bc

Secret Service

book_age18+
65.5K
FOLLOW
604.5K
READ
spy/agent
dark
arrogant
twisted
bxg
bold
genius
cheating
first love
lies
like
intro-logo
Blurb

Marianne is a 19-year old college student. Young and innocent. Ngunit isang pangyayari ang darating sa tahimik niyang buhay.. nangailangan siya ng pera para mabayaran ang nadispalko ng kanyang kapatid sa pinagtatrabahuan nitong kompanya.

And she found herself standing at the gutter.. waiting for some man to pick up her. Pumasok siya sa lihim na kalakalan ng kanyang ibang kaklase, ang tinatawag nilang secret service. A discreet service. But the services are not to protect, kundi ang magpagamit sa mga lalaki kapalit ang libo-libong halaga. She has no other choices. She needed half a million pesos for her brother.

Labag man sa loob niya ay tinaasan niya ang presyo niya para sa unang gabi na magpapadilim sa kapalaran niya. But she was stunned when a 31-year old ruggedly handsome man fetched her. Gwapo, maganda ang tindig at malalantik na mga mata ang una niyang kliyente. Nananaginip ba siya? Pinag-aagawan ito ng ibang babaeng kasama niya pero siya ang pinili nito.

Tatlong taon ang nakalipas ay natabi pa niya ang business card nitong iniwan sa kanya. Hinahabol siya at pinagbabantaan ng mga pinagkakautangan ng kapatid niya.. kaya pinuntahan niya ang address nito sa card, nagpanggap na nabuntis siya nito at anak nila ang kanyang pamangkin.

Hanggang kailan mapapanindigan ni Marianne ang kasinungalingan sa binata? Handa ba siyang maranasan ang kaparusahang ipapataw nito sa kanya?

chap-preview
Free preview
Prologue
Secret Service Prologue (3rd person’s POV) *********** “Marianne Cielo.. Lara..za.. no!” Napatigil sa pagsusulat sa pisara si Marianne at pagsasalita sa harap ng kanyang mga estudyante nang marinig ang pasigaw na tawag sa buong pangalan niya. Kahit ang kanyang Grade one students ay napalingon din sa labas ng bintana sa paeskandalong sigaw na iyon. Ang boses ay umaalingawngaw sa pasilyo ng kanilang paaralan. Natahimik ang lahat. Si Marianne ay binaba ang chalk sa lamesa at pilit na ngumiti ng matamis sa maliliit niyang estudyante, “Okay, class. Isulat ninyo ang nilagay ko sa board on your number 7 notebook. Keep your eyes on the board.” Dahil ayaw niyang makuha ang atensyon ng mga bata mula pagalit na tawag sa pangalan. Nagpagpag siya ng mga kamay. Kabado at nanginig na rin pati ang tiyan niya sa takot. She heaved out a deep sigh. Lumakad sa pinto at sinilip ang pinanggalingan ng boses na iyon. “Marianne Cielo Lara—oh nand’yan ka naman pala, Miss Larazano. Bakit ’di ka nagsasalita r’yan?” malisosyong tanong nito sa kanya. Halos mapakapit sa hamba ng pintuan si Marianne nang makita at makilala ang apat na lalaking papalapit sa kinaroroonan niyang classroom. Ang ilang co-teachers niya ay nakadungaw na rin mula sa kani-kanilang mga kwarto at nakiusisa. Ang matandang gwardya naman ay manghang nakasunod sa apat na sinasaway pero tinatabig lamang ng lalaki ang kamay nito at masamang titingnan. “Magtigil ka ngang matanda ka! Naniningil kami ng utang sa babaeng ’yan!” singhal pa sa kanya ng lalaking walang pakundangang tinatabig ang matandang guard ng school. Ang ilang mga estudyante ay nagtayuan na at nagtipon-tipon sa siwang ng mga bintana at maging sa mga pintuan. Agad na sinaway ng mga teacher nila at pinagpapasok sa loob. Fear was crept on her co-teachers eyes pero hindi pinapahalata sa mga bata. Habang ang matandang gwardya ay walang magawa dahil nag-iisa ito, apat naman ang mga bagong dating. Nakangising huminto sa harap ni Marianne ang sumigaw sa pangalan niya, ang tatlong kasama at pinalibutan ang pintong kinatatayuan niya. Ang isa ay hustong lumapit, tinaas ang kanang braso at pinatong papaitaas sa pader. Sumandal at halos mapaurong ang dalaga sa tangka nitong pag-amoy sa buhok niya. Hindi na lang kinabahan sa takot si Marianne. Kundi kinilabutan at nanlamig. Sinasadya ng mga ito ang ipahiya siya sa eskwelahang pinapasukan niya. She has morning classes. Ang pagpunta ng mga nito ay bagama’t hindi pare-parehong oras ay sa iisang kwarto lang naman siya naaabutan. They are obviously torturing her in humiliation. At walang magawa roon si Marianne kundi ang makaramdam ng takot sa araw-araw na pagpunta ng mga lalaking haragan ang kilos at pananamit. “Sana naman ay malaki-laki ang ibayad mo sa amin, Miss beautiful..” may pagnanasang pinasadahan ng tingin si Marianne ng lalaking may katabaan. Kinagat pa nito ang ibabang labi. Napangiwi si Marianne nang tumama sa mukha niya ang mabahong hininga nito na may halong sigarilyo pa. Bahagya niyang nilingon ang mga estudyante niya. Nakatutok ang mga ito sa pisara at sinunod ang utos niya kanina. But she gasped in terror nang hawakan siya ng isa sa baba at hinarap muli ang mukha niya rito. Agad niyang iniwas ang sarili sa takot na kumulob sa dibdib niya. Her initial reaction when someone touches her. “’Pag pakipot ibig sabihin makipot pa!” sabay tawa ng nakakaloko ng isang nakasandal sa pader. Na sinundan din ng tawang pangsang-ayon ng mga kasama. Nanlaki ang mga mata niya at nanayo ang mga balahibo niya sa batok. “U-umalis na kayo rito, please. W-wala pa akong pera ngayon. Hindi pa namin sweldo—” “Tabi ka nga!” malakas na tinabig si Marianne na halos ikatumba niya kung wala ang lamesa niya sa gilid. Ang mga batang nakaupo sa harapan ay nakita siyang nawalan ng balanse at tinitigan siya. But she still managed to smile.. a forced smile para hindi ito matakot. Inikutan ng mga lalaki ang mesa niya. Ang isa ay umupo pa sa gilid at nagsindi ng sigarilyo. Malakas na napasinghap ang dalaga at sinulyapan ang mga batang manghang nakatitig din sa lalaki. “’Wag kang manigarilyo rito!” lakas-loob niyang saway sa lalaki at hinugot sa bibig nito ang stick ng sigarilyo. “Ibalik mo!” singhal ng lalaki. Dumagundong na ang dibdib niya. Tiningnan ulit ang mga batang natahimik at pinanonood na sila. Wala na siyang nagawa ng inilang hakbang siya nito at hinablot ang stick. Hindi rin nagtagal ay kumalat na ang usok ng sigarilyo sa klase niya. Pilit na pinalalakas ni Marianne ang sarili sa kabila ng matinding takot na nararamdaman niya. Pinakielaman nila ang mumurahin niyang bag. Tinaob ang mga laman sa ibabaw ng mesa. Nagkalat ang ilang laman niyon tulad ng salamin mula nabaling face powder, lipstick, gomang pang-ipit sa buhok, ballpen, tissue, coin purse at maliit na wallet. Mga resibong hindi natapon at mga menthol kending ilang linggo na mula nang nabili niya. She just silently prayed and her fist clenching, na hindi sana makita ng mga ito ang ATM card na nilagay niya sa tagong zipper sa loob ng bag. Hindi na nga siya nakakaipon sa pagtuturo at maliit na lamang na halaga ang laman niyon. Tinatabi niya para sa kanila ng kanyang pamangkin na si Bruce. Ang batang tanging kasama niya sa bahay. Kung wala ang bata sa buhay niya ay hindi na niya alam kung paano pa siya mabubuhay. Baka sumuko na lang siya mga utang na iniwan ng Kuya niya sa kanya. Halos maubos ang sinusuweldo niya sa pagbabayad pa lang sa utang ng kapatid niya. Utang na hindi maubos-ubos at hindi matapos-tapos. At utang na tinakasan ng kapatid niya. At magkano lang ba ang sweldo niya bilang isang public teacher—laban sa daan-daanin nitong utang. Sinubukan na niyang magtinda sa mga katrabaho niya pero agad siyang pinagsabihan ng Principal na itigil iyon dahil bawal daw ang ginagawa niya. Nakisali na siya sa paluwagan ng ilang mga nanay ng mga estudyante niya pero hindi siya consistent sa hulog nito kahit na linggo-linggo lang. Ang pag-tutor niya sa iilang estudyante ay naiipon niya pambayad para sa kuryente at tubig. Na kung minsan ay nagkukulang pa kapag nahihingan ng Tiyahin niya. Her priorities were milk and vitamins para kay Bruce. Her two year-old nephew. Nitong nakaraang linggo lang ay dinala niya sa pediatrician ang pamangkin dahil sa mataas na lagnat. Nagalaw niya ang nilaang pambayad sana sa kuryenteng ilang buwan na niyang hindi nababayaran. “Tatatlong daan at singkwenta lang ang laman ng wallet mo?! Putangina oh! Barya na naman ang masisingil namin sa ’yo.” Galit na singhal ng lalaking mataba at kinuhang lahat ang pera niya. “Please.. hindi pa kasi araw ng sweldo ngayon.. H-hayaan niyo sa payday ay ako mismo ang pupunta sa opisina ninyo.” Nagkatinginan ang tatlo at tumawa ng malalakas. Tawang mas nakakakilabot. Tumayo ang matabang lalaki at nilapitan siya. Napatayo sa takot ang mga bata nang kuwelyuhan siya nito at matalim na tiningnan. Nagtabukhan sa harap ang mga estudyante niya at nagsiksikan sa isang sulok. “Pasalamat ka, maganda ka. Mahaba na ang palugit na binibigay namin sa ’yo, Miss Larazano,” nilapit pa nito ang mukha at dinikit sa nanginginig na panga ni Marianne. Napapikit ang dalaga sa takot at kilabot sa pagdampi ang ilong nito sa balat. At muli siyang tiningnan. “Pwede naman natin daanin ito sa ibang paraan, Miss beautiful. Madali akong kausap..” nilabas ang naninilaw na ngipin at bahagyang kinagat ang panga ni Marianne. Nanginginig at malakas na tinulak ng dalaga ang lalaki. Galit mula sa pambabastos ang namutawi sa mga mata niya nang matalim niya itong tingnan. Agad niyang pinunasan ang pakiramdam nyang mabahong laway na naiwan sa balat niya. Pero malakas pa itong tumawa habang nilalagay sa bulsa ng pantalon ang natitirang laman ng wallet niya. “Hoy ano ’yan?!” sigaw mula sa pinto ng co-teacher ni Marianne na si Seb. Ilang taon ang tanda sa kanya at binata pa. “Aba, eto na naman ang knight in shining armour mo, Miss beautiful.” Patuyang tukso no’ng naninigarilyo. Nanlabo na ang mga mata ni Marianne. Galit, hiya, pandidiri at pagkatuliro ang halo-halong nararamdaman. Pero nakita pa niya ang pag-ikot ng tingin ni Seb sa kwarto, sa mga bata, sa mesa at sa mga lalaki. At higit itong nanitig sa kanya. Dahil nakahawak pa rin siya sa pangang bahagyang kinagatan ng matabang lalaki. Nilapitan siya ni Seb at hinawakan sa balikat. Niyuko siya at hinahanap ang mga mata niya. “Are you okay, Marianne? What’s wrong?” banayad nitong tanong sa kanya. Binaba ni Seb ang kamay niya. Nanginginig ang dalaga. Umiibabaw ang galit pero pilit na tinatago iyon alang-alang sa mga estudyante. “Sinaktan po nila si Teacher Marianne..” sumbong ng ilang estudyante niya kay Seb. Seb stiffened. Dumiin ang hawak sa mga balikat niya. Ang apoy ng galit sa mga mata niya ay mapapaatras siya kung sa ibang pagkakataon iyon makikita ni Marianne. Tili, singhap at palahaw ng iyak ang namutawi sa classroom nang undayan ng mag-asawang suntok ni Seb ang lalaki. Natumba man, ay pinagtulungan ng tatlo si Seb na siyang kinaiyak sa takot ni Marianne. “S-seb..!” hintatakot na tawag ng mga co-teacher niyang lumapit na rin sa pinto ng kwarto. Lumapit si Marianne para pigilan ang kaibigan pero kamuntik na siyang tamaan ng kamao sa mukha ng isa mga lalaki. Hinawakan siya ng mga katrabaho niya at nilayo sa gulo. “Dito ka na lang! At baka masuntok ka rin!” si Wilma na isang malapit din niyang kaibigan. Nagkagulo na ang mga tao sa loob. Nilabas nina Marianne ang mga bata na nag-iiyakan na sa takot at nagpupumiglas sa hawak niya. Ang ilang lalaking teacher ay inawat ang gulo. Nilayo si Seb na duguan na ang ilong at labi. Kakaunti lang ang lalaking teacher nila at matatanda pa ang ilan kaya hindi maiwasang sindihan ng takot ang dalaga. “Tumawag kayo sa barangay!” sigaw ng matandang teacher. Tumakbo palabas ang nag-iisa nilang gwardya. Inawat na ng isa sa mga lalaki ang kasamahan. “Tama na ’yan. Wala tayong mapapala rito.” Matalim ding tiningnan si Seb na nagpupunas ng dugo sa labi. Hinihingal at tinutumbasan ang dilim ng mga mata sa lalaking huling pinuruhan. Dinuro ng mataba si Seb. Hingal na hingal din. “May araw ka rin sa akin tisoy ka! Tandaan mo ’yan.” Banta nito at saka tumalikod paalis sa kwarto. Nagbigay ng warning look ang tatlo bago sumunod sa kasama. Nang masiguro ni Marianne na maayos na ang mga estudyante niya ay bumalik siya sa loob ng kwarto at nag-aalalang nilapitan si Seb. Hindi niya alam kung mangingiwi o magagalit sa natamo nitong mga sugat sa mukha. Umaagos ang dugo sa ilong at putok ang labi. Narumihan din ang uniporme nito. Pero imbes na sarili ang isipin ay nag-aalala pang tiningnan siya ng binata. “Nasaktan ka ba, Marianne? Anong ginawa nila sa ’yo?” matiim pa rin ang boses. Umiling siya at bumuntong hininga. “Ikaw na nga ang nasugatan, ako pa rin ang tinatanong mo. Tara na sa clinic..” aya niya. Nagpatianod naman ang lalaki kasabay ng pag-uusisa ng ilang teacher sa kanila. Mayroong nakikisimpatya at mayroon ding hindi matingnan ang mukha ni Seb. “Miss Larazano.” sungaw ng matandang lalaking principal sa kwarto. Lahat sila ay doon napatingin. “In my office.” May diin nitong utos at saka tumalikod nang walang dinagdag sa sinabi. Nagkatinginan ang mga guro at bumalatay ang pag-aalala para sa dalaga. *** “I’m so sorry, Miss Larazano. Pero alang-alang sa mga bata ay kailangan kitang tanggalin sa trabaho.” Umiwas na ng tingin ang principal sa kanya. Mangiyak-ngiyak si Marianne sa sinabi nito. “P-pero sir.. kailangan na kailangan ko po ang trabahong ’to. ’Wag niyo naman po ako tanggalin. Nakikiusap po ako..” Umiling si Mr. Castillo sa kanya. Malalim na bumuntong hininga at sumandal sa swivel chair. Amoy instant coffee mix ang buong opisina nito dahil sa malimit na pag-inom no’n ng principal. Isa pa ay de-aircon ang office nito pero ang lamig ay hindi gaanong mababa at kadalasan ay naka-fan lang dahil sa kalumaan ng air-con. Ang puting pader na bagaman malinis pa ring tingnan sa malayo ay luma na ang pintura at nababakbak na. Ang mga nagkalat na papel at mga libro ay basta na lamang na sinalansan para masabing maayos ang opisina. At ang leather na balot ng kutson na inuupuan niya ay nakasungaw na ang foam sa slit na butas. Ni hindi na mapakali ang dalaga sa pag-upo at idagdag pa ang balitang sinabi nito. Naglahad ng kamay si Mr. Castillo. “Matagal ko nang pinapalagpas ang mga lalaking pumunpunta rito, Miss Larazano. Nauunawaan ko kasi ang sitwasyon mo pero.. labis-labis na takot na ang dinala ng nangyari kanina sa mga estudyante mo. Sa tingin mo ba ay mapapalampas ’yan ng mga magulang nila?” “Handa po akong kausapin sila para magpaliwanag—” “’Wag ka nang mag-abala, Miss Larazano. Dahil sila mismo ang nagpadala sa akin ng petisyon para paalisin ka rito sa paaralan. I’m so sorry, hija. Natanggap ko ito noong nakaraang linggo. Napakabata mo pa pero..” malungkot itong umahon mula sa pagkakasandal sa upuan at nilabas ang bondpaper mula sa drawer. Ito ang sinasabing petisyon ng mga magulang ng mga estudyante niya at ibang section para paalisin siya sa eskwelahang pinagtatrabahuan niya. Naroon din ang mga pirma na umabot sa halos isang daan. Nilapag iyon ni Mr Castillo sa harapan ni Marianne pero hindi niya pinagkaabalahang hawakan o tingnan man lang. The obvious disapproval of the parents towards her were written on that piece of paper. Pakiramdam niya ay nawalang parang bula ang ilang taong pag-aaral niya at pagtuturo ng ilang taon nang dahil sa paniningil ng utang sa Kuya niya. Naiintindihan niya ang takot ng mga ito. Pero paano naman siya? Sa pagtuturo lamang siya kumukuha para makahulog tapos ay ngayon mawawala pa. Sobra-sobra namang dagok iyon sa buhay niya. At si Bruce. Paano na si Bruce kung mawawalan siya ng trabaho? Ilang segudong katamikan ang namayani bago nagsalitang muli ang principal. “Kilala ko ang mga magulang mo, hija. At naging magkakaibigan din kami. Pero sana’y.. maintindihan mo rin ang katayuan ko bilang punong-guro. Karaniwan na sa ating mas sinusunod ang nakararami lalo na at mga magulang iyon. Isa pa ay.. nagkagulo na kanina at may nasaktan. Mas lalong iisipin ng mga magulang na hindi magandang magtagal ka pa rito. I don’t want to impose.. pero kung maaari ay lisanin mo na rin ang Lipa.” Gulat at namimilog na mga matang nag-angat ng tingin ang dalaga sa matanda. “P-po..? Aalis ako rito sa ’tin?” parang sobra naman yatang pati ang paninirahan niya sa Lipa ay madamay pa. He heaved out a sigh. “Miss Larazano—” Agad siyang tumayo at pinunasan ang kalalabas lamang na luha. “Bakit ako ang aalis gayong wala naman akong kasalanan? Hindi ako ang may utang sa mga haragang lalaking ’yon. Pero pati ang trabaho ko ay nadamay! You’re being unfair, Mr Castillo. Kayo na ang nagsabi na kilala niyo ang mga magulang ko, pero bakit.. bakit hindi niyo ko maintindihan..?” ayaw niyang lumabas na naninisi. Pero sapat na ang nararamdaman niya at ang sinabi nito para magtaas kahit kaunti ng boses. Para kasing pinapalabas nito na lumayas siya sa bayang kinalakihan niya para makaiwas sa gulo. Tinanggalan na siya ng trabaho at pati matitirhan. Tulad niya ay dati ring mga guro ang mga magulang niya. Kung hindi lang maagang pumanaw ang mga ito sa isang malagim na car accident ay baka.. baka sakaling iba ang naging takbo ng buhay niya. Hindi niya kailangang maging working student. Hindi niya kailangang magmakaawa sa Kuya niyang bigyan siya kahit kaunting pera pang allowance at pang miscellenous sa eskwela. At hindi niya kailangang pumasok trabahong.. katawan niya ang kapalit makabayad lang sa malaking utang para sa kapatid. Pero sino pa bang aasahan ng kapatid niya maliban sa kanya? Isang kahid, isang tuka ang Tiyahin at Tiyuhin niya. Ang Lola Josie naman niya ay nangangatulong sa bayan ng Lemery at tumutustos din sa mga pinsan niya. Dukha nga silang maituturing mula nang mamatay ang mga magulang niya. Ang sabi nga ng Tiyang Belen niya ay, ’Kung sino pa ang may pinag-aralan, ‘yon pa ang maagang namatay.’ Komento nito sa mismong libing ng parents niya. Kaya’t magmula noon ay nagsikap siyang makatapos. Lalo na nang naunang gumaraduate ang Kuya Stefan niya. Ginapang ng Lolo Gener at Lola Josie niya ang pagpapaaral nito. Na kapag daw natapos at makakuha ng trabaho ay siya naman ang pag-aaralin ng kapatid. Na sa unang taon lang ng kolehiyo niya nangyari. Dahil huminto sa pagbibigay ng pera ang Kuya niya. Kahit ang pagbibigay ng budget pangkain ay nakasinghal pa ito. It started when he met a certain woman. Fell in love. Then forgot about her. Nasa huling taon na siya ng college nang sabihin nito sa kanyang nakadispalko itong pera at humingi ng tulong sa kanya. Hindi niya malaman kung anong raket ang gagawin niya makaipon lang ng kalahating milyon. Kahit ibenta niya ang mga kidney niya ay hindi pa rin sasapat. Kaya ang huling baraha niya ay pumasok sa--- Mabilis na umiling si Marianne upang makalimutan ang buhos ng ala-alang magbabalik sa nakalipas na tatlong taon. She had moved on, maliban nga lang sa utang ng kapatid niyang hindi na niya alam kung nasaan. Nang bumalik naman pagkatapos ng halos isang taon ay iniwan lang sa kanya ang anak nitong ni walang pangalan pa. She was watching The Dark Knight Rises and saw Christian Bale. That’s where she got the name, Bruce. But since then.. hindi na siya nilubayan ng pinagkakautangan ng kapatid niya. Nasalin sa kanya ang obligasyong bayaran iyon. Napayuko siya sa pagbalik ng huwisyo at matanto ang ginawang pagsigaw. “Sorry po. Hindi ko lang mapigilan..” naglakad na siya palabas ng opisina nang tumayo si Mr Castillo at naglabas ng dalawang libo mula sa wallet nito. “Sandali lang, Miss Larazano.” Huminto si Marianne at nilingon ang matanda. Nilapitan siya ng principal, inipit sa kamay niya ng dalawang libong piso. Pagkamangha ang gumuhit sa mukha niya. “S-sir..” He heaved out a sigh. Looked at her and understandingly smiled. “Kunin mo ito. Alam kong maliit lang na halaga pero idagdag mo na rin sa kung magkanong meron ka ngayon. Para sa pagkakaibigan namin ng parents mo, hija. Hindi ko lang kaya ang kalabanin at salungatin ang mga magulang ng mga estudyante natin. Dahil kahit saan mang anggulong tingnan ay naiipit talaga sa gulo ang mga anak nila.” “Pero sir—” Winasiwas nito ang kamay at tinalikuran na siya. Inayos ang salamin sa mukha. “Ipambili mo na lang ng panggatas ng pamangkin mo, hija. You may go.” He said with finality. Noong una ay hindi kaagad nakagalaw sa kinatatayuan si Marianne at tinitigan ang principal at huli ang perang nasa kamay niya. Hindi na siya nito kinibo. Lumabas ng opisina ang dalaga dala ang bigat sa dibdib. Nanginginig ang mga tuhod niya kaya’t agad siyang kumapit sa pader bago umupo sa isa sa mga kulay green na monoblock chair sa labas ng opisina nito. Yumuko at kumuyom ang mga kamay, hindi alintana ang pagkakalukot ng pera sa palad niya. Tears escaped from her eyes. Her lips trembled and at last.. she cries. Silently. Hangga’t wala pang taong dumaraan sa gawing parte na iyon ng building. Tinakpan niya ang mukha. Gusto na lang niyang maglahong parang bula.. pero maisasama ba niya roon si Bruce? Ni hindi niya ma-afford ang magpakamatay dahil paano na lang ang pamangkin niya kung pati siya iiwan niya? Nabastos na siya pero siya pa rin ang naging dehado. Nawalan na ng trabaho ay pinapaalis pa sa bayan na ito. Ganito ba kabigat ang maging isang ulila? Saan siya pupunta kung sakali? Tatakbo ba siya sa Lemery, doon sa Lolo’t Lola niya. Pagkatapos ay ano? Para roon naman manggulo ang mga haragan at bastos na mga lalaking iyon? She thought her world collapses since the day she gave up herself to a man she only had seen twice. She gave up her dignity for.. some money. Ngayon, nagsisimula pa lamang siya sa trabaho ay nawala na rin agad. Akala niya ay matatapos ang lahat sa isang gabi kapag nakapag-abot na siya ng pera. Iyon pala ay.. simula pa lang iyon ng sunod-sunod na delubyo sa buhay niya.. *** “Anong sabi ng pricipal sa ’yo?” untag na tanong sa kanya ni Seb na sa kabila ng mga sugat nito sa mukha ay nagpresinta pa ring ihatid siya sa bahay. She can’t deny the warmth she always felt everytime Seb gave his full attention to her. Anim na buwan na siyang nililigawan nito at ito lang ang pinayagan niyang gawin iyon. Not that she’s sure about him but he’s the kindest guy she ever met. Mas gusto pa nga niya itong maging bestfriend kaysa boyfriend. But then.. sa kaloob-looban niya ay malayo pa rin ito sa lalaking unang umangkin sa katawan niya. Muli ay umiling siya para burahin ang karanasang iyon. Nag-angat siya ng tingin dito at pilit na ngumiti. “Tinanggal na niya ako pagtuturo.” Amin niya. Hindi rin naman siya pwedeng magsinungaling dahil sinusundo siya nito halos araw-araw at magtatanong lang ulit kung bakit hindi siya makakapasok na. Malapit na sila sa kanto pauwi sa bahay niya nang biglang huminto si Seb, “What? Tinanggal ka? For what reason?” may bahid ng galit nitong tono. She sighed. At muling napangiwi nang muling nakita ang sugat nito sa mukha. Hapon pa lang kaya kahit ang mga nakakasalubong nila ay napapatingin din sa mukha niya. Na binabale wala naman ni Seb. “May.. may pinasang petisyon ang ilang mga magulang kay Mr. Castillo at.. gusto nilang umalis na ako sa pagtuturo ro’n..” bumigkis ang tagong sakit sa boses ni Marianne. Akala niya ay nailabas na niyang lahat ng luha niya.. nagkamali pala siya. “May kinalaman ba ’to sa mga lalaking pumupunta sa ’yo araw-araw? At saka hindi ka nila pwedeng basta na lang tanggalin. Pwede ka ring umapela,” Marahan siyang tumango at nagpatuloy sa paglalakad. Ang mga matatalim na batong humarang sa lalamunan niya ang nagpapahirap sa kanyang lumunok. “Tama naman kasi sila. Magto-trauma ang mga estudyante kung palaging may ganoong eksena sa klase ko. Iyong kanina, sukdulan na ’yon para hindi pa ako paalisin.” She still tried not to breakdown again. Hinawakan siya sa siko ni Seb, “Hindi pa rin sapat ’yon para paalisin ka! Ang dapat nga ay isumbong natin ’yang loan shark na ’yan eh! Bawal nga ’yang mamahiya at manakit dahil lang sa pagkakautang. Sa huli, ikaw pa ang sinisi nila.” “Ang mga bata ang naiipit sa gulo, Seb. Higit kanino man ay dapat tayo ang pumuprotekta sa kanila hindi iyong.. sila pa ang nakakasaksi ng gulo sa.. buhay ko.” she felt like her heart was sliced into two. “But that’s not the case, Marianne. Those hoodlums were so bosses a like. Nambabastos na. Alam mo bang sinipa pa nila si Mang Hector bago umalis dahil nagtawag ito ng mga tanod? Kawawa ’yong matanda kanina nang maabutan ko bago pumunta sa clinic. At ang siste, ni hindi man lang gumawa ng paraan ’yung mga taga-barangay. Dinaanan lang sila ng tingin.” Tiim bagang nitong sabi. I knew it well. Very well. Kaya nga malakas ang loob nilang maningil ng harap-harapan dahil walang mangingielam sa kanila. Like as if they paid the authorities. They are protected. Bumuntong hininga siya at huminto sa mismong tapat ng payak at munti niyang bahay. “Maraming salamat sa pagtatanggol mo sa akin, Seb. Siguro kung wala ka..” they might do greater than biting me. He sighed then smiled at her, “Wala ’yon. Palagi akong nasa tabi mo, Marianne. Mahal kita.” He declared with so much love on his face and in his voice. Matagal nitong tinitigan ang dalaga bago tuluyang nagpaalam. Marianne almost answered him. She loves him.. but not more than as a friend. Hindi nga lang niya magawang aminin dahil sa ngiting naka-plaster sa mukha ng lalaki. Nasaktan na nga ng pisikal at ayaw niyang dagdagan ang sakit nito sa puso. But why did she allow him to court her even until now? Siguro dahil ayaw niyang mawala rin sa kanya si Seb kapag napagtanto niya ang tunay nitong halaga. Ayaw niyang pati si Seb ay mawala sa kanya kapag na-friendzone niya. She knows that she’s being unfair too. Irony. Iyon din ang ginamit niyang salita kay Mr Castillo. But she admitted. Unfair nga siya kay Seb. Pero natatakot siya.. paano kung malaman nito ang ginawa niya noong college? Na hindi na siya.. birhen dahil alam nitong hindi pa siya nagbo-boyfriend kahit kailan. Na may lihim pa sa buhay niyang hindi nasasabi sa lalaki. At the same time, she likes his presence. May nakakausap at naiintindihan siya bukod kay Wilma. Napahinto siya sa pagpasok sa bahay.. at nilingon ang direksyong tinahak ni Seb. Maybe.. why not.. give him a chance..? Sa loob ng mga buwan na niligawan siya nito ay naging matyaga ang lalaki at hindi nagpakita sa kanya ng magaspang na ugali. He’s always patient about her. Kaya.. bakit hindi niya subukang mahalin din ang lalaking iyon. Baka sakaling maturuan ang puso kapag nagtagal. She sighed and smiled. Balak na niyang sagutin si Seb kapag tinanong siya nito ulit. “Mi.. mi..!” Bruce shrieked nang makita ang pagdating ni Marianne. Nagpapasag mula sa kapitbahay nilang binabayaran niya ng maliit na halaga para tingnan ang pamangkin niya. Nilapitan niya si Shirley at nginitian. Inabot naman nito sa kanya si Bruce na bumungisngis nang iabot niya ang mga kamay dito. “Mommy..!” he happily called her. She froze. Napalingon kay Shirley. Humihingi ng paumanhing ngumiti ang babae. “Pasensya na, Marianne. Narinig kasi niyang tinatawag ako ng bunso ko tapos ginagaya na niya. Nakikita niya kasi kaming magkayakap na mag-ina kaya siguro..” she trailed off at hindi na malaman kung anong sasabihin. She sighed. “Okay lang, Shirley. Salamat din.” nauunawaan niyang sagot dito. Bata pa naman si Bruce at hahayaan na lang niyang maranasan nito ang may matawag na ina. Inabutan niya ng isang daan si Shirley para araw na iyon. Nabaryahan na niya ang isang libong abot ni Mr Castillo nang bumili siya ng gatas ni Bruce. Iyong natira na sukli ay binili niya ng sardinas at bigas. Pinagpapawisan na siya at medyo madilim na rin sala. Inabot niya ang switch ng ilaw pero nagtaka siyang hindi bumukas ang bombilya. “Naputulan kayo kanina ng kuryente, Marianne. Eh, nagmakaawa na nga akong huwag putulin at may bata rito, hindi sila pumayag. May notice of disconnection ka na raw.” Bigay paliwanag ni Shirley nang subukan niyang buksan ng ilaw. “Oh my..” napapagod at pinagpapawisang sambit ni Marianne. Halos mapaupo siya sa bangko nang maalala ang disconnection notice na iyon. “Nagkusa na akong bumili ng kandila kanina kasi wala akong makita r’yan sa kusina mo para sa inyo mamayang gabi. At saka nakapagsaing na rin ako kanina bago mawalan ng ilaw. Wala pang bawas iyon.” “Saan ka kumuha ng bigas?” litong tanong niya dahil naubusan na siya noong isang araw pa. Nagtinapay lang siya kahapon. “Sa amin. Eh, dalawang baso lang naman ang kailangan mo. Kabibili lang ng asawa ko kanina ng limang kilo.” nakangiting sagot sa kanya ni Shirley. Agad niyang binaba si Bruce sa upuan at binuksan ang bag para bayaran ito sa bigas. “Idagdag mo na ’to dyan sa isang daan--” Inusod ni Shirley ang kamay niya. “’Wag na. Hindi na kayo iba sa amin, Marianne. Saka libre mo na nga ang pag-tutor sa panganay ko tuwing linggo ’wag lang bumagsak sa klase. Wala ’yan, ’wag mong intindihin. Sige na, lilipat na ako sa kabila. Kung malaki nga lang ang bahay namin eh, doon ko na rin kayo patutuluging mag-tita para may hangin kayo. Kaso.. sardinas na rin kami ro’n.” Marianne bit her lower lip to suppress her sob. Kahit papaano ay gumagaang ang pakiramdam niya sa kabila ng mabigat na problemang nakapatong sa ulo niya. “Maraming salamat..” Winasiwas ni Shirley ang isang kamay na parang mas nahiya pa ito sa pasasalamat niya. “Sus. Wala ’yon. Oh sige na, gorabels na ko. Bye Bruce!” “Ba-bye..!” he waved. Naiwang nakatingin sa kawalan si Marianne bago binalingan ang pamangkin sa upuan. *** Pagsapit ng gabi ay lumatag din ang dilim sa loob ng maliit na bahay ni Marianne. Sinubukan niyang pumunta sa Tiyahin para sana makitulog pero hindi sila pinagbuksan ng pinto nito na para bang walang tao sa loob. Kaya bumalik na lang sila ulit sa bahay at pinaypayan sa pagtulog ang pamangkin. Hindi siya kaagad na nakatulog. Nahahati ang isipan niya sa kawalan ng trabaho bukas, pambayad ng kuryente at paghahanap ulit ng mapapasukang eskwelahan. Nasa ganoong pag-iisap siya nang marinig niya ang pag-ring ng mumurahin niyang cellphone. Si Wilma ang tumatawag. Nilingon niya ang orasan sa dingding. Pasado alas-dos pa lang ng umaga. “Hello, Wil?” “Marianne! S-si Seb!” May kudlit na kaba ang naramdaman niya ng dahil sa humahagulgol na tono ni Wilma. “Bakit? May nangyari ba kay Seb—” “Patay na si Seb..!” tuluyan na itong umiyak sa linya. Nanigas ang mukha ni Marianne. Nananaginip ba siya? Guni-guni ba ito? Pero hindi. Malakas at dinig na dinig niya ang hagulgol ng kaibigan sa linya. “H-hindi.. hinatid pa niya ako rito sa bahay kanina.. magkausap lang kami kanina..!” hindi niya matanggap. “Ang sabi ng mga nakakita ay may tatlong lalaking humarang sa kanya sa daan. Akala nila ay simpleng holdap pero sinaksak nila si Seb sa tiyan at dibdib ng ice pick! Naisugod pa siya sa ospital pero.. hindi na umabot..” Napatayo na si Marianne at takip sa bibig. Umiling pa siya dahil hindi mapaniwalaan ang nangyari sa binata. He even said he loves her.. iyon pala ay.. iyon na rin ang huli. “S-sebastian..” usal niya sa pangalan nito. Her heart throb in a piercing pain. Because of his sudden death. “Hindi kaya may kinalaman ito sa mga lalaking nakaaway niya kanina sa school? Hindi kaya binalikan nila si Seb para makapaghiganti dahil napuruhan sila ng kaibigan natin? Oh god.. baka ikaw ang..” “Wilma—” huminto sa pagsasalita si Marianne nang marinig ang tunog ng sasakyan sa harap ng bahay niya. Alam niyang hindi lang iyon basta makinang tunog na dumaan lang.. huminto iyon sa tapat mismo ng bahay niya! “M-may.. may tao sa labas ng bahay..” but she still wanted to calm herself. Ayaw niyang magpanic. Dahil tiyak na hindi siya makakaisip ng matino kung mangunguna ang panic attack niya. “Sinong..? Umalis na kayo r’yan, Marianne! Bilisan niyo!” Napaigtad siya nang may kumalabog sa labas ng pinto niya. Her scalp prickled. Her heart pounded nervously. Binalikan ba siya.. ng mga pumatay kay Seb..? “Marianne!” sigaw ni Wilma sa linya na siyang nagpagising sa katinuan niya. She calmed herself and count. “Tatawagan na lang kita, Wil.” Sagot niya rito at pinatay ang tawag. Hindi siya dapat mag-aksaya ng oras! Suot ang pantulog niya ay inabot lang niya ang shoulder bag may lamang pera at ATM card niya. Nagsuksok ng kaunting damit ni Bruce at pantalon at T-shirt. Pambahay na tsinelas pa ang suot niya. Sinukbit niya ang bag sa katawan nang mapansin ang pagbagsak ng kapirasong card sa sahig. Hindi niya alam kung anong humatak sa katinuan niya at pinulot niya iyon at pahapyaw na binasa ang nakasulat bago nilagay sa loob ng bag niya. Binuhat niya si Bruce matapos basta na lang na pinatong ang jacket sa ulo nito. Nanginginig ang kalamnan niya, tuhod at mga kamay nang lumabas ng kwarto. Kumakalabog na ang pinto pero hindi agad-agad na binubuksan na parang pinaglalaruan pa. May tawanan pa siyang naririnig. “Basta ako muna ang gagalaw kay Miss beautiful. Matagal ko nang pinaglalawayan ’yon! Ang ganda ng mukha parang barbie pota!” Nanindig ang balahibo ni Marianne nang makilala ang kahindik-hindik na boses na iyon. Kaboses ng matabang lalaking nagpunta sa eskwelahan kanina! “Tinodas mo na si Tisoy, may babae ka pa! Ano, na sa ’yo na lahat, Bert?” sagot ng kausap nito. Nakakalokong tumawa ang lalaki at hinimas pa ang harap ng pantalon niya. In his head, ay humahagod na ang bibig at dila niya kay Marianne Cielo Larazano at walang sawang inaangkin ang kursunadang dalaga. “Hindi ko tatantanan ’yang Larazano na ’yan hangga’t nakakalakad pa..” Binato siya ng upos ng sigarilyo ng kasama. Mga nakainom at nakadroga. “Gago ako rin titira ro’n!” sabik na sagot ng lalaki. Hilakbo’t takot ang namayani sa isipan ni Marianne nang marinig ang pag-uusap na iyon. Sila nga ang pumatay kay Seb! At ngayon ay pinagbabalakan na siyang isunod! Mariin niyang hinalikan sa noo ang natutulog na si Bruce bago tinungo ang kusina kung saan may makitid na pinto roon palabas. Nanginginig pa ang mga kamay niyang sinususian ng malaking kandado dahil hindi na niya iyon ginagamit pa. Magmula nang umalis ang Kuya niya ay bihira na siyang naglalagi sa bahay o umikot man lang dahil sa trabaho. “Please.. please.. bumukas ka na..!” bulong niya dahil bukod sa nanginginig ang mga kamay niya ay madilim pa. Halos hindi na niya ramdam ang pangangalay sa pagbuhat kay Bruce sa kagustuhang makalabas ng bahay. “Miss beautiful.. yoohoo..” sutsot ng lalaki mula sa labas ng pinto. She prayed na sana’y mayroong magising na kapitbahay niya para bugawin ang mga lalaki. Pero tanging tahol lang ng aso ang naririnig niya. Nabuksan niya ang pinto at nagtatakbo palayo sa bahay. Hindi na siya lumingon pa sa takot na may makakita sa kanya. Tinakbo niya ang bahay ng Tiyahin at kumatok. Inabot na siya ng limang minuto pero walang sumasagot sa tawag niya. Naiiyak na nanghina si Marianne at umupo sa labas ng bahay. Bruce startled, agad niyang inayos ang pagkakalagay niya ang jacket nito. She thought about going to Lemery. Magagawa nyang magtago at maghintay sa sakayan para makarating doon at humingi ng tulong. Pero paano kung may mga mata sa paligid at hinahanap siya? Muling gumalaw si Bruce at naiiyak na. Kinuha niya ang bag para sa bote ng gatas nang bumagsak din sa sahig ang card na napulot niya. Natigilan siya at kinuha iyon. Hindi niya malaman kung para saan ang kalabog na naramdaman niya nang makilala ang nakasulat doon. Iyon ang business card na inabot sa kanya niya ng lalaking nagbayad para sa isang gabing pagtatalik. At natatandaan niyang inabot iyon sa kanya nang muli silang magkita sa bahay ni Mayor Wax Miguel Salvaterra sa Lemery. Binalewala niya iyon noong una dahil baka gusto lang nitong kunin ulit ang serbisyo o baka nagnanais na ibahay siya. Hindi man deretsahang sinabi sa kanya ay parang ganoon din ang nakita niya sa mukha nito. Sa gwapong mukha niya. Bakit hindi. Alam nitong siya ang nakauna sa kanya. Pinadede niya muna si Bruce at nilingon ang bahay ng Tiyahin. Hihintayin ba niyang mag-umaga para pagbuksan siya nito? Muli niyang binasa ang business card. Ang pangalang nakasulat ay Joe Ryan A. Del Carmen.. nagtatrabaho sa Eagle Eye Security and Investigation Agency Inc. “Ryan.. they called him Ryan..” natatandaan niyang iyon ang tawag ng Lola niya sa lalaking iyon. But she still surprised na ang ilalim ng pangalan nito’y President ang nakalagay. Ibig sabihin.. Nakasulat doon ang address ng dalawang sangay ng agency na iyon. Sa Maynila at sa Agoncillo. And an old voice lingered in her head.. “Ito ang address ko. Puntahan mo ko kung sakaling.. mangailangan ka ng tulong o.. suporta.. hanapin mo ko.” makahulugan nitong sabi sa kanya. Bumalik sa ala-ala niya ang pagmumura nito nang matanto nitong hindi siya gumamit ng rubber sa pagtatalik. That must be his reason kung bakit binigay sa kanya ang contact address nito. He might thought.. Natigilan si Marianne at tumitig sa kawalan. She looked down at Bruce who’s now peacefully sleeping. At muling sinulyan ang bahay ng Tiyahin niyang hindi sila pinagbuksan. Three years ago nang magtagpo sila ng lalaking iyon. At ang pagkakabasa niya ngayon sa business card nito ay nagpaagos lamang ng mga ala-alang pilit niyang hinaharang sa isipan. Three years ago.. and it’s haunting her again..

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
322.4K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

His Cheating Heart

read
45.6K
bc

Married to a Hot Magnate

read
358.1K
bc

My Godfather My husband

read
271.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook