Umuwi na si Javi Santos sa kanilang lugar na nilipatan, kaya nag paalam na ito sa kanila Sean, Alexander at Ria. Nag bakasyon lamang ito sa mga kamag anak na kapitbahay nila Alexander at Ria.
“ Buh, bye! Balik ka ulit dito ha? “ wika ni Ria at Alexander kay Javi. Habang si Sean naman ay kumakaway ito at sa kabilang kamay naman ay hawak nito ang lapis at scketchpad.
“ Oo bah! Babalik ako. Hintayin ninyo ha? “ kumakaway din na sabi ni Javi sa mga kaibigan.
Umalis na ito. Nalungkot ang tatlong bata naiwan. Bumalik ito sa kanilang lamesita at upuan kung nasaan nandun ang mga pang kulay ni Sean na nag kalat. Umalis si Javi na tinapos muna nila ang mga kinulayan nilang drawing na comics. Tungkol ito kay Yaya Ising , Lola Iska at Manong Celso. Natapos na nila itong kulayan at ang kwento ay natapos na din. Medyo bitin nga lang.
“ Bukas mayroon nanaman tayong pasok. Nasagutan na ba ninyo ang mga Assignment natin? “ tanong ni Ria sa dalawa.
“ Hindi pa. Sabay na nating sagutan. “ sabay na sabi ni Alexander at ni Sean.
“ Sige. Tara, labas na natin libro natin. “ sabi ni Ria. At nag aral na ang tatlo.
Nakatanaw si Yaya Ising at Lola Iska sa mga bata. Alam nila na mahihirapan silang ipag tapat ang katotohanan kay Ria at Sean ang tungkol sa kanilang pag katao.
“ Basta’t alalayan mo ako sa tamang panahon Ising. Kapag kailangan nang isiwalat ang lahat.” naluluhang wika ni Lola Iska sa kaibigan. Niyakap na lamang ni Yaya Ising si Lola Iska, tugon sa kanyang hiling.
Sa Paaralan….
Papasok pa lamang sa may gate ng Public School ang tatlo nang biglang lumitaw sa likuran nila si Twinkle.
“ Uy! Hindi na kayo namamansin ha. “ nag tatampo na wika ni Twinkle sa tatlo. Pero nang makita si Alexander ay biglang nawala ang tampo nito. At biglang nag taka si Twinkle pagkakita kay Sean.
“ Sino `to? “ takang turo ni Twinkle kay Sean.
“ Ay! Twinkle nandiyan ka pala. Mabuti nakita ka namin. Meron tayong bagong friend. Si Sean Soriano. “ Pakilala ni Ria kay Sean.
“ Sean, si Twinkle Valdez, close friend namin ni Alexander. “ at si Twinkle naman ang pinakilala ni Ria kay Sean.
Nag shake hand ang dalawa. Sinabi ni Ria kay Twinkle na mag kita sila sa garden ng Public School. Nandun nag hihintay si Yaya Ising at si Lola Iska sa kanila. Papasok muna sila sa kanilang school. Kaya si Twinkle ay pumasok na sa Private School at silang tatlo naman ay sa Public School na magkatabi lamang. Mag kikita na lamang sila mamayang uwian na nila.
Sa Garden ng Public School….
Nagkita - kita sila Ria, Twinkle, Sean at Alexander. Nandun din sila Yaya Ising at Lola Iska. Masaya ang mga bata at ganun din ang mga matatanda. Halatang hinahabol nila ang mga nawalang mga sandali `nung nag kahiwalay silang dalawa, si Yaya Ising at Lola Iska.
Natuwa naman si Twinkle dahil marami na silang mga friends. Nag share sila ng pananghalian, mga ulam at kanin. Tuwang tuwa ang mga bata. Adobong chicken at Crispy chicken. Iskabetse na tilapya ang niluto ni Lola Iska at pritong tilapyang sariwa. Nag labas pa ito ng kalamansi at toyo para sa sawsawan.
Sa kabila ng mga alalahanin, nakuha pa ring maging masaya nila Yaya Ising at Lola Iska. Hindi pa nila alam kung kailan nila pupuwedeng isiwalat ang katotohanan sa dalawang batang malapit sa kanila. Si Ria at Sean.
Si Alexander naman ay tuwang tuwa na kapiling niya si Ria at lalong lalo na si Sean. Namumungay ang mga mata ni Alexander kapag sa tuwing tumitingin siya kay Sean. Hindi naman nahahalata ng tatlo ang mga gesture ni Alexander. Minsan kapag nag ka panahon siya at masosolo niya si Ria ay ipag tatapat niya dito ang totoong nararamdaman.
“ Malapit na nga pala ang kaarawan mo Ria. Anong gusto mong ulam na lulutuin natin? Bukod sa pansit. “ masayang anunsyo ni Lola Iska sa mga kaibigan ni Ria.
“ Wow! Kailan po Lola Iska ang kaarawan ni Ria? “ tanong naman ni Twinkle.
“ Sa darating na buwan na ito. “ wika ni Lola Iska.
“ Wow ! Oo nga pala Lola malapit na nga. “ excited na sabi naman ni Ria.
“ Imbitado ba kami Ria sa kaarawan mo? “ tanong ni Sean kay Ria.
“ Oo naman, siyempre, kayo pa! “ tuwang sagot ni Ria.
“ Yeheey! “ tuwang - tuwa na sabay sabay na wika ng mga kaibigan ni Ria.
“ Hoy! Regalo ko ha? “ tuwang tuwa ding sabi naman ni Ria.
“ Ha-ha-ha-ha! “ sabay sabay silang nag sitawanan.
Natapos na sila sa pananghalian nila at nag desisyon nang mag si- uwian na sa kanilang kanya - kanyang tahanan.
Sa tahanan nila Ria, nag babantay ng kanilang tindahan si Ria habang gumagawa ng kanilang assignment. Na sa labas si Lola Iska, galing sa kanilang kapitbahay sa katabi lamang. Pag liko niya at papunta na sa kanilang pintuan ay bigla siyang hinablot at tinakpan ang kanyang bibig. Matanda na si Lola Iska at walang lakas kaya kinakabahan man ay nag patianod na lamang ito. Sumenyas ang lalaki sa matandang babae na manahimik muna ito. Nang makita nito kung sino ang humatak sa kanya ay nanlaki ang mga mata nito.
“ Cardo? Ikaw ba `yan? “ inaaninag nito ang isang lalaking mukhang pinahirapan ng mga pag subok sa looban ng piitan. Ngunit kahit ganun ay bakas pa din sa mukha ang kabaitan at kaguwapuhan nito, na minahal ni Victoria, ang ina ni Ria. Malabo man ang mga paningin ni Lola Iska ay alam niya na hindi siya nag kakamali, ito nga si Cardo Tangulan.
“ Shhhh….. Nanay Iska, ako nga po ito. Si Cardo. “ wika naman ni Cardo.
“ C-Cardo, anong nangyari sayo? Ba’t ang tagal mong nawala? “ tanong naman ni Lola Iska dito.
“ Mahabang kuwento po Nanay Iska. Nakulong po ako at matagal po bago po ako na parolan, kaya po malaya na po ako ngayon. “ mahabang paliwanag ni Cardo kay Nanay Iska.
“ Ganun ba? Mabuti nakalaya ka na. Gusto mo bang pumasok sa bahay? “ alok ni Nanay Iska kay Cardo. Ngunit tinanggihan ni Cardo ang alok nito.
“ Nanay Iska, asaan po ang mag iina ko? Ang asawa ko po nandiyan po ba sila? Galit po ba siya sa akin? Malaki na po ba ang anak ko? “ halatang may excitement na sa mga salita ni Cardo kapag tungkol na sa kanyang mag - iina.
“ Mahaba din ang kuwento Cardo. Si Victoria ay namatay sa panganganak, pero buhay ang anak ninyo. Babae ang anak ninyo Cardo ni Victoria. At na sa loob siya. “ mahabang kuwento naman ni Nanay Iska kay Cardo. Habang naka upo sila sa isang mahabang kahoy na upuan ay masayang hinawakan ni Cardo ang mga kamay ni Nanay Iska. Malungkot man siya sa pagkamatay ni
Victoria ay nag pasalamat siya sa matandang babae na kumupkop sa kanyang mag iina. Maluha luhang niyakap nito ang matandang babae sagisag nang taus pusong pasasalamat nito dito.
“ Sa susunod na buwan ay kaarawan na ni Ria. Doon kita ipapakilala sa kanya. Dadalo ka ba? “ tanong ni Nanay Iska kay Cardo. Kinakabahang nag tanong si Cardo kay Nanay Iska.
“ Maaari po ba akong dumalo sa kanyang kaarawan? Hindi po ba maraming tao? Wala po kasi akong maisusuot na pang okasyon. “ wika ni Cardo.
“ Gagawa ako ng paraan na makadalo ka. Hindi naman maraming tao. Kami - kami lang naman mga kaibigan niya at konting kakilala. “ sabi ni Nanay Iska.
“ Huwag kang mag alala matutuwa siya kapag nakilala ka niya. “ dagdag pa nito.
“ Maraming salamat po muli. “ sabi ni Cardo at nag paalam na ito kay Nanay Iska. Sinabi nito na makakarating siya sa kaarawan ni Ria. Ang kanyang anak kay Victoria Falcon Tangulan.