nag lapit ang kanilang mga mukha ngunit biglang…… “ Okay, okay!!! 10 minutes is over now! Back to work now! “ palakpak ni Sir Theo na walang kamalay - malay sa nangyayari sa dalawa sa isang sulok ng workshop. Wala sa kanilang nakakita sapagkat busy sila sa kanilang mga ginagawa. Nahihiya man ay bumalik si Carla sa ginagawa niya na pag lalakad. Sa oras na `yun naman ay ginalingan na niya para hindi naman nakakahiya sa Manager at kay Sean na mismo. Si Sean naman ay aminado sa sariling bitin siya sa at aminadong napamahal na sa kanya si Carla. Ngunit sa takot na masira ang kanilang pag kakaibigan ay pinili niya ang manahimik muna. Ngunit di niya mapigilan ang kanyang damdamin kapag kaharap na si Carla. Kinakabog ang kanyang dibdib sa tuwing mag tatama ang kanilang paningin. At nakakaramdam ako ng pag kauhaw kapag napapatitig ako sa mga mapupulang labi ni Carla. Wari gusto niyang tikman ang tamis ng kanyang labi. Sa ngayon ay hihintayin kong maramdaman ni Carla ang nararamdaman ko. Ipaparamdam ko sa kanya ang aking pag mamahal, isip - isip ni Sean habang naka tanaw dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD