“T H E . . .team feels that it will be the best for Mr. Alcantara na magpasurgery na as soon as possible”, malumanay na sabi ni Dr. Travis De Luna, ang primary doctor ni Papa, habang pinagsisiklop ang mga daliri ng dalawa kamay nito.
Noong araw din mismo na tumawag si Kuya Myco ay nakauwi ako ng San Mateo sa tulong na din ni Clang. Halos sya na lahat ang nagfill out ng mga form for emergency leave request at pumipirma na lang ako dahil hindi ako makapag isip ng maayos matapos kong makausap si kuya.
Kasalukuyan kaming nasa opisina ni Dr. De Luna nang ipatawag nya ako, nagpasama ako kay Kuya dahil natatakot akong may marinig ako na hindi maganda at hindi ko kayanin, maige na may kasama ako. Tatlong araw nang nakaconfine si Papa at sa awa ng Diyos ay stable naman na sya ayon sa mga doktor nya, pero gusto nilang magsagawa pa ng mga test para mas matukoy ang tamang lunas para kay dito. Aminin ko man o hindi, sa likod ng isipan ko ay nag aalala ako sa magiging bill namin sa ospital, at alam ko ganun din ang mga kapatid ko. Pero siguro nga kapag nandun ka na sa sitwasyon kung saan kapakanan at kaligtasan ng mga mahal mo ang usapan, ay huling iisipin mo na ang pera.
“Doc, talaga bang wala nang ibang paraan? Talaga bang hindi na makukuha sa gamot?”, sunod-sunod na tanong ko.
“I’m sorry Miss Alcantara pero kung magtitake tayo ng chances sa gamot ay baka mahuli na ang lahat. This is already his third attack , and we cannot guarantee that he will survive it if he will have another one”, seryosong sabi ng nito.
“A-Ano pong ibig nyong sabihin Doc?”, tanong ko kahit pa alam ko naman na ang ibig nyang sabihin ay gusto kong malinaw ang lahat sa amin.
Bumuntong hininga ito na tila ba hirap na hirap.
“Initially bara lang ang nakita natin sa puso ni Mr. Alcantara, but because of so many other factors, like age, stress, diet probably, the recent tests showed na faulty na ang ilang bahagi ng puso nya, that is why kailangan na natin syang operahan”, paliwanag nito.
Para akong pinagsukluban ng langit at lupa sa narinig ko, napahagulgol ako. Hindi pwede to! Pati ba naman ang Papa ko mawawala sa’kin???
Naramdaman ko ang paghagod ni kuya sa likod ko.
“Mga magkano ang aabutin ng operasyon doc?”, tanong ni kuya dahil hindi ko na magawang magsalita pa.
“Mga humigit kumulang 1.5 to 2 million pesos siguro including na ang professional fee para sa surgeon”
Parang mas lalo pa kami nailubog ni kuya sa narinig.
“H-Ho? Dalawang milyong piso???”, halos di iyon lumabas sa bibig ko.
“Diyos ko kuya saang kamay ng Diyos tayo kukuha ng ganon kalaking halaga?”, baling ko kay kuya na kita ko rin sa mukha ang pagkagulat.
“Doc, sa totoo ho nyan, yung bill namin dito ngayon ipapangutang pa namin, kaya wala ho kaming ganun kalaking halaga, wala na ho ba talagang ibang paraan?”, halos nagmamakaawa na si kuya.
Muling huminga ng malalim ang doktor at mukhang nag isip ng malalim. Sa totoo, kung hindi kami nasa gitna ng ganitong stress, ay marahil tinext ko na si Clang na may gwapong doktor na tumitingin kay papa. May itsura ito at halatang bata pa kung pakatitigan, siguro ay matanda lang ng isa o dalawang taon sakin, pero dala na rin siguro ng stress sa trabaho ay tila nadagdagan ang edad ito, lalo pa’t nakasuot ito ng eyeglasses. Tantya ko ay nasa 6”1’ ang tangkad nito at medyo slim pero halatang alaga sa gym katawan dahil sa malapad nitong balikat at matipunong braso na kahit panaka white coat ito ay mababakat pa din. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi, may dimple din ito sa magkabilang pisngi na lumalabas kahit pa nagsasalita lang ito.
“Totoo ba ‘to Mia? Nagawa mo pang ixaminine yung ilong at dimples ng doctor ng tatay mo? Sa sitwasyong ‘to talaga?”, pagalit ko sa sar ang nagpabalik sa akin sa sarili.
“Ano ho yun doc?”,determinado kong tanong. At this stage, willing na akong subukan lahat.
“Magkakaroon ng medical outreach dito sa ospital ng San Mateo, bale may mga doctors from other countries na dadating at magsasagawa ng libreng operasyon, and luckily this year tatlo sa kanila ay Thoracic Surgeon, meaning-”
“Heart surgeon”, agaw ko sa sinasabi nya. Napangiti ang doktor.
“Yes Miss Alcantara. They will be coming to Southeast Asia to benchmark and at the same time ay magsagawa ng outreach para sa mga kababayan natin na nangangailangan ng operasyon ngunit medyo kapos”, muling paliwanag nito at sinundan iyon ng isang ngiti.
Nabuhayan kami ni kuya ng pag-asa.
Iniabot ni doc ang isang envelope sa akin. Nagtataka ko itong inabot at tiningnan ang laman niyon.
“It’s an application form for the outreach. If you can fill it out today and submit it sa registra’s office before 5 o’clock that would be great, the sooner the better”, muli itong ngumiti na talagang nagpaamo sa mukha nito.
Nagpasalamat kami ni Kuya at lumbas na ng opisina nito. Bumalik si Kuya sa silid ni papa upang relyebohan si Macey sa pagbabantay dahil may pasok pa ito kinagabihan.
Samantalang ako ay agad na nag-asikaso ng mga requirements kagaya ng birth certificate ko at ni papa, dahil ako ang nakasulat na next of kin ayon na din sa napagkasunduan naming magkakapatid, sedula, ID at ilang mga evidences of previous hospitalizations ng papa ko.
Pasado alas kwarto na nang makabalik ako sa ospital matapos kong magpunta sa kung saan saan at maghalughog ng buong kabahayan para sa mga papeles.
Pagod na pagod, pawis na pawis at gutom na gutom na ako dahil hindi pa ako nagtatanhalian pero heto’t nakapila na ako sa waiting area ng registrar upang ipasa ang mga dokumento.
May mangilan-ngilan ding tao ang nakapila kaya medyo may katagalan akong naghihintay. Napaisip tuloy ako kung ilang kaya sa mga ito ang nasa parehong kalagayan din namin.
Medyo nagsimula tuloy akong mangamba dahil ngayon ko naisip na malamang ay madami din ang katulad namin na naghihintay ng ganitong pagkakataon. Walang garantiya na isa kami sa mapipili.
Napaangat ako ng tingin ng may isang maliit na papel na tumakip sa form na binabasa ko. Tumambad sa aking ang maamo at nakangiting mukha ni Dr. De Luna. Muling bumaba ang tingin ko upang basahin ang nakasulat sa maliit na papel.
Urgent recommendation by Dr. Travis De Luna.
Patient: Calixto Alcantara
MRN: 4582xx
Kaagad na napaangat ang tingin ko sa kanya at nanubig ang aking mga mata.
“Thank you Doc!”, nasabi ko na lang at wala sa loob na bigla ko syang nayakap. Halatang nagulat ito dahil para itong estatwang nanigas. Nang mapagtanto ko ang aking ginawa ay mabilis pa sa alas kwarto akong napabitaw at di malaman ang sasabihin sa sobrang hiya.
Napatawa na lang ito ng bahagya.
“S-Sorry po Doc, na-nacarried away lang,”, nahihiya kong sabi.
“It’s okay. Uh.. Nakumpleto mo ba ang mga requirements?”, tanong nito.
“Y-Yes po Doc, eto po”, nauutal kong sagot dahil pa din sa pagkapahiya sa ginawa ko ilang segundo pa lang ang nakakalipas.
Ngunit tila wala lang naman iyon dito dahil tumabi pa ito sa akin at lalong lumapit upang tingnan ang mga papeles na hawak ko. Sa sobrang lapit nya ay amoy na amoy ko ang panlalaking pabango nito, bigla tuloy akong naconscious dahil alam kong amoy-araw na ako sa maghapon kalalakad.
“Hmm.. Very good then”, anito nang matapos isa-isahin ang mga papel na hawak ko.
“Let’s go”, biglang sabi nito.
“P-Po? San po tayo pupunta?”, naguguluhan kong tanong.
“Just follow me, and please can you drop the ‘po’, hindi pa naman ako ganun ka tanda, tara”, aya muli nito.
Mas lalo ata akong naguluhan kaya hindi ako nakaimik.
“Ms. Alcantara? Sabi ko tara na”, ulit nito sa pangatlong pagkakataon.
Naguguluhan man ay sumunod na lang din ako. Baka may kailangan pa pala akong pirmahan o gawin bago ko ito ipasa.
Nanatili ako sa likuran nya habang naglalakad dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Nakita kong binabati sya nang bawat staff na nakakasalubong namin.
“Dr. De Luna, what brought you all the way here?”, saad nang isa sa mga nakasalubong nito na hindi ko makita ang mukha dahil sa nasa likuran nga ako.
“Oh, just here for an errand”, kaswal nitong sabi.
Nakita kong bahagyang sumilip ang kausap nito sa likod kaya’t nakita ako nito. Ilang beses akong kumurap-kurap.
“I see. A very beautiful errand it is”, hindi ko alam kung tama ba ang nahimigan kong bahagyang panunukso sa boses nang nasa harap o dahil gutom lang ako kaya kung ano ano na ang naririnig ko.
Hindi ko narinig na sumagot si Dr. De Luna pero nakita kong tinapik nito sa balikat ang kausap bago nagpaalam sa isa’t isa. Nagpatuloy na kami sa paglakad at kumaliwa sa dulo ng pasilyo.
Halos mag sasampung minuto na kaming naglalakad, saan kaya ako dadalhin ng gwapong nilalang na to. Ay mali! Kung ano ano na ang naiisip, delikado talaga ang magutom.
Nang marinig ko ang tunog ng bell ay napasilip ako sa harap, doon ko napagtantong sasakay kami sa elevator. Bumukas ang pinto nun at pumasok na ito kaya naman agad akong sumunod. Pinindot nito and L3 button at matyaga kaming naghintay na marating ang level 3.
Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil sa awkward silence, kaming dalawa lang kasi sa elevator. Pasimple ko sana itong titingnan sa tabi ko ngunit agad akong napatingin sa harap nang makita kong nakatingin ito sa akin.
Nakita kong natawa ito sa repleksyon nya sa stainless na pintuan ng elevator. Nakailang beses akong lumunok upang subukang kalmahin ang sarili.
“Are you okay Ms. Alcantara?”, biglang tanong nito na sa repleksyon ko naman nakatingin.
“P-Po?”, gulat kong sagot sa bigla-bigla nyang pagtatanong.
“Ayan ka naman sa po na yan, I’m only 33, hindi pa ako ready-ing po-po-in", pabiro nitong sabi.
“A-Ah.. S-sorry po.. I mean, sorry.”, nahihiya kong sabi.
Napangiti ito.
“Mia na lang din ang itawag nyo sa akin, hindi naman po ako terror teacher para tawaging Miss”, sabi ko din.
“At paano ka naging terror teacher dahil lang sa pagtawag ko sayong Miss?”, natatawa nitong tanong.
“Eh di ba si Miss Minchin terror kaya nga Miss ang tawag sa kanya”, sagot ko naman.
“Who’s Miss Minchin?”, kunot-noo nitong tanong.
Namilog ang mga mata ko.
“Luh di mo kilala si Miss Minchin????”, gulat kong tanong din.
Umiling lang ito bilang sagot.
“Ay.. You missed half of your life”,bulong ko.
At tila on cue ay biglang tumunog ng malakas na pagkulo ang tiyan ko. Wala sa loob na napahawak ako dun sabay tingin sa repleksyon namin.
Nakita ko din ang pagkagulat sa mukha ng kasama ko, ngunit agad din iyong napalitan ng tila pagkamangha at pigil na pagngiti pero labas pa din ang dalawa nitong dimples.
Laking pasalamat ko na lang at bumukas na ang pinto ng elevator kaya’t hindi na ito nakapagsalita pa. Pahamak na tiyan kong ‘to oo!
Paglabas pa lang namin ng elevator ay bumungad agad sa amin ang double glass door. Pinagbuksan ako nito ng pinto, hindi ako agad pumasok dahil napako ang tingin ko sa karatulang nakasulat doon.
Office of the Registrar
Nagtataka ko syang tinginan ngunit nanatili itong nakangiti habang hawak ang pinto. At out of nowhere, nagkaroon ng split of a second na nagflash sa isip ko ang isang pamilyar na mukha, Primo, tahimik kong usal nang tila ba bigla kong nakita ang 16-year old na Primo na nakatayo at nakahawak sa pinto, with a bright smile on his face sa tuwing pinagbubuksan nya ako niyon.
“Mia? Come on in,” untag sa akin ni Doc Travis kaya naman nang matauhan ay agad akong pumasok na din.
Pagkapasok namin ay inabutan namin ang isang lalaking naka 3-piece suit na kulay dark blue na may kausap na isang babaeng marahil ay nasa late 40’s na ang edad.
Sabay na napalingon sa amin ang dalawa.
“Travis, what brought you here?”, halatang nagulat ng lalaki nang makita kami at agad na lumapit kay Dr. De Luna upang makipagkamay at diretsong nag shoulder bump.
Makikitang malapit sa isa’t isa ang mga ito.
“Sorry for barging in in to your office unannounced Calv”, paghinging paumanhin ng lalaking kasama ko.
Saglit na binalingan ng lalaking tinawag nitong Calv ang babaeng kausap ng huli kanina upang bahagya itong tanguan. Tila naman naintindihan ng babae ang nais nitong sabihin kaya’t nagpaalam na ito sa amin.
“So, to what do I owe the pleasure of having Dr. Travis De Luna here in my very office”, pabiro nitong sabi.
“Actually, I have a favor to ask”, panimula ni Dr. Travis.
“Okay? Basta kaya ko, why not”
Binalingan ako ng doctor at mwenestrahang ibigay sa kanya ang mga hawak kong papel. Agad ko naman iniabot yun sa kanya, tapos ay agad din naman nito iyong ibinigay sa lalaking naka suit.
Mabilis na iginala ko ang paningin ko sa silid at doon ko nakita ang pangalang Calvin Antonio, bilang Senior Executive Manager, agad akong napatingin sa lalaking kausap ni Doc Travis.
“Ikaw ang nag aapprove nang mga applications for the outreach di ba? Can you include this patient on the list?”, narinig kong sabi ni Doc. Bahagya akong nagulat sa sinabi nyang iyon.
Mula sa mga papel ay nag-angat ng tingin ang lalaking naka-suit at tila ba de javu ay ginawa din nito ang ginawa nung nakasalubong namin sa hallway kaninang pagsilip sa akin mula sa likod ni Dr. De Luna.
“Sorry, Miss...?”, tanong sa akin ni Sir Calvin.
“Mia”,
“Mia... kaano-ano mo ang pasyente if you don’t mind me asking”, nakangiti nitong tanong sa akin.
“Papa ko po”
Tumango-tango ito atsaka binalingan ang doktor at binigyan ng ngiting makahulugan. Tinampal pa nito ang huli sa kanang braso. Nakita kong yumuko si Dr. Travis pero hindi ko gaanong makita ang mukha nya maliban sa kanang dimple nya kaya hindi ko masabi kong ngumiti din ba sya o ano.
Pagkakuwa’y inabot ni Sir Calvin ang stamp sa taas ng table nito atsaka itinatak iyon sa mga papeles na kanina ay hawak ko. Tumambol ang dibdib ko. Ano kaya ang nilagay nito doon. Napakagat ako ng ibang labi sa kaba.
Umikot ito patungo sa harapan ng lamesa nito at prenteng sumadal doon. Doon ko din ito napagmasdan ng mas maigi. Matangkad din ito pero mas mababa ng bahagya kay Doc Travis, siguro ay mga 5”11’. Mas malaman ito kaysa sa huli pero hula ko ay muscles ang mga iyon at hindi taba dahil napakaganda ng tindig nito sa suot nitong suit. Moreno ito at may malalim na boses.
“You know Mia, Travis and I are good friends since highschool. Kaya kilalang kilala ko ‘tong kaibigan kong ito. At alam ko din na mabait at mabuti syang doktor sa mga pasyente nya”, sabi ni Sir Calvin sabay ipinag-krus ang kanyang mga braso sa tapat ng dibdib na hindi binibitawan ang mga papeles na hawak.
“Pero never, in all those years of friendship, na hiningan nya ako ng pabor for any of his patients”, dagdag pa nya atsaka ipinakita sa akin ang harap ng mga papeles na hawak nya na may malaking stamp na APPROVED.
“Ngayon lang. You are the first. I just want you to know that”, sabi pa nito na bahagya akong itinuro nang sabihing I am the first.
Napatakip ako sa bibig ko nang umawang iyon at halos maiyak ako sa sobrang galak. Approve na ang application na maoperahan ang papa ko ng libre!
Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko iyon mula sa kamay ni Sir Calvin at banayad na hinaplos ang nakatatak na approve doon.
Sa pagkakataong ito ay hindi ko na napilang maiyak atsaka niyakap ang papeles na hawak ko.
“Thank you po Sir, thank you Doc Travis, thank you,thank you....”,ang tanging nasabi ko ng paulit-ulit na halos pabulong na sa pagitan ng pag-iyak.