CHAPTER 3

2107 Words
“D O C T O R . . . Cordova? Phone for you, please”, saad ng isang nurse sa station sabay abot ng telepono sa akin. Binulungan ko siya ng who is it?, kaya’t pabulong din siyang sumagot at tinakpan pa ang voice receiver ng telepono upang hindi siya marinig ng nasa kabilang linya. “It’s Doctor Martin”, anito. Agad ko ding sinagot ang tawag. “Hello! Doctor Martin, how can I help ?”, sagot ko habang matiim pa ding pinagmamasdan ang chest x-ray result ng isa kong pasyente. “Primo, I need a huge, huge favor please”, anito. Napatawa ako ng bahagya dahil may pakiramdam na ako kung ano ang hihingin niyang pabor. “Spill”, tipid kong sagot at tuloy na nagscroll at click sa computer na nakapwesto sa nurses station na nagsisilbing virtual read-only chart ng mga pasyente. “I know you’ve already been to three surgeries today, but it’s just that I am short of hands, f*****g Patrick’s out sick today, left me all his pending surgeries the f*****g bastard”, tuloy-tuloy na sabi nito sa napakakapal na canadian accent. Dr. Chris Martin is my professor here in Toronto General Hospital and is also a good friend of mine. Sa pitong taon naming pinagsamahan simula pa lang no'ng residency days ko ay nasanay na ako na sa bawat sampung salita ni Chris, walo dun ay mura. Sadyang ganito lang talaga 'ata ang kinalakhan niyang kultura. Halos ka-edaran na nito ang daddy ko kaya naman ganun na rin ang turing ko sa kanya. “You owe me this one”, natatawa kong sagot. “Urgh! I so love you I could marry you right here right now!”, galak na galak ito sa kabilang linya. Naiimagine ko na na nagtatalon ito sa galak kaya’t naiiling na lang ako. “ I’ll check the patient’s file in my office,” sabi ko. “I’ll send my secretary for some other files that are not in the system and if there’s anything you need just give me a buzz”. “Will do, oh and Chris?”, “Yeah?”, “This has to be my last one for today, Talia’s waiting for me”, “Of course, and tell her I’m sorry for keeping you late” “I will, thank you Chris”, at ibinaba ko na ang telepono. Napabuntong hininga na lang ako. Ang buhay ng doctor ay hindi madali. It takes so much of you, and if you don’t draw your boundaries, it will know nothing of that. Don’t get me wrong, I love my job. Noon pa man ay pangarap ko na talagang maging doctor, Pangarap namin, singit ng aking isipan. Bahagya akong natigilan, Aw c’mon Primo, not again, sita ko sa aking sarili at pilit na iwinaski ang imaheng mabilis na dumaan sa aking isipan. “Hey! Primo, what are you doing tomorrow night?”, napalingon ako sa taong biglang tumabi sakin. Si Lexi, isang half-filipina, half-canadian na kapwa ko doctor. “On call”, tipid kong sagot at muling ibinaling ang pansin sa screen sa harap ko. Kung tutuusin, napakaganda at sexy ni Lexi. Bukod pa sa matalino at propesyonal. Hindi ito nagngingiming itago ang pagkagusto nito sa akin, makailang beses na ding hayagan nitong sinasabi na gusto niya ako ngunit sadyang katrabaho lang ang tingin ko dito. Saglit itong natigilan at tila nag-iisip ng sasabihin. Ilang ulit na din kasi ako nitong niyayayang lumabas ngunit palagi kong tinatanggihan, dahil sa napakaraming dahilan. “Well, me and the other fellows are planning to go out for a drink tomorrow, I was just wondering---” “I can’t, I said I’m on call”, walang emosyong putol ko agad sa sinasabi niya nang di man lang siya tinatapunan ng tingin. Senenyasan ko ang isang pinay na nurse na iabot sa akin ang isang file na agad naman nitong binigay. Halata sa mukha nito ang pagkaasiwa dahil alam kong nakikinig ito sa usapan namin at ramdam nito ang pagkadisgusto ko. Kaswal akong nagsulat ng order. “You don’t have to drink!, you...you can just drop by...even for 15 minutes”, muling hirit pa ni Lexi na halatang nahihiya na din dahil alam niyang naririnig kami ng mga nurses na andun ngunit pilit na humihirit. Walang mababasang emosyon sa mukha ko nang matapos akong magsulat sa file ay tiniklop ko na iyon at muling ibinalik sa nurse na nag abot sa akin nun. “Do another blood test, plus urine CNS for patient 42, give me a ring once results are out”, sabi ko pa sa naturang nurse. “Yes Doctor Cordova”, mabilis naman nitong sagot sabay tingin kay Lexi nang medyo alanganin. Ramdam kong hindi din inaalis ng huli ang kanyang mga mata sa akin. Ibinalik ko ang ballpen ko sa bulsa ng white coat ko at binalingan ang phone kong biglang tumunog hudyat na may nagtext. Si Chris iyon, upang sabihing icheck ko na ang work email ko para sa mga files na sinend niya. “Call me if there’s anything, I’ll be in my office”, muli kong baling sa nurse kanina at tumalikod na papalayo. Narinig kong tinawag pa ako ni Lexi ngunit hindi ko na sya nilingon at tuloy-tuloy na naglakad palayo sa nurse’s station. It’s been seven years since I decided to leave Philippines and move here in Toronto. Dito ko tinapos and residency ko at ngayon ay nasa apat at huling taon na akong Fellowship ko as a Thoracic Surgeon. A lot has changed, a lot has happened. Gone is the Primo who cares about other people’s opinion of me. I know what I did earlier was very rude, but I couldn’t care less. I only care about Talia. I dialed my house phone number, matapos ang ilang ring ay sinagot na ito. “Hi baby, how are you?”, halos mapunit ang labi ko sa lapad ng ngiti ko ng marinig ko ang boses ni Talia. Saglit akong natahimik habang nagsasalita siya sa kabilang linya. "I know, I know I promised we’re gonna have dinner together tonight but something came up at work so I won’t make it in time for dinner”, sagot ko sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga niya. Parang gusto ko tuloy bawiin ang sinabi ko kay Chris tungkol sa pagpayag kong pumasok pa uli sa OR ngayon. “Hey, don’t be sad. I’ll make it up to you I promise. Uhmm, what about this weekend? I’ll take the weekend off, let’s go out on a date, I promise no phone calls or emergency etcetera, I’m all yours this weekend, how’s that sound?”, saad kong muli hoping na maibsan ang pagkadisappoint nito. Malapad akong napangiti nang sumigla ang boses niya nang sabihin niyang oo. “That’s a date then. I gotta go now baby, I’ll see you later. Bye for now, I love you”, iyon lang at ibinaba ko na ang linya at pumasok na sa opisina ko. Humugot ako ng malalim na hininga at tsaka nagsimulang isa isahin ang mga chart ng pasyenteng ibinigay ni Martin. Matapos ang halos isang oras ay nakareceive ako ng text message mula sa ward phone, nandoon na daw ang result ng blood test na in-order ko kanina. Napatingin ako sa relong pambisig, alas kwarto na ng hapon, kaya naman pala sumasakit na ang ulo ko, alas kwarto na pero hindi pa ako nakakapagtanghalian. Napahilot ako sa sentido ko, haist, dapat ata hindi na ako pumayag sa request ni Chris. Ramdam ko na ang pagod at gutom. Kaya lang ay ayoko namang i-let down ang huli. Nagmental countdown na lang ako mula sampu at tsaka tumayo upang isuot ang white coat ko. Agad akong nagtungo pabalik sa Coronary Care Unit upang tingnan ang reports. Palapit pa lang ako sa station nang muling tumunog ang message alert ng phone ko kaya napahinto ako upang basahin ang text. Mula sa kinatatayuan ko ay may naririnig akong bulungan. “Pst! kwentohan mo ako sa nangyari kaninaa humirit na naman daw si Doc Lexi kay Doc Primo ah!”, narinig kong bulong ng isang babae. “Oo ‘ga, nakakaloka, obvious na obvious na na ayaw ni Doc Primo eh, deadma lang si acheng! Di ko malaman san kumukuha ng lakas ng loob!”, sagot naman ng isa. Hindi ko malaman kung sino ang sino dahil hindi ko nakikita ang mukha nila. Nasa likod ako ng marmol na pader na may habang isang metro. Alam kong sa kabilang bahagi no'n ay medication area kaya marahil do'n ang mga ito nagbubulungan. “Ay nakakalokaaaaaa... sabagay hindi ko masisi si Doc Lexi, parang kahit lalaki mapapalingon kapag dumaan si Doc Primo eh, tipong kahit lalaking-lalaki ka, 'pag nakita mo si Doc parang mapapaisip ka kung lalaki ka ba talaga?”, wika ng unang nagsalita kanina at sinundan iyon ng mga impit na hagikhik. “Uy! totoo yan ‘ga! Iba talaga si Doc eh, hindi lang basta pogi, talaga iba yung dating eh! Not to mention na magaling talaga siyang surgeon at matalino. Medyo suplado at madamot ngumiti pero minsan 'pag nakikita ko si Doc, feeling ko namamagnet ang mga titig ko, parang ang hirap alisin no'ng tingin mo sa kanya eh ano?”, tila kilig pang sabi nung isa. “Tsaka ang bango bango niya palagi ‘gaaaa… parang kahit graveyard shift siya fresh pa din! Stressed na pero pogi pa din! Haaayyyy minsan naiisip ko, tao ba talaga 'to si Doc? Parang kasi impossibleng maging ganun ka-perfect ang isang tao eh", dugtong no'ng isa pang boses. “Kaya si Doc Lexi baliw na baliw eh!”, at sinundan iyon ng mahihinang tawa. “Pst! Uy! Tumigil na kayo kaka-chismis d'yan, mamaya me makarinig pa sa inyo eh”, saway ng isa pang tinig na sa pakiwari ko ay iyong nurse na nag abot ng chart sa akin kanina. “Mommy Edna,hayaan mo na kaming pumantasya nitong si Cecile, at least atin-atin lang at pantasya lang”, “Pumantasya.. Uy! Soledad, kasalanan sa Diyos ang maghanggad ng ibang lalake kung may asawa ka na. Tumigil ka nga dyan”, saway pa nung Edna. “Ay! Mommy Edna, kung si Doc Primo ang demonyo, magvovolunteer na po ako papuntang impyerno, please take me!!!!”, pagdadrama kunwa nung Soledad. “Ah basta! Si Doc Primo taken na, parang ikaw, kaya tumigil na kayo dyan”, may pinalidad sa tinig nung tinawag nilang Mommy Edna. “Ay 'yon ba ‘yong nakita natin sa magazine Mommy Eds? Yung model?”, usisa nung isang tinig. Sa pagkakataong ito ay nagdesisyon na akong magpakita na pero kunway walang narinig at kararating lang. Nakita ko ang agad na pagrehistro ng pagkagulat sa mukha ng tatlo nung makita ako ngunit pinanatili kong blanko ang ekspresyon ng mukha ko at agad na dumiretso sa screen sa nurses' station. Kahit na nakatuon ang pansin ko sa screen ay nakita ko sa peripheral ko ang tahimik na pagsita nung nurse na nag-abot ng chart sa akin kanina na palagay ko ay ang tinawag nilang Mommy Edna. Agad namang naghiwa-hiwalay ang tatlo samantalang nanatili ang huli sa tapat ng computer sa loob ng station na halos katapat lang din ng screen na ginagamit ko ngayon. Sa sobrang laki kasi ng ospital na 'to ay hindi ko talaga matatandaan lahat ng staff maliban sa iilan na palagi kong nakakasama. Besides, wala kasi akong balak bumuo ng kahit na anong relasyon sa trabaho maliban na lang kina Chris at Toni na talagang malapit sa akin. Matapos kong basahin ang resulta nang test na inorder ko ay muli kong hingi ang chart kay Nurse Edna. “Start on Augmentin 625mg IV TDS for 3 days, then switch to oral Augmentin 625mg TDS for another 5 days. Patient can be discharged after IV antibiotics are finish and may continue the oral doses at home. For follow up check up after 1 week post PO antibiotic course, ring my secretary to post an appointment for them 1 week after the course is finished,” mahabang paliwanag ko kay Nurse Edna matapos ko iyon isulat sa chart ng pasyente at ibalik iyon sa kanya. “Yes Doc, thank you”, magalang na sagot ng huli bago ako tahimik na umalis doon. Halos nasanay na din akong pinag-uusapan palagi ang paglabas ko sa magazine 4 years ago kasama si… ah well, bakit ko ba babanggitin ang pangalang ayaw na ayaw kong marinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD