CHAPTER 14

3794 Words
*flashback* W A L A . . . sa sariling naglalakad ako palabas ng eskwelahan matapos akong magbabad sa library pagkatapos ng last period ko ngayong hapon. Paano’y labis ang binaba ng grado ko sa science at math na syang major subjects. Aaminin ko malaking parte dun ay ang pagkawala ko sa focus sa pag-aaral para sa mga pagsusulit dahil sa biglang pagpapakita ni Primo ng interes sa akin. Simula kasi nang tagpo sa garden ng classroom namin ay tila naging pursigido itong totohanin ang sinabi nitong ‘He will make me officially his”. Nariyan ang araw-araw nitong pag-iiwan ng isang pirasong rosas sa desk ko at may kalakip pang mini notes na kung hindi isang quote, ay isang linya mula sa isang kanta. “No matter what it looks like No matter what it sounds like... I know God is doing marvelous things in my life... When He sent me you...” “...and I can’t help but stare Coz I see the truth somewhere in your eyes” “I found a woman, stronger that anyone I know... She shares my dreams... And I hope someday I’ll share her home...” Sa bawat paglabas ko ng classroom tuwing uwian, andyan sya’t naghihintay para dalhin ang bag ko at ihatid ako pauwi. Sa bawat pagnanakaw ko sana ng tingin sa kanya ay nakikitang kong nakatitig na pala sya sa akin. At sa bawat pagkakaton na sinasalo nya ako sa sana’y kahihiyan na sasapitin ko tulad ng ibigay nya sa akin ang varsity jacket nya habang nagpi-P.E. class kami para ipantakip sa jogging pants ko nung tinagusan ako. At aaminin ko din, na sa lahat ng pagkakataong iyon , ay mas lalo pa akong nahulog kay Primo. Iyon nga lang ay naapektohan naman ang pag-aaral ko. Never ako prinessure ng mama at papa ko na magkaroon ng mataas na grado o maging number one sa klase, pero ako itong may gusto na makamit ang Valedictory seat para sa scholarship pagtuntong ko ng college. Alam kong gagawin ni papa ang lahat para mapag-aral kaming tatlong magkakapatid pero hangga’t maaari ay gusto kong makatulong kahit sa paraang ito man lang. Kaya lang, mukhang mauunsyami pa ang pangarap kong iyon dahil sa pagkirenkeng ko. Halos maiyak ako kanina nang tawagin akong 3rd place para sa second grade period at ang masama dun ay may may ka-tie pa ako. Nakita ko ang paraan ng pagtitig ni Primo sa akin kanina, may awa, pag-aalala at kung anong emosyong hindi ko mabasa. Pinukol ko naman sya ng masamang tingin dahil bukod sa sya ang nagtop one ay sya naman talaga ang dahilan ng pagbaba ng grado ko. Kaya naman nang subukan nya akong kausapin matapos ang last period namin kanina ay hindi ko talaga mapigilan ang inis ko. “Siguro strategy mo ‘to ano? Ang lituhin ako para mawala ako sa focus at ikaw ang maging number one?”, sumbat ko kay Primo. “What? Ano ba yang sinasabi mo Mia?” “O eh ngayon ikaw na ang number one, masaya ka na ba? Nagtagumpay ka na! Totoo nga ang sinasabi nila, basta ginusto ni Primo Cordova, makukuha nya! Ang tanga ko lang dahil nagpauto ako sayo! Sa mga pakilig mo, mga damoves mo!”, sa pagkakataong ito ay hindi ko na napigilan ang mga luha ko, marahas kong pinahid ang mga iyon bago sya tinalikuran. Pinigil naman ako agad ni Primo sa braso. “I don’t know what you’re talking about okay? At anong pakilig? Anong damoves? I am courting you because I like you” Pagak akong napatawa saka marahas na binawi ang braso kong hawak nya. “Pwede ba Primo, itigil mo na yang pagpapanggap mo, ayan na o, number one ka na! Hindi mo na kailangang magpanggap na gusto mo ako dahil alam nating pareho ang totoo, na kung hindi mo lang nalaman na crush kita ay hindi mo naman ako papansinin!”, “What?”, tila hindi nito makapaniwalang sabi. “What mo mukha mo! Wag na wag mo na akong kakausapin!”, halos pasigaw ko nang sabi kaya naman nakaagaw na kami nang atensyon ng ilan naming mga kaklase. Inirapan ko sya bago ako tuluyang nag walk out at nagtungo sa library. At heto nga’t inabutan na pala ako ng alas sais ng gabi. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras kung hindi ako sinabihan ng janitor na ikakandado nya na ang library dahil alas sais na ng gabi ay hindi ko mamamalayan ang oras. Tila ba gusto kong parusahan ang sarili ko at magsubsob sa pag-aaral. Alam kong medyo childish at unreasonable ang ginawa kong pagbulyaw kay Primo kanina. Noong kumalma ako ay tsaka ko lang narealize ang ginawa ko. Napabuntong-hininga ako, marahil ay nagbago na ang isip nito sa panliligaw ngayon. Biglang kumulog nang malakas at agad iyong sinundan ng pagbuhos ng malakas na ulan. Oh great! Kung kailan talaga hindi ako nagdala ng payong doon talaga napili ng langit na magbuhos ng napakalakas na ulan! “Grrr! May mas mamalas pa ba sa akin???!!”, sigaw ko habang nakatingala na tila ba kinagagalitan ko ang langit bago tumakbo patungo sa pinakamalapit na waiting shed. Mga halos labinlimang minuto na akong nakatayo sa ilalim ng waiting shed ngunit para ba walang balak tumila ang lintik na ulan na ‘to. Bakit ba napakamalas ko naman ata sa araw na ‘to?! Hindi ko na napigilan ang pag alpas ng mga luhang kanina ko pa pinipigil. I am so disappointed in myself. Napatalungko ako at isinubsob ang mukha sa pagitan ng aking mga tuhod habang yakap ang mga iyon sa pag-asang maibsan kahit kaunti ang lamig na nararamdaman ko dala ng pagkabasa ko sa ulan at ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing naalala ko ang sakit na gumuhit sa mukha ni Primo nang pagsalitaan ko ito ng di maganda. Hindi ko na pinigil ang paghikbi dahil bukod sa mag-isa lang ako sa shed ay napakalakas pa ng ulan kaya alam kong walang makakarinig sa akin. Ang tunog ng mga yabag sa gitna ng ulan ang nagpaangat ng paningin ko. Noon ko nakita ang pares ng putikan at basang-basang tennis shoes na nakatigil sa aking harapan. Unti-unti akong napataas ng tingin upang tingnan kung sino iyon. “Primo...”, mahina kong usal. At hindi ko alam, pero nang makita ko syang nakatayo sa harapan ko at may hawak na payong ay lalo akong napaiyak. Tumalungko din ito sa harapan ko upang magpantay kami. Ilang sandali nya akong tinitigan, bago pinahid ng isang kamay nya ang mga luha kong walang tigil sa pag-agos. Ang dami kong gustong sabihin... sorry, hindi ko sinasadya, wag kang magalit sakin,… at ang dami ko ding gustong itanong, talaga bang gusto mo ako? Kung oo , nagbago na ba ang isip mo? Pero ni isa sa mga iyon ay hindi ko nagawang maisatinig. Tanging pagtitig lang ang nagawa ko. “What?”, anito. Hindi pa din ako nakasagot. “Don’t look at me like that...obviously andito ako para sunduin ka”, a-pa nito. “P-Pano mo nalamang andito pa ako sa school?”,, sa wakas ay nagawa kong itanong. “Kilala kita, san ka pa ba magpupunta sa mga ganitong pagkakataon kundi sa library. Hinayaan lang kita kanina coz I thought you might want to be alone”, sagot nito. Ilang segundo muna ang lumipas bago ko ulit nahanap ang boses ko. “I’m sorry”, sabi ko. “No, I’m sorry. It was never my intention to distract you. I just got too insecure nung bigla mo na lang akong iniwasan, I-I thought nagkakagusto ka na sa iba so… even before I’ve read you’re diary, ilang beses ko nang plinanong magtapat sayo… natotorpe lang talaga ako. I never thought na courting you would do you harm than good. I’m sorry Mia”, seryoso nitong sabi “S-So… you mean… gusto mo talaga ako?”, kailangan kong maniguro. Natawa itong bahagya at marahang pinitik ang tungki ng ilong ko. “Kakapanood mo kasi ng mga teleserye, kung ano-ano pumapasok sa isip mo. Bakit naman kita liligawan kung hindi kita gusto?”, balik-tanong nito. Bakit ko nga ba naisip na hindi totoo ang lahat ng pinapakita ni Primo? Baka nga totoo, baka nga gusto nya talaga ako. “B-Bakit ako?”, muli kong tanong. “I wish alam ko ang sagot sa tanong na yan...I mean, ikaw? Nakita ko kung paano mo singhutin ang sipon mong yellow when we were kids, nakita ko din ang itsura mong me laway pang nanigas sa gilid ng labi pero nakikipaglaro ka na sa labas...I mean we even bath together when----" "Shh!", agad kong tinakpan ang bibig nito dahil kung ano ano ang lumalabas doon! Natatawa naman ito habang tinatanggal ang kamay kong pinantakip ko sa bibig nya. "But it's true! We have seen each other's---" "Basted ka! Bwiset!", naaasar kong pagputol sa pang aasar nya sabay padabog na tumayo. Humagalpak naman ito ng tawa at tumayo na din. "Joke lang! Eto naman di ma mabiro", anito na hindi pa din mapigilan ang pagtawa. Lalo namang nalukot ang mukha ko at lumabi pa para ipakita ritong naiinis na ako. "Don't give me that look, kung ayaw mong mauna ang first kiss natin bago mo ako sagutin", biglang sabi nito "At paano ka naman nakakasigurong sasagutin nga kita? Parang siguradong-sigurado kang gusto din kita ah", "Bakit hindi ba?", pang-aasar pa rin nito. "Hindi porket gusto din kita pwede mo na akong asar-asarin!", saad ko na may kasama pang pagpadyak ng paa sa sobrang inis sa pang aasar ni Primo. Kung bakit kasi kailangan pa nitong banggitin ang tungkol sa yellow kong sipon at paliligo ng sabay?! Grrrr! Hindi ito nagsalita ng ilang sandali kaya nilingon ko ito dahil baka kung anong kalokohan na naman ang binabalak nito. Lalong nalukot ang noo ko nang makita ko ang abot tenga nitong ngiti. "Problema mo na naman? Para ka na namang timang dyan ngingiti ngiti ka mag isa. Kung alam lang ng mga babaeng nahuhumaling sa'yo yang side mong may kalting ewan ko lang kung habul-habulin ka pa nila", tuloy-tuloy kong sabi. Muli ay hindi na naman ito sumagot. Kunot-noo ko pa ring ibinalik ang tingin ko dito. Ano na naman bang trip nito? "Anong ngiti yan?", inis kong tanong. "Ngiting sinagot ng nililigawan", "Ano? Sinagot nino? Tsaka sinagot sino?", teka, nakatulog ba ako? May na-miss ba ako sa usapan? "Ako, sinagot mo", nakangiti pa rin nitong turan. Namilog ang mga mata ko sa sinabi nito. "Ako?? Sinagot ka?? Kelan??? Paano???", sunod sunod kong tanong na sinagot naman nito ng sunod sunod na tango. "Quote and unquote...", panimula nito sabay tikhim. "Hindi porket gusto din kita pwede mo na akong asar-asarin!", dagdag nito sa boses na inipit at kunwa'y ginagaya ako pati pag irap at pagkrus ng mga braso ko sa dibdib at pag nguso. Imbes na mainis ay di ko na napigilan ang tawa ko sa ginawa nito. Ganun ata talaga kapag in love, pwede mong maramdaman ang sakit, lungkot at saya in a matter of minutes. One moment malungkot ka at umiiyak, then the next thing you know tumatawa ka na. Kaya siguro nasabi nilang nakakabaliw ang pag-ibig. "So tayo na ha?", maya-maya ay sabi nito. Nagkunwari akong umiirap upang itago ang kilig na nadarama ko. Kaasar kasi bakit ganun parang may maliliit na paru-paro sa tiyan ko at kinikiliti ako. "Ewan ko sa'yo", kunwa'y painis kong sagot habang umiirap at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Ewan ko sa'yo", pang gagaya naman nito sakin. Naramdaman ko ang paghawak nito sa kamay ko kaya't nabaling doon ang tingin ko. Dahan-dahan nya iyong pinagsiklop at saka hinigpitan ang pagkakahawak. Napakagat ako sa ibabang labi ko upang pigilin ang nakakaasar kong ngiti na ayaw mabura. "You have to say it though", maya-maya'y sabi nito nang hindi pinaghihiwalay ang mga kamay namin. "Ang alin?", pagmamaang-maangan ko. Keesheerr! So this is how it feels to be kilig...iiiihhhh "C'mon... you know...",pigil din ang ngiti nyang pang-uudyok. Kung may makakakita sa amin ngayon ay baka mapalo kami sa pwet sa pagkapabebe. Paano'y pinagsway-sway pa namin ang magkahawak naming kamay. "Say it Mia...", sabi ulit nito. "Na ano ba?", kunwa'y patay malisya pa din ako. At dahil hindi pa rin kami nagbibitaw ng pagkakahawak ng kamay ay madali ako nitong nahila ng bigla. Muntik pa akong masubsob sa dibdib nito kung hindi ko naitukod doon ang malaya kong kamay. Sa gulat ay hindi ako agad nakahuma. Nang mag-angat ako ng tingin ay sinalubong din nito ang mga mata ko. "That you're officially mine",sagot nito habang nasa ganoon pa rin kaming posisyon. Aarte pa ba ako? Eh di sige na nga! Let's cut the chase! "Yes Primo, I'm officially yours", nakangiti ko ding sagot. . . . . . *end of flashback* . . . Ang pagtunog ng bell hudyat ng pagbubukas ng pinto ng elevator ang pumutol sa paglalakbay ng aking diwa. “We’re here”, bahagya pa akong nagulat nang magsalita si Travis. Nakalimutan kong kasama ko pala sya. Nagpatiuna itong lumabas ng elevator samantalang ako’y tila napako ang mga paa sa loob niyon. Sobrang lakas ng tambol ng aking dibdib. Nang hindi ako natinag ay inilahad nito ang kanyang kamay sa akin. Ilang segundo ko iyong tinitigan. Kung gusto kong tumakas dun, ngayon na ang pinakamagandang pagkakataon. Dahil sa oras na tanggapin ko ang kamay nyang iyon ay wala nang atrasan. Magtatagpo na kaming muli... after 7 years...at hindi ko alam kung handa ba ako. Si Travis na mismo ang kumuha ng kamay ko at hinila ako palabas ng elevator. “It’s okay. Don’t be nervous”, bulong pa nya. Nervous? Higit pa doon ang nararamdaman ko. Takot, pagkabalisa at... pananabik? Tama bang makaramdam pa ako ng pananabik sa kanya matapos ang lahat nang nangyari? Ilang hakbang pa ay narating namin ang pinto kung saan nakasulat ang mga salitang Nakailang lunok ako ng laway ko dahil parang tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Humigpit ang hawak ni Travis sa kamay ko na doon ko lang napagtantong hindi nya pa din pala binibitawan. Kumatok ito sa pinto. Ilang saglit kaming naghintay bago nya pinihit ang sedura niyon. Pigil-hininga akong naghintay na tumambay sa amin ang imahe na pitong taon kong hindi nakita. “Dr. De Luna...”, a-nang lalaking nakaupo sa swivel chair. Ngunit taliwas sa inaasahan ko, ang lalaking iyon ay may edad na ngunit hinding hindi maikakaila ang pagkakahawig nila ng inaasahan kong makita. “Dr. Cordova, sir”, bati ni Travis. Nang ibaling sa akin ng nakatatandang lalaki ang tingin nito ay hindi nito naitago ang pagkagulat. “Sorry for bothering you sir, I was told that your son would be in your office...”, ani Travis. “Yes he was here, he just stepped out for a few minutes to take a call... ah, there he is”, sagot nito kay Travis na halatang pilit na tinatago ang pagkagulat sa pagkakita sa akin. Halos panabay kaming bumaling ni Travis nang ituro nito ang bandang likuran ko. At para bang nangyayari sa mga pelikula, bumagal ang lahat nang malingunan ko sya …. si Primo Cordova, ang lalaking tangi kong minahal. Ang imahe nang mga nangyari sa nakaraan ang mabilis at isa-isang bumalik sa isipan ko. Ang bawat pagngiti ni Primo, ang bawat paghawi nya ng buhok mula sa mukha ko, ang bawat yakap, ang unang halik at ang bawat pagsambit nya ng salitang “Mahal kita”. Naramdaman ko ang agad na pagtutubig ng mga mata ko. Ngunit agad akong kumurap-kurap upang pigilin ang pag-alpas ng mga luha ko at nilunok ang bara sa aking lalamunan. Malaki na ang pinagbago nito, hindi ko sigurado kung dahil ba iyon balbas nitong papatubo pa lang o ang maliliit na guhit sa gilid ng mga mata nito. Pero ang tiyak ko’y imbes na makabawas ay mas lalo pang nakadagdag iyon sa kakisigan nito. Mas malapad na ang mga balikat at dibdib nito at maaaninang sa suot nitong black long-sleeves polo shirt ang maskulado nitong mga braso. He looks so manly. Only that his eyes are different from how I remember them, noon ay laging nakangiti ang mga iyon, laging maamo. Ngayon ay tila ba ito isang leon na laging handang umatake sa sobrang talim kung makatingin. Ilang sandali nya akong tinitigan ngunit bukod sa matalim na tingin ay wala na akong iba pang maaninag sa mga mata nya. Mula sa akin ay nagpalipat-lipat ito ng tingin sa damit namin ni Travis at sunod ay bumababa ang mga mata nito sa kamay naming magkahawak pa din. “There you are...”, ang biglang pagsasalita ni Travis ang pumukaw sa akin ngunit nang tingnan ko ito kay Primo pala ito nakatingin. Sa wakas ay binitawan na nito ang kamay ko upang makipagkamay sa huli. “What’s up?”, kaswal namang tanong ni Primo. My heart skipped a beat! Ngayon ko lang ulit narinig ang boses nya. Hindi ko na nga maalala kung dati pa ba’y ganun na kalalim at kabilog ang boses nya. “Uhh, I think I caught you at a wrong time? Next time na lang siguro kapag free ka”, sagot ni Travis at bahagyang tinapunan ng tingin ang ama ni Primo. “No, it’s okay...”, anaman ng huli. “Oh, remember our conversation about Calixto Alcantara? You said you used to know him? so I just thought it would be great to introduce his next of kin to you”, tuwang sabi ni Travis sabay kinabig ako sa may beywang ko papalapit sa kanya. Hindi ko alam kung imagination ko lang pero parang nakita ko ang pagpukol ni Primo ng tingin sa kamay ni Travis na nanatili sa beywang ko. “Primo, this is Mia Alcantara, ang pangalawang anak ni Mang Caloy at syang tumatayong next of kin nya. Mia, this is Dr. Primo Cordova, he is the head surgeon of the team na mag-oopera sa papa mo”, galak na galak pa din itong kasama ko samantalang ako ay malapit nang paglamayan sa talim tumingin ni Primo. Well, what do I expect? Na Primo will greet me all smiles and with open arms? Pagkatapos ng lahat? “I know Mia”, anang huli. “You do?”, kunot-noong tanong ni Travis dito. “Yes, batchmates kami nung highschool, right....Mia?”, baling sakin ni Primo. Napakagat ako ng ibabang labi. “O-Oo..”, halos hindi iyon lumabas sa bibig ko sa sobrang kaba. “Really??? How crazy is that? So kilala mo din si Doc RC? Primo’s father?”, tila naman amaze na amaze ang isang to. Isang awkward na tango lang ang isinagot ko. Kailan ba matatapos to? Gusto ko nang umalis sa silid na to! “That is so cool! Bakit hindi mo sinabi sa’kin na kilala mo pala ang mga Cordova?”, tanong pa ni Travis sa akin na tila ba isang bagay iyon na dapat kong ipagbunyi. “We weren’t that close. She was just one of those girls na umaming may crush sila sa akin noon.”, singit ni Primo. Napatingin ako dito. Just one of those girls... sa loob-loob ko’y napatawa ako ng pagak. Of course Mia, nakamove on na sya! Ano ba bang ineexpect mo? Na sasabihin nyang ex ka nya? At ikaw ang love of his life??? Ha!, sabi ko sa isip ko. “But we got over it, didn’t we Mia?”, dugtong pa nito. Hindi ko alam kung sasagot ba ako o ano. Bigla itong tinapik ni Travis ng pabiro sa balikat. “Don’t make her too uncomfortable!”, natatawang sabi pa ng huli. “By the way, sinabi ko na kay Mia ang plano mo na ipa-admit si Mang Caloy 3 days before the surgery and that if may mga tanong sya, she can always ask you, right?”, dugtong pa nito. “Yeah, sure”, sagot naman ni Primo. “Great! Right okay, so we’ll go ahead, luluwas pa kami ni Mia ng Maynila. Dumaan lang talaga ako to introduce you to her. Let’s plan a dinner next time, okay? tayo-tayo", anito na ang tinutukoy ay kaming tatlo. Sa totoo lang, si Travis lang ata ang mataas ang energy sa silid na iyon. Ako, si Primo at ang tatay nito ay kapwa nagpapakiramdaman. “Sure”, tipid na tugon ulit ni Primo. Muli akong hinawakan ni Travis sa kamay at liningon ang nakatatandang Cordova na nasa likod pa din ng lamesa nito. “Thank you sir, we’ll go ahead po”, paalam ni Travis sa huli na tinugunan naman nito ng tango at ngiti. Hindi ko napigilang tingnan muli si Primo, sa pag-asang may makita akong kahit katiting na galak dito sa muli naming pagtatagpo ngunit bigo ako. Tuluyan akong nagpatianod sa paghila ni Travis sa kamay ko upang makalabas sa pintuan. Lutang pa din ako kahit nakalabas na kami ng opisina ni Dr. Cordova. Marahil ay napansin iyon ni Travis. “Are you okay?”, tanong nito. “O-Oo...pwede bang mag CR lang muna ako?”, pagdadahilan ko. “Oo naman, sasaglit lang din muna ako sa opisina ko may ibibilin lang ako sa secretary ko, meet me there”, sagot naman nito. I faked a smile bago tumango ng marahan. Tsaka pa lang nito binitawan ang kamay ko at binigyan din ako ng isang matamis na ngiti. Sinundan ko lang ang mga sign kung saan itinuturo ang CR. At nang marating ko iyon ay agad akong nagpakawala ng isang mahaba at malalim na buntong hininga. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Okay, recap. Una, andito si Primo sa Pilipinas. Pangalawa, nagkita ulit kami at pangatlo, sa dinami-dami ng pwedeng mag-opera sa papa ko, ay bakit talagang sya pa? Joke ba ‘to?? Naghilams ako, baka sakaling magising ako sa bangungot na ito. Noong unang taon matapos naming maghiwalay ay araw-araw akong nagdadasal na sana pahintulutan ng tadhana na muli kaming magtagpo. Pero nang makita ko sya sa magazine 4 years ago doon na naputol ang pag-asang iyon. Dinayal ko ang numero ni Clang. I need someone to talk to. Buti naman at matapos ang dalawang ring ay sinagot na nito iyon. “Bakla! Ano na?! Anong petsa na?! Kala ko ba luluwas ka?”, bungad agad nito sa akin. “Clang..”, ang tangi kong nasabi. “O bakit para kang nakakita ng multo dyan... “ “Clang.. He's here”, sabi ko habang nakatingin pa din sa repleksyon ko sa salamin . “Ano? Anong he’s here? Sino?”, sunod-sunod nitong tanong. “Primo... he’s here. And we’ve met...”sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD