CHAPTER 19

3154 Words
*flashback* “A T E . . .”, garagal ang tinig na tawag sa akin ni Macey habang tumatakbo ito upang salubungin ako sa may gate ng bahay namin. “Macey, anong nangyari? May masakit ba sayo?”, nag-aalala kong tanong. Ngunit sa halip na sagutin ako ay diretso ako nitong niyakap at humagulgol. Lalo akong kinabahan. Alam ko seryoso ang kung ano mang rason ng pag-iyak ng bunso kong kapatid. “Macey...sabihin mo sa’kin anong nangyari?”, ulit ko habang bahagya ko syang inilalayo sa akin upang hulihin ang mga mata nya. Magang-maga na ang mga mata nito senyales na kanina pa ito umiiyak. “Ate...ang mama...”, halos hindi iyon lumabas sa labi nito dahil sa pag-iyak. Isang malakas na kalabog na nanggaling sa loob ng bahay namin ang umagaw sa atensyon ko. Napatingin ako sa direksyon ng bahay at may nauulingan akong sumisigaw at galit na boses. Kinalas ko ang mga braso ni Macey na nakahawak pa sa akin at agad na pumasok sa bahay. Natigilan ako sa may pintuan nang abutan ko ang gulo-gulo naming sala, mga gamit at damit na nagkalat sa sahig at maleta. “Lumayas ka!!! Wala kang kwentang ina!”, napaangat ako ng tingin at tumambad sa akin ang galit na galit na mukha ni Kuya. Sinundan ko ang tingin ng kuya ko at doon ko nakita si Mama na nakalupasay sa sahig at umiiyak. “Patawarin mo ako anak...patawarin nyo ako...”, umiiyak na usal ng mama ko. “Aalis ako dahil hindi ko alam baka kung ano pa ang magawa ko sa’yo, pero gusto ko pagbalik ko wala ka na at ang mga bakas mo sa bahay na ‘to!!!”, nanginginig ang boses na sagot ni kuya na halatang dahil sa pagpipigil ng galit. ang makita ako. Ang dami kong gustong itanong at sabihin kay Kuya ngunit walang salitang namutawi sa bibig ko. Nakita ako ang pagtaas-baba ng dibdib nya sa pagpupuyos sa galit. Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ito humakbang ng malalaki palabas ng pintuan at nilampsan ako nang hindi na tinapunan ng tingin. Muli kong binalingan si Mama na patuloy sa pag-iyak. Gulong-gulo ako sa mga nangyayari, gusto kong magtanong pero natatakot ako sa malalaman kong sagot. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan ng ni mama at doon ko nakita si papa na tahimik na nakatayo sa may hagdanan. “Pa? Ma? A-Anong nangyari? Bakit galit na galit ang kuya? T-Tsaka...tsaka bakit nakakalat ang mga gamit mo Ma? Aalis ka?”, wala sa loob at sunod-sunod kong tanong. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mga magulang ko dahil tila wala sa mga itong ang may gustong sumagot ng tanong ko. “Aalis na mama mo anak”, mahinang sabi ni papa matapos ang ilang segundong pananahimik. “P-Po? B-Bakit po? M-Mag-aabroad din sya? S-Saang bansa? Bakit biglaan ata?”, sunod-sunod ko uling tanong tsaka nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Parang may mali eh. Humugot ng malalim na hininga ang papa ko. “Patawarin nyo ako anak.... patawad, patawad, patawad...”, bulong ni mama sa pagitan ng pag-iyak. “Ma...bakit ka nagsosorry? Ilang taon ka ba mawawala? Ilang taon ba kontrata mo dun?”, tanong ko ulit ngunit imbes na sagutin ako ay lalo lamang lumakas ang paghagulgol nito. “Hindi na babalik ang Mama mo Mia”, may pinalidad sa boses ni Papa. Nabaling dito ang tingin ko at umaasang nang-gogood time lang ito ngunit umahon na ang kaba sa dibdib ko nang makita kong seryoso ang mukha ni Papa. Muli kong binalingan si Mama na ngayon ay nag-umpisa na nang ipunin ang mga gamit nyang nagkalat sa sahig at isilid ang mga iyon sa maleta. “Mama...”, ang tangi kong nasabi dahil hindi ko na din napigilan ang paglakas ng agos ng mga luha ko. Para akong itinulos sa kinatatayuan ko at hindi ako makagalaw. Wala akong ibang nagawa kundi ang panoorin ang mama ko na isilid ang huling piraso ng damit nya sa maleta at isara iyon. “Kahit anong mangyari Mia, wag na wag nyo kalilimutan na mahal na mahal ko kayong mga anak ko...hindi iyon magbabago”, sabi ni Mama sabay pahid sa mga luha ko. “Pero bakit ka aalis? Bakit mo kami iiwanan?”, hindi ko napigilang itanong. “Patawad Mia”, iyon lang at tinungo na nito ang pintuan kung saan andun din si Macey na walang ibang nagawa kundi umiyak at panooring tuluyan kaming iwanan ng babaeng nagluwal sa amin. . . . . . . *end of flashback* "M A M A . . . " “Mia? Mia gising na...”untag ng isang boses sa akin. Panaginip. Nung mga unang taon ay halos gabi-gabi ko napapanaginipan ang araw na iniwan kami ng mama ko. Recently lang tumigil nang ilang taon akong hindi umuwi ng San Mateo. Ngayon ay bumalik na naman. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ngunit nanatiling nakaupo sa kama. Inilibot ko ang paningin ko at tumambad ang pamilyar na ayos ng kwarto namin ni Clang. Pangalawang araw ko na ngayon sa apartment namin dito sa Manila. Nagdesisyon akong manatili na muna dito ng mga ilang araw upang maghanap ng bagong mapapasukan bago ako muling umuwi ng probinsya para sa operasyon ni papa. Sinubukan ko pa sanang kausapin si Mr. Torres kahapon ngunit as usual ay taas-kilay ako nitong tinanggihan. Bibigyan na lamang daw nya ako ng recommendation letter kung sakaling kailanganin ko basta wag na lang daw akong bumalik sa eskwelahan nya. Kaya’t heto, kahit nagdadalawang isip ako dahil nag-aalala ako sa Papa ko, ay wala di namana kong choice dahil kailangang-kailangan talaga namin ng pera. Kaya’t napagdesisyonan kong ilalaan ko ang buong araw na ito para maghanap ng bagong trabaho at bukas na bukas ay uuwi na ako. “Anong oras na”, paos pa ang boses na tanong ko kay Clang na abala sa paghahanda sa pagpasok sa school. “Alas sais y medya pa lang, hindi naman sana kita gigisingin kaya lang umuungol ka dyan, ayaw naman kita iwanan ng ganyan baka nga binabangungot ka’t matsugi aba’y prime suspect pa ako”, as usual ay may mahabang sagot si Clang sa lahat. Napatawa na lang ako. Hindi ko talaga alam kung saan ako pupulitin kung wala ang kaibigan kong ‘to. “Clang... yun nga palang renta natin sa buwan na ‘to...”, bigla kong nasabi. Kahapon ko pa talaga ito balak kausapin tungkol sa bagay na ‘to kaya lang ay inunahan ako ng hiya. “Hep! Stop right now, thank you very much!...”, anito sabay pumosing pa na parang spice girls na sasayaw. Pinigil ko ang sarili kong matawa sa itsura nito. “Wag mo nang isipin ang renta okay? Magagawan ko ng paraan. Kering-keri!”, pabiro pa nitong dugtong. Para na naman tuloy akong maiiyak. Malas at salat man ako sa maraming bagay, swerte at sagana naman ako sa pagmamahal ng kaibigan. “Hep, hep, hep! Bawal ang drama! Kaaga-aga pa Maria Isabella!”, hirit pa ulit nito nang mapansin marahil na nalulukot na ang mukha ko sa pagpipigil ng iyak. “Hindi ko kasi talaga alam ang gagawin ko kung wala ka eh”, hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng mga luha ko. “’To naman, others? Others?”, “Thank you Clang”, Imbes na sumagot ay niyakap na lang ako nito. Naputol ang moment namin nang magring ng telepono ko. Inabot iyon ni Clang dahil sya ang mas malapit sa bedside table. “Si Macey”, pagbasa nito sa pangalang rumehistro sa screen bago tuluyang inabot sakin ang cellphone ko. Hindi ko alam pero agad na kumabog ang dibdib ko. Abot abot ang dasal ko na sana mali ang hinala ko. “Hello Macey?”, pagsagot ko. “Ate! Ate ang Papa!!!”, at sinundan iyon ng malakas na hagulgol. Para itinulos sa kinauupuan ko. Muntik kong mabitawan ang telepono ko. “A-Anong nangyari Macey?! Macey! Sabihin mo ng maayos ano ba!”, pinipilit kong huwag din maghisterya ngunit naging blangko ang isipan ko. “Ate umuwi ka na please, ngayon na!”, iyon lang at naputol na ang linya. Para akong tinakasan ng lakas. Agad akong nilapitan ni Clang . “Mia, okay ka lang? Anong nangyari?”, nag-aalala nitong tanong. “C-Clang....Clang ang papa...may nangyaring masama sa papa ko....”, nang maisatinig ko ang mga salitang iyon ay parang doon lang nagsink in sa akin ang nangyayari. Napahagulgol ako. Agad akong niyakap ni Clang at marahang hinaplos sa likod. Ni ayokong isipin ang mga posibleng abutan ko pag-umuwi ako. “Shhh... shhh... magiging okay din ang lahat...shhh”, pag-alo pa ng kaibigan ko sa akin. Nang biglang magflash sa isipan ko ang mukha ni Papang nakangiti ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Agad akong tumayo at aligagang inipon ang mga gamit ko, charger, wallet, at kung anong makita ko. Basta ko lamang silang isinilid sa bag ko at di nag-abalang isipin kung maayos ba ang pagkakasalansan ng mga iyon sa loob. Hindi ako matigil sa pag-iyak, parang sasabog ang baga 4ko sa bawat paghagulgol ko. “Mia, kumalma ka muna, okay?”, pang-aalo ni Clang ngunit tila wala akong naririnig at parang baliw na nagpatuloy sa ginagawa ko. Tumayo ito muna sa pagkakaupo sa gilid ng kama at nilapitan ako. “Mia...”,kalmado pa din nitong pagtawag sa pangalan ko. Nang hindi ako matigil ay hinawakan ako nito sa magkabilang balikat upang kunin ang atensyon ko. Ngunit lalo lamang lumakas ang pag-iyak ko. Niyakap nya akong muli, marahil ay hindi din alam ang sasabihin. “Okay, ayusin mo ang sarili mo, magbihis ka, tatawag lang ako sa school para sabihin na hindi muna ako makakapasok. Sasamahan kita pauwi sa inyo”, maya-maya ay sabi nito. Hindi ko na din naisip na mahiya sa abala ko sa kaibigan ko, dahil sa totoo, hindi ko alam kung paano ako makakauwi ng mag-isa sa panahong ‘to. Tumango lang ako at sinunod ang sabi nito. Pumasok ako sa banyo upang mahilamos at magbihis. Ilang sandali pa’y nasa daan na kami lulan ng bus pauwi ng San Mateo. Hindi ako kumibo sa buong byahe dahil pakiramdam ko ay ubod ng bagal ang takbo ng bus, ang tanging gusto ko na lang sa mga oras na ‘to ay makitang maayos ang lagay ng natitira kong magulang. Maya’t maya’y pinipisil ni Clang ang kamay kong hindi na ata nawala ang pagkakayukom. Sa totoo lang, labis labis ang pasasalamat ko sa kaibigan kong ito. Kung hindi ko sya kasama’y hindi ko alam kung anong nangyari sa akin dahil wala ako sa sarili. Nagtataka ako kung bakit hindi pa ako inaatake sa puso sa sobrang bilis ng kabog niyon sanhi ng samu’t saring posibleng tagpong maaari kong datnan sa ospital na hindi ko maiwasang buuin sa isip ko. Napakaraming ‘paano kung’. Isang marahang tapik sa balikat ko ang nagpabalik sa akin sa kasulukuyan. “Andito na tayo”, mahinahong sabi ni Clang nang lingunin ko ito. Agad akong napalingon sa paligid na tila ba naalimpungatan ako kahit hindi naman ako tulog. Sadyang napakalayo ata ng narating ng isipan ko at hindi ko man lang namalayang nakarating na pala kami. Tumambad sa paningin ko ang pamilyar na bayan. Nagmamadali akong tumayo upang makababasa bus. Mula sa binabaan namin ni Clang ay kailangan pa naming sumakay ng tricycle papunta sa ospital mismo. Tahimik lang na sumunod ang kaibigan ko sa akin nang tinungo ko ang pila ng mga tricycle sa di kalayuan. “Manong, sa SatGen po?”, sabi ko sa tricycle driver. Tumango ito bilang sagot. Akmang sasakay na ako nang biglang may bumusina, sanhi upang mapatigil ako at mapalingon. Isang itim na SUV ang nakahinto sa tapat mismo namin. Nang bumaba ang bintana sa driver seat ay tumambad sa amin ang isang gwapong mukha. “Travis…”, mahina kong sambit. Isang saglit at tipid na ngiti ang isinagot nito sakin bago ito tuluyang bumaba sa sasakyan nito. Para itong artistang kumikinang sa ilalim ng matinding sikat ng araw nang ganap itong makababa. Nakasuot ito ng puting long sleeves na kinaluskos hanggang siko at nakabukas ang dalawang butones sa may leeg nito. Gulo-gulo ang buhok at bahagyang niluwagan ang suot nitong neck tie. Bagaman nanatiling nakatuck in ang pang itaas nito sa slim cut nitong slacks pants na bumagay sa mahahaba nitong biyas. Bahagya pang naningkit ang mga mata ko dahil literal itong nakakasilaw sa suot nitong puti. Nakaramdam ako ng bahagyang pag siko sa tagiliran mula kay Clang. “In fair…nakalimutan mo ng saglit ang pakay natin dito nung bumaba si Dokkie sa car…”bulong nito. Hindi na ako nagkaron ng pagkakataong magreact dahil ganap nang nakalapit ang binatang doktor sa kinatatayuan namin dahil sa mahahaba nitong hakbang. Seryoso ang mukha nito at may bahid ng pag aalala. Mukha ding pagod ito at ilang gabing walang tulog dahil sa bahagyang pangingitim ng ilalim nh mga mata nito. “Let’s go”, sabi lang nito at inabot ang bag na dala ko pati na rin ang dala ni Clang. Pinagsama nya ang mga iyon sa kaliwang kamay at gamit ang kanang kamay ay hinawakan nito ang kamay ko at hinila patungo sa kotse nito. Hindi na ako nakapagreact sa bilis ng galaw nito kaya’t nagpatianod na lang ako hanggang sa tuluyan akong nakasakay sa passenger seat. Pinagbukas din nito ng pinto si Clang sa likuran at doon din inilagay ang mga bag namin. Mabilis itong umikot patungo sa driver’s side at ilang sandali pa’y nasa daan na kami patungo sa ospital. Ilang beses ko itong nilingon dahil tahimik lang itong nakapokus sa daan at hindi mawala wala ang seryosonh ekspresyon sa mukha nito kaya’t nag aalangan akong magsalita. Nang marahil ay maramdaman nito ang tingin ko ag mabilis ako nitong tinapunan ng tingin at nginitian ng mabilis gaya ng ginawa nito kanina tsaka muling ibinaling ang paningin sa daan. “Sorry...”, pagkakuway sabi nito nang hindi inaalis ang mga mata sa daan. “Ha?”, nagtataka kong tanong. “I wanted to call you when I heard about what happened. Kaya lang inisip ko baka lalo kang magpanic kung tatawagan kita,”, paliwanag nito. Sa totoo lang, nakakaguilty man, ay hindi ko na talaga ito naisip din mula nang makatanggap ako ng masamang balita mula kay Macey. Ang tanging nasa isip ko ay makauwi at makita ang tatay ko. Kaya’t medyo nagulat ako sa pagpapaliwanag nito. Oo nga pala, andito ito. Ito ang Attending Physician ni Papa... at... manliligaw ko. “Knowing you... you tend to space out and panic kapag may emergency situations. I didn’t know kung may kasama ka nung mga panahong naisip kong tawagan ka, I was afraid na may mangyaring masama sayo kung sakaling magpanic ka”, dugtong pa nito. May kung anong humaplos naman sa puso ko sa sinabi nito. Parang napakatagal na kasing panahon na walang nag-iisip sa akin kaya parang naninibago ako na mayroon na palang Travis De Luna ngayon. Pasimple akong tumikhim na tila ba mapapawi niyon ang hiyang nararamdaman ko sa kaswal nitong pagbibitiw ng matatamis na salita. “G-Galing ka bang trabaho?”, pag-iiba ko ng usapan. “Uhhmm, I was in Pampanga when I got a phone call from ED, isinugod nga daw ang papa mo.”, tila wala sa loob nitong sagot habang maingat na pinipihit ang manibela upang lumiko matapos mag green ang stop light. “Pampanga?”, ulit ko. “May medical conference akong inattendan for three days. I texted you”, sagot nito. Agad akong napacheck sa cellphone ko. Totoo nga. May text ito 2 days ago. Ni hindi ko iyon nabasa. “S-Sorry... hindi ko napansin”, ang tangi kong nasabi. Ngumiti lang ito. “It’s okay. I didn’t wanna call you kasi ayong isipin mong clingy ako... though I really am pagdating sayo”, biro nito marahil upang itago ang disappointment. “Pasensya ka na talaga Travis...marami lang talaga akong inaasikaso nitong mga nakaraang araw. Atsaka.... h-hindi pa ako sanay nang may nagtetext sakin bukod kina Papa”, pag-amin ko. “It’s okay...”, nakangiti muli nitong sabi at itinuon na ang pansin sa daan. Bumalik ang seryosong ekspresyon sa mukha nito kaya’y hindi na ako nagsalitang muli. Makalipas ang halos sampung minuto pa ay narating na namin ang ospital. Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko. Lakad takbo ang ginawa namin ni Clang upang makasabay sa mahahaba at mabibilis na hakbang ni Travis matapos itong ituro ng nurse sa Operating Room dahil andun na daw ang papa ko. Hindi nagtagal ay natanaw ko na si Macey na nakaupo sa isa sa mga bench sa labas ng OR. Agad din nitong napansin na paparating kami. Nang makita ako ay patakbo ako nitong niyakap at pinakawalan ang iyak na tila ba kanina pa pinipigil “Ate....natatakot ako...”, anito sa pagitang ng paghagulgol. “Shhhh...magiging okay ang papa okay?”, kahit sa totoo ay natatakot din ako, ay iyon lang ang nagawa kong sabihin sa kapatid ko. “Ate...hindi humihinga si papa nung nakita ko sya sa kwarto, natatakot ako ate... paano kung... paano kung...hindi ko kaya mawala ang papa ate....”, halos hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni Macey dahil sa sobrang pag-iyak. “Shhh....shhhh”, Wala akong mahanap na mga salita dahil sa totoo lang kahit ako ay hindi ko alam ang dapat sabihin. Sya namang pagbukas ng automatic sliding door ng Operating Room kaya’t halos sabay-sabay kaming nabaling doon ang tingin. Iniluwa niyon si Primo na nakasuot ng light blue na scrub suits. Agad ko itong nilapitan. “Primo...kamusta ang papa?”, hindi na ako nag-atubiling magtanong dito. Hindi ko na inisip ang kung ano pa man, ang importante ay malaman ko ang lagay ng tatay ko. Pinakatitigan ako nito. “Yung isang valve ng puso nya, tuluyan nang bumigay...”, tila nag-aalangang sagot ni Primo sa akin. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya, naghihintay ng karugtong. Ngunit tila maging ito ay hirap na humanap ng tamang salita. Umapaw na ang luha mula sa aking mga mata... “A-Anong ibig mong sabihin?”, lakas-loob kong tanong. Humugot muna ito ng malalim na hininga bago ako tinitigan sa mga mata na tila ba walang ibang tao sa paligid namin. “Mia... I want you to know na gagawin ko lahat ng makakaya ko to save Tito Caloy... but I need you to be ready sa mga maaring mangyari”, kalmado nitong sagot sa akin. Napatuptop ako ng aking bibig upang pigilin ang pagkawala ng hagulgol ngunit hindi ko napigil ang pagyugyog ng mga balikat ko.....Is this it?, tanong ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD