CHAPTER 9

2387 Words
"M I A . . . anak, ayos lang ako. Hindi nyo ako kailangang bantayan ng bente kwatro oras, hindi naman ako baldado, kaya ko naman ang sarili ko”, malumanay na sabi ni Papa habang abala ako sa pagtutupi ng mga nilabhan ng kapatid kong si Macey bago. Matapos kasi ang isang linggong pamamalagi ni papa sa ospital ay pinayagan din kaming umuwi muna habang naghihintay kami ng schedule ng operasyon nya, sa pakiusap na din namin na baka pwedeng sa bahay na lang kami maghintay dahil bawat araw ay pumapatong ang gastos. Buti na lang pumayag din si Doc Travis . Napagkasunduan naming tatlong magkakapatid na magsalitan sa pagbabantay kay Papa at huwag na huwag syang hahayaang mapag isa. Si Kuya Myco at ang asawa nyang si Ate Gisella na naninirahan sa kabilang bayan ay nagpasyang bumalik muli ng San Mateo at mangupahan sa apartment sa tabi ng 2 storey naming bahay. May dalawa silang anak sina Hiro , 6 years old at si Aki, 3 years old. Si Macey na syang bunso sa aming magkakapatid ay nagtatrabaho sa isang local call center ay nakatira pa din kasama ni Papa. Nagsasalitan kaming tatlo pati na din si Ate Gisella sa pagbabantay kay Papa kahit pa ayaw na ayaw nito dahil nakakaabala daw sya sa amin. “Pa, hayaan mo na kami nina Kuya. Para rin ‘to sa ikatatahimik ng isipan namin”, sagot ko at patuloy sa pagtutupi ng damit. “Anak, alam kong mahirap para sa’yo ang bumalik ng San Mateo. Ayokong magtiis ka para lang sa akin. Kung nag-aalala ka, andito naman si Macey, andyan na din ang kuya Myco at Ate Gisella mo, hindi mo na kailangang magtiis sa pagbalik dito”, sabi ni Papa na may himig ng pag-aalala. Bahagya akong natigilan sa sinabing iyon ng papa ko, ngunit agad kong kinalma ang sarili upang wag syang makahalata. Pilit akong tumawa upang itago ang pagkaasiwa. “Ha ha ha, si Papa talaga oo, kung magsalita akala mo ba’y may sumpa sa akin ang San Mateo. Pa, wag kang mag-alala, hindi ako magiging baboy, o aso o puno dahil lang bumalik ako sa bayan natin”, pagbibiro ko upang i-divert ang usapan. Andito ako para sa papa ko, this is about him, not me. Tanging buntong-hininga ang narinig kong sagot ni Papa. Itinuloy na lang nito ang pagbabasa ng reader’s digest na dinala ko para sa kanya para may pagkaabalahan sya na hindi strenuous. “Ano ‘to?”,maya-maya ay sabi nya sanhi upang mapatingin ako sa kanya. Hawak nya ang isang pulang envelope at kasalukuyan iyong binubuksan. s**t! Naiipit ko pala ‘yan sa reader’s digest!, pipi kong usal. Pinigil ko ang sarili kong hablutin iyon mula kay papa dahil mas magmumukha akong defensive. “A-Ahh, wala, invitation sa reunion sa highschool”, kunwa’y patay-malisya kong sagot at niligpit na ang mga nakatuping damit upang dalhin iyon sa kanya-kanya naming kabinet. “Pupunta ka ba?”,tanong ni papa. Tipid ko syang nginitian. “Pinag iisipan ko pa po, busy kasi ako nyan sa mga grades ng students Pa. Isa pa, hindi ito ang panahon para mag isip ako ng mga happy-happy na yan. Ang importante sakin ngayon, mairaos natin ang operasyon nyo ng safe kayo at maayos,” sagot ko tsaka binitbit ang laundry basket na puno ng mga tinupi kong damit at tinungo na ang kwarto namin ni Macey. “Anak, bilang andito ka lang din, at nagawa mo nang bumalik matapos ang ilang taon, bakit hindi mo subukang harapin na ang nakaraan? Ang tagal na din naman nun, para makapagmove on ka na din sa buhay mo anak”, di ko namalayang sinundan pala ako ni papa. Mas pinili kong wag na syang lingunin at magpatuloy sa pagsasalansan ng mga damit sa kabinet namin ni Macey. Ayokong makita ni Papa ang pagpipilit kong itago ang tunay kong nararamdaman sa pinag uusapan namin. Magkakasunod na lunok ang ginawa ko upang tanggalin ang namumuong bara sa aking lalamunan bago ko muling pinilit tumawa at mabilis pa syang kunway tiningnan at saka ngumiti bago muling itunuon ang pansin sa aking ginagawa. “Si papa talaga o, aga aga pa nag eemo na, dapat dun lang tayo sa masaya papa, yan ang bilin ng doktor nyo”, kunway masigla kong biro. Muli syang bumuntong hininga. “Mas magiging masaya ako anak kapag nakita ko na ulit ngumiti ang iyong mga mata, bago man lang ako mawala”,sagot nya. Natigilan ako. Naramdaman kong lumapit sa akin si papa pero hindi ako nag abalang lingunin sya. “Mia...patawarin mo ang Papa”, puno nang pagsusumamo ang tinig ni Papa kaya naman nagdesisyon na akong lingunin sya. “Pa,”, tawag ko sa kanyang atensyon sabay hawak ng magkabila nyang kamay na ikinataas naman ng kanyang paningin sa akin. “Wala kang kasalanan. Kung ano man ang mga nangyari, wala kang kasalanan dun, hindi mo ginustong mangyari ang mga ‘yun. At kahit kailan hindi kita sinisi”, sabi ko ng buong katotohanan. Sa lahat nang nangyari sa buhay ko, kahit kailan ay hindi ko sinisi ang tatay ko. Wala akong ni katiting na galit sa kanya kaya naman nasasaktan akong makita sya na sinisisi ang kanyang sarili dahil kung tutuusin, katulad ko ay biktima lang din sya ng mapait na tadhana. Sunod-sunod na umiling si Papa at muling yumuko. “Kung sana ay nakaya pa din kitang suportahan noon, siguro ngayon isa ka nang magaling na doktor, may masayang pamilya kasama si----”, “Pa”, putol ko sa kanya. Napabuntong-hininga ako. Ayokong marinig pang muli ang pangalang iyon. “Masaya na ako sa pagtuturo. Baka hindi lang talaga ako made to be a doctor. Wag mo nang sisihin ang sarili mo Pa. Isa pa masama sayo ang nai-stress, ano ka ba naman, wag na nating pag-usapan ang mga nega na yan”, dugtong ko at muling pinasigla ang boses ko at sinundan iyon ng isang ngiti. Tama, this coming home is about my father. Not about me. Not about my past. Ang importante ngayon ay masiguro kong maayos si Papa hanggang sa araw ng kanyang operasyon. Tumango naman ang tatay ko bilang pagsang ayon. “Bakit ba kayo nagdadrama dyan? Me nakakaiyak ba sa pagsasalansan ng damit?”, sabay kaming napalingon ni Papa sa boses na nanggaling sa may pintuan. Natawa kaming pareho nang malingunan namin si Macey na tila nawi-weirduhang pumasok sa kwarto kung saan kami naroon ni papa. “Eh eto si papa eh, nagtutupi lang ako ng damit dito bigla-bigla na lang nag emote”, kunway paninisi ko sabay turo pa kay Papa. Tingnan ko ang oras sa wallclock na nakasabit sa may bintana ng kwarto, alas nwebe y medya ng umaga, kauuwi lang ni Macey galing sa trabaho nya sa call center sa bayan. “Naku eto namang si Father, kasasabi lang ni Doc Pogi na wag magpastress abay ayun pa ata ang balak gawin, balak pa atang umisang atake pa Ate para magkita daw kayo ulit ni Doc Pogi”, ani Macey habang nagsasabit ng bag nya sa likod ng pinto at dumiretso sa maliit na dressing table namin upang magtanggal ng manipis nyang make up. Humagikhik pa ito sa huli. Kaya naman binato ko ito ng nakatuping kumot na bulaklakin. “Wag ka nang magbiro ng ganyan! Bakit ba parang gusto mong atakehin ulit ang Papa may saltik ka”, pag galit ko na sa repleksyon nya sa salamin ko sya tinitingnan. “Araay! Pa o, si Ate!”, daing pa nito. Bahagya namang natawa si Papa. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong tumawa na si papa. Buti na lang dumating ang kapatid ko at napalitan ang mabigat na mood sa amin ni papa kanina lang. “Eh bakit kasi parang hinihiling mo pa na atakehin si Papa”, ulit ko. “Eto namang si Ate para ding may katok, bakit ko naman hihilingin na atakehin ang papa, ang hinihiniling ko magkita kayo ulit ni Doc Pogi, feeling ko kasi bagay kayo, ayieee”, sagot ng lukaret kong kapatid na sa salamin pa din nakaharap. “Sinong Doc Pogi ba yan?”, tila natatawa naman si Papa sa aming dalawa. “Eh di yung doktor na tumingin sayo nung nasa ospital tayo Pa. Si Doc.. Ano nga pangalan nun ate?” “Travis”, kunway walang gana kong sagot. “Ayun, si Doc Travis. Hanep pangalan pa lang ate pang hunk na! Tapos ambait pa! Alam mo ba Papa, si Doc Travis ang naglagay ng urgent recommendation sa taas ng application nyo para sa listahan nung masasama dun sa outreach. Tapos sya pa mismo ang tumulong kay ate, sinamahan si Ate dun sa nag aapprove nung mga application na kaibigan pala ni Doc Pogi, kaya ayun approve!,” ewan ko ba kung bakit sa tono ng pananalitang kapatid ko ng ‘to ay parang bidang-bida sa kanya si Doc Travis. “Talaga ba anak? Parang marami akong na-miss habang nasa ospital ako ah”, tila galak na sabi naman ni Papa. “Oo nga Pa! At alam nyo ba kung ano ang mas matindi dun?”, dagdag pa ni Macey na talagang humarap pa sa amin ni papa at tila kilig na kilig. “Ano?”, excited naman tugon ni papa na 1kumikislap pa ang mga mata. “Dinate agad si ate sa cafeteria ng ospital! Omg to the superiest level talaga!!!”, nakakarindi na din ang boses ng kapatid ko talaga minsan gusto ko na syang ipaampon. “Hoy hindi date yun! Kung ano ano iniisip mo kasi”, inis kong sabat. “Sino umorder?”, tanong ni Macey sabay turo pa sa akin. “Sya”, sagot ko naman. “Sino bayad?”, tanong nya ulit. “Sya”, sagot ko ulit. “At!!! Hinatid ka sa kwarto ni Papa after nyo kumain...tama?Mali?”, at sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa mukha ng loka-loka kong kapatid. “On the way lang sa pupuntahan nya kaya kami nagkasabay ulit”, kunway kaswal kong sabi. “Aysusss on the way... Ate palibasa kasi isang beses ka lang nagkajowa, tapos hindi ka man lang dumeyt deyt nung naghiwalay kayo, ayan nganga ka sa mga da-moves ni Doc Pogi hay naku” Nailing na lang ako. Minsan kasi wala talagang preno ang bibig nitong kapatid ko. “'Eto ah, 99.9%, parang safeguard, sigurado akong type ka ni Doc Pogi", ani gaga na may pag padyak pa na tila maihi pa sa kilig. “Oh????”, tila amaze na amaze at galak na galak din ang mukha ng tatay ko nang lingunin ako sa tabi nya. Bumusangot ang mukha ko at talagang naging pulutan na ako ng dalawang to. “Maniwala ka dyan kay Macey papa, kun ano ano iniimagine. Kakapanood nya lang yan ng mga k-drama kaya kung ano ano naiisip”, sagot ko naman at tinapos na ang kanina ko pa naunsyaming ginagawa at tumayo na upang lumabas ng kwarto para matigil na ang kung ano anong sinasabi nitong kapatid ko. Nahinto ako sa may tapat nya nang magsalita sya ulit. “Naku si ate kunwari walang alam, por syur nakita mo din kung paano sya magpacute sayo nung binigay nya sayo yung recommendation nya para kay Papa, bato lang ang hindi makakahalata kung paano ka tingnan at ngitian ni Doc Pogi!”, sabi pa ni Macey na sinuklian ko naman ng isang nagtatakang tingin. “Ay... sya pala yung bato”, mahina nitong sabi pero halata namang pinaparinig pa din sa akin. Hinila ko ang ilang hibla ng buhok nito sanhi upang mapasunod ang ulo nito “Aray! Ang harsh na masyado! Papa o!”, daing pa nito na ikinatawa naman ni papa. Naputol ang asaran namin nang tumunog ang cellphone ko hudyat na may nagtext. Binalingan ko agad ang phone ko upang basahin ang message, nakita ko pang naghihimas ng ulo ang kapatid kong loka-loka sa gilid ng mata ko. Lihim akong nangiti. Namiss ko kasi ang ganitong asaran namin sa tuwing magkakasama kami. Good morning Ms. Alcantara you are expected to come at SMGH at 11 o’clock this morning for the final schedule of Mr. Calixto Alcantara’s surgery. Please proceed to the registrar’s office located at the ground floor, building A. Thank you. Admin. Agad na nagliwanag ang mukha ko sa galak. “Oh my God!”, kako sabay nagpapadyak pa sa tuwa. “Bakit ate? Tinext ka ni Doc Pogi? Ano sabi?”, excited pang umusyoso si Macey at nakibasa pa ng text. “Tse! Puro ka Doc Pogi, me pangalan sya, Travis. Travis De Luna. At hindi sya ang nagtext, bat naman ako ititext nun, ni wala ngang number yun sakin. Tsaka baka nga ngayon nakalimutan na nun ang pangalan ko”, mahaba kong litaniya. “Uuuyy si Ate, bakit? Gusto mo bang maalala nya ang pangalan mo?”, tuloy na panunukso pa nito sa akin kaya naman lalong bumusangot ang mukha ko. Lalo pa nung makita kong tila galak na galak pa si Papa habang pinagmamasdan ang mga kalokohan ni Macey. “Ewan ko sayo Macey, tumigil ka nga. Yung admin ‘to ng ospital, Pa, may schedule ka na daw ng surgery mo! Pinapapunta ako ngayon sa office nila para iconfirm ang mga details”, excited kong sabi. “Talaga ate???!!” “Talaga anak?”, halos panabay na sabi nina Macey at Papa. “Oo! O sya sige gagayak na ako, Macey kumain ka muna bago ka matulog, me pagkain sa ref. Ikaw na din ang bahalang magtext kay Kuya para ipaalam na may schedule na si papa. Pa, ung gamot mo ah, wag mo kalimutan inumin, iiwanan ko sa taas ng ref para wag nyo makalimutan”, mabilis kong sabi at patakbong lumabas ng kwarto upang maligo at maghanda para lumakad na. “Ate! Magpaganda ka baka makita mo si Doc Pogi-, ay Doc Travis pala!”, narinig kong pahabol na sigaw pa ni Macey pero di ko na pinansin pa. Ah basta, walang mapagsidlan ang kaligayahan ko ngayon, maooperahan na si papa! Thank you Lord!, pipi kong usal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD