-MIA- *flashback* “P R I M O . . .can we talk?”, garagal pa ang boses ko nang salubungin ko ito pagkalabas na pagkalabas nito ng classroom. Simula nang mangyari ang lahat ay hindi ako nagsayang ng kahit na isang sandali, inaraw-araw ko ang pagpunta sa eskwelahan ni Primo sa pag-asang huhupa din ang galit nito at bibigyan ako ng pagkakataong magpaliwanag at tulad ng dati ay pagkakatiwalaan nya ako at magiging maayos ulit kami gaya ng dati. Sana nga’y ganun lang kadali ang lahat. Pero hindi. Galit na galit si Primo. Sa loob ng dalawampu’t tatlong taon na pagkakakilala ko sa kanya ay ngayon ko lang ito nakitang magalit ng ganito. At oo naiintindihan ko kung bakit sya nagagalit, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi man lang ako nito bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Da

