"W E L C O M E . . home Primo! Or should we say, Dr. Primo?”, Paul was on the mini stage they made for the occasion.
Naiiling akong yumuko habang nakangiti at hawak ang champagne glass katulad ng mga nasa halos singkwenta katao ding andito ngayon.
“Cheers!”, panabay na sunod naman ng lahat ng andito ngayon sa Sky Lounge ng isang hotel sa Makati na pag-aari ni Paul, isa sa mga kabatch ko nung highschool.
Actually hindi kami ganun kaclose nung highschool, sakto lang. But his cousin, Nick, who was in the basketball varsity team with me, sya ang ka-close ko... or should I say, I used to? It was Paul who told our batchmates that I am in the country. Wala na sana akong balak ipaalam pa na andito dahil alam ko nang ganito ang mangyayari, kaliwaan ang invitations ko from my classmates in highschool and medschool at ayoko sanang maubos ang oras ko sa pag attend ng mga functions, because I promised Talia that all my time apart from work will be spent with her. But I don’t want to be rude at magmukhang snob na hindi man lang magpakita.
Naalala ko pang sabi ni Daddy ng minsa’y madatnan nya ako sa sala at binubuksan ang isang invitation for a gathering of my schoolmates sa medschool. Napabuntong hininga na lang ako.
Dr. Rodrigo Cordova, M.D., my father is the medical director and CEO of San Mateo General Hospital, which is now a JCI Accredited hospital. Simula nung bata pa lang ako ay lagi ko nang naiimagine ang sarili ko na nakasuot ng white coat na suot ng mga doctor. I idolized my dad. I wanted to be like him.
Isang bahagyang tapik sa aking balikat ang pumukaw sa aking malalim na pag iisip.
“Lalim ah”, nakangiting sabi ni Nick at lumagok mula sa baso nyang naglalaman ng alak, whiskey I’m guessing. Tumabi ito sakin at sinamahan akong tanawin ang city lights. Tila ba awtomatikong nagtagis ang aking mga bagang. Ngunit pinilit kong panatiling kalmado ang aking ekspresyon.
“Ah, work”, pagsisinungaling ko at lumagok din sa basong kanina ko pa iniikot-ikot gamit ang kamay ko. Tumango-tango ito.
“So, what’s next with you, Doc Primo?”, anito na may bahid ng pang-aasar.
Nick’s father, Dr. Nicholas Abelardo Sr., is the owner and founder of SMGH, who is also a friend of my dad’s. Hindi maayos ang relasyon ni Nick sa tatay nya dahil sa pagsuway nya sa kagustuhan nitong kumuha din sya ng medisina. Kaya naman nang magdesisyon akong pumasok din ng medschool ay lagi na kaming pinagkukumpara ng tatay nito. Back then, hindi niyon nakaapekto sa pagkakaibigan namin at naging parte na ng asaran ang pag tawag nya sa akin ng ng Doc Primo. But then, things had changed. After what he did to me 9 years ago.
“Oh, the outreach will start in two weeks. Mauuna ang benchmarking bago ang outreach. Galing na ako sa ospital kanina just to see the Operating Room bago kami magsagawa ng mga surgeries dun.”, kaswal kong sagot.
Muli itong tumango-tango. Katahimikan.
“What about Mia’s dad? Did you hear anything about him?”, pagkakuwa’y sabi nito.
May bahagyang tambol sa aking dibdib na marinig ang pangalang iyon mula sa ibang tao. Tumikhim ako dahil tila nagbara ang lalamunan ko bigla.
“Nope”, pilit kong pinakaswal ang tinig ko. Ilang segundong katahimikan muli. Tila naghihintayan kami kung sino ang unang babasag nun.
“Are you not gonna ask me?”, sa wakas ay tanong muli ni Nick.
“Are you gonna tell me if I do?”, balik tanong ko.
I saw him smirked.
“As much as I want to fast forward the things that are to happen soon, mas interesado akong malaman kung gago ka pa din”, nakangiti man ay nahimigan ko pa din ang inis sa tinig nya.
Hindi ko naiwasang mapangiti ng mapakla. At sya pa talaga ang may ganang mainis sa akin? Matapos nya akong saksakin sa likod.
“Me? I didn’t need to wait, I can see na hindi pa din nagbabago, you are that exact same asshole nine years ago, Nick”, nakangiti ko ding sabi ngunit sinigurado kong maramdaman nya ang sarkasmo sa boses ko.
Nakita ko ang tila amuse na ekspresyon sa mukha nya pati ang pag buka ng bibig nya sa tahimik nyang pag sabi ng “Oh”, at tumango-tango.
“Well... some things change but there are things that are ought to stay”, anito na tila amaze na amaze pa sa nakikita nyang reaksyon ko sa pag-uusap namin.
I chose to look away at ibaling muli ang atensyon sa mga city lights. Nagtaas baba ang dibdib ko sa pagpipigil ng urge na suntukin itong kupal na ‘to.
Tinapik tapik nya ang balikat ko.
“Don’t get too worked up just yet bro, ni hindi pa tayo nagsisimula. Save all your energy for everything that’s gonna happen and everything that you will discover now that you are finally back”, seryoso nitong sabi.
Hindi ako sumagot. Ang gusto ko na lang ay suntukin ito. Pero ayokong gumawa ng eksena, especially na ngayon lang nila ako nakita ulit after such a long time.
“I just wish na nakapag-ipon ka ng sandamak-mak na tapang in those 7 years na pinili mong lumayo kaysa makinig, para harapin na ang nakaraan”, dagdag pa nito.
Walang ano-ano'y inabot nito sa akin ang isang pulang envelope.
Ilang segundo ko muna iyong tinitigan at nagpabalik-balik sa kanya at sa envelope ang paningin ko . Iginiit nyang kunin ko iyon kaya kahit nagdadalawang isip ay inabot ko yun.
“What’s this?”, takang tanong ko.
“Let’s just say na, that...”, sabay turo sa pulang envelope na ngayon ay hawak ko na.
“...is your past knocking on your door”, dugtong nito sa sinasabi.
Lalo akong nagtaka.
“I hope this time, you will let it in”, seryoso pa nitong sabi.
Naguguluhan man ay binuksan ko din iyon.
San Mateo High School
Batch 2005 Reunion
February 28, 2021
“Let us re-live our memories and re-k****e relationships, for high school may not be forever, but the feelings will always remain”
Kunot-noo akong napaangat ng tingin dito, na may nakakalokong ngiti.
“See you then, Dr. Primo Cordova”, anito na may himig ng panunuya bago tumalikod na upang maglakad palayo sakin.
I couldn’t even say anything...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
A sudden flash of her face came into my mind. That one rainy night...
*flashback*
“Primo!!! Please kausapin mo naman ako!!!”, narinig kong sigaw ni Mia sa gitna ng tunog ng lumalagaslas na ulan.
Nasa likod ako ng kurtina at pilit na nilalabanan ang pag-uudyok ng bawat hibla ng aking katawan na lumabas at yakapin sya.
“Please let me explain, please... Primo!”, muli nyang sigaw sa pagitang ng pag-iyak.
Napapikit ako ng mariin. Kung nasasaktan sya, ay doble ang sakit na nararamdaman kong makita syang nasasaktan. Pero mas masakit ang ginawa nya sa’kin. Napayukom ako ng kamao. Why Mia? After everything that we have been through? Ngayon mo ako bibitawan?
“Please, mahal na mahal kita Primo! Please....maniwala ka naman!”, narinig kong muli nyang sigaw.
Wala akong ibang naririnig kundi ang samu’t saring tanong sa isip ko at ang galit na naghahari sa buong sistema ko ngayon.
Napamulat ako ng makaramdam akong tapik sa aking balikat. Si Daddy...
“Anak, if you are going to end it, sabihin mo sa kanya ng maayos at malinaw. Like a man”, mahinahong sabi nito.
End it? Iyon nga ba ang gusto ko?
Hindi ko namalayang umiiyak na ako kaya naman napatungo ako dahil nahihiya ako sa daddy ko.
“I love her Dad”, garagal kong sabi.
“Primo, loving someone doesn’t always mean being together.. Sometimes, it takes much greater love to let them go...”, ewan ko ba, pero mas lalo akong napaiyak sa sinabi ng daddy ko. f**k this is so gay pero tang-ina ang sakit pala. Never ko naisip na maghihiwalay kami. We always say thar we are each other’s always and forever, pero bakit ganito?
“I...I don’t think I can ever let her go”, sabi ko at muling sinilip si Mia mula sa bintana na hanggang ngayon ay andun pa din sa gate namin, basang-basa na ng ulan.
“Anak, you cannot save a relationship by not growing”....
*end of flashback*
..
.
.
.
.
.
We grew up, yes...but we also grew apart,sabi ko sa isip ko nang magbalik ako sa kasalukuyan.
Inubos ko ang laman ng baso ko sa isang lagok, gumuhit ang pait sa aking lalamunan. Baka sakaling mapigilan nun ang mga alalala at emosyong kasama ng mga iyon na muling nagbabadyang sumilip.
Napatingin ako sa hawak kong invitation.
“Re-live our memories...”