CHAPTER 7

2639 Words
H I N A Y A A N . . .nila akong kumalma dahil hindi ko mapagilan ang pag iyak ko sa sobrang tuwa. Ilang sandali bago ko narinig na nagpaalamanan ang dalawa. “I wish I could stay longer, pero I really have to go for now bro, may importante pa akong aasikasuhin,” narinig kong sabi ni Doc sa kaibigan. “Ah... what’s new, sanay na ako sayo, Dr. Travis De Luna, ang pinakabusy-ing taong kilala ko, kaya nga nagulat ako nang bigla kang sumulpot sa opisina ko”, birong sagot naman ng isa. Nagpasalamat din si Doc Travis sa kaibigan bago ako binalingan at nginitian ng napakatamis. “Let’s go”, kaswal nitong sabi. Bahagya pa akong nagulat ng hawakan ako nito sa siko at iginiya palabas ng opisina ni Sir Calvin. Sumisinghot-singhot pa din akong nakayuko sa habang nasa tapat kaming elevator at naghihintay. Hindi pa din ako makapaniwala na approve na ang application namin. Kani-kanina lang ay pinoproblema ko pa kung paano pag hindi kami napili dahil may mas nangangailangan kaysa kay Papa. Tumambad sa harap ng mukha ko ang isang asul na panyo kaya’t agad akong napataas ng tingin. Syempre sino pa ba ang mag-aabot sa akin nun, kundi ang lalaking katabi kong naghihintay ng elevator na ngayon ay diretsong nakatingin sa harap. Napatitig ako sa kanya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, I keep remembering someone kapag tinitingnan ko ang lalaking katabi ko. Nang marahil ilang sandali na ay hindi ko pa din kinukuha ang inilalahad nya ay tinapunan nya ako ng tingin. At nang makitang nakatitig ako sa kanya ay agad syang ngumiti at inabot ang malaya kong kamay upang ilagay doon ang panyo at agad ding binalik sa harap ang tingin nya. Ang dami kong gustong itanong at sabihin dito pero wala ni isang salitang lumabas sa bibig ko hanggang sa dumating na ang elevator. Gaya kanina ay nauna na naman itong sumakay , hindi ako agad gumalaw mula sa kinatatayuan ko at tahimik na sinundan lamang sya ng tingin. “Mia, let’s go”, untag nito sa akin habang nakahawak sa hold button upang pigilin ang pagsara ng pinto. Wala akong nagawa kundi sumakay na lang din dahil nakakahiya sa ibang mga sakay nito na naghihintay din. Habang nasa elevator ay nagring ang cellphone nito. “Hello? Yes, well did you ask for 3D echo and ECG?....what about cardiac enzyme test?... (sigh), right okay, I’m on my way, order a Troponin I test for now, text me as soon as you have the results. Okay.”, mula sa repleksyon nito ay kita ko ang gitla sa mga noo nito habang nakikipag usap sa telepono. Iyon naman ang biglang pagtunog ng bell ng elevator hudyat na narating na namin ang ground floor. Dire-diretso itong lumabas kaya’t medyo nag-alangan ako kung susunod pa ba ako sa kanya o dito na kami maghihiwalay. Dahil mahahaba ang biyas nya at lakad-takbo ang ginawa ko habang nasa likuran nya habang patuloy akong nakikipag debate sa isip ko kung susundan ko pa ba sya o magpapaalam at magpapasalamat na ako. Nahihiya naman akong magtanong dahil baka nga nakalimutan na nitong nakasunod pa ako sa kanya. Matapos kasi ang tawag kanina sa elevator ay tila sumeryoso ang mukha nito kaya lalo akong nag-alangang magtanong. Sa huling liko namin sa kaliwa ay tumambad sa akin ang malawak na bulwagan na may maraming lamesa at upuan. Mula doon ay nanggagaling ang mabangong amoy ng mga pagkain, doon ko na naman naalala ang gutom ko. Nang matapat kami sa may counter ay bigla itong umikot upang humarap sa akin, at dahil nasa likuran nya lang ako ay huli na upang huminto pa, kaya’t tuloy-tuloy akong nabunggo sa dibdib nya. Muntik pa akong mabuwal, buti na lang ay nahawakan nya ako agad sa balikat ko. “Oh, sorry... that was my bad”, anito. “Are you okay?”, tanong pa nito na bahagya pang yumuko upang magpantay ang aming mukha. Bigla na namang nagflash sa isip ko ang isang pamilyar na imahe nang gawin nya iyon. … “Hey… Mia?”, untag nito sa akin “H-ha?” “Sabi ko, okay ka lang ba?”, Sunod-sunod na tanong naman ang isinagot ko. “Anong gusto mong kainin?”, kaswal nitong tanong. “Ha?”, hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko o nabingi lang ako? At bakit naman kaya ito curious sa pagkaing trip ko? Tumayo ito ng tuwid at ngumuso upang ituro ang counter. “Mamili ka na ng gusto mong kainin, maghahanap lang akong table natin”, sabi nito. Table...natin?, tama di ba? Natin ang sinabi nya? “Ay naku Doc, okay na po, mamaya na lang po ako kakain, okay na po ako. Sobra-sobrang abala na po ang ginawa ko sa inyo. Tsaka, di ba po sabi nyo kanina dun sa opisina ni Sir Calvin, may aasikasuhin pa kayong importante? Okay na po ako, ako na po bahala Doc”, mabilis ko ng sabi na sinabayan pa ng pa-iling. Kumunot naman ang noo nito. “Ayan ka na naman sa po, I told you to drop the po. And yes, I did say na may aasikasuhin akong importante, eto na nga yun”, sabi nito sabay lahad pa ng dalawang palad. Lalo akong nagtaka at nagpalinga-linga upang hanapqin ang tinutukoy nya. “Po?---I mean, ha? Eto? Etong cafeteria ang aasikasuhin mo?”, as in naguguluhan ako sa takbo ng usapan namin. Tagalog naman ang salita namin pareho pero ba’t di ata kami magkaintindihan. Napabuntong-hininga ito na tila ba sumusuko. “You, ikaw ang importante kong aasikasuhin. To feed you, it’s nearly dinner time pero hindi ka pa nagtatanghalian. Hinahabol ko ang oras para makakain ka na agad, that’s why I was in a hurry”, tila naman nafrustrate na ito. Napaawang ang labi ko sa sinabi nito, ano daw? “Sige na, pumili ka na nang gusto mong kainin, or if wala ka magustuhan magpapadeliver na lang ako” “Hindi na talaga kailangan Doc, okay na----” “Do you have any food allergies?”, putol nito sa sinasabi ko at bumaling na sa counter. “Strawberries”, wala sa loob kong sagot dahil sa pagkabigla sa sudden mood changes nito. Nakakunot noo naman itong napalingon muli sa akin. “I didn’t know na may taong allergic sa strawberries, or even na nakakaallergy pala ang strawberries”, anito. Nagkibit-balikat lang ako. Eh sa ganun eh, magagawa ko. Wala na akong nagawa nang umorder na ito ng pagkain. Umorder ito pagkadami-dami, nariyan ang kalderta, adobong manok, sinigang na bangus, at kare-kare, apat na order ng kanin at may dessert pang lecheflan. Naupo kami sa may bandang gitna dahil iyon ang pinakamalapit na bakante. Palinga-linga ako habang sya ay nag uumpisa nang kumain. “Bakit?”, takang-tanong nito. “May hinihintay ka pa bang dumating?”, balik-tanong ko naman. Kumunot ang noo nito. “Wala bakit?” “Wala??? So you mean tayong dalawa lang ang kakain ng lahat ng ‘to???”, gulat kong sabi na bahagya pang napalakas ang boses. Tumango lang ito bilang sagot sabay sumubo ng adobo. Hindi makapaniwala na tingnan ko ang mga nakahain sa harapan ko. Paano namin uubusin lahat ng ‘to? Ano bang feeling ng isang to, bibitayin na ako? Isa pa, hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na librehin nya, bukod sa ilang beses naming pagkikita dahil nakaconfine ang papa ko ay hindi naman kami close, pero heto at tila ba matagal na kaming magkakilala kung umakto ang isang ‘to. Walang sabi-sabi nitong kinuha ang plato pati mga kubyertos ko at inilagay sa tapat nya matapos igilid ang sarili nitong plato. Napataas ang kilay ko, ganun ba ito katakaw? Nagsimula itong maglagay ng mga pagkain sa plato kong nasa tapat nya atsaka pinaghimay-himay ang isda. Matapos nitong tanggalan ng mga tinik ay muli nyang ibinalik sakin ang plato ko tsaka muling binalingan ang plato nyang kanina’y iginilid nya at nagsimulang kumain muli. Aaminin ko, hindi ko inaasahan ‘yun... . . . . . *flashback* “Primo naman kasi, umorder-order pa ng isda, kalansa-lansa na, matinik pa”,lukot na lukot ang mukha ko habang naka krus pa ang dalawang braso sa aking dibdib nang ilapag ni Primo ang inorder nitong ulam para sa amin. Kahit pa nasa college na kami ay hindi pumayag si Primo na hindi kami sabay maglalunch. Lagi kasi ako nitong nakakagalitan kapag nalilipasan ako ng gutom o di kaya ay kumakain ako ng mga junkfoods instead na proper meal. Kaya heto’t talo pa ang tatay ko kung bantayan ang pagkain ko. “Fish is protein, love”, kalmado namang sagot ni Primo habang naghihimay ng isda sa plato. “Bakit yung adobo protein din, yung porkchop, yung fried chicken, aba’y lahat naman yun protein ah! Bakit isda, Primo, bakeettt”, tila bata kong pagmamaktol. “They’re full of cholesterol, masama para sa health, okay na ang paminsan minsan, but not all the time”, paliwanag nito sabay nilalapag sa harapan ko ang platong nilagayan nya ng kanin at mga himay-himay nang isda. Okay, kinikilig ako sa sweet gesture nyang ‘to, pero gusto ko talaga ng porkchooopp. Ngumuso ako sanhi upang mapatawa sya. Sumandok ito ng kanin at ilang himay ng isda mula sa plato ko gamit ang kanyang kubyertos atsaka ako sinubuan. “Ahhh, c’mon love, ahhh”, pang-uuto pa nito sabay nagpapacute pa. Alam na alam talang nito kung paano ako utuin, nakakainis! Naghihimaktol man ay binuka ko na din ang aking bibig upang tanggapin ang isinusubo nitong pagkain sa akin. Nakabusangot pa din akong ngumunguya. “Akala ko ba sabi mo mahal mo ‘ko, bakit ni sa porkchop lang di mo pa ako mapagbigyan!”, patuloy na pagmamaktol ko sa pagitan ng pagnguya. “It is because mahal kita Mia, kaya kita inaalagaan. I want us to live for as long as we can para makita pa natin ang mga magiging apo natin sa tuhod. Isa pa, I want a big family, mga walong anak siguro pwede na sakin, so you need to be ready for it”, kaswal na kaswal nitong sabi at sinundan pa iyon ng malapad na ngiti at kindat. Bigla akong nabilaukan sa sinabi nito kaya’t sunod-sunod na pag-ubo habang tinatapik ang dibdib ko ang aking ginawa. “Hey, dahan-dahan, are you okay?”, tanong nito habang hinihimas ang likod ko. Uminom muna ako ng tubig upang matanggal ang bumara sa lalamunan ko bago ako nagsalita. “Ikaw? Okay ka lang? Walong anak talaga????”, sa wakas ay nasabi ko nang makahinga ng maayos. “Oo bakit? Ang lungkot kaya ng walang kapatid. Kaya I promised myself, kapag ako nagkaron ng sariling pamilya, I would make a big and happy family, para walang dull moments sa bahay”, pilit kong hinihintay ang kasunod na ‘joke!’ doon pero walang ganun. Mukhang seryoso ito sa sinasabi nito. Wala sa loob akong napahawak sa tiyan ko. Walo? Kaya ko kaya ‘yun? Tumawa naman si Primo nang makita ang ginawa ko at mangiyak-iyak na halos ang itsura. “Matagal pa ‘yun love, wag mo munang isipin”, anito at kaswal na sumubo din ng pagkain. “Pano ko hindi iisipin eh sinabi mo na! Diyos ko ang hirap hirap pa man din manganak sabi nila, tapos ikaw gusto mo walong beses kong pagdadaanan yun????”, hindi ko alam pero naiiyak na ako agad sa isiping walong beses ako manganganak, kahit pa ba malayo pa ‘yun sa ngayon ay naiiyak pa din ako. Natatawang nailing si Primo bago muli ako’y sinubuan. “Tsaka hoy, Primitivo Cordova! Paanong walo ang gusto mong anak eh di ba ikaw ang may sabi na after natin pumasa ng medical board exam dun tayo magpapakasal, ang tagal tagal pa nun, ano kwarenta na ako, buntis pa ako? Okay ka lang???!!!”, sabi ko in complete disbelief. Okay OA, pero hindi ko naman na kasi nakikita ang sarili ko with anyone else other than this gwapong nakakainis pero nakakainlove na creature. Kaya I sort of felt na wala akong ibang choice kundi pagbigyan sya sa mga gusto nya dahil hello? It’s Primo or no one! “E di tataon-taonin natin after natin makapasa!”, tila nakakaloko nitong sagot. Tinampal ko sya sa balikat bilang sagot. “Aww!”, daing nya. “Taon taon ka dyan! Umayos ka nga Primo, tsaka pa’no ba tayo napunta sa usapang pag bubuntis? Eh di ba porkchop ang pinag uusapan natin?”, pag-iiba ko ng topic. Sa totoo ay medyo may kakaibang pakiramdam na hatid sa akin ang ideyang magkakaanak kami ni Primo. Parang nakakakilig na nakakatakot na… ah basta!!! Kinailangan kong mag galit-galitan upang itago ang nararamdaman kong iyong. “Eh ikaw ‘tong nagpilit eh, I said wag mo munang isipin yun, pero ikaw ang ayaw magmove on. Nabanggit ko lang naman. Anyway, let’s not talk about it for now, baka ano pa maisipan ko… for now kumain ka muna ng maayos para healthy ka for our eight future little Mia’s and Primo’s, sige na” Pinandilatan ko sya ng mata. “Anong ‘anong maisipan’ ang pinagsasabi mo dyan. Hoy! Isusumbong kita kay Papa at Kuya!”, pagbabanta ko. Tumawa naman sya sabay sabing “Joke! Patola ka..”, sabay pitik sa ilong ko. *end of flashback* . . . . . . Natauhan ako sa pagpitik-pitik sa tapat mismo ng mukha ko. Ilang beses akong napakurap-kurap. “Hey, stop day dreaming, eat.”, anito at nginuso ang platong nasa harap ko. “U-Uhm Dr. De Luna---” “Eat. Let’s talk later”, may pinalidad nitong putol sa sasabihin ko kaya naman hindi na ako umangal pa at kumain na lang. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapansin na pinagtitinginan kami nang mga taong andun sa cafeteria kaya bahagya akong naasiwa, samantalang si Dr. De Luna ay ni hindi nag-aangat nang tingin at seryoso lang sa pagkain. Ni halos hindi ko maibuka ang bibig ko dahil sa masamang tingin pinupukol sa akin ng ilang grupo ng kababaihan sa kabilang table, na base sa mga suot nitong puti ay mga nurse. “What’s wrong?”, kunot-noo nitong tanong nang marahil ay mapansin na hindi ako kumakain. I bit my lower lip at bahagyang iginala ang mga mata. Sinundan naman iyon ni Dr. Travis ng tingin. Alam ko nakita nya din ang tinginan ng mga nasa paligid namin pero parang wala lang iyon sa kanya. “Just eat okay?”,tila ba naiinis na nitong sabi. Maya-maya ay may biglang lumapit sa amin na isang binata na sa tantya ko ay 4’11 lang ang tangkad. Nakauniporme ito ng pink na polo shirt na katulad ng mga non-medical staff ng ospital. Sabay kaming napatingin ni Dr. Travis. “Dr. De Luna, pasensya na po kayo sa abala”, tila nahihiya nitong sabi. “It’s okay”, sabi naman ng huli, “Pinapatawag po kayo ni Dr. Cordova sa opisina nya”, pagpapatuloy ng binata. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko nang marinig ko ang apelyidong iyon. “Alright, tell him I’ll be there, thanks Felix”, iyon lang at umalis na din ang lalaki. Cordova... , bulong ko sa isip. Ah, yes nakalimutan kong tatay nya pala ang CEO ng San Mateo General Hospital. Ito marahil ang tinutukoy na Dr. Cordova ng binata kanina. Wala sa loob na napahawak ako sa dibdib ko, tama bang isipin kong saglit akong umasa na ang mas nakababatang Cordova ang tinutukoy nung Felix kanina? Naalala ko tuloy yung nakasulat dun sa invitation para sa reunion… Re-live our memories…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD