“ P R I M O C O R D O V A...to what do I owe the pleasure?”, napatigil ako sa pagbabasa ng mga chart at napaangat ng tingin upang tingnan kung sino ang pinagmulan ng tinig na iyon. Bahagyang kumunot ang noo ko ng hindi ko makilala ang taong nakatayo halos dalawang talampakan ang layo sakin at prenteng nakasandal sa nurse’s station.
“Or should I say, Doctor Primo Cordova?...”, muli nitong sabi nang hindi ako sumagot.
Awtomatikong dumako ang mga mata ko sa kaliwang bahagi ng dibdib nito kung saan nakasulat T. De Luna, M. D. Cardiology Consultant. Gumuhit ang ngiti sa mga labi nito nang marahil ay mabasa sa mukha ko ang bahagyang pagkagulat bago ngumiti pabalik.
“Travis De Luna”, nakangiting bati ko dito nang makilala na sya. Nauna akong naglahad ng kamay na malugod naman nyang tinanggap.
“My apologies, hindi kita agad nakilala”, paghingi ko ng paumanhin.
“Nah, kahit ako hindi ko din makikilala nag sarili ko kung after almost what 7? 8 years? Tapos wala na akong braces at di na ako bunot hahahaha”, pagbibiro nito.
I met Travis De Luna in a medical convention held in Singapore 7 years ago, my very first medical convention after being a licensed Medical Doctor. Nagkapalagayan kami ng loob nang malaman kong sa San Mateo General Hospital pala sya nagtatrabaho noon. Hindi ko akalaing andito pa din sya ngayon.
“Kilala nyo po sya Doc Travis?”, sabat ng isang nurse na nasa tapat ng monitor na nasa tapat ko din.
“Who? Primo?”, baliktanong nito sa nurse sabay turo pa sakin. Sunod-sunod naman ang pagtango ng naturang nurse.
“At sino ang hindi makakakilala sa susunod na CEO ng San Mateo Gen?”, sagot ni Travis sabay diretsong isinilid ang dalawang kamay sa bulsa ng white gown nito.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pamimilog ng mata ng naturang nurse pati na rin ang ilang andun sa station na nakarinig sa sinabi ni Travis.
Naiiling na yumuko ako. Sa totoo ay hangga’t maaari ay ayokong ipapakilala ako sa ganoong paraan. If I will be known, I want it to be because of my skills, not because of my name, or who I ought to be.
“Sabi ko na Doc eh! Kaya po pala pamilyar kayo! Nakita ko na kayo sa magazine dati!”, malakas na sabi nito at may pagpalakpak pa.
“So! Dr. De Luna, what can I do for you?”, agad kong putol sa sinasabi nung nurse. Alam ko na kasi kung ano ang susunod dun. Babanggitin na naman ang isa sa mga pangalang ayokong marinig and it will go on and on and on. This is why I hate publicity.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong umismid ang nurse dahil sa bigla kong pagcut ng usapan. Alam kong madami pa itong gustong malaman. Tila nakahalata naman si Travis at agad na sumagot.
“Oh right. I was told to bring the list of patients for surgeries and their cases to the performing surgeon from TGH, I was told that he would be at the Cardiology Ward and to my surprise that performing surgeon is none other than---”
“Me”, pagtatapos ko sa mahaba nyang sagot.
“Yes”, aniya.
Inilahad ko ang kamay ko ng walang Sali-salita. Tiningnan naman nya iyon na tila ba nagtataka.
“The list”,tipid kong sabi.
“Oh right, here”, sabi nya at iniabot sakin ang isang folder.
Inumpisahan kong buklatin iyon. Natigilan ako nang mabasa ko ang pangalan ng huli sa listahan. Hindi ko namalayang wala sa loob kong naiyukom ang kaliwang kamao.
.
.
.
.
.
.
.
*flashback*
“Eehhh Primo, sa susunod na lang kaya? Kinakabahan ako eh”, kabadong sabi ni Mia at pilit na tinatanggal ang kamay kong nakahawak sa pulsuhan nya upang hilahin sya papunta sa likod bahay nila kung saan nandoon ang mama at papa nya. Napag-usapan kasi naming opisyal na ipaalam na sa mga magulang nya ang tungkol sa amin isang linggo matapos nya akong sagutin sa ilalim ng waiting shed habang umuulan.
“Bakit ka kakabahan? Dapat nga ako ang kabahan dahil ako ang mapapakilala bilang boyfriend mo”, natatawa kong saad.
“Shh! Baka marinig ka!”, aniya pa at nagmwestra pang hinaan ko ang boses ko sabay silip sa likod-bahay nila.
Natatawa ako sa ekspresyon ni Mia. Talagang kita mo ang kaba sa mukha nya.
“Eh di mabuti para wala na tayong problema, Ma! Pa---hmmm“, sigaw ko na agad ding natigil nang takpan ni Mia ang bibig ko.
“Bunganga mo Primo!”, pagalit na bulong nito.
Mas lalo akong natawa. Hindi ako gaanong kinakabahan dahil pakiramdam ko alam na din naman ng lahat ng taong malapit sa amin na dun din ang punta ng relasyon namin ni Mia. Simula pagkabata ay kami na ang laging magkapartner, magkalaro, magkasangga sa lahat, childhood sweethearts ika nga, kahit madalas nya akong inaaway at sinusungitan ay palaging kami lang din ang partner.
“Mia, sasabihin mo pa lang na boyfriend mo ako, it’s not like magpapaalam na tayong magpakasal, or aaming buntis ka at ako ang ama”, biro ko.
Isang malakas na tampal sa braso ang nakuha ko dahil dun.
“Awww! What?”, pagmamaang-maangan ko at pilit na sinusupil ang tawa.
“Mga biro mo!”, anito.
“Wag ka na kasing kabahan. Kasama mo naman ako…”,
“Eh syempre ikaw ang una, ngayon lang ako magpapakilala ng boyfriend---”
“Boyfriend?? Boyfriend mo na si Kuya Primo, Ate???”, biglang bulalas ng isang matinis na tinig mula sa likuran ni Mia. Sanhi upang sabay kaming mapalingon.
“M-Macey… a-ahhhm”, tanging nasabi ni Mia sa nakababata nyan kapatid na nakatitig sa amin. Para itong kriminal na nahuli sa akto ng krimen.
Lihim kong sinulyapan si Mia na halos panawan ng kulay ang mukha sa sobrang gulat at kaba. Agad akong ngumiti nang makabawi ako sa bahagyang gulat at marahang hinawakan ang kamay ni Mia upang pagsiklupin iyon.
Agad din namang sinundan ng mga mata ng dalagita ang kamay naming magkasiklop.
“Yes Macey. We are officially dating”, kalmado kong sagot at sinundan iyon ng ngiti.
Kasunod nun ay isang matinis at mahabang tili na nanggaling sa nakababatang kapatid ni Mia.
“Aaaaaaahhhhhh!!! Oh my G!!!!! Sabi ko na eh! Congratulations Ate! Natupad din ang long-time wish mong mapasagot si Kuya Primo!”, halos di magkamayaw sa pagtili si Macey na tumatalong talon pang paikot kay Mia habang inaalog-alog ang huli.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang palihim na pagsaway ni Mia sa kapatid.
“Ang ingay mo Macey! Mamaya marinig ka nina Papa!”, muling pagalit na bulong ni Mia ngunit tila hindi ito narinig ng mas nakababatang dalagita dahil nagpatuloy ito sa pagtili.
“Sa wakas Kuya buti naman sinagot ko na ‘tong Ate ko, aba’y di na to tumangkad ah, kakapuyat para makumpleto lang ang simbang gabi tuwing pasko para lang sa matupad ang wish nya na mapansin mo din sya---Aray!”, tuloy-tuloy na sabi ni Macey na umani ng isang batok mula sa ate nito.
“Bakit ba? Ate naman makareact kala mo naman hindi alam ng sambayanang Philippines na crush na crush mo si Kuya Primo since elementary kayo---aray Ate ang brutal mo na po!”, muli itong nakakuha ng marahang paghila sa ilang hiblang buhok nito mula sa nakatatandang kapatid.
Hindi ko mapigilang hindi matawa. This scene is so refreshing to me, wala kasi akong kapatid kaya naman natutuwa akong makita kung paano ang relasyon nina Mia at mga kapatid nito. Parang ang sarap na ganito kagulo at kaingay sa bahay. Kaya naman simula bata pa kami ay lagi akong andito sa kanila para makipaglaro, at least when I’m with them, I feel less alone. Madalas din kasing wala ang mga magulang kong palaging on-call sa ospital.
Nahihiyang tiningnan ako ni Mia. I brushed off a few strands of her hair with my right hand while I kept my other hand in my pocket like I always do, and whispered ‘It’s okay’.
“Ma! Pa! Si Ate Mia may boyfriend na!!!”, buong lakas na sigaw ni Macey at tumakbo papunta sa likod-bahay nila kung saan naroon ang mga magulang nila.
Agad itong hinabol ni Mia upang sawayin ngunit huli na dahil napalingon na sa may gawi namin ang mga ito.
Nakita kong andun din pala ang kuya ng mga ito, si Myco. Sa magkakapatid ito lang ang hindi palakibo kaya naman tinanguan ko lang ito bilang bati at ganun din naman ito sa akin.
“Boyfriend? May boyfriend ka na nga ba Mia?”, tanong ni Mang Caloy sa anak.
Agad kong tinapunan ng tingin si Mia, at nakita ko ang pagkagat nito sa ibabang labi. Lagi nya iyong ginagawa sa tuwing nag-iisip o kinakabahan sya. Agad akong napaiwas ng tingin, ibang emosyon ang hatid sa akin ng tanawing iyon. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay bigla ko na lang sunggaban ang mga labing iyon.
Damn it Primo! Kailan ka pa naging manyak? Self-control dude! Nasa introduction to the family stage pa lang tayo baka masuplak agad!, lihim kong pagalit sa sarili ko.
Tanging tango habang nakayuko ang sinagot ni Mia sa ama. Sunod niyon ay sa akin bumaling ang tingin ni Mang Caloy.
“Sino? Si Primo?”, muling tanong nito at itinuro pa ako bago ibinalik muli kay Mia ang paningin nito.
Muling tumango si Mia habang nakapikit ng mariin.
“O Primo, akala ko ba sabi mo sa akin eh hindi mo liligawan ‘tong anak ko hangga’t makagraduate kayo?”, kalmanteng baling sa akin ng nakatatandang lalaki.
Nakita ko ang mabilis na paglingon sa akin ni Mia at ang pag guhit ng pagtataka sa mukha nya sa sinabi ng tatay nito.
Nahihiyang napakamot ako ng ulo.
“Eh Tito Caloy, p-pano po kasi ang daming umaaligid dito kay Mia, k-kaya po ano...”, hindi ko malaman kung bakit bigla akong nautal.
“Kaya ano? Kaya binakuran mo na?”, natatawang dugtong ulit ni Mang Caloy.
Nahihiya akong ngumiti at muling napakamot sa ulo.
“Naku Kuya Primo, kahit naman hindi mo bakuran ‘tong ate ko hinding-hindi naman din yan mag-eentertain ng iba, deds na deds kaya yan sayo---”
“Macey!”, saway ni Myco sa nakababatang kapatid. Agad itong napahawak sa bibig at nahihiyang tumungo.
Pinilit kong itago ang ngiti sa sinabing iyon ng bunso sa magkakapatid. Ngayon ko lang kasi nalaman iyon. Paano’y simula bata kami ay madalas galit lang sa akin ‘tong si Mia kaya hindi ko alam na may nararamdaman din sya para sa akin. Crush ko na sya simula elementary kaya palagi ko syang sinusundan kahit madalas ay nauuwi iyon sa bangayan kaya nga madalas kaming tuksuhin na baka daw kakaaway namin ay kami ang magkatuluyan. Lihim kong kinatutuwa iyon. Pero kahit ganun si Mia sa akin, alam ko naman na lagi ko syang kakampi kapag nasa labas kami.
Tumikhim si Tito Caloy kaya’t kagyat na sinupil ko ang munting ngiti sa mga labi ko at pinaseryoso ang mukha.
“Pero ‘yung usapan natin Primo, wag mong kakalimutan”, ma-awtoridad na sabi ng huli.
Sunod-sunod na tango ang isinagot ko.
“Opo Tito Caloy, promise po, maghihinay-hinay po kami. Hindi po ako magpapadalos-dalos, iingatan ko po si Mia, aalagaan ko po sya. Sya po ang una kong iisipin bago ang sarili ko sa lahat ng bagay. Hinding-hindi ko po sya papaiyakin, hinding-hindi ko po sya sasaktan, promise po!”, mabilis at tuloy-tuloy kong sabi sabay taas pang kanan kong kamay.
“Aba’y dapat lang. Alam mong palagi akong wala at nasa malayo para sa trabaho ko Primo, pero sa oras na malaman kong sinaktan mo ang anak ko, kahit anong oras o panahon ay uuwi ako para paluin ka!”, saad pa nito habang pinipitik pitik ang hawak nitong kahoy na pangamot ng likod.
“Yes po Tito”, nakangiti kong sagot.
“O sya, ha’na dito at tulungan mo akong talunin ‘tong si Myco dito sa chess. Nakakailang talo na ako, hindi ako manalo-nalo dito sa batang to,” , aya nito sa akin at pinaupo ako sa tabi nya sabay inakbayan. Palihim kong tiningnan si Mia na hindi mabura bura ang gulat at pagkalito sa mukha at palihim din syang kinindatan bago itunoon ang aking pansin sa chess board.
Bukod sa company nila Mia at mga kapatid nya, isa sa mga gusto ko kaya ako laging nakatambay sa kanila ay ang mainit na pagtrato sa akin ng mga magulang nya na para bang anak din ako sa kanila. Dahil nga bihira kong makasama ang mommy at daddy ko ay lumaki akong salat sa atensyon ng magulang. Kahit pa madalas wala din si Tito Caloy dahil sa trabaho nito sa Taiwan, sa tuwing umuuwi naman ito ay lagi akong sinasama nito sa mga family affairs nila. Tuwing nag ooverseas call ito ay pati ako hinahanap at kinakamusta kaya naman hindi ko mapigilang hilingin minsan na sana sya na lang ang naging tatay ko.
.
.
.
.
.
*end of flashback*
.
.
.
.
.
“Is… everything okay Dr. Cordova?”, tanong ni Travis na syang nagpabalik sakin sa kasalukuyan.
I blinked several times when I realized na humapdi ang mga mata ko sabay lunok ng sunod-sunod nang maramdaman kong may bumabara doon.
“Uh, yeah, yeah...”, wala sa loob kong sagot. Bakas sa mukha ni Travis ang pagtataka, marahil ay sa nakaguhit na emosyon sa mukha ko.
Tumikhim ako bago nag salita.
“Tell me, this...Calixto Alcantara...”, panimula ko.
“What about him?”, kunot-noong tanong nito.
“Is his... h-how is he?”,tila wala sa loob kong sabi sa dinami-dami ng tanong na naglalaro sa aking isipan.
“Oh,”, bahagya itong luminga-linga, at nang masigurong walang ibang taong maaring makarinig sa amin dahil umalis na din iyong nurse na nasungitan ko kanina ay bahagyang lumapit sa akin si Travis upang mas makapagsalita sya sa mababang tono for patient protection.
“A few weeks ago isinugod sya dito after suffering from a cardiovascular arrest. According to his records, that was his third arrest, first was 14 years ago, the second was about 9 years ago. Now he’s had a few mini-attacks in between those years pero he always came around. But this recent one was a big one and his Troponin tests aren’t looking very great. 360 3D echo found that his mitral valve is severely damaged, maybe for replacement or depende sayo kung anong tingin mo if kaya pa ng repair. We also saw some blockage sa arteries sa left ventricle”, tuloy tuloy nitong paliwanag habang itinuturo sa akin ang mga reports ng tests na ginawa sa pasyente.
Tahimik kong binasa ang mga ito. Tumunog naman ang cellphone ni Travis hudyat na may nagtext kaya’t nag excuse lang ito upang basahin iyon dahil referral daw iyon. Tumango ako bilang sagot nang hindi inaalis ang tingin ko sa binabasa ko.
Napakunot ang noo ko nang mabasa ang isang section ng report from 9 years ago.
“Travis?”, agaw ko sa atensyon nya.
“Hm?”
“There’s a report here from 9 years ago, ni-recommend na pala sya for surgery, do you know why that didn’t happen? His case wouldn’t be this bad if only he had that surgery”, tanong ko.
Nagkibit balikat ito.
“I didn’t ask much of a detail but from what I know, financial problems ang reason why he refused it. His kids wanted to pero ang alam ko si Mr. Alcantara mismo ang nagrefuse”, sagot nito.
May kung anong bumundol sa puso ko nang marinig iyon. I didn’t know…ì
“When is his surgery?”, pagkakuway tanong ko matapos ang halos limang minuto kong pananahimik at tiniklop ang folder na naglalaman ng mga files ng pasyente.
“Well, surgery is a week from now, but he is due to be admitted 2 days prior to that, why?”,
“3 days”, sabi ko.
“Huh?”, pagtataka ni Travis.
“Ask him to come 3 days prior to his surgery date. I want to meet him.”,
“But.. The arrangements of rooms...”
Hindi ko na sya pinatapos at agad na nagdial ng numero sa telepono ko
“Hello, yes Calvin, this is Dr. Primo Cordova, I would like to book an executive suite from this coming Sunday onwards.....No, put it under my name....That’s fine, thank you Calvin”, sabi ko at agad binaba ang linya.
Kitang kita ko ang pinaghalong pagtataka at pagkamangha sa mukha ni Travis.
“Wow. The perks of being Primo Cordova. You never lost it,”, sabi nito. Kunot-noo ko syang binalingan ng tingin.
“Never lost what?”, takang tanong ko.
“That vibe”, anito sabay mwestra pa ng kamay nito sa kabuuan ko.
“It’s been over 7 years since you left, but you’re still that Primo Cordova, na kahit pangalan mo pa lang ang narinig, Oo agad ang sagot,”, natatawa pang dagdag nito.
I shrugged and casually browse the files of the other patients on my list.
“By the way Primo, curious lang ako...Mr. Calixto Alcantara, do you know him personally?”, tanong nito.
Napaangat ako ng tingin mula sa binabasa ko. Ilang sandali akong naghanap ng isasagot ko.
“I used to know him, we’ll see in 4 days kung kilala ko pa din sya”, sagot ko na tinanguan na lamang ni Travis.
“And you? I saw the reports, it says ikaw ang nagrecommend sa kanya to be on the list for the outreach kaya naapprove agad. Do you know him personally?”, balik-tanong ko.
Ngumiti ito na tila ba may naalalang magandang bagay.
“Not really, but I know his daughter”, pagkakuway sagot nito. Bahagya akong natigilan.
“Which daughter?”, hindi ko napigilang itanong. At aminin ko man o hindi may kung anong bahagi sa akin na humihiling na hindi ang pangalang iyon ang isasagot nya.
“Mia”, sagot nito.