CHAPTER 13 - Unang Hakbang

1386 Words
Habang lumalaki si Ria ay Lalo itong gumaganda. Hindi ito isnabera at matulungin ito sa lahat ng mga kapitbahay at sa mga matatanda. Natutuwa naman si Mang Cardo Tangulan sa nakikita niya na magagandang ugali ni Ria mula nang makita niya ito hanggang sa pag dalagita nito. Unti - unti ay nilalapitan niya ang kalooban ng kanyang anak upang makabawi sa mga pag kukulang niya dito. Nag trabaho bilang kargador si Mang Cardo sa palengke. Dobleng sipag ang ginawa niya upang makapag ipon. Sa pag iipon niya ay nakabili siya ng tricycle, at nadagdagan pa ang kanyang mga naitatabi pang mga pera. Si Ria naman ay nag focus sa pag aaral. Doon lalong nahasa ang katalinuhan niya at ang kanyang mga talento. Isang araw, nagkita sila ni Sean sa Mall. Sinama ni Sean ang talent Manager nito sa Commercial. “ Hello Ria, may kasama nga pala ako. Si Yaya Ising at si Manong Arnold ay na sa grocery. Siya nga pala Ria, Manager ko si Kuya Theo Cruzado. Kuya si Ria. “ pag papakilala ni Sean sa dalawa. “ Wow, So beautiful young lady naman itong Friend mo Sean. “ nakangiting wika ni Theo kay Sean at nakatitig ito mula ulo hanggang paa kay Ria. “ Mayroon siyang potential na maging modelo ko, Sean. Pati tindig nito konti lang na hasa sa lakad at pwede nang isalang. “ masayang sabi nito na inikutan pa at naglakad ito kay Ria. “ Young lady, would you like to be a commercial model? “ tanong nito kay Ria. Nangislap ang mga mata ni Ria sa sinabi ng Manager o Kuya ni Sean sa kanya. “ Opo, gustong - gusto ko po. ‘Yan po ba yung katulad ng kay Sean? Nakikita sa TV? “ sang - ayon naman ni Ria sa Kuya ni Sean. “ Yes young lady. Ganun nga ang commercial model, nakikita sa TV. “ nakangiting wika ni Theo sa dalagita. “ Sige po. Pero mag papa- alam po muna ako sa Lola Iska ko po tungkol po dito. “ sabi ni Ria at napalingon ito kay Sean, na sinang - ayunan naman ni Sean. “ Sa ngayon Ria, mamimili muna tayo ng mga gagamitin mong mga damit at sapatos. Para pag pumasok ka sa workshop ay hindi ka nahuhuli sa mga kasabahayan mo. “ masayang palakpak ni Theo. Alam ni Theo na malayo ang mararating ni Ria sa larangan ng pag momodelo. Pumasok sila sa isang store ng mga casual dress na branded. At nag sukat si Ria ng mga damit na napili ni Theo at Sean para kay Ria. Naguguluhan si Ria, dahil simple lamang sana ang gusto niya pero hindi pumayag sila Theo at Sean. Nalulula si Ria sa mga presyo ng mga damit na pinipili nila Theo at Sean para sa kanya. Ang mamahal. Tuwang - tuwa sa tuwing nakikita ang mga damit na pinili nila at sinusukat naman ni Ria. Bagay na bagay kay Ria ang mga damit. Ang mga saleslady naman ay nakataas ang kilay sapagkat ang sapin naman sa paa ni Ria ay ang tsinelas na manipis lamang, ngunit malinis. Halatang selos na selos ang mga ito sa attention na binibigay nila Theo at Sean kay Ria. Binulungan ni Ria si Sean na ngitian naman nito ang mga tagahanga niya. Huwag siyang sumimangot. Hindi niya alam na narinig pala ni Theo ang sinabi ni Ria kay Sean. “ Tama ka young lady. You always need to practice a sweet, smiling face of yours with us. Magandang panimula `yan. “ nakangiting wika ni Theo sa dalawa. Napa bungis - ngis ang dalawa, si Ria at Sean sa sinabi ni Theo sa kanila. Lumipat naman sila nang shoes store. Ang malasutla at makinis na mamula - mulang kutis na paa ni Ria ay nasayaran ng mamahaling sandalyas at sapatos. Puro orihinal at branded din. Lumabas ng Mall sila Theo, Sean at Ria. Suot ni Ria ang isang bistida na ciffon mini skirt and blouse na terno ng bistida, kulay mint green na bulaklakin at suot ang sandalyas na kulay puti. Lalong tuminkad ang kagandahan ni Ria sa suot niyang elegante at saktong kasuotan sa kanyang edad na seventeen. Nang makasalubong nila si Twinkle at Alexander. Biglang nag hiwalay ang kaninang mag ka abrisyeteng dalawa. Gulat na gulat ang dalawa nang makita sila Ria at Sean. Lalo na si Ria sa kasuotan na nag patingkad sa kagandahan nito. “ Wow Ria! Lalo kang gumanda ngayon ah! “ napapalatak na sabi ni Twinkle sabay hawak sa dalawang kamay ni Ria. “ Anong meron, Ganda? Ba`t bongga ka ngayon? “ dagdag pa nito. “ Hi Twinkle! “ Sean said to her. “ Uy! Sean ano `to it’s a date? “ ngising wika ni Twinkle kay Sean. Halatang nang aasar. Namula bigla si Sean at napangiti lang. Naalala niyang kasama niya ang kanyang Manager. “ Twinkle and Alexander si Kuya Theo nga pala, Manager ko. At magiging Manager na din ni Ria. “ pakilala ni Sean sa Kuya , Manager niya. “ Hello po Sir Theo! Nice to meet you po. Ako po si Twinkle. “ wika ni Twinkle sa Kuya ni Sean na si Theo. Nakipag kamay naman si Alexander sa Kuya ni Sean. “ At ako naman po si Alexander Sir. Nice to meet you po. “ Formal ngayon ang kilos ni Alexander. Hindi mo mahahalatang nag make up ito. “ Hoy bruha Alexa! Alam ko na ang nasa isipan mo `dyan. Manahimik ka ha. “ natatawang wika ni Twinkle kay Alexander. “ Shunga shunga ka! Wala akong ginagawang masama ha! Ikaw itong nag iisip diyan ng kung ano ano eh. “ wika ni Alexander kay Twinkle. Pasimpleng hinawakan na ni Alexander ang isang kamay ni Twinkle at naki sabay sa pag lalakad nila Ria, Sean at Theo. “ Kayong dalawa `dyan , tara na ano pa ang ginagawa ninyo `dyan, nag bubulungan pa kayo. “ ngiting nag dududang wika ni Ria sa kanila Twinkle at Alexander habang nililingon ito. Natisod si Ria at biglang inalalayan naman ni Sean ito habang hawak nito ang mga pinamili nila at ni Theo. “ Oh dahan-dahan. Huwag mo na silang lingunin. Susunod na din sila sa atin at sasabay. Maistorbo pa natin sila. “ ngiting tagumpay ang ngiti ni Sean kay Ria. “ Ah ganun ba? “ nag lakad na si Ria at hawak ang mga pinamili nila. “ Alam mo Sean, maraming salamat sa mga pinamili ninyo ni Sir Theo. Balang araw makakabayad din ako sa inyo. Sa mga utang ko. Someday, kung pahihintulutan ng Diyos. At kung papayag si Lola Iska. “ pag papasalamat ni Ria kay Sean at kay Sir Theo. “ Naku, huwag mong isipin `yun. Basta kapag pumayag na si Lola Iska, makakasama na kita sa TV. “ nangingislap na wika ni Sean kay Ria. “ Bakit? “ tanong ni Ria kay Sean. “ Anong bakit? “ maang na tanong din ni Sean kay Ria. Halatang napapangiti ito. “ Bakit gusto mo akong makasama sa TV. “ dugtong na wika ni Ria sa tanong niya. “ Wala lang, gusto ko lang. “ ngiting wika nito kay Ria. Nanlalagkit ang mga matang tinitigan nito si Ria. Biglang inihit ng ubo si Theo sa apat. “ Ano ba `yan. Ang mga batang ito lumalablyp. Samantala ako….. Ay ewan! Maka exit na nga . “ walang ingay na nag patuloy itong nag lakad at lumayo sa apat. Natatawang lumayo. Napatigil si Twinkle at Alexander sa pag haharutan nang makita ang dalawa. Si Sean at Ria. Ang mga mukha ay isang dangkal na lamang ang layo, habang naka alalay ang mga kamay ni Sean kay Ria. Napa-palakpak at napapa-wow ang dalawa sa nakikita nila sa dalawang kaibigan nila. Hindi nila akalain na na-fo -fall na pala ang mga ito. Si Sean kay Ria. Si Twinkle kay Alexander na noon pa. May namomoong pag - ibig sa mga mag kakaibigan. Hanggang saan itatagal naman kaya ang kanilang pag kakaibigan, kung susubukan ito ng mga pag subok sa hinaharap? Napamulagat ang mga magagandang mata ni Ria na naka tingin sa mga mata ni Sean. Mayroon pag tatanong at kalakip ang isang sulok doon ang pangamba. Pangamba na isang araw ay hindi niya alam kung paano haharapin ang mga pag subok sa nararamdaman niya sa lalaki. Gayon takot siyang masaktan muli dahil sa pag tatakwil ng isang lalaki din.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD