Chapter 12

1385 Words
TRIXXIE'S POV Kakauwi ko lang galing Singapore. Actually 2 days lang naman ako doon. Pinauna na ako umuwi ng parents ko dahil may klase pa daw ako sa school, kaya ito ako ngayon hinihintay si bestie. Nakakapanibago nga e, 5 minutes nalang time na pero wala pa din siya. Dalawang araw lang akong nawala tinamad na bigla mag-aral? Hindi naman niya ugali ang mag-absent. Masyadong concious sa grades. Natapos ang klase na hindi talaga nagpakita si Sophie. Pupunta nalang siguro ako sa kanila. Baka may sakit siya. Dumeretso agad ako sa bahay pagkalabas ko ng school. Nang makarating ako sa bahay nila ay derederetso lang ako kasi kilala naman na nila ako dito. Pero nang bubuksan ko na 'yung pinto ng kwarto ni Sophie biglang may pumigil sa akin. "Ma'am pasensya na po pero kabilinbilinan po ni Ma'am Sophie na wag siyang iistorbohin." - magalang naman na sabi ng katulong nila. Pero nakakapagtaka naman. "Ha? Kelan pa siya nagkulong dyan?" - takang tanong ko dito. Mukhang may nangyaring hindi maganda ng umalis ako. Kailangan kong malaman 'yon. "Kagabi pa po." - sagot nito. "So.. Ibig sabihin hindi pa sya kumakain?" - Trixxie. "Opo." - Katulong. "At wala kayong pakialam?" - inis na sabi ko. Wala ba silang concern sa amo nila? "Sinubukan po naming kausapin siya para kumain pero pagbukas palang po namin ng pinto binato na niya kami ng vase." - paliwanag nito sa akin. "Ano?! Ano bang nangyari sa kanya? Hindi niya gawain manakit ng iba. Hindi sya ganung klase ng tao." - nag-aalala na sabi ko. Hindi kasi talaga ganoon si Sophie. Napakagentle niyang tao. "Basta po hindi po siya umuwi nung Friday, Saturday at Sunday ng umaga. Tapos noong umuwi siya kagabi, umiiyak po siya tapos lasing na lasing. Nagkulong na siya d'yan at hindi na lumabas." - paliwanag pa nito. Sophie.. Ano bang nangyayari sa'yo? Anong nangyari noong nawala ako? "Sige po. Itatry ko po s'yang kausapin." - sabi ko na lang. "Ingat po kayo." - paalala ng katulong. Ngumiti nalang ako. Hinanda ko muna ang sarili ko sa pwedeng ibato niya sakin. Ano ba kasi 'tong babaeng 'to? Parang hindi babae. Pagkapasok ko wala naman siyang binato sa akin. Nagtaka naman ako dun. Nilapitan ko siya at 'yun tulog pala. Buti nalang. Pero teka. Tulog ba talaga 'to? Lumapit pa ako sa kanya at nagulat naman ako sa nakita ko. Puro dugo. Ang dami. Nagkalat sa sahig ng kwarto niya. Sayang ang ganda pa naman nitong carpet niya. Baliw ko talaga. Naisip ko pa iyon. Nanakbo na ako sa labas para humingi ng tulong. Lumapit naman si manang. "Ma'am Trixxie ano po yun?" - nag-aalalang salubong sa akin ni Manang. "Tumawag po kayo ng ambulansya." - walang paligoy-ligoy na sabi ko. "Po? Bakit po?" - naguguluhang tanong ni Manang. "Mamaya na po kayo magtanong. Basta emergency." - nagmamadaling sabi ko. Iyun nga tumawag na sila ng ambulansya at dumating naman ito agad. Halata sa mukha ng lahat ang pag-aalala. Sophie... Bakit mo kasi ginawa ito? Dapat pala hindi nalang ako pumunta ng Singapore. E di sana napigilan kita sa gagawin mo. Nakarating na kami sa ospital. Dinala na siya sa emergency room. Naglaslas si Sophie at sa ngayon alam kong kritikal ang lagay niya sa dami ng dugo na nawala sa kanya. Kung napaaga lang sana ako ng dating e di sana napigilan ko pa siya. Tinawagan ko na sina tito at tita. Kailangan din kasi nilang malaman ang nangyayari sa unica hija nila. Naghihintay lang ako dito sa labas ng emergency room. Ilang sandali pa ay lumabas na ang doctor. "Kailangan po namin ng dugo na isasalin sa kanya dahil masyado pong marami ang nawalang dugo sa pasyente." - paliwanag ng Doctor. Patay. Wala pa sina tita. Si tita kasi nasa Paris at naghahanap pa rin ng pinakamaagang flight. Tapos si tito hindi ko macontact baka nasa conference. Anong gagawin ko? "Pwede po ba 'yung dugo ko?" - desperadang sabi ko. "Tingnan po natin kung match po kayo ng blood type." - agad na sabi nito sa akin. "Ano po bang blood type ni Sophie?" - Trixxie. "Ayon po sa result, type AB negative po yung sa pasyente. At kailangan na po nating makahanap ng kamatch niya." - Doctor. "Sandali lang po Doc ha? Type O positive po kasi ako." - malungkot na sabi ko. Naku naman Sophie. Anong gagawin ko? Sino bang type AB negative na kilala ko? Wait lang naaalala ko na. Nung nagpamedical kami para sa school, nag-uusap nga pala nun si Linus at Sophie. FLASHBACK "Ang galing naman pareho tayo ng blood type." - masayang sabi ni Sophie. "Oo nga no? Magkamatch tayo. Ganun siguro talaga kapag magbestfriend." - masayang tugon din ni Linus. Tapos iyun kwentuhan pa sila ng kwentuhan. END OF FLASHBACK Tama! Si Linus. Matawagan na nga. Sumagot ka na Linus please. Kailangan ka ng bestfriend mo. "Hello Linus." - Trixxie. "O. Napatawag ka?" - walang ganang sagot nito. "Kailangan ka ni Sophie. Pwede ka bang pumunta dito?" - desperadang sabi ko. "Sorry Trixxie but i can't. May problema kasi si Casey e. Kailangan niya din ako. Nandyan ka naman para kay Sophie e." - nakakainis na paliwanag nito. Puro na lang Casey. "Ano ba Linus! Nag-aagaw buhay ngayon ang bestfriend mo at ikaw lang ang makakatulong sa kanya!" - pabulyaw na sabi ko sa kanya. Inis na inis na ako. "Ha? Anong ibig sabihin mo Trixxie?" - gulat naman na sabi nito. "Wag ka na magtanong basta pumunta ka na dito!" - nagmamadaling sabi ko. "Sige. Pero teka saan ba 'yan?" - Linus. Iyun nga binigay ko sa kanya yung pangalan nung hospital. After 20 mins. nandito na siya. "Ang tagal mo naman." - naiinip na sabi ko sa kanya. "Pasensya na. Traffic e. Ano bang nangyari kay Sophie?" -usisa pa nito. "Nagsuicide. Kailangan niya ng dugo at alam ko magkamatch kayo di ba?" - deretsahang sabi ko. Halata naman sa mukha niya ang pagkagulat. Hindi na siya makaimik. Kinausap ko na ang doctor para magawa na agad yung procedure. Ang tagal ko din naghintay. Nung matapos na lumabas ang doctor. "The patient is ok now. We will transfer her now sa private room and wait for her to wake up." - Doctor. "Thank you po Doc." - laking pasasalamat ko sa kanya. Nung nailipat na si Sophie sa private room biglang dumating si Linus. "Ok ka na ba?" - Trixxie. "Ok na. E si Sophie? Sana maging maayos na siya." - Linus. "Sandali lang Linus. May alam ka ba kung bakit nagkakaganito si Sophie?" - tanong ko dito. Base kasi sa expression niya kanina, hindi malabong may nalalaman. Natahimik nga siya. Signs na talagang may nalalaman siya. "Anong nangyari Linus? Bakit nagkaganyan ang kaibigan ko?" - tanong ko pa dito. Naiyak na si Linus. Ang bakla talaga nitong si Linus. "Ano? Magsalita ka naman? Anong nangyari?" - Trixxie. "Nagpunta sa amin si Sophie nung Friday ng gabi. Lasing siya nun. Galing siguro doon sa bar nila. Tapos iyun, nag-usap kami hanggang sa umamin siya na nagseselos siya." - Linus. "God! Sophie.. Umamin na siya?" - gulat na tanong ko. "Alam mo?!" - Linus. "Sino pa ba ang sasabihan ni Sophie?" - Trixxie. "Sabagay nga." - Linus. "Anong nangyari pagkatapos noon?" - usisa ko pa. Tumahimik na naman siya. Nakakainis na itong isang 'to e. Masyadong pabebe. "Ano na?!" - Trixxie. "Sinabi ko sa kanya na mahal ko talaga si Casey. Nagsorry ako sa kanya. Tapos sabi niya lalayo na siya sakin. At hindi ko na daw kailangan umiwas. Ito pala yung sinasabi niyang paglayo." - malungkot na sabi nito. "Tapos pinabayaan mo sya?! Anong klase kang bestfriend?!" - Trixxie. Natigil kami ng pag-uusap nang biglang gumalaw si Sophie. "Wag nga kayong maingay!" - mahinang sambit ni Sophie na halatang iritable. "Sophie?" - Linus. Agad siyang napatingin kay Linus naman at masamang tiningnan ito. "Trixxie. Bakit ka nagpapapasok ng kung sino sino dito?" - nanghihina pa rin pero halata ang galit na sabi ni Sophie. Nagulat si Linus dito. Ako naman ay naintindihan na ang ibig sabihin niya. "Sige na Linus. Kakausapin ko muna siya." - Trixxie. Umalis na si Linus. Alam kong nabigla siya sa inasal ni Sophie. Pero hindi ko naman masisisi si Sophie kung bakit siya ganun kay Linus. Nasaktan siya at natural lang ang inasal niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD