CHAPTER 12

2495 Words
D A L A W A N G . . . araw matapos akong ihatid ni Travis nung araw na sinabi nyang liligawan nya ako ay wala na itong paramdam, maliban sa isang text message kahapon... At dahil nga hindi na ako sanay ng may tinetext ako maliban kay Clang at kay Macey, ay nagreply lang ako ng Thank you with smiley. Hindi na sya nagreply pa dun. Sa totoo ay naguguluhan pa ako sa nararamdaman ko kaya ayokong magpadalos-dalos. Kaswal na nagtanggal ako ng bra bente minutos bago ko balak maligo, nakagawian ko na kasi iyon simula bata,masama daw kasing basain agad ang mga bundok matapos ang mahabang panahong pagkukubli ng mga ito. Balak ko sanang lumuwas ng Maynila para kumuha ng ilang gamit sa apartment namin ni Clang. And speaking which, naisipan kong itext si Clang habang nahihintay na lumipas ang bente minutos, para balitaan na may schedule na ng operasyon si papa at syempre tungkol sa pag-uusap namin ni Travis noong nakaraang araw. Simula kasi nang makauwi ako ng San Mateo ay inukupa ng pag aasikaso kay papa at sa operasyon nya ang oras ko at heto nga at may sumisingit pang isang Travis De Luna, kaya hindi ko gaanong nakausap ang loka-loka kong kaibigan Isang tunog mula sa luma naming doorbell ang pumutol sa pagpapalitan namin ng text ni Clang. Napakunot ang noo ko. “Sino kaya ‘to,” mahina kong sabi. “Macey! Umorder ka na naman ba sa online?!”, buong lakas kong sigaw mula sa baba ng bahay namin. Muling tumunog ang doorbell naming tunog paos sa kalumaan. Kaya naman kahit nakasukbit na ang tuwalya ko sa kanang balikat at gulo-gulo ang buhok ay tinungo ko ang kinakalawang na naming gate na halos hanggang dibdib ko lang. Mga halos sampung hakbang lang mula sa pintuan namin ang layo niyon kaya naman kita agad kung sino ang nasa labas. Naghihikab habang nagkakamot pa ako ng kili-kili matapos kong buksan ang pinto sa pag-aakalang delivery man lang iyon. Ngunit napahinto ang bibig ko sa pagkakanganga habang nakataas ang kaliwang kamay at natigil din ang kanang kamay ko sa kili-kili kong kinakamot ko kanina nang mapagsino ang nasa labas ng gate namin. Walang iba kundi ang Doc Pogi ni Macey! Si Dr. Travis De Luna! Agad itong nag iwas ng tingin at kunway sumide view pa habang nakapamulsa ito. Parang naestatwa ako ng ilang segundo at pinaglandas ang mga mata ko sa kabuuan ng lalaking nasa labas ng gate namin ngayon. Nakasuot ito ng ripped skinny pants na abuhin ang kulay na bumagay sa mahaba nitong biyas at Tommy Hilfiger na long sleeve top na kulay puti at may disenyong navy blue and red stripes na syang logo ng Tommy Hilfiger. Kinaluskos iyon hanggang siko na talaga namang bumagay dito. Tinernohan pa nito iyon ng simpleng plain white trainers at halatang nakawax ang buhok nitong nakafix ang pagkapatusok sa isang side, ah basta yung parang sa mga modelo sa tv, parang ka-fresh tingninan. Tumikhim ito at panaka-naka akong sinisilip ngunit agad ding nagbabawi ng tingin na tila ba’y napapaso. Nakita ko pa ang pagtaas-baba ng adam’s apple nito nang makailang beses itong lumunok. “U-Uhm… Hi… a-ahhhm”, nauutal-utal nitong sabi at pagkakuwa’y muling pasilip akong sinulyapan habang nananatili sya nakatayo ng paside view. “Travis??”, di ko makapaniwalang sabi nang makabawi ako sa pagkagulat. Marahas itong bumuntong hininga. “Bakit ba ganito ang inaakto ng isang ‘to? Akala mo ba’y pinandidirian ako. Ano bang akala niyo sakin? Dugyot ba ako?”, tanong ko sa isip ko. “Ano pong kailangan nila?”, nagawa kong itanong ng kalmado kahit sa totoo ay medyo naooffend na ako sa kinikilos nya. “I---ah…look, I would really like to greet you properly. But uhm, c-can you… c-can you please…”, tila nahihirapan nitong sabi at mabilis ulit akong sinilip ng bahagya ngunit hindi sa mukha ko ang tingin nito. Kaya’t sinundan ko din ng tingin ang mga mata nya at ganoon na lamang ang pamimilog ng aking mga mata nang mapagtantong wala nga pala akong suot na bra at bakat na bakat ang dibdib ko sa manipis na tshirt kong suot! Kaagad akong tumalikod at nagdasal na sana ay lamunin na ako ng lupa, as in now na! Itinakip ko sa akin ang tuwalang nakasukbit sa balikat ko at mabilis na nagdasal na bigyan ako ng tapang at lakas ng loob na harapin ang lalaking nasa labas ng gate namin. “Ate para sa’kin ba yung del..li…ve…ryy—aaaahh!!!!”, sa una’y pasigaw na sabi ni Macey habang bumababa sa hagdan ngunit unti-unting namatay ang boses nito nang makita ang gwapong nilalang na nasa labas. Pero agad din itong nakabawi at agad na tumili nang mapagsino iyon saka tuloy-tuloy na tumakbo palabas, bahagya pa nga akong tinabig upang makadaan sya. Mabuti na lang napahawak ako sa may pintuan kaya hindi ako nabuwal. “Doc Pogi!!! Naku pasok kayo pasok!”, galak na galak na anyaya ng magaling kong kapatid sa dumating habang pinagbubuksan ito ng gate at hinila papasok. Pagharap ni Macey sa akin ay palihim ako nitong pinagdilatan ng mata ngunit agad din namang lumapad ang ngiti nang muling balingan ang bisita na ngayon ay lubusan nang nakapasok sala namin. “Upo kayo Doc Pogi”, sabi ng kapatid ko at giniya pa ang lalaki sa maliit naming sofa na pangdalawahan lang. Magiliw namang ngumiti ang bisita naming parang hinulog mula sa langit sa sobrang kagwapuhan patapos na magpasalamat. “Doc anong gusto mo, coffee, tea or my ate?”, kunwa’y malamyos na hirit pa ni Macey. “Macey! Pinagsasabi mo na naman!”, mariin kong saway dito ngunit pilit na sinusupil ang pagtaas ng boses. “Uhhh, just water please”, natatawang sagot naman ni Travis. “Ay, di mo bet ang ate ko doc pogi?”, at talaga namang balak pa ata akong ibenta nitong magaling kong kapatid. “Macey!!! Tumigil ka na!”, Diyos ko Lord, kung pwede lang ako magdisappear now na ay gagawin ko talaga! Nakakahiya! Pilit kong binabalot ang sarili ko sa tuwalyang kanina’y nakasukbit sa balikat ko upang takpan ang mga bagay-bagay na hindi dapat ididisplay. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ngiting pilit pinipigil ng binata. “A-Ahh Travis? Sorry pero okay lang bang magbihis muna ako saglit?”, nahihiya kong paalam. Ang kinaiinis ko lang ay bakit kung kailan talaga ako maliligo ay doon nagpasyang magdoorbell ang isang ‘to. “Please, take your time, I’ll be here”, maginoo nitong sagot kaya’t agad akong kumaripas papasok sa banyo upang kahit paano’y mahilamos at magsipilyo. Pagkatapos niyon ay nagmamadali akong pumanhik sa second floor kung nasaan ang kwarto namin ni Macey upang magbihis ng mas presentable. Halos madapa-dapa pa ako habang paakyat sa hagdan sa pagmamadali. “Kung bakit naman kasi bigla-biglang sumusulpot eh!”, bulong ko sa sarili habang ginagalugad ang kabinet namin. Kaunti pa man lang din ang maayos na damit na mayroon ako dito sa bahay dahil halos lahat ng gamit ko ay nasa apartment na nirerentahan namin ni Clang sa Maynila. Ilang piraso lang ng panlakad na damit ang dinala ko dahil sabi ko nakaleave lang naman ako at hindi resign. Isinuot ko ang abuhin kong skinny jeans dahil dalawang pares lang ang dala kong pantalon at ang isa ay nasa sampayan pa. Basta akong humugot ng kung anong pantaas sa labis na pagmamadali, isa iyong ¾ sleeved white top na may manipis na linyang navy blue and red sa bahaging dibdib at bahagyang nakalabas ang likod dahil sa malalim na V-cut sa likurang bahagi nito. Nagmamadali lang akong nagpulbos at naglagay ng lip and cheek tint tsaka itinali ng messy bun ang aking buhok. Nagwisik ako ng kaunting cologne para medyo di ako amoy pawis. Ni hindi ko na nareview ang itsura ko bago ako lumabas ng kwarto. Lakad-takbo akong bumaba ng hagdan. At nang marating ko ang sala ay sabay na napatingin sina Macey at Travis sa akin, at halos sabay na bumaba din ang paningin ng mga ito sa damit ko, at gayon din ang sabay nilang pagtingin sa damit ng binata. “So kailangan couple outfit agad?”, panunukso ni Macey. Napatingin din tuloy ako sa damit ko at sa damit ni Travis, at doon ko napagtanto ang sinasabi ng kapatid ko. Parehong pareho nga naman ang get up namin, abuhing skinny ripped jeans, white top na may stripe na navy blue at red. Anak ng tipaklong na blue naman oo, sa dinami dami naman kasi ng pwede nyang isuot bakit kailangang kapareho ng suot ko??? Oo, sya talaga at hindi ako ang may kasalanan nito! Sya!!!! Nasa ganun akong pag iisip nang sabay sabay mabaling paningin namin sa dalawang taong pumasok sa pintuang naiwang nakabukas. Si Kuya Myco, na halatang nagtaka nang maabutan si Travis sa bahay ngunit agad kumunot ang noo na nagpalipat lipat ang tingin sa aming dalawa ng huli, o mas tamang sabihing, sa damit naming dalawa. “Oh, Hi Kuya!”, masiglang bati ni Macey. Nagtataka man ay tuloy na pumasok si kuya. Sya namang paglabas ni papa mula sa may kusina. “O, Myco anak, andito ka na pala…Doc? Napadaan ho kayo?”, gulat na baling agad nito sa huli na awtomatikong napatayo nang makita sina papa at kuya. Nagmano si kuya ngunit pareho ito ni papa na tila naghihintay ng sagot mula sa doktor. At dahil yun din naman din ang gusto ko itanong ay tiningnan ko na din ito. Nahihiya namang ngumiti si Travis at kita ang pagka-asiwa sa atensyong ngayon ay sa kanya nakatutok. Napakamot pa ito ng batok. “W-Well…uuhm..I was around the area, n-naalala ko from your file Mr. Alcantara---” “Caloy na lang po Doc”,maagap na singit ni Papa. “M-Mang Caloy…sa file ni Mang Caloy yung address nya, a-and uhm, I thought I could drop by,pasensya na ho kayo at hindi ako nagpasabi man lang”, nahihiya paliwanag nito. “Naku Doc, ayos lang ho yun, walang kaso basta kayo. Ano ho bang maipaglilingkod namin sa inyo?”, nahihiyang sabi ng papa ko at imwenestrang maupo ang huli. Naupo naman ito sa pangdalawang naming sofa na medyo may kalumaan na. Akmang uupo na ako sa single seater nang bigla akong hilahin ni Macey upang magpalit kami ng pwesto upang ako ang makatabi ni Travis. Pinandilatan ko ito ng mata ngunit sya namang lapad ng ngiti ng lukaret. “Macey, ikuha mo ng maiinom si Doc”, utos ni papa. “Okay po”, akmang tatayo na si Macey ng pigilin ito ni Kuya. “Ako na Macey,”, seryosong sabi ng kuya ko na kung tingnan si Travis ay tila ito isang specimen under the microscope. Ever since talaga, napakaseryoso ng isang to. Nang umalis si kuya patungo sa kusina ay si Travis naman ang binalingan namin. Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil nahihiya pa din ako sa nasaksihang palabas nitong katabi ko na sa kung anong dahilan ay tila tensed na tensed. “Kamusta naman ho kayo Mang Caloy?”, si Travis na ang unang nagsalita. “Naku Doc, nakakahiya naman sa inyo, alam kong busy na kayo sa trabaho nyo sa ospital, hindi nyo na po kailangan dayuhin pa ako dito sa bahay, ayos na ayos naman ako,”, nahihiyang sagot ni Papa. “Ang tanong pa, ay ikaw nga ba ang dinayo ni Doc Pogi?”, sabat naman ni Macey at may makahulugang ngiti pa tsaka tiningnan si Travis. Nahihiya namang ngumiti ang huli at napakamot pa sa likod ng ulo nya. Pagtataka naman ang ekspresyong mababasa mukha ng tatay ko. “Actually ho, day off ako ngayon, may dinaanan lang ako dyan sa malapit so I thought I might...drop by”, at may pagtingin sa akin sa pagbigkas nya ng huling dalawang salita. Namimilog ang mata na napalunok naman akong nakatingin din sa kanya. “Ay naku kayo talaga Doc! Day off nyo pala ay dapat nagpapahinga kayo, hindi na dapat kayo nag-abala pa!” “Please, call me Travis, as I’ve said, day off ako ngayon, so technically hindi ako si Doctor De Luna ngayon. And no Mang Caloy, hindi ho kayo abala. I have been meaning to visit, medyo nabusy lang po ako sa ospital”, magalang namang sabi nito. “Visit? Visit my papa ? Or my ate? Ayyieee", singit naman ni Macey na tila amaze na amaze pa din na magkatabi kaming nakaupo ng binatang doctor. Napangiti naman ang huli. “At bakit naman dadalawin ni Dr. De Luna si Mia?”, bulalas ng kuya ko na biglang sumulpot mula sa kusina dala ang isang tray na may lamang mga baso ng orange juice. Buo at malalim ang boses ng kuya Myco ko, at dahil lagi pa itong serious face mode on ay madalas itong mapagkamalang suplado. Pero actually napakabait ng kuya ko, mahaba ang pasensya, at bihirang magalit. Madalas tahimik lang kaya naman kapag nasagad sya ay talagang kahit asong ulol ay matatakot sa kanya. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang paglunok ni Travis habang nakatingin sa kuya ko. “Ano ka ba naman kuya, para ka namang born yesterday eh... eh bakit ba dinadalaw ng isang binata ang isang dalaga?”, singit ulit ni Macey upang pagaanin ang nasense na biglang pagbigat ng pakiramdam sa paligid. Naupo si kuya sa stool na pwinesto nya sa tabi ni papa. “Tatlong bagay lang ang rason ng pagdalaw... may sakit, preso, o.... manliligaw.”, hindi ko alam kung anong trip ng kuya ko at naisipang parang maging scary brother dahil kahit ako’y natatakot sa paraan ng pagtingin nya kay Travis, tila ba ano mang oras ay gigilitan nya ito ng leeg. “Wala namang sakit si Mia, mas lalong hindi din sya preso... so, andito ka para manligaw?”, dugtong pa ni Kuya. Sa pagkakataong ito ay sabay-sabay na tumutok kay Travis ang tatlong pares ng mga mata. Ako nama’y bigla na ding kinabahan, di ko alam kung bakit eh hindi naman ako ang manliligaw. “A-Actually...M-Mang Caloy.. M-Myco... Macey..”, umpisa ni Travis na kada banggit ng pangalan ay tinitingnan nya. Ramdam ko ang pag-aalangan nya na tawagin si kuya ng first name dahil kuya ko ang huli, pero magkaedad lang sila. Lahat ay nakatingin lang sa kanya at naghihintay ng sasabihin nya. Ako nama’y mas piniling tumingin sa baba dahil nahihiya ako na na-aawkward na basta! Ang weird ng feeling! “A-Actually.. Kaya ho ako nagpunta ngayon, ay para... para ho magpaalam na kung...pwede ko pong... uhmmm... gusto ko po sanang ligawan si Mia”, kasunod nun ay ang matinis na tili ni Macey na tinampal tampal pa si kuya sa braso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD