*flashback*
?? “K U N G. . . tayo ay matanda na, sana’y di tayo magbago.
Kailan man, nasaan man ikaw ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang ako’y hagkan at yakapin, hmmm
Hanggang sa pagtanda natin...
Nagtatanong lang sayo,
Ako pa kaya’y ibigin mo
Kahit maputi... na ang buhok ko” ??
Ito ang kantang pumapailang-lang ng bigla akong ayaing sumayaw ni Primo. Sa una ay nagdalawang-isip pa ako dahil sa hiya. Paano bang hindi ako mahihiya, eh andito kami ngayon sa gymnasium ng San Mateo University, katatapos lang ng celebration ng Organization Week bilang pagpapakilala ng mga iba’t ibang organisasyon ng mga estudyante ng SMU sa aming mga freshmen. Primo and I are both freshmen students ng Nursing Department.
At Primo being Primo, he just does whatever comes into his mind. Feeling nya por que nga gwapo sya ay posible ang lahat. Napaikot ang mata ko sa isiping iyon. Eto nga at inilahad nya sa harap ko ang kanyang kamay ng biglang magplay ang kantang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko ni Noel Cabangon. Kung gaano kalapad ang kanyang ngiti ay ganun naman akong halos lumubog na sa kinauupuan ko sa sobrang pagkakayuko sa hiya. Lihim ko syang tinitingnan ng tingin ‘ano ba yang ginagawa mo, tumigil ka nga’-look ngunit lalo lang lumapad pa ang ngiti nya at walang sabi-sabing hinablot na ang kamay ko dahilan upang mapatayo ako muna sa kinauupuan kong monoblock chair at muntik pang matumba. Buti na lang ay maagap nya akong nahawakan sa beywang sanhi upang lubos na magkadikit ang aming mga katawan. Tila naman bolta-boltaheng kuryente ang dinulot niyon sa aking sistema kaya bahagya akong natigilan at nakatitig lang sa kanya. Pero agad kung sinaway ang aking sarili ng maramdaman kong hinihila na ako ni Primo papunta sa gitna ng gym.
“Primo, anong ginagawa mo?”, saway ko sa kanya at pilit na binabawi ang kamay ko habang sya naman ay buong lakas ng loob pang pumagitna sa gym.
“It’s our song Mia’more...don’t you think it’s only right that we dance to it?”, kalmadong sagot nya habang iginigiya na ang kaliwa kong kamay sa kanyang balikat at ipinosisyon ang kanyang kamay sa aking baywang habang hindi binibitawan ang kanan kong kamay.
Hiya akong napalinga-linga sa paligid dahil nakaagaw na kami ng atensyon ng mga nanduon sa gymnasium, ang ilan ay nagsimula ng pumalakpak at may ilang sumipol pa.
“Primo, this is so embarassing”, panay pa ang yuko ko upang takpan ng mga buhok ko ang aking mukha habang si Primo ay nagsimula ng sumayaw sa saliw ng musika. Ngunit tila bingi na wala itong narinig. Lihim akong sumisilip-silip sa pagitan ng nakalaylay kong buhok upang tingnan kung ano ang reaksyon ng mga tao sa paligid namin. Haist oo naman talaga oo, dadami na naman ang haters ko nito, kung ano-ano na naman ang maririnig ko.
“Primo, pinagtitinginginan na tayo o, tara na...”, mahina ngunit pagalit kong usal.
“Shhh... don’t think, just listen to the words. This is so us”, sagot ni Primo na nakapikit na at nakangiti na tila ba ninanamnam ang bawat salita ng kanta.
“-na ang pag-ibig ko’y laging sayo, kahit maputi na ang buhok ko”, pagsabay nya pa sa kanta habang itinataas ang aking mukha upang ganap nya akong matitigan na tila ba sa akin nya nga inaalay ang bawat salitang iyon. Wala na, nagblur na naman ang paligid at si Primo na lang ulit ang nakikita ko. Lagi akong ganito, kapag kasama ko sya para bang wala akong nakikitang ibang nangyayari sa paligid ko, his eyes are just so hypnotizing. Nakalimutan ko na ang hiya, ang mga taong nasa paligid... lahat. It’s just his deep brown eyes that I see now.
Napangiti ako. Yes, this song is really us. I cannot imagine myself tomorrow without Primo in my life, sabi ko pa sa sarili ko.
*end of flashback*
.
.
.
.
.
.
“Mam?”, untag sakin ng isang estudyante na nasa harapan pala ng lamesa ko dito sa faculty room at may inaabot na mga papel sa akin.
“H-Ha? A-Ah, t-thank you”, nauutal kong sagot sabay abot ng mga papel.
Dagli kong pinatay ang radyo sa tabi ko kung saan nagpiplay ang kantang Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko. Darn it Mia, pati ba naman sa kanta natutula ka?, lihim na pagalit nya sa sarili. Pilit kong kinalma ang sarili ko.
“Hm”, si Clang na biglang sumulpot sa harapan ko habang nakaupo sa swivel chair nya sabay dahan-dahang iwinawagay-way sa mukha ko ang kinakain nyang siopao na para bang hinihipnotismo ako.
Agad akong napakunot noo, ano na naman ba ginagawa nitong baliw kong kaibigan.
“Ano yan?”, nagtataka kong tanong.
“Sa siopao?”, aniya. Mas lalong gumuhit ang pagkalito sa mukha ko. Anong trip na naman ba meron ang isang ‘to, para na namang sinapian.
“Sa siopao? Wala kang naalala sa kanya sa siopao?”, dagdag pa nito. Lalong kumunot ang ano ko.
“Ano?”, tanong ko ulit dahil mukha na namang taga ibang planeta itong kausap ko at di ko na naman maintindihan.
“Baka lang kako pati sa siopao me memories kayo at me maalala ka na naman sa kanya pag nakakita ka ng siopao, kasi parang lahat na lang ng bagay lately, simula nung pumunta tayo dun sa seminar eh natutulala ka at naalala mo sya”, paliwanag nito.
Para naman akong napahiya at agad na umiling iling upang pagtakpan ang hiyang nararamdaman ko. Halatang halata pala ako.
“Ewan ko sayo Clang”, tangi kong nasabi at kunway inirapan sya upang maitago ang pagkapahiya sa sobrang katotohanan ng sinabi nya.
“O eh totoo naman di ba, una ung gym dun sa school, tapos ung Teacher’s hall din dun, tapos ngayon pati ba naman kanta sa radyo??? Makaemote ka dyan kala mo naman kahapon lang nangyari ang lahat”
Ayaw ko man aminin ay tama ang lahat ng sinabi ni Clang. Napabuntong-hininga ako.
“You’re right, hindi ko alam kong anong nangyayari sakin lately”, tangi kong nasabi. Wala namang punto kung magdedeny pa ako kay Clang. She knows me too well.
Tinuloy ni Clang ang pagkain ng siopao habang tila ba’y nagiisip ng malalim.
“Baka kailan nyo ng closure”, sabi nito bigla matapos ang halos dalawang minutong pananahimik.
Nagulat ako dun. Hindi ko inaasahan yun.
“Closure?!, eh matagal na kaming meron nun di ba. Kaya nga natapos na kasi close na”,
“Eto naman parang hindi valedictorian kung magreason out. Ibig ko sabihin eh kailangan nyo ng MAS maayos, MAS malinaw at higit sa lahat MAS HONEST na closure!,”, anito na binibigyan ng stress ang bawat ‘mas’ sa sinasabi nya.
“Clang, maayos na ang buhay naming pareho. Masaya na sya, established, contended. Ako... a-ako, g-ganun din naman ako. Hindi kasing asensado nya pero masaya na din ako. Ayoko ng guluhin pa”, sagot ko sabay kunwa’y nagclick click ng kung ano sa computer sa desk ko. Hindi ko alam ko kay Clang ko ba sinasabi ‘yun o sa sarili ko.
“Ahhhh, masaya ka naa.... mukha nga, kitang-kita ko sa mukha mo ang sobrang galak! Ayan o! Nakaukit! Magmumura ang galak!”, eksaheradang sabi nito sabay tapat pa ng palad sa ilalim ng baba ko.
Maya-maya pa’y naiiling na lang itong tumalikod sakin.
“Tsk, tsk,tsk...hay Maria Isabella...”, narinig ko pang sabi nito.
Naputol ang aming usapan ng magring ang telepono ko.
Kuya Myco calling...?
Agad kong sinagot iyon.
“Hello Kuya?”
“Hello? Hello Mia?”
“O Kuya? Napatawag ka?”
“Mia, ang Papa..”
Umahon ang kaba sa dibdib ko sa di malamang dahilan. Bihira lang kaming mag tawagan magkakapatid, kaya alam kong importante ang dahilan ng pagtawag na ito ng kuya ko.
“Mia inatake sa puso ang Papa, please umuwi ka muna”,
Para akong nanghina sa narinig.
“H-Ha? P-Panong, t-teka, a-san sya? K-Kamusta si Papa? O-Okay ba sya?”, kabasay nun ay sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha
“Okay si Papa sa ngayon, pero Mia umuwi ka na muna please”, pakiusap ni Kuya.
“O sige kuya, aayusin ko muna dito para makauwi ako agad, pakisabi kay Papa pauwi na ako”, sagot ko na natataranta at agad na nagtipon ng mga gamit ko sa lamesa.
Please God wag nyo po sana hayaang may mangyaring masama kay Papa, please please. Pa’, pauwi na ako, please wait for me, pipi kong dasal habang di ko mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha habang hindi magkamayaw sa pagliligpit ng mga files sa desk ko.
Agad akong nilapitan ni Clang ng marahil ay marinig ang panic sa boses ko at makita akong umiiyak.
“Mia, anong nangyari? Okay ka lang?”, nag-aalala din nitong tanong.
“Clang ang papa, inatake sa puso ang papa”, at doon na ako napahagulgol ng iyak. Agad nya akong dinaluhan at niyakap habang hinihimas ang aking likod.
“He’ll be okay Mia, wag kang mag-alala, halika sasamahan kita sa opisina ni Principal Torres para makapagpaalam ka na uuwi ka muna sa inyo”, aniya na hindi binibitawan ang kamay ko. Tanging sunod-sunod na tango lang ang naisagot ko.
Please Lord, wag muna please.