“A N D . . . last but not the least, Dr. Primitivo Cordova!”, kasunod niyon ay malakas na palakpakan ng mga kapwa ko doctor na nasa loob ng conference hall. Malapad ang ngiti kong umakyat sa entablado. Being the only second year fellow na napili para kumatawan sa buong ospital ay isang napakalaking karangalan.
Kasalukuyang nasa conference hall kami ng hospital kung saan idinaraos ang morning huddle ng mga doctor ng buong ospital kasa umaga.
“And there you have it ladies and gentlemen, the five doctors to represent Toronto General Hospital Main during the foundation’s outreach and benchmarking programs in Southeast Asia,”, sabi pa ng announcer.
Nagtake over sa mikropono ang Medical Director kaya naman natahimik ang lahat.
“First and foremost, I would like to congratulate our 5 top surgeons here on stage, they will be the face and brand of TGH!”, muling nagpalakpakan ang lahat.
“Everyone is all aware that last year, our hospital received the award for being one of the top 10 best hospitals in the world and our outreach in South Korea had made big impact to that. Having said that, we are glad to announce that this year’s country of choice, after much and deep deliberation of the board, is none other than, the very lovely and very warm...Philippines!”, buong galak na pag aanunsyong muli ng Medical Director na mulign sinundan ng palakapakan.
Tila ako’y nabingi. Paulit ulit na nag-eecho sa pandinig ko ang huling salitang sinabi nya. Philippines Philippines, Philippines Philippines, Philippines Heck what??? Nablangko ang isip ko bigla.
Hindi naman sa ayokong umuwi, it’s just that, this would be the first time na uuwi ako after 7 years kaya halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Lumipas ang buong araw, buti na lang at hindi mabibigat na surgeries ang nakalinya sa akin sa araw na to kaya naman di ako masyadong nahirapan. Pre-occupied ako, ang daming bagay na gumugulo sa isipan ko. Wala sa loob na humigop ako ng kape sa tasang hawak ko habang nakatanaw sa labas ng glasswall ng aking opisina kung saan matatanaw ang make-shift garden para sa mga pasyente.
“Penny for your thoughts?”, biglang usal ng isang tinig kaya bigla akong napalingon sa pinanggagalingan nun.
Nalingunan ko si Antoinette, my only cousin sa side ni Daddy, na prenteng naka de-ocho sa mini couch ng opisina ko at nagbubuklat ng mga magazine na mostly ay medical related. Tulad ko ay isa rin syang doktor, she is a Cardiologist. Sa kanila ako tumira ng dalawang taon when I first moved here in Canada kaya naman mas naging close pa kami lalo.
“Jeez Toni! Are you trying to kill me? Aatakihin ako sa gulat sayo!”, gulat kong sabi sabay himas ng aking dibdib.
“Primo, I’m a cardiologist, sagot kita kapag inatake ka dyan sa kinatatayuan mo”, walang-emosyong sabi nito at patuloy ang pagbuklat ng mga magazine.
Napailing na lang ako at lumakad patungo sa mini coffee station ko dito sa opisina upang ipagtimpla na din sya ng kape. I didn’t need to ask dahil kabisado ko na ang timpla ng kape nya.
“When did you get here?”, tanong ko habang gumagawa ng kape.
“Five minutes ago, you were in a daze kaya di mo ako napansin,”
Iniabot ko sa kanya ang tasa ng kape at naupo na din sa single seater.
“So!”, biglang sabi nya na punong-puno ng energy at tila ba excited ang mukha na humarap sakin.
“So what?”, maang ko kaya naman inirapan nya ako.
“Philippines huh?”, tila may panunuya nitong sabi at nangalong-baba pa habang nakapatong ang siko nito sa tuhod nyang nakade-ocho.
Muli akong humigop ng kape at tumango.
“And???”, aniya na tila ba naghihintay pa ng kasunod.
“What do you mean and?”, pagmamaang-maangan ko. Alam ko naman na kung ano ang gusto nyang sabihin ko.
“Urgh, c’mon Primo dear! You know what I mean”,
“As the matter of fact Toni, I don’t... ano bang ibig mong sabihin?”, patuloy kong inosenteng tanong.
“Oh really? Kaya pala tulala ka dyan kanina at ni di mo namalayang pumasok ako sa opisina mo”
“I was just thinking of Talia”, though that was half-the-truth, hindi talaga yun ang iniisip ko a little over five minutes ago. I was just hoping na maidivert ko ang usapan.
“Why what about Talia?”, kunot-noo nitong tanong.
“I am torn kung isasama ko ba sya o magback out na lang ako sa outreach”, sagot ko na hindi inaalis sa tasa ko ang tingin.
“What? Why?”, gulat nitong tanong.
“I-I don’t know... I-I don’t think she’s ready. At ayoko syang madaliin”, pagsisinungaling ko. Iniiwas ko ang tingin ko kay Toni dahil alam kong binabasa nya ako.
“Her? Or... you, Primo?”, saad nya sanhi upang mapatingin ako sa kanya.
“What do you mean?”, pag mamamang maangan ko at kunway humigop ng kape.
Naghugot sya ng malalim na hininga sabay sumandal sa sofa at pinagkrus ang kanyang mga braso sa kanyang dibdib.
“Primo, you need to feel. Give yourself a chance to feel. Allow yourself to feel the pain until it’s gone. Delaying everything? Avoiding the pain? It’s not gonna help you. It will only delay the healing process but it will always be there until you face it, until you embrace it. Talia? She loves you. She adores you. She will be fine, because she has you”, sagot ni Toni.
It’s really handy to have Toni by my side. She is the sister I never had. I smiled weakly at her and return the squeeze to let her know kung gaano ako ka-thankful na lagi syang andyan para sa akin, ever since dumating ako dito and I was in bits.
“You know what, I think you should consider changing you field from Cardiology to Psychology”, biro ko sa kanya to lighten the mood.
Napasimangot sya at marahas na binawi ang kamay.
“No thank you, I cannot emphatize”, saad nya at tumayo na kaya naman napatingala ako sa kanya.
“Besides, mukhang mas kakailanganin mo ako bilang tigacheck ng puso mo kesa bilang psychologist kapag nakabalik ka na ng Pilipinas”, dagdag pa nito na nagpakunot ng noo ko.
“And what does that suppose to mean?”, tanong ko.
Inirapan nya ako na tila ba nauubusan na sya ng pasensya sa akin.
“Honestly ‘couz? You are an excellent surgeon! No question about that. You graduated at the top of your class sa med school, passed the board with flying colors too... but when it comes to your lovelife? You’re absolutely clueless! Hay naku Primo... I better go ahead bago pa ako magka aneurysm sayo”, aniya at naiiling na tumayo. Napatingala naman ako sa kanya with a puzzled expression on my face.
Muli nya akong tinapunan ng tingin ngunit nang makita ang expression ko ay mas lalo itong nailing at nagsimula ng lumakad patungo sa pinto.
“Oh Primo?”, biglang pahabol pa ni Toni kaya naman napatingin ako sa may pintuan .
“Don’t think too much, wag mo munang problemahin ang mga bagay na hindi pa naman nangyayari”, nakangiti nitong sabi tsaka tuluyang lumabas ng pinto.
Matagal ng nakaalis si Toni pero nanatili akong nakaupo at nakatitig sa kawalan.
.
.
.
.
*flashback*
Alas sais ng gabi..iyon ang oras sabi ng relong pambisig ko nang sipatin ko ito bago ko sukbitin ang bag ko. Tapos na ang last period ko sa araw na yun. It has been a very stressful week, panay exam, panay assignments..pero sa isang banda, mas gusto ko na ‘yun ‘to keep me occupied. Ayokong maisip ang mga nangyari.
Nakasukbit ang isang strap ng backpack ko sa kanang balikat, samantalang may hawak naman akong dalawang makakapal na Medical Books sa kaliwang kamay. I borrowed them from the library at balak kong magsunog ng kilay mamayang gabi dahil sigurado hindi na naman ako makakatulog.
Everytime I close my eyes, the image of what I saw that night appears. At sa tuwing mangyayari yun, there’s this monster inside me I didn’t know I have, I feel like everytime that image flashes back to me, is a nudge to that sleeping monster.
“P-Primo...”, garagal na tinig ng tumawag sa akin as soon as I stepped out of our classroom.
Natigilan ako. Hindi ako agad lumingon. Kahit pa hindi ko lingunin alam ko naman kung sino ‘yun. She has been doing this the entire day. Simula pagpasok ko kaninang umaga andun na sya sa may parking lot ng University, waiting for me. Kilala na sya ng security guard ng school kaya sya nakakapasok kahit hindi sya estudyante dito.
I walked passed her this morning. I thought aalis na sya, pero paglabas ko kanina mula sa first subject ko andun na ulit sya sa labas ng classroom ko. And then the next subject ganun ulit at hanggang sa mga sunod pa sa buong araw ay ganun ang ginawa nya.
“P-Primo... please, c-can we talk?”, bahagya pa syang pumiyok. Kasunod ay pagsinghot. Umiiyak na naman sya.
I kept a straight face. Ayoko ko syang kausap. Not now. Akmang hahakbang na ako ulit nang magsalita syang muli.
“Primo, please naman pakinggan mo naman ako o...please?”, halos pabulong na nyang sabi dahil sa pag-iyak.
Nanatili akong nakatalikod sa kanya. Why is she doing this to herself? Kilala nya naman ako, I am the most patient person you will ever know, pero kapag nagalit ako...nothing, and I mean nothing can change my mind.
Nagsimula na akong humakbang. Agad naman syang humarang sa harapan ko at hinawakan ang braso ko.
“Primo please? Wag naman ganito...”,
I looked at her, and that image flashed into my mind again. Putang ina talaga.
Marahas kong tinanggal ang pagkakahawak nya sa braso ko kaya’t muntik pa syang matumba. Pinigil ko ang sarili kong alalayan sya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad at nilampasan sya. Narinig ko ang malakas nyang paghagulgol.
“Primo, please... Primo...”, narinig ko pang paulit-ulit nyang tawag sa pangalan ko.
I wanted to turn around. Pero wala akong ibang nararamdan sa mga sandaling ito kundi galit. I cannot look at her the same way again.
Tuluyan kong narating ang parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko. Pagkapasok ko sa kotse ay ilang sandali akong nakatitig sa kawalan at hindi ko magawang buhayin ang makina.
Gustong gusto kong yakapin si Mia, but even the sound of her name makes me so angry too. Paano ba kasi kami nahantong sa ganito?
“f**k! f**k! f**k!”, paulit-ulit kong mura habang pinagsusuntok ang manibelang nasa harapan ko sa pag-asang maibsan nun ang galit at sakit na nararamdaman ko.
“How can you do this to me Mia?! Putang ina!”, sabi ko habang nakadukdok ang ulo sa manibela na kanina’y sinusuntok ko.
I didn’t realize na umiiyak na ako. Putang ina talaga! Tama siguro ang sabi nila, the deeper you love, the deeper the pain.
*end of flashback*
.
.
.
.
.
It has been 9 years since we parted ways, what I cannot, for the life of me, understand is bakit sa hinaba-haba ng panahon at sa dinami-dami nang nangyari, I still remember all those painful memories which I thought I had already successfully buried away.
Maybe Toni is right, maybe I need to embrace my pain and allow myself to feel. Maybe I was really delaying everything...
Sa huli ay pinili kong damputin ang cellphone ko at agad hinanap ang isang contact number
Calling Home?. . .
“Hello?”, sagot ng nasa kabilang linya . Kaagad akong napangiti ng marinig ko ang pamilyar na boses.
“Hi Mom”, bati ko.
“Primo darling!How are you?”, bakas ang galak sa boses ng mommy ko.
“I’m good. Uhm, Mom?”,
“Hm?”
“We’re coming home”.