CHAPTER 12 - Ang Pagkikita

1321 Words
Ang kaarawan ni Ria ay sumapit na. Ngayong araw na ito ay ika anim na taong gulang na niya. Kahit sila lamang ni Lola Iska, ay mayroon silang naitabi para sa kanyang kaarawan. Upang makapag luto ng pansit, ulam , kanin at kakanin. Si Sean ang pangunahing bisita niya bukod kay Twinkle na malayo sa kanilang lugar. Si Alexander naman ay mayroon dalang regalo kay Ria. Si Twinkle naman ay binigyan niya ng magarang damit si Ria. At si Sean naman ay flowers and chocolate cake. Gwapong gwapo ito sa kasuotang casual polo shirt and maong plants. “ Ria, suot mo na ito, dali! “ excited na wika ni Twinkle kay Ria. Pumasok sila sa loob ng maliit na kuwarto nila Ria. Sinuot ni Ria ang dress na kulay dilaw at inayusan ni Twinkle ang mahabang buhok nito, kinulot at ini-spray net, para ‘di gumulo. Pinulbusan at nag lipstick ng manipis ang matagal nang mapulang labi ni Ria. Nag patianod na lamang si Ria sa mga gusto ni Twinkle na ipagawa sa kanya. Wika nga tiis ganda. Ang pinale ay nag suot ng sandals at nagpabango si Ria. At sa wakas na tapos na. Naiinip na ang iba na lumabas na ang may kaarawan. Kayanatuwa sila nang lumabas si Twinkle. Akala nila si Ria na ang lumabas. ‘Yun pala si Twinkle pala. Habang kumakanta ng ‘Happy Birthday’ ay pumapalakpak sila, saka lumabas si Ria nang malapit nang matapos at hihipan na nito ang kandila sa chocolate cake. Napa wow sila sa ganda ni Ria at sa ayos nito sa kaarawan. Lalong tumingkad ang kaputian nito na minana niya sa pagka mestisa sa kanyang ina. “ Ang ganda mo Ria! Maligayang kaarawan sayo. “ wika ni Sean. Titig na titig ito sa kanya. Naiilang naman si Ria sa mga titig nito sa kanya. Para siya kinakabahan sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib. Sinan Tabi muna niya ang mga nararamdaman. Hinarap niya ang mga kaibigan na may ngiti sa mga labi. Maya - maya ay mayroong in anunsyo si Lola Iska sa lahat. Isang regalo niya sa kanyang apo ngayong kaarawan ni Ria. “ Ria, apo ko. Mayroon akong regalo sayo. At sana magustuhan mo. “ wika ni Lola Iska. “ Ano po ‘yun Lola Iska? “ excited na tanong ni Ria sa Lola niya. “ Mayroon tayong espesyal na panauhin, at siya ang aking regalo sayo apo.” Wika ni Lola Iska. “ Ipapakilala ko sayo si Cardo Tangulan. “ may ngiting annunsyo ni Lola Iska sa apo. “ Cardo, si Ria ang iyong anak na matagal mo nang gustong makita. “ wika ni Lola Iska kay Cardo. Nag tataka man si Ria ay ngumiti siya sa isang lalaking na sa katanghaliang edad na. “ Apo, siya ang iyong matagal nang hinihintay na Ama mo. “ wika ni Lola Iska. At lumapit si Cardo sa may kaarawan na si Ria. Hindi malaman ng dalawa kung anong magiging reaksyon sa isa’t isa. Pero si Ria ay biglang tumulo ang luha nito at gustong mag lumpasay sa sahig. Mas pinili nito ang tumakbo sa loob ng bahay nila at mag kulong sa kanilang kuwarto. Ni- lock nito ang pinto para walang makapasok. Pinuntahan si Ria ng kanyang Ama. Na sa harapan ng pintuan si Cardo ng kausapin niya ang anak niya. Kahit nakaharang ang pintuan ay nag salita si Cardo. “ Anak, patawarin mo ako. Hindi ko man lang nakita kayo ng iyong Ina habang nanganganak siya sayo. Kung nakita ko sana kayo at nakasama baka sakaling buhay pa siya hanggang ngayon. “ mahabang pasakalye na paliwanag ni Cardo sa anak na si Ria. “ Lumayas ka! Hindi kita kilala! Ayaw ko sayo! Galit ako sayo! Ba’t ka pa bumalik? Alis - alis! “ pag tataboy ni Ria na sigaw nito sa looban ng kanilang kuwarto ni Lola Iska. Humagolgol ito ng iyak. “ Anak, patawarin mo ko. Nakulong ako sa hindi ko alam na kasalanan. Sana balang araw ay bigyan mo naman ako ng pag kakataon na makapiling ka. “ nanginginig at naluluhang sabi ni Cardo sa anak. Hinawakan ni Lola Iska ang balikat ni Cardo. “ Pabayaan muna natin si Ria, Cardo na makapag - isip - isip. Marahil ay nabigla lamang ito at balang araw ay matatanggap ka ni Ria. “ pag papalubag loob ni Lola Iska kay Cardo na laglag ang balikat na tumalikod sa harap ng saradong pintuan ng kuwarto nila Ria at Lola Iska. Sabay na lumabas si Cardo at Lola Iska. Habang busing busy naman si Yaya Ising sa kaka asikaso sa mga batang bisita ni Ria. Nag kagulatan ang dalawa nang mag kita si Yaya Ising at Cardo. “ Yaya Ising? “ gumaan ang loob ni Cardo ng bahagya nang makita ito. “ Cardo….. “ natatarantang wika naman ni Yaya Ising. Hindi niya maipaliwanag na naging tulay siya kaya nakaluwas si Victoria at Cardo sa Maynila. “ Yaya Ising, mabuti nandito ka. Anong ginagawa mo dito? Kamusta ang mga magulang ni Victoria? “ takang tanong naman ni Cardo kay Yaya Ising. “ Iska, ikaw muna dito sa mga bata at kakausapin ko muna itong si Cardo. Marami akong dapat ipaliwanag sa kanya. “ wika ni Yaya Ising. Na sinang ayunan naman ni Lola Iska. Nag punta sa looban ng bahay sa sala, sa may upuan, upang walang taong makakarinig sa kanilang pag - uusap. “ Cardo, alam ko na maraming katanungan sa isipan mo na hindi pa nasasagot. At mas pinili mo pang manahimik at sumunod kay Victoria kung saan kayo mapapadpad dito sa Maynila. “ pasakalye ni Yaya Ising. “ Bago ka nakarating ng gabing iyon sa tahanan nila Victoria. Walang nakaka alam na paparating ka. Kahit si Victoria ay hindi alam. Tanging ikaw lamang ang nakaka alam. Ngunit, lingid sa iyong kaalaman. Hinatiran ko ng panghapunan na pag kain si Victoria at iyon lamang ang tamang oras para masilip o makita at makausap ko siya. At `yun lamang ang tanging pag kakataon na maibigay ko sa kanya ang maikling papel na nakasulat ang address ni Iska. At `yun ay itong pamamahay na ito. At ipinag papasalamat ko sa Diyos na nakarating kayo dito nang matiwasay. “ mahinahon na wika ni Yaya Ising. “ Ang mga magulang naman ni Victoria ay nalaman na nakatakas ito sa kanyang kuwarto `nung kinabukasan ng umaga. Gustohin man nitong sumunod sa inyo ay hindi naman alam kung saan ang punta ninyo. Kaya ang ginawa na lamang nila upang walang mauuwian si Victoria at tuluyan na itong itinakwil, ay umalis sila at pumunta sa Amerika. Doon na sila namamalagi ngayon. “ buntong hininga ni Yaya Ising. “ Bago sila umalis ay nag paalam ako at umalis na sa kanila. Sumunod ako dito sa Maynila at namasukan na bilang Yaya muli. “ pag wawakas ni Yaya Ising. Nakaramdam ng ginhawa at munting katiwasayan ang kalooban ni Cardo. Nag liwanag ng konti ang humpak na pisngi sa ipinakitang ngiti ni Cardo kay Yaya Ising, nang malaman niya ang buong kuwento. Niyakap ni Cardo si Yaya Ising bilang pasasalamat sa ginawa nitong pabor para sa kanilang dalawa ni Victoria. Lumingon si Lola Iska sa dalawa, napangiti siya nang makita niya na naluluhang nag tatawanan na ang dalawa habang pinapahid nila ang mga luha ng kaligayan sa mga mata nila. Alam niya na marami pang pag dadaanan sina Ria at Cardo, bukod pa dito ay kailangan pa nang mahabang panahon na hahabulin upang magkasama ang mag Ama. Lingid sa kanila ay nakikinig pala si Ria sa pag uusap ng dalawa. “ Sinong magulang ng aking Ina? Hindi ba si Lola Iska ang magulang ng aking Ina? Paanong nangyaring na sa Amerika daw sila. At itinakwil daw ang aking ina. “ gulong gulo na ang isipan ni Ria. Ang mga luha niya ay nahalo na sa kanyang damit at ang laylayan ng dress niya ang ginawa niyang pamahid ng sipon. Bahala na, lalabhan na lamang ng Lola Iska niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD