CHAPTER 13

2528 Words
S I N A M A A N . . .agad ni kuya ng tingin si Macey matapos itong magtitili nang marinig ang sinabi ni Travis sanhi upang matigil ito pero palihim pa din ako nitong kinurot-kurot sa bandang hita at nagpipigil ng pagtili. “Mawalang galang na lang ho sa inyo Doc, pero magsasalita ako bilang nakatatandang kapatid ni Mia. Ngayon pa lang ay sasabihin ko na sa inyo, malalim ang sugat na iniwan ng nakaraan sa kapatid ko...”,sabi ni kuya na matamang nakatitig kay Travis. “Kuya…”, pigil ko dito. Alam ko namang pinoprotektahan lang ako ni kuya pero parang hindi pa ako handa na iopen up yun kay Travis o sa kahit na kanino maliban sa kanilang pamilya ko. Bumuntong-hininga si kuya atsaka tumango. Binigyan naman ako ng mapang unawang ngiti ni papa nang balingan ko ito. “Pareho na kayo nasa tamang edad, sa tingin ko naman ay alam nyo na ang dapat para sa inyo. Kahit kailan ay hindi ako nanghimasok sa personal na buhay ng mga anak ko Doc Travis, kaya nagpapasalamat ako sa inyo na nagpapaalam kayo sa akin, sa amin ng pormal at maayos”, sabi naman ni papa sa binata na tinugunan naman ng isang ngiti ng huli. “Mayroon lang ho sana akong isang hiling Doc kung hindi nyo po mamasamain”, dugtong pa ni papa. “Anything po Mang Caloy”, sagot naman nito. Saglit akong tiningnan ni papa tsaka muling ngitian bago ibinalik sa binata ang pansin nya. “Hangga’t maaari, sana ay wag nyong sasaktan ang anak ko Doc, sa mahabang panahon ay pinarusahan nya ang kanyang sarili, sana Doc, kung hindi man kayo ang makapagbabalik ng ngiti sa kanyang mga mata, sana ay wag na lamang ninyong dagdagan pa ang mga sugat nya”, seryoso at nagpapaunawang tugon ni papa. Ilang saglit na nagtitigan lang ito at si Travis na pagkakuway sumagot din. “Opo Mang Caloy”, nakangiting sabi nito. Namayapa ang katahimikan ng ilang minuto. At tulad ng palaging nangyayari, si Macey ang hindi makatagal sa dead atmosphere kaya’t ito na ang bumasag sa katahimikan. “So! Since it’s official, nanliligaw ka na Doc Pogi sa ate ko, ibig ba sabihin nito ay may discount na kami sa professional fee mo bilang doktor ni papa?”, walang kahiya-hiyang sabi ni Macey. Halos sabay-sabay ang pamimilog ng mga mata naming tatlo nina papa at kuya. “Macey!”, saway ni kuya. Nakita kong natawa naman si Travis. “Travis pasensya ka na sa isang to ah, kulang yan sa buwan kaya ganyan. Wag mo na lang pansinin”, hiyang-hiya kong sabi sa huli. Hindi ko alam kung saan humuhugot ng lakas ng loob si Macey sa mga sinasabi nito minsan, sarap sabunutan sa pilik-mata minsan eh. Bago pa makahirit na naman ng kung anong kalokohan ang kapatid kong magaling ay agad kong hinila patayo si Travis upang ilayo na sa mga pang iinterrogate ni Kuya at Papa. “Pa, Kuya, alis po muna kami”, nagmamadali kong paalam habang hinihila na si Travis na halatang gulat at nalilito sa ginawa ko ngunit nagpatianod naman. “Bye po”, mabilis na paalam ni Travis bago ko sya tuluyang mahila palabas ng pintuan. Marinig ko pa ang pagtawag nina Papa pero hindi ko na pinansin yun. Ang importante sa akin ngayon ay makalayo sa awkward environment na yun. Nang tuluyan kaming makalabas ng gate ay tsaka ko binalingan ang kasama kong hanggang ngayon ay hawak ko pa din sa kamay nya. Nakita kong nakatingin ito sa kamay naming magkahawak kaya agad akong binitawan iyo. “S-Sorry”, nahihiya kong sabi. “It’s okay”, a-naman nitong nakangiti. Awkward silence. O, ano na Mia? Ngayong nakaalis na kayo dun, ano na sunod? Ba-bye na? “P-Pasensya ka na kung hinila lang kita ng ganun ah. Kilala ko kasi mga yun eh, medyo may pag-OA. Lalo na si Macey nakuuu!”, nasabi ko na lang upang basagin ang katahimikan. “No, it’s okay. Ako nga ang dapat mag-sorry, hindi man lang ako nagpasabing dadalaw ako. Honestly, ilang milyong beses ko na siguro pinag-isipan kung dapat na ba akong dumalaw sa bahay nyo and formally introduce myself to you father, o baka masyado kang mabilisan, I mean, hindi ko nga ata narinig ang sagot mo kung payag ka bang ligawan kita.... ah.. Man, what am I blabbering about... geez”, tuloy-tuloy nitong sabi pero mukhang mas kausap nito ang sarili dahil sa kung saan ito nakatingin at hindi naman sakin. Nakailang buntong-hininga ito. Bago muling nagsalita. “P-Payag ka namang ligawan kita.... di ba?”, nag-aalangan nitong sabi na sinundan ng alanganing ngiti. Hindi ko maiwasang matawa sa inaakto nito. Parang kailan lang ay siguradong-sigurado ito sa mga sinasabi nitong panliligaw at tila ba walang makakapigil dito. Ngayo'y heto't parang pusang hindi mapaanak sa pagkatuliro. "What's so funny?", tanong nito. Agad kong sinupil ang ngiti ko. Baka mamaya isipin nito'y pinagtatawanan ko sya. "Ah wala...", tipid kong sagot. "Ano ngaaa", pamimilit nito. "Wala lang, naisip ko lang kasi kinakabahan din pala ang isang Travis De Luna...", Kumunot ang noo nito at pilit na pinapormal ang mukha. "Not always. But this is important, kaya wag kang tumawa dyan", anito habang nakatingin sa ibang direksyon. At dahil hindi ito nakatingin ay pinagbigyan ko ang sarili kong titigan itong mabuti. Parang hindi kasi totoo na ang isang katulad nito ay magkakagusto sa isang katulad ko. Sa nakalipas na siyam na taon simula nang matapos ang unang relasyon ko, mayroon namang mga nagparamdam pero hindi ko pinaabot sa puntong nagawa pa nila akong tanungin dahil kung hindi ko sinusungitan at pinapakitaan ko na agad nagdisgusto sa simula pa lang na maramdaman kong may pahiwatig ang mga galaw. Kaya lang sa pagkakataong ito, ay hindi ko yun naiwasan, una ay dahil ito ang doktor ni papa at syempre sa laki ng utang na loob namin sa kanya sa pagrekomenda at personal na pag-asikaso nya para maapruba ang request namin ay hindi ko naman sya pwedeng sungitan o pakitaan ng masama. Pangalawa, wala naman itong pinakita kundi panay kabaitan lang, hindi lang sa akin kundi pati na rin sa pamilya ko. At pangatlo, naalala mo sya sa kanya?, singit ng isang bahagi ng utak ko. Lihim na sinita ko ang sarili sa isiping iyon. No! Pangatlo, ayaw ko syang mapahiya dahil napakabait nya! Yes! Yun yun! “Whatever happened in the past, it must have wounded you badly. But, no matter what, gusto ko lang malaman mo na rerespetohin ko ang space at time na kailangan mo, pero hindi ibig sabihin nun na susuko ako. We’ll go according to your pace.", sinsero nitong sabi at hindi inalis ang mga titig sa mga mata ko. “Thank you Travis”, ang tangi kong nasabi. Kung sa ibang pagkakataon siguro, hindi ako mahihirapang sumagot ng oo sa kanya. Bukod sa gwapo at matalino, ay napakabait at maunawain nito. Kaya lang... ako ito, si Mia Alcantara, a damaged good na may maraming hang ups sa buhay. “Let’s go?”, anito at inilahad pa ang braso nya na para bang konsorte. “Saan?”, kunot-noo kong tanong. “Well actually, one of the reasons bakit ako dumalaw ay para sana daanan ka para maipakilala kita sa isang kaibigan”, sagot nito habang iginigiya na ako pasakay sa passenger side ng kotse nyang nakaparada sa labas mismo ng gate namin. “Sinong kaibigan?”, nagawa kong itanong nang ganap itong makasakay sa driver’s seat at buhayin ang makina. Tiningnan nya lang ako at ngitian bago tuluyang maandar ang sasakyan. Nakita ko pang pinagtitinginan kami ng bawat madaanan naming kapitbahay. Hindi kasi tinted ang harapang bahagi ng sasakyan ni Travis kaya kitang kita ang sakay niyon. May ilang nagtaas ng kilay, may ibang nagbulungan. Napatungo ako dahil sa pagkailang. Simula ng bumalik ako ng San Mateo ay alam kong naging parte na ako ng chismis sa bawat umpukan. May isang beses pa nga habang naglalakad ako pauwi galing sa sakayan ng jeep galing ospital, nadaanan ko ang tindahan ni Aling Carmi kung saan madalas magkumpulan ang chismosa naming kapitbahay. Narinig ko ang sinabi ng mga ito dahil halatang sinadya nila iyong iparinig sa akin. “Like mother like daughter talaga, parehas makapal ang mukha! Isipin nyo matapos gumawa ng mga kalaswaan ay may gana pa talagang bumalandra sa labas!”, sabi ni Aling Josie. “Naku Ma’, at least yung nanay nung umalis ay forever nawala, yung anak hamak ang asim ng fes! Umalis na nagawa pang bumalik!”, sang-ayon naman ng anak nitong ni Mae na laging nakapekpek shorts. “Kawawa naman ni Caloy, sya na nga itong nagkanda-kuba sa ibang bansa para maitaguyod ang pamilya dahil sa ambisyosang anak, sya pa tong niloko, tapos ngayon nagkasakit pa”, dugtong ni Aling Carmi na syang may-ari ng tindahan. “Kung ako yung anak, at alam kong ako ang dahilan kaya nagtiis ang tatay ko sa ibang bansa, mahihiya na akong magpakita pa no! Dapat ang ambisyon kasi iayon sa kaya at estado ng buhay, hindi yung kung mangarap abot-langit tapos sa iba iaasa”, a-pa ng isang hindi ko na nakita kung sino dahil nakalampas na ako. “Hey, are you okay?”, baling sa akin ni Travis at bahagya pa akong sinilip dahil sa pagkakayuko ko. Napaangat ako ng tingin at nakitang nasa main road na pala kami. “O-Oo...a-ano nga yung sinasabi mo?”, pag-iiba ko ng usapan. “Oh right, sabi ko kung wala kang gagawin after natin puntahan yung kaibigan ko, if you wanna have dinner with me”, anito habang nasa daan nakatuon ang tingin. “Ahh, eh Travis ano kasi, ang totoo nyan, balak ko talagang lumuwas ng Maynila ngayon,kukunin ko sana kasi yung iba ko pang mga gamit sa apartment na inuupahan namin ng kaibigan ko”, nag-aalangan kong sabi. Totoo naman iyon, kung hindi lang kasi sana ito biglang sumulpot sa bahay namin kanina ay balak ko talagang lumuwas para na rin makita at kamustahin si Clang “Even better, pwede kitang samahan”, hindi na ata nawala ang ngiti sa mga labi nito. “Ay naku di na kailangan, sobra-sobra na ang abala ko sayo. Kaya ko naman, isang sakay lang ng bus yun”, “I insist. Isa pa kung may mga bitbit ka pauwi mahihirapan kang magcommute,” Hindi ako nakasagot. Bukod sa tama sya ay ayokong magmukhang defensive at awkward. “Dating is about knowing that the other person is capable of doing things on their own but you do it for them anyways....”,biglang sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. “Because you love them”, pagtapos nito sa sinabi matapos nitong salubungin ang tingin ko at agad ding ibinalik iyon sa daan. Tila ba na-glue ang mata ko sa kanya at hindi ko maialis ang titig ko dito kaya naman nakita ko pa ang palihim nitong pag ngiti. “Enjoying the view?”, natatawa nitong sabi na hindi ako tinatapunan ng tingin. Agad akong napabawi ng tingin nang mapagtantong ako ang sinasabihan nito niyon. Kunwa’y bumusangot ako upang pagtakpan ang pagkapahiya. “Kapal din”, bulong ko. Napatawa pa ito lalo. “So sino ba tong kaibigan mo at kailangan ko pang makilala?”, inis kong tanong para maiba ang usapan. Tumikhim ito upang kalmahin ang sarili. “Oh yes, he is a good friend of mine, kadarating nya lang ng bansa about a week ago for the outreach and I thought it might be a good idea na magkakilala kayo bago ang operasyon ni Mang Caloy”, sagot nito nang kumalma na. “Outreach? So ibig mong sabihin sya ang...”, nagdadalawang isip ko pang tanong. “The operating surgeon, yes”, natutuwang pagtutuloy nito sa sinasabi ko. Lumiko kami pakanan kung saan ang tinuturo ng signage na ‘To San Mateo General Hospital’. Mas mabilis talaga ang byahe kapag may sariling sasakyan. Marahil ay tama ito, baka nga mas mabuting pumayag na akong samahan nya akong lumuwas ng Maynila. “So kung may mga tanong ka about sa operasyon ng papa mo, you can ask him directly”, dagdag pa nito ng ganap na kaming makapasok sa premises ng ospital. “Travis, alam mo sobra-sobra na tong ginagawa mo, hindi ko naman na kailangang makausap ng personal ang ganun kaimportanteng tao. Sigurado ako na lahat ng nakapila para sa operasyong gagawing nila ay may katanungan pero hindi naman lahat sila mabibigyan ng pribelehiyo na makausap mismo ang surgeon mula sa ibang bansa. Sinabi yun sakin sa admin office nung itanong ko kung paano kung may mga follow up, bilang andito lang ang team nila para sa outreach, ibig sabihin ay aalis din sila, ang sabi ay ang partner team dito sa Pilipinas ang magka-conduct ng follow up checks kapag nakaalis na ang mga taga ibang bansa, okay na ako dun”, dire-diretso kong sabi. “I don’t think na ganun ang case for him”, sabi nito. “Huh? Anong ibig mong sabihin?”,kunot noo kong tanong. “He seemed to be very interested in you father’s case.”, sagot nito. Tuluyan kaming nakapark sa alloted parking slot para sa mga doktor. Nagpatiuna na itong bumaba kaya agad akong nagtanggal ng seat belt. Bubuksan ko na sana ang pinto nang magbukas iyong kusa, napatingin ako sa labas at doon ko nakita si Travis na nakangiti habang hawak ang pintuan ng passenger side. Nahihiya akong bumaba. Siguro ay dapat na akong masanay sa mga ganun gawi nito. “Bakit naman sya magkakainteres sa kaso ni papa? Parang sabi sa nabasa ko sa google hindi naman ganun ka-rare ang sakit ng papa ko eh”, muli kong tanong. “I’m not too sure, but he seemed to know Mang Caloy. As the matter of fact imbes na 2 days ay nirequest nya na ipaadmit ang papa mo 3 days prior to surgery dahil may mga gusto pa daw syang isagawang test para sure na sure ang success ng surgery”, sagot naman nito at nagsimula nang maglakad papasok sa ospital. Kilala daw si papa?, nalulunod pa ako sa sariling isipin nang muling magsalita si Travis. “Oh and he booked an executive suite for Mang Caloy for his entire stay in the hospital...free of charge, so I’m guessing this surgery is quite important for him as much as it is to you. Kaya sabi ko mas magandang magkakilala kayo bago ang operasyon”, patuloy nitong paliwanag habang naghihintay ng pagbukas ng elevator. “Ano bang pangalan ng doktor na ito Travis?”, bigla akong nacurious dahil sa huling sinabi ng huli. Napaisip tuloy ako kung may malayo ba kaming kamag-anak na doktor, o di kaya ay kaibigan ni papa? Noon naman nagring ang bell ng elevator hudyat ng pagbubukas ng pinto. Nilingon muna ako ni Travis at nakangiting sumagot. “Dr. Primo Cordova”, anito at tuluyang pumasok sa elevator.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD