CHAPTER 20

3260 Words
-PRIMO- N A N G . . . makatanggap ako ng tawag mula sa Emergency Department na inatake muli si Tito Caloy, wala akong ibang naisip kundi ang makarating sa ospital as soon as I can. Dinatnan ko si Macey na umiiyak at mag isa habang sinusuri ang tatay nito sa ED. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng guts para I-approach ito na tila ba hindi ako nawala ng siyam na taon. Basta ang alam ko kailangan ko itong makausap at kailangan din nito ng makakausap. She was a little sister to me. And I must admit, when Mia and I parted ways, one of the most difficult part was figuring out kung paano ko pakikitunguhan ang pamilya nyang parang naging pamilya ko na din. “Macey...what happened?”, hindi na ako nag atubili o nag-alinlangan pa. Napalingon ito sakin. Mugtong-mugto ang mga mata. Para namang may kung anong humaplos sa puso ko nang makita ko ang anyo nito. “K-Kuya Primo? A-Anong ginagawa mo dito?”, nagawa pa din nitong itanong. “I am Tito Caloy’s operating surgeon. Hindi ba nabanggit ng ate mo?”, Umiling ito bilang sagot at sunod-sunod na suminghot. Dinukot ko ang panyo sa bulsa ko at iniabot iyon dito. Bagaman may pag-aalinlangan ay saglit lang iyon, inabot din nito ang panyo at ipinahid sa mga mata nitong hindi ata nauubusan ng pondong luha. “Anong nangyari? Bakit mag-isa ka? Asan ang Kuya Myco at ate mo?”,sunod-sunod kong tanong ko dito. “Kuya Primo...kuya ang papa”, iyak ito ng iyak kaya agad ko din naman itong niyakap upang aluin. “H-Hindi ko alam kuya, basta pumasok lang ako sa kwarto ni papa para sana palalahanan syang inumin yung gamot nya, tapos nakita ko na lang syang nakabulagta sa sahig at hindi humihinga...or hindi ko alam, basta putting-puti sya akala ko iniwan na din ako ng papa ko kuya....”, tuloy-tuloy nitong kwento sa pagitan ng pag-iyak. “Shhh...everything will be okay..”, patuloy na pag-alo ko dito. “Excuse me Doc, eto na po ang results ng lab ni Mr. Alcantara”, agaw ng isang nurse sa atensyon ko sabay abot sa akin ng mga papel at xray sheets. Agad kumalas sa akin si Macey upang hayaan akong basahin ang mga resulta. Kumabog nang mabilis ang puso ko nang makita ko ang result ng ECG ni Tito Caloy . Hindi ito maganda. “Asan ang Kuya Myco at Ate mo?”, tanong kong mula dito. “Nasa trabaho ang kuya, ako ang nakatokang magtingin kay papa kasi lumuwas si ate ng Maynila nung isang araw, nagkaproblema ata sya sa trabaho kaya hindi sya nakabalik agad, pero pauwi na sya ngayon. Papunta na din daw ang Kuya Myco”, sagot naman nito. Saglit akong nag-isip. Parang bigla akong nablanko. Iba pala talaga kapag pamilya mo na ang nasa bingit ng kamatayan. Even if you are the best doctor in the world, magkakaroon ka ng moment na hindi mo alam ang gagawin mo. “Doc...”, untag ng nurse sa akin na naghihintay pala ng order ko. “A-Ahh, yes... vital signs?”, pilit kong itinago ang kaba kaya’t pilit akong nagfocus sa mga reports na iniabot nito sa akin kanina. “BP= 80/70, HR=59 but weak, ROSC obtained after 3 cycles of CPR, patient was in A-Fib Doc” “Saturation?” “82% Doc, but currently being intubated by Dr. Masinag” “Okay, ring my team tell them to get ready for emergency OP. My surgery ba sa OR 2?” “As of now wala po, pero merong TAHBSO mamayang 11am” “Stable ang patient?” “Yes Doc” “Okay, postponed to 3pm, unless maging unstable ang pasyente, get OR 1 on stand by” “Yes Doc”, sagot ng nurse at agad ding umalis upang I-carry out ang mga order ko. Binalingan kong muli si Macey. Panay pa din ang pag iyak nito habang nakatanaw sa kinaroroonan ng tatay nya na kasalukuyang kinakabitan ng iba’t ibang aparato ngayon. “Kuya Primo, mamamatay na ba ang Papa?”, garagal ang tinig na tanong nito sakin. Isa sa mga pinakamahirap na tanong para sa isang doktor... paano ko ba sasagutin ang tanong na iyon, lalo na’t nanggaling iyon sa isa sa mga itinuturing kong pamilya? “I will do my best para kay Tito Caloy, Macey...don’t worry”, ang tangi kong nasabi. Bahagya akong nagulat nang bigla nitong hawakan ang magkabila kong kamay. “Please Kuya... si Papa na lang ang natitirang magulang namin. Hindi pa kami handa na mawalan ulit ng isa pang magulang...”, punong-puno ng pagsusumamo nitong sabi. Nakita ko nga sa file ni Tito Caloy na deceased na ang asawa nito kaya naman si Mia na ang tumatayong next of kin nito. Gustohin ko mang magtanong ay hindi ito ang tamang oras. Tumango na lamang ako bilang sagot. “Macey, kailangan nang maoperahan ng papa mo ngayon, I know you are not the next of kin but because ikaw ang tanging family nya na andito kaya sayo ako magpapaalam”, sinubukan kong panatilihing kalmado ang boses ko dahil ayokong mas lalong magpanic ito. Sunod-sunod na tango ang isinagot nito. “Okay, sumama ka muna sa nurse to sign the consent and after I’ll meet you in front of the Operating Room”, bahagya kong ginulo ang buhok nito kagaya ng palagi kong ginagawa dati saka mabibilis ang hakbang na tinungo ang direksyon patungo sa kama kung saan nakahiga si Tito Caloy upang tingnan muli ang kondisyon nito bago tuluyang operahan. Mabilis ang naging kilos ng mga nurse at iba pang doktor, walang sinayang na segundo. Nagmadali na din akong magpalit ng scrub suit ko at nagsagawa ng isang mabilis na huddle sa team ko na kasama sa outreach upang I-brief sila sa case ng pasyente. Habang hinihintay ko ang go-signal ng anesthesiologist ay tinawag ako ng isang nurse na incharge sa OR. “Dr. Cordova, andito na po ang next of kin ni Mr. Alcantara”, anito. Malalaki ang hakbang na tininungo ko ang automatic sliding door ng OR. Nang magbukas iyon ay tumambad sa akin sina Macey at Mia na magkayakap habang nasa likod naman ni Mia sina Travis at isang babaeng hindi ko kilala. Magkasama kaya ang mga ito na dumating? Kakakaibang bundol sa dibdib ang hatid sa akin ng kaisipang iyon. Si Macey ang unang nakakita sa akin, sinenyasan nito ang kapatid na nasa likod ako nito. “Primo...”, ang nagsusumamong pagtawag ni Mia sa pangalan ko ang pumutol sa saglit kong pag-iisip kaya’t nabaling dito ang paningin ko. Alam ko dapat galit ako dito, dapat malamig ang pakikitungo ko dito, pero nang makita ko ang mukha nito at ang mga matang magang-maga na sa pag-iyak, parang may humaplos sa puso ko at nakaramdam ng awa dito. Lumapit ito sa akin. “Primo, kamusta ang papa?”, garagal ang tinig na tanong nito. “He’s currently being put under General Anesthesia. Hinihintay ko lang ang Go-signal ng Anesthesiologist para masimulan ko na ang surgery”, malumanay kong sagot. “Magiging okay din ang papa di ba?”, muli na namang bumuhos ang mga luha nito. Labis ang pagpipigil kong pahirin ang mga luhang iyon mula sa mga mata nito. Napakaraming bagay ang naglalaro sa isipan ko, kaya’t wala akong mahanap na salita upang sagutin ito. Bahagya pa akong nagulat nang hawakan ako nito sa magkabilang braso at bahagyang niyugyog. “Primo please, iligtas mo ang papa... nakikiusap ako sayo please....gagawin ko lahat...iligtas mo lang ang papa ko please, please..”, sabi pa nito habang pahina nang pahina ang boses hanggang na palitan na ang mga salita ng pag-iyak. Despite everything...I can’t help but feel sorry for her. Hinawakan ko ang isa nyang kamay na nasa kaliwang braso ko at banayad iyong pinisil nang hindi inaalis ang pagkakahawak sa braso ko. “Don’t worry...this is Tito Caloy we’re talking about. I will always do my best for him, okay?”, pinanatili kong kalmado ang boses ko sa paghahangad na makatulong iyon upang kumalma ito kahit kaunti. Tumango naman ito bagaman humihikbi pa din. That look she gave me somehow reminded of the Mia I knew nine years ago. Bumukas ang automatic sliding door mula sa aking likuran ngunit hindi ako nag-abalang lingunin iyon. “Dr. Cordova... ready na po ang pasyente”, a-ng tinig na sa hinuha ko ay iyong nurse din kanina na nagsabing andito na si Mia. “I have to go Mia...”, kahit ako ay hindi ko makapaniwala sa tonong kumawala sa akin... gone is the coldness... Ngunit sa halip na pakawalan ang mga braso ko ay naramdaman kong mas lalo nitong hinigpitan ang paghawak doon nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Nagdadalawang isip man, ay nagpasya akong ngumiti upang iparating dito na magiging okay din ang lahat.... “It’s okay... ako na ang bahala, hm?”, halos pabulong kong sabi dito. Doon unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin hanggang sa tuluyan nang bumitaw. Sinulyapan ko din ng saglit si Macey at nginitian din ito. Samantala’y nagpapaunawang tango naman ang binigay ko kay Travis na tinugunan din ng huli. Sa huling pagkakataon bago ako tuluyang pumasok sa OR ay tiningnan ko si Mia na ngayon ay nakayuko at pilit na itinatago ang pag-iyak. Tulad ng dati ay iyakin pa din ito basta pamilya ang pinag-uusapan, at tulad ng dati ay mahilig pa din itong magtago sa tuwing umiiyak. “Trust me”, bulong ko dito tsaka tuluyang pumasok ako sa Operating Room. TRAVIS’ POV “Trust me”... Seeing the way Mia looks at him... and the way he said those two words to her... I don’t need to go through the whole equation to know what’s already obvious. Tinapunan ako ni Primo ng isang mabilis na tingin bago ito tuluyang pumasok sa OR. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tinging iyon but I just nodded assuming he was looking for some affirmation. Ilang minuto na ang nakalipas mula nang mapinid ang automatic door ng OR ngunit nanatiling nakatitig dun si Mia, looking lost in her own deep thoughts. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang istorbohin o hayaan ko na lang muna tulad ng kung paano ko sya hinayaan noong mga nakaraang araw matapos ko syang ihatid sa Maynila. Suddenly ay nag-appear mula sa limuran ko ang kaibigan ni Mia na halos nakalimutan kong kasama pala namin. Ngunit nilampasan ako nito at diretsong tinungo ang kinatatayuan ni Mia. “Upo ka muna Mia... magkakavaricose ka lang kakatayo mo dyan, don’t worry hindi naman siguro itatakas ni Primo ang tatay mo”, pabiro nitong sabi sa kaibigan. I saw Mia smiling weakly at her and eventually followed her lead patungo sa stainless na upuan sa di kalayuan. Tinabihan naman ito ng kaibigan habang hindi binibitiwan ang mga kamay nito. Lumapit din sa mga ito si Macey. “Ate, bibili lang ako ng makakain at kape, for sure hindi pa kayo kumakain”, a-nang huli. Tumango lang si Mia bilang sagot. “On the way na daw ang Kuya Myco at Ate Gisella, pinadiretso ko na sila dito sa Operating Room kaya maya-maya lang andito na din ang mga ‘yun”, dugtong pa ng nakababatang kapatid nito. Muli lamang tumango si Mia. “I’ll go with you Macey”, I finally said. Halos sabay-sabay pa ang tatlong pares ng mga matang dumako sa kinaroroonan ko. “B-Baka kailanganin mo ng tulong sa pagbitbit ng food atsaka coffee...”, sabi ko na lang just to kill the awkward atmosphere dahil for some reason, I kinda felt like my presence was forgotten, and the surprise look on Mia’s face which last for about a split second, confirmed that. Okay, that kind hurts. But this is not the time for my silly intuitions and insecurities, so I shoved them away instantly. Ngumiti at tumango lamang si Macey bilang sagot at nagpatiuna nang maglakad. Nginitian ko na lang din si Mia hoping it would reassure her with whatever is going on in her head tsaka tuluyang humabol kay Macey. I was lost in my own thoughts while I walk side to side with the latter patungo sa cafeteria ng ospital. For some reason ay paulit-ulit na nagrereplay sa utak ko ang tagpo sa tapat ng automatic door ng Operating Room kanina lang. “Trust me”... Lihim kong ipinilig ang ulo ko upang mawala ang imaheng iyon sa isip ko. Narinig kong may kausap na si Macey, bahagya pa akong nagulat nang mapagtanto kong nasa tapat na kaming counter sa cafeteria at ang kausap nito ay ang kaherang kumukuha ng order nito. Damn, was I that lost? Ni hindi ko namalayang nakarating na kami dito. “Doc?”, untag sakin ng nakababatang kapatid ni Mia. “Sorry?”, bahagya pa akong nagulat sa pagtawag nito sa’kin. “Sabi ko kung may gusto pa kayong iba”, kaswal na sagot nito sakin. “Uh...n-no, I’m okay... just coffee is fine...”, sagot ko. Tumango tango lang ito bilang tugon. Binigyan kami ng kahera ng number para sa order namin at nagpasyang maupo muna may di kalayuan sa counter habang naghihintay. Ilang minutong katahimikan ang namahagi sa pagitan namin ni Macey but not inside my head. In there was chaos... I was torn between asking for answers to the zillions of questions I have and playing dumb and pretend not to know or notice anything. But my own voice betrayed me... “It’s him... right?”, halos pabulong ko nang naitanong. “Ha?”, balik-tanong nito. I am still hesitant... but f*ck it... eto na eh, nasimulan ko na... “The one that broke her heart in the past... it’s him right?....Primo?”, kunwa’y kalmado kong tanong sabay baling ng tingin dito. It was like a parade of different emotions that flashed through her eyes after that. Kaba...pag-aalinlangan, gulat...pagkalito. She was silent for what seemed like ages... as if debating with herself kung sasagutin nya ba ang tanong ko o hindi. Nauna itong nagbaba ng tingin. She smiled...pero hindi iyon masayang ngiti. “So hindi pa naikwento sayo ng ate ang tungkol dun?”, she asked while looking elsewhere. “No... well, I told her she doesn’t have to tell me if she’s not ready to talk about it. Plus I wasn’t very interested about the man who torn her heart into pieces...”, I answered while looking at my interlaced fingers. “No?”, nagtataka nitong tanong. “W-Well... ‘cause that was all in the past... and all I want now is to take care of you sister, make sure she will never get hurt again”...tuloy-tuloy kong sabi. Tila nagulat din ito sa dire-diretso kong sagot, ngunit agad ding nakabawi at ngumiti din. It was silent again after that. Medyo nahiya ako ‘cause I felt like I was prying and this isn’t exactly the right time to do that. “You know what... don’t mind me.. Sorry, I didn’t mean to pry...it’s not a very good time”, I just said to kill the dead air. She smiled again and look away. I quietly played with my fingers and content myself with my own debate inside my head. “They broke each other’s heart...”, bigla nitong sabi. Hindi ako nagsalita sa paghihintay kung may susunod pa itong sasabihin. “They were each other’s first love... at hindi ako magsisinungaling, isa ako sa maraming taong umasang they will be each other’s last too”, she inhaled deeply and ended it with a sad smile. “I am partly guilty kung bakit kailangan pagdaanan ng kapatid ko ang lahat ng heartaches na ‘yun in the last 9 years....”, her voice quiverred at the end of the sentence... “Alam mo kasi Doc, ‘yang ate kong yan... socially and emotionally abnormal yan...”, pabiro nyang dugtong at sinundan ng mahinang tawa pero hindi na nito napigilan ang tulo ng mga luha nito. “Alam ng buong San Mateo na may feelings sila ni Kuya Primo sa isa’t isa simula mga bata pa sila. But my abnormal sister was nothing but mean to Kuya Primo para itago yung nararamdaman nya kahit na obvious pa din naman dahil mabanggit lang ang pangalang Primo parang pusang di mapaanak si ate at di mapakali. Kaya ako, bilang pakialamerang kapatid... I couldn’t just stand and wait for the trees to just grow..., nung isang beses nagpunta si Kuya Primo sa Canada and he was gone for weeks, pag uwi nya ay nanghiram sya ng mga notes sa ate...”, she paused and looked at me. “They were classmates since kinder sila by the way...”, side comment nito and she went on with her tale. “I thought I was being a genius back then... I was so desperate dahil gusto ko ding maging kapatid si Kuya Primo, yung kuya Myco ko kasi laging cold.. ewan ko ba, boring, walang thrill, unlike Kuya Primo lagi ko syang kalaro nun kapag nasa amin sya... so I don’t know, I was young and clueless, I thought I was doing the right thing... I secretly put my sister’s diary in one of those notebooks na pinahiram ng ate kay Kuya Primo hoping na mabasa nya lahat ng confession ng ate na nakasulat dun…”, she chuckled. “And did he?”, Natatawa syang tumango. “But then dahil ako ang rason kung paano sila nagkaaminan, I felt like ako din ang rason kung bakit nalagay sila sa heartbreak na pinagdaanan nilang pareho…”, I didn’t know what to say so I just kept quiet. “Kaya Doc…kung sakaling this time ikaw na nga ang makakapagbalik ng ngiti sa puso ng ate ko… sana… sana…alagaan mo ang puso nya…”, she looked at me with sincerity. I smiled, tsaka sinundan iyon ng tango. Iyon naman talaga ang balak ko. Nagbuzz ang disc na hawak nito hudyat na ready na ang order namin. Agad itong tumayo. I just absent-mindedly followed her para tulungan syang bitbitin ang mga inorder nya As much as I don’t want for any of their history to affect me, hindi pala ganun kadaling maging cool lang sa lahat. Knowing that they’re each other’s first love, and that they had a deep history together… parang ang hirap ipagsawalang bahala iyon. Should I feel threathened? Dapat bang pumagitna na ako at pigilin ang ano mang interaction nilang dalawa? But that will seem so petty and childish. Damn it, ganun ba yun? Kapag nagmahal ka nagiging petty ka? “Pwede ba tayong kumain dun Doc Pogi?”, untag ni Macey sa pakikipagdebate ko sa sarili ko. “H-Ha?....”, I said out of complete daze. She looked at me as if she could read my mind…she smiled sympathetically. “Sabi ko kung pwede ba tayong kumain dun sa may labas ng OR?”, pag uulit nito I had to blink a few times bago bumalik ang diwa ko sa realidad. “Uhh… the operation will surely last for hours, dun na lang tayo sa visitor’s lounge na malapit”, wala sa loob kong sagot. Tumango lang ito at sumunod sa akin nang magpatiuna na akong lumalakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD