Tahimik ang paligid. Sa kabila ng mga nakasisilaw na ilaw at engrandeng tugtugan mula sa loob ng ballroom, tila bang ang hardin sa labas ay isang hiwalay na mundo—isang lugar na malayo sa lahat ng ingay, usapan, at masisidhing titig ng mga taong mahilig manghusga. Natatabingan ang paligid ng mamahaling mga halaman—bonsai na inukit ng panahon, mga orkidyang sinadya pa mula sa ibang bansa, at matataas na punong-roble na nagbibigay lilim sa paligid. Sa gitna ng katahimikan, tahimik na naglalakad si Georgie, tangan ang isang baso ng pulang alak. Mabigat ang kanyang dibdib, at tila ba sa bawat hakbang niya ay may gustong tumakas—hindi lang sa lugar kundi sa mga matang tila laging nakabantay, naghihintay ng kanyang pagkakamali. Sanay siya sa ganitong mga pagtitipon—oo. Pero hindi ibig sabihin

