CHAPTER 10

3405 Words
W A L A . . .sa loob na kumagat ako ng binili kong banana cue dito sa cafeteria ng ospital. Inabutan kasi akong lunch break ng admin office kaya hindi ko pa natapos ang mga huling papers na kailangan kong papirmahan for clearance para sa operasyon ni Papa. Kaya’t heto, imbes na umuwi at mag-aksaya pa ng pamasahe sa jeep at tricycle ay napilitan akong maghintay na lang ng pagbubukas muli ng opisina ng admin dito sa cafeteria. At dahil lunch time na ay hindi ko din napiligan ang gutom ko, bumili lang ako ng isang tuhog ng banana cue at isang 12 oz na coke. Kailangan naming magtipid dahil bagaman libre ang operasyon ay may mga kailangan kaming bilhing gamot at tiyak doon ay gagastos din kami ng malaki. At dahil nakaleave ako ay zero income din ako sa ngayon. Natuon ang pansin ko sa magnobyong nasa harapan ko at walang pakundangan kung maglampungan. Akala ba nila nasa bahay nila sila? Hindi kaya nakalimutan nilang nasa ospital sila at isa itong pampublikong lugar? Ganito na ba ang uso sa mga magkasintahan sa panahon ngayon??? Bigla ko tuloy naisip ang sinabi ni Macey kanina. Palibhasa kasi ate isang beses ka lang nagkajowa, di ka man lang dumeyt-deyt! Actually, may punto ito. Bukod kay Primo ay wala na akong ibang minahal. Mayron din namang mga nanligaw sa akin pero agad kong binabasted. Panahon na nga kaya para buksan ko na ang puso ko para sa iba? Kaya ko ba? Pinilig ko ang ulo ko, kung ano ano kasing sinasabi nitong si Macey kung ano ano din tuloy ang pumapasok sa isip ko. Mia, andito ka para sa operasyon ng papa mo, wag kang mag-isip ng kung ano-ano., lihim kong sita sa sarili ko. “You have no idea how fascinating it is to watch you debate with yourself”, bahagya pa akong nagulat nang makita ko si Doc Travis sa harap ko nakangiti at nakapangalong baba. Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko namalayang nakalapit na pala ito sa akin. “Doc---”, sabi ko ngunit agad nya akong pinutol. “Travis” “Po?”, nagtataka kong tanong. “Just Travis. Drop the ‘Doc’, and the ‘po’. Ulit-ulit ka eh. Is that all you’re having for lunch?”, sagot nya naman at diretsong tanong habang kunot noong nakatingin sa hawak kong banana cue. Kumurap kurap ako sa bahagyang pagkalito sa takbo ng usapan. “A-Ah, ehh “, ang tangi kong nasabi. Bigla itong tumayo patungo sa direksyon ng counter. “Wait lang Doc! San kayo pupunta?”, pigil ko nang mabasa ang naiisip nitong gawin. “For the last time, Travis. Call me Travis, and drop the po”, tila nauubusan na itong pasensya ngunit pilit na nagpipigil. “P-Pero--” “Kapag tinawag mo ulit akong Doc at po-poin mo ako ulit, sisigaw ako dito ng rape...”, seryosong pagbabanta nito. Napakunot-noo ako sa sinabi nito. “Huh?” “RAPEEEE!! RAA—hmmmm", “Travis! Travis! O, ayan, okay na? Okay na?”, natataranta kong tinakpan ang bibig nito nang magsimula itong magsisigaw. May mangilan-ngilang napalingon sa amin pero agad din kaming binalewala nang nginitian kong pilit ang mga ito habang nakatakip pa din ang kamay ko sa bibig ng pinakamaingay na doktor na kilala ko. Binalingan ko ito ng tingin, at kahit nakatakip ang bibig ay kitang-kita sa mata nito na nakangiti ito ng ubod ng lapad. Agad ko namang tinggal ang kamay na nakatakip dun. “Better”, anitong nakangiti at akmang muling tatalikod. “San ka pupunta?”, tanong ko kaya’t muli syang napalingon. “Bibili ng food natin, may gusto ka bang kainin?”, tila kaswal na kaswal nitong sabi. “Naku wag na! Okay na ako dito sa banana cue at softdrink, di mo naman ako kailangang librehin sa tuwing makikita mo ako no”,sagot ko. Ilang segundo nya akong tinitigan na tila nag-iisip ng sasabihin. Bumuntong-hininga ito atsaka bumalik sa pagkakaupo sa tapat ko. “Okay, since mukhang wala ka talagang idea sa mga nangyayari at mukhang slow ka din sa mga ganitong bagay, sasabihin ko na sayo ng diresto...”, seryoso nitong sabi habang matamang nakatitig sa akin. “Ang alin?”, takang-tanong ko. “In case hindi mo nahahalata. Yes, I like you. And yes, nililigawan kita, so pwede na ba akong bumili ng pagkain natin”, muli ay kaswal na kaswal nitong sabi. Para naman akong naestatwa sa kinauupuan ko. Tama ba ang narinig kong sinabi nito? Pwede ko kayang itanong ulit? Baka kasi mali ang pagkakarinig ko. Nakita kong napangiti ito, marahil ay sa reaksyon ko. “Relax okay? Manliligaw pa lang ako, hindi pa kita tinatanong kung pakakasalan mo ba ako”, natatawa nitong sabi at bahagyang pinitik ang noo bago tuluyang nagtungo sa counter ng cafeteria. Gulat na sinundan ko pa ito ng tingin. Napahawak ako sa dibdib ko nang maalala ko na naman si..... sya. . . . . . . *flashback* “Mia, sasabihin mo pa lang na boyfriend mo ako, it’s not like magpapaalam na tayong magpakasal, or aaming buntis ka at ako ang ama”, natatawang biro ni Primo. Isang malakas na tampal sa braso ang nakuha nya mula sa akin dahil dun. “Awww! What?”, pagmamaang-maangan nya at pilit na sinusupil ang tawa. “Mga biro mo!”, pagalit ko kunwa. Ngayon namin napagkasunduang sabihin na kina Mama at Papa na boyfriend ko na si Primo. Halos sa amin na lumaki si Primo, sa bahay namin ito madalas tumambay mula almusal hanggang hapunan, minsan nga ay sa bahay na din ito nakakatulog. Minsan nga niloko ko pa ito na palaboy dahil hindi mo talaga aakalaing anak ito ng kilalang mga doctor sa buong rehiyon. Paano’y kung hindi nakikikain at nakikitulog sa amin ay madalas napakadungis nito nung mga bata pa kami. Ang sabi naman ni Papa ay mas mabuti na na sa bahay namin tumatambay si Primo kaysa naman mapabarkada pa sa mga maling tao. Kaya hindi ko halos maisip kung kailan at paano ako nagsimulang magka-crush sa madungis na batang kalaro ko noon. Basta parang nagising na lang ako isang araw na gusto kong maayos ako kapag andyan sya. Pero dahil nga bata pa ako at natatakot ako kay kuya at papa, tuwing nakikita ko si Primo ay kung hindi inaaway ay sinusungitan ko ito upang pagtakpan ang pagkagusto ko dito. Nang tumuntong kami sa hayskul ay mas dumami ang babaeng nakakagusto kay Primo kahit pa mas matanda sa amin ay panay ang palipad-hangin dito. Lalo akong nawalan ng pag-asa na magkakagusto din ang kababata ko sa akin. Naalala ko pa ngang may isang beses nung magtatapon ako dapat ng basura sa school ay aksidente kong nakita na hinalikan ito ni Ava, third year highschool na ang babae samantalang kami ay nasa second year. Isa ito sa mga campus girl crush dahil bukod sa maganq⁵da at sexy ay matalino at mayaman din ito. Sa labis na pagkabigla ay kumaripas ako ng takbo pabalik sa room upang kunin ang bag ko at umuwi. Hindi ko inalitana ang pagtawag sa akin ng mga kaklase kong kapwa ko cleaner ng araw na yun. Bahala na, basta ang alam ko may parang libo-libong karayom ang sabay-sabay na itinusok sa puso ko sa kirot na nararamdaman ko dun ng mga oras na yun at kailangan kong lumayo sa lugar na iyon sa pagbabakasakaling maibsan ang kirot. Banyaga sa akin ang lahat ng pakiramdam na yun. Nakasalubong ko pa si Primo noong palabas na akong school at sinubukan pa akong pigilan at tanungin kung napano ako nang makitang umiiyak ako. Pero sa halip na sumagot ay mas lalo akong kumaripas ng takbo. Matapos ang tagpong iyon ay iniwasan ko na si Primo. Natatakot akong malaman nya at nina Papa ang totoo kong nararamdaman sa tuwing nasa malapit ko sya. Sa tuwing nagpupunta sya sa bahay ay nagkukulong ako sa kwarto at nagkukunwaring na nag-aaral, may sakit o di kaya ay tulog. Sa school naman ay pinipili kong magbaba ng tingin at maglagay ng earphone kahit pa wala naman akong pinapakinggan sa tuwing naglalakad ako sa school ground o sa hallway upang sa ganun ay maaari akong magkunwaring hindi ko sya nakita o narinig kapag tinatawag nya ako. Ah basta, gagawin ko ang lahat para maitago ko ang nararamdaman ko hanggang sa mawala na ito ng kusa. Ipapahiya ko lamang ang sarili ko kapag nalaman ni Primo ang totoo at hinding-hindi ko hahayaang mangyari yun! Ngunit sadya nga atang walang lihim na hindi nabubunyag sabi nga ni Ate Gay, Nora Aunor. Dahil nang minsang umabsent si Primo dahil isinama ito ng mga magulang nito papuntang Canada para sa family reunion at 60th birthday ng Lola nito doon, ay sa akin ito humiram ng mga notes para sa mga na-miss nyang lessons. Tulad ng nakagawian ko matapos ang tagpong nasaksihan ko malapit sa tapunan ng basura, ay iniwasan ko si Primo. Kaya naman ibinilin ko sa kapatid kong si Macey ang mga notebook at handouts ko para ibigay dito. Isang araw habang nagwawalis ako sa garden sa classroom namin ay bigla-bigla na lang akong nilapitan ni Primo. Akmang tatalikod ako nang bigla nya akong pigilan sa braso. Kunot noo akong napalingon sa kanya at doon ko nakita ang hawak nyang notebook. Walang iba kundi ang pinakatago-tago kong diary lang naman! Namilog ang mata ko at agad na sinubukang agawin iyon sa kanya pero dahil mas matangkad syang hamak sa akin ay itinaas nya lang iyon at hindi ko na maabot. “Amin na kasi! Primo!”, pagalit kong daing at pilit na inaabot ang tangan nyang notebook. “Ipaliwanag mo muna kung ano ‘to”, sagot nya habang patuloy na inilalayo iyon sa akin. “N-Notebook! Pambabae yan wala kang mapapala dyan, amin na!”, pinilit kong itago ang pagkautal dahil sa totoo lang ay abot –abot na ang kaba sa dibdib ko, dahil bukod sa halos magkayakap na kami ay lihim akong nagdadasal na sana ay hindi nya nabasa iyon dahil kung hindi ay wala na, tapos na, naibunyag na ang lahat ng katotohan sa buhay ni Mara Clara! Ngunit naglaho ang katiting na pag-asang iyon nang sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha nito. “I don’t think wala akong mapapala dito, dahil mukhang nalaman ko na ang rason kung bakit halos isang buwan mo na akong iniiwasan”, ngingiti-ngiti nitong sabi. Napalunok ako ng maraming beses. Saglit kaming nagsukatan ng titig. At nang makita kong bahagya nyang ibinaba ang notebook ay agad ko iyong inagaw. “Bakit ka ba kasi nakikialam ng hindi naman sayo?!”, pagalit kong sabi at tumalikod na upang umalis dun pero mabilis namang humarang agad si Primo sa harapan ko kaya halos mauntog ako sa didbib nya. Bakit naman kasi napakulit ng isang ‘to! Gusto nya ba akong mamatay sa atake sa puso ? Paano’y kanina pa ako lihim na nagdarasal na sana ay hindi nya naririnig ang malakas na pagtibok ng puso ko sanhi ng presensya nya. “Hey! Hindi ko sinadyang makita yan. Kasama yan dun sa mga notebooks mo na pinahiram mo sa’kin. I don’t know kung sinadya mong isama yan para makita ko or what”, pang-aasar pa nito. “At bakit ko naman isasama ang ganito kapersonal na bagay sa mga yun aber???”, sa puntong ito ay tunay na akong naiinis. Paano’y hindi mawala wala ang tila nanunuyang ngiti sa labi nito. “I don’t know... to confess? I guess?”, kibit-balikat nitong sagot. Lalong umusok ang ilong ko! Ang kapal naman ng mukha ng isang to! Okay crush ko sya pero hello? Ganun na ba kagwapo ang tingin nya sa sarili nya para ang babae mismo ang magtapat sa kanya?? Oh wait... sabagay, totoo iyon. Ilang babae na nga ba ang nagtapat ng pag-ibig nila kay Primo? Di ba nasaksihan ko pang live ang isa sa mga iyon?! Pero kahit na! Never, as in never ako magiging katulad ng mga babaeng iyon! “Hoy! Primitivo Cordova! Ang feeling mo ah! Hindi porket gwapo ka eh lahat na ng babae ay may gusto sayo!” “Well, not according to that one”, anito na ang tinutukoy ay ang diary na yakap yakap ko. Napahigpit lalo ang yakap ko dun. “My dearest P.C., crush kita noon pa, simula pa lang nung batang gusgusin ka pang palaging nakikikain at nakikitulog sa bahay namin. Sa tuwing naririnig kong dumating ka parang may mga kabayong nagkakarera sa aking dibdib...akala ko’y simpleng paghanga lang yun at kusang mawawala kapag tumuntong na tayo ng highschool... pero---” “Stop!!!”, pigil ko nang mapagtantong nirerecite nya pala ang nabasa nya sa diary ko. Ngumiti itong nakakaloko. Indikasyon na nabasa nya nga lahat! “H-Hindi lang ikaw ang may initials na P.C wag kang feeling!”, kahit anong mangyari ay hinding hindi ako aamin! “Pero sigurado akong ako lang ang may initials na P.C na palaging nakikikain at nakikitulog sa inyo”, panunudyo nito. Anak ng tinapang bakla oo! Pano ko ba to lulusutan?! Si Primo ang mahigpit kong kalaban sa grado sa eskwelahan, madalas din kaming pinagtutunggali sa mga school debate kaya alam kong hindi ito papatalo. Nagtaas-baba ang aking dibdib sa sobrang inis! Ah basta naiinis ako! “O eh ano ngayon kung crush nga kita?! Wag kang ngang umarteng big deal yun sayo, alam kong sanay na sanay ka na sa mga babaeng nagtatapat sayo! Kaya pwede ba? just leave me alone!” mataray at tuloy-tuloy kong sabi tsaka agad na tumalikod. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ay muling nagsalita si Primo. “Big deal ‘to sakin...”, napahinto ako sa paghakbang ngunit nanatili akong nakatalikod sa kanya. “Dahil this time, ikaw ang nagtatapat”, dugtong nya pa sa sinasabi nya kaya’t nilingon ko syang muli nang hindi inaalis ang inis na ekspresyon sa aking mukha. Nakita kong mabagal syang naglakad papunta sa kinatatayuan ko habang nakasuksok sa bulsa ng slacks uniform ang dalawa nitong kamay. “We practically grew up together Mia, para ko nang mga magulang ang mga magulang mo...”, sabi nya pa. Haist, okay alam ko na ang susunod nito. Yung mga famous, ‘parang kapatid na ang turing ko sayo’ line. Alam ko naman nang ganun talaga ang mangyayari kaya nga hindi ko pinangarap na malaman nya pa ang tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. “Get’s ko na okay? Wag kang mag-alala, before highschool ends, mawawala na ang nararamdaman kong to para sayo kaya just leave me alone okay na? Just pretend na wala kang nabasa o nalaman”, nakaramdam ako ng bahagyang pag-ahon ng bara sa aking lalamunan ngunit nilunok ko iyon agad. Ganito pala ang feeling ng mabasted. Hindi nito inalis ang pagkakatitig sa akin hanggang tuluyan syang makalapit. “Nope”, nakangiti nitong turan. “Ano?”, kunot-noo kong tanong. Noon ito yumuko upang magpantay ang aming mga mukha. “Hindi ako papayag na mawala pa yang nararamdaman mo para sa akin”, seryoso nitong sabi. Para na namang nagrigodon ang puso ko. “A-Adik ka ba? Tabi nga!”, bulyaw ko sabay sana’y tulak sa kanya ngunit maagap nyang nahawakan ang dalawa kong pulsuhan at dinala ang mga iyon sa likuran ako na tila ba ako’y ipoposas gamit ang mga kamay nya. Hinigit nya ako palapit sa kanya habang nasa ganoon kaming posisyon kaya ngayo’y nakayakap na sya sa akin. “Don’t ever think that you’ve lost just because your feelings got revealed first Mia. It was an accident. Hindi ko sinasadyang malaman bago mo pa malaman ang sa akin”, seryosong-seryoso ang mukha at tono nya. Halos ramdam ko na ang hininga nya sa mukha ko sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. “A-Ano bang sinasabi mo dyan, p-para kang baliw!”, wala sa loob kong sagot at hindi din maalis ang pagkakatitig ko sa mga mata nya. Isang ngiti ang sumilay sa mga labi nya...that Primo smile. “Ngayong alam ko nang the feeling is mutual, there’s no more stopping to it. I will make you officially mine baby girl”. *end of flashback* . . . . . . . Naputol ang muli ko na namang pagbabalik tanaw nang bumalik si Travis na may dalang tray na punong puno na naman ng pagkain. Balak ata ng isang ‘tong gawin akong patabing baboy. “A-Andami naman ata nito Doc--I mean Travis”, sabi ko habang pinagmamasdan itong isa isang nilalapag sa lamesa ang mga laman ng tray. “Well, hindi kasi ako sure kung alin ang magugustuhan mo so I got a bit of everything.”, anito at katulad noong unang beses kaming kumain dito ay sya na naman ang nag gayak ng plato ko. “Kahit na, ang dami pa din nito, hindi natin to mauubos sayang”, sagot ko habang pinapanood sya sa ginagawa nyang paglalagay ng mga ulam sa plato ko. “It’s okay, pwede natin ipatake out ang sobra. Besides, I just realized na wala akong alam tungkol sayo like your favorite food, favorite song, favorite place…”, dire-diretso nya ulit na sabi bago nag umpisang sumubo. Hindi ko mapigilang matutula dito. Paano’y tila napakabilis nang mga pangyayari at hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi nito kaninang nanliligaw sya. Ni hindi nga nito tinanong kung may boyfriend ba ako o wala. Basta nagdesisyon na lang sya na manliligaw sya. Bukod pa sa mga panaka-nakang bagay na ginagawa o sinasabi nitong bigla-biglang nagpapaalala sa akin sa lalaking una kong minahal. “Eat. I’ll take you home after mo matapos sa admin office”, tila balewalang sabi nito. Natigilan na naman ako sa sinabing nitong iyon. “H-Ha?? Hindi na kailangan. Siguradong marami kang trabaho dito”, hindi na ata masasanay na kausapin sya ng kaswal lang. “Yes, but parte ng panliligaw ang paghatid at pagsundo, so that’s what I’m doing”. “Bakit ba siguradong-sigurado kang pwede kang manligaw? Ni hindi mo nga alam kung may boyfriend ba ako o wala”, sa wakas ay nagawa kong itanong. Kaswal nya akong tiningnan. “May boyfriend ka ba?”, tanong nya. Napalunok ako, ganito ba talaga sya kapranka at kacool sa lahat ng bagay? Saglit akong nagtalo sa isipan ko kung sasabihin ko ba ang totoo o magsisinungaling na lang ako. Pero hindi ko alam kung bakit kusa na lang akong umiling, Napangiti ito ng malapad. “Problem solved. Now, eat. Hintayin mo ako sa tapat ng admin office pagtapos ka na, may aayusin lang ako sa opisina ko. Give me your phone”, seryoso nitong sabi na tila ba nagbibigay ng doctor’s order nya. Nagtataka man ay binigay ko naman ang luma kong cellphone dito tsaka sya nagsimulang magtipa doon. Ilang saglit lang ay umilaw ang sarili nitong cellphone hudyat na may tumatawag dito. Ilang tipa pa ang ginawa nito atsaka binalik sakin ang phone ko. “That’s my number saved, tatawagan kita para alam ko kung tapos ka na o hindi pa”, sabi nya pa. Okay? Nawindang na naman ako sa bilis ng mga kaganapan. “Pano mo naman ako tatawagan kung number mo ang sinave mo dito at hindi mo alam ang akin? Hindi kita matatawagan, unli text lang ang load ko, walang free calls, pang missed call lang ang meron ako”, sabi ko naman. Saglit itong nagtipa sa sarili nitong cellphone. “Got it!”, natutuwang sabi nito sabay ibinandera sa harapan ko ang screen ng cellphone nya kung saan nakasave na ang pangalan at number ko. Sumubo pa ito ng ilang beses na tila ba nagmamadali bago tumayo. “I’ll see you later”, pahabol nito sabay kumindat pa tsaka nagmamadaling umalis. Halo-halong mangha, bigla, pagtataka at windang ang sabay-sabay na nararamdaman ko ngayon. Binalingan ko ang mga pagkaing naiwan sa harapan ko na halos wala pang bawas. Napabuntong hininga ako. Pano ko kakainin ‘tong mga ‘to ngayon? Pero hindi ko itatanggi, may bahagi sa puso ko ang nakaramdam ng tuwa sa mga pinapakita ng binatang doktor. ‘Eto na nga kaya ang hinihintay kong sign mula kay Lord? Kaya ko na bang maging masaya ulit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD