Chapter 11

1069 Words
SOPHIE'S POV Papunta ako ngayon sa bahay ni Linus. Nahihibang na talaga ako. Pero tingin ko ito na ang tama kong gawin. Sabi nga nila walang mangyayari kung tutunganga ka lang d'yan. Kasalukuyan akong nakatayo dito sa tapat ng bahay nila. Nag-iipon ng lakas ng loob at nananalangin na sana siya lang ang nandito. Ayoko namang gumawa ng eksena sa harap nina tito at tita. Itutuloy ko pa ba ito? Pero nandito na ako e. Sayang naman. Atras abante ako sa harap ng bahay nila. Nagdoorbell na ako kahit na nagdadalawang isip pa rin sa kung ano ba ang dapat sabihin. Agad naman na may nagbukas ng gate. Sobrang attentive naman ng nagbukas nito. "Good evening po ma'am. Pasok po kayo." - bati ng katulong. Pumasok na ako. Wala pa ring nagbago sa bahay nila simula noong huli kong punta dito. Lagi kasi kami kina Trixxie nagtambay dati. "Nandito po ba si Linus?" - magalang na tanong ko. "Nandoon po sa taas. Matutulog na po yata. Tatawagin ko po?" - magalang ding tugon nito sa akin. "Hindi po. Ako nalang ang pupunta." - pagkasabi ko noon ay pumanhik na ako agad papunta sa kwarto niya. Nilalabanan ko lang 'yung hilo ko. Sobrang dami ko din palang nainom kanina. Pero hindi niya 'to pwedeng mahalata. Baka pauwiin lang niya ako at mas worst pa papagalitan pa niya ako. Ayaw niya kasi akong makitang nag-iinom. At baka hindi pa siya maniwala sa sasabihin ko dahil nga lasing ako. Nandito na ako sa tapat ng kwarto niya. Inayos ko muna ang sarili ko. Di nalang ako gaanong lalapit sa kanya para hindi niya maamoy 'yung alak. Pagkabukas ko ng kwarto niya nakita ko siya palapit palang sa kama niya. Nagshower siguro. "Di ba sabi ko sa inyo kumatok muna kayo bago kayo papasok!" - pagalit na sabi ni Linus. "Ahm.. Sorry." - mahinang sabi ko. Sungit pala nito sa mga katulong. Natigilan siya matapos marinig ang boses ko at napalingon. "Sophie? Anong ginagawa mo dito? Gabing gabi na a.." - Linus. "May gusto kasi akong sabihin sa'yo... Kaso... hindi ko naman magawang lumapit sa'yo sa school kasi laging nakabantay si Casey kaya dito ako pumunta." - mahabang paliwanag ko. Lumapit siya sa akin. Hala baka mahalata niya na lasing ako. "Teka. Amoy alak ka. Kababae mong tao nag-iinom ka. Di ba sabi ko sa'yo imanage mo lang yung business na 'yun pero wag na wag kang mag-iinom? Alam mo naman ang pwedeng mangyari kapag nalasing e. Lalo ka na babae ka tapos sa bar pa. Nagdrive ka pa yata. Hindi mo man lang inisip ang mga pwedeng mangyari sa iyo." - mahabang litanya ni Linus dahilan ng pagtulo ng luha ko. Namiss ko 'yung ganitong sermon niya. 'Yung ramdam na ramdam mo ang concern niya sa'yo. Na importante ka. "Linus..." - tawag ko sa kanya habang umiiyak pa rin. "Ano bang gusto mong sabihin sa akin at parang napakaimportante na talagang pinuntahan mo pa ako dito ng ganyan ang lagay mo at sa ganitong oras ng gabi?" - iritableng tanong niya. Ito na. Aamin na ako. Sana hindi mangyari yung kinakatakutan ko. Galit pa naman siya. "Linus.. Kasi.. Ano.. Gusto ko lang sabihin na namimiss na kita. Nakakatampo na 'yung pag-iwas mo sa akin. Ganun lang ba talaga ako kadaling kalimutan?" - Sophie. "Alam mo naman Sophie na kaya ko lang ito ginagawa kasi nagseselos si Casey. Akala ko ba naintindihan mo?" - Linus. "Naiintindihan ko naman. Kaso parang sobra na e. 'Yung tagal ng pinagsamahan natin, ganun lang kabilis itapon para sa'yo. Samantalang kayo kakakilala niyo palang 2 months ago." - sumbat ko sa kanya. "Sophie. Sa lahat ng tao ikaw na bestfriend ko pa ang hindi makaintindi sa akin. Alam mo naman kung gaano ko kagusto si Casey di ba?" - inis na sabi niya. "Yun na nga e. Bestfriend mo ako kaya ang papel ko lang sa buhay mo ay intindihin ka ng intindihin. Wala akong karapatan magdemand dahil bestfriend mo lang ako. Nakakasawa na maging bestfriend mo e. Napapagod na ako." - umiiyak na sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko. Alam kong nasaktan siya nung sinabi ko na napapagod na ako sa pagiging bestfriend niya. Pero hindi ko na talaga kaya. Ako nalang ba ang laging iintindi sa kanya? "Sophie. Nagseselos ka ba?" - deretsong tanong niya sa akin. Salamat naman at nakuha niya rin ang gusto kong sabihin. "May gusto ka ba sakin?" - ulit na tanong niya. Hindi pa ako nakasagot agad. Ito na ba 'yun? Ready na ba talaga ako sa kung ano ang kakahitnan ng pag-amin ko na ito? Aamin na siguro ako. It's now or never. Ito na. Tumango nalang ako. Kasabay ng pagtangong yun ay ang pagtulo muli ng luha ko. Hinihintay ko kung anong magiging reaksyon niya. Natatakot ako. "Sophie. Kailan pa?" - mahinahon na tanong niya sa akin. Parang hindi rin inaasahan ang biglang pag-amin ko. Umiyak na talaga ako. "Hindi ko alam. Basta na lang naramdaman ko 'to. Pinipigilan ko. Pilit kong kinakalimutan. Pero hindi ko kaya." - at nagbreakdown na talaga ako. "I'm sorry Sophie. Hindi ko alam. Pero sorry din dahil mahal ko talaga si Casey." - mga salita na nagpadurog pa lalo sa akin. Alam ko naman pero ang hirap tanggapin. Hindi ko maabsorb. "Hindi ko naman hinihingi na gustuhin mo rin ako e. Kaya ko lang 'to ginawa kasi ayoko ng magtago. Ayoko ng itago kung anuman 'tong nararamdaman ko. At least ngayon alam ko na kung saan ako lulugar. At sa tingin ko.. Tama nga kung lumayo nalang ako sa'yo ng tuluyan." - Sophie. Ang sakit. Pero kailangan ko itong tiisin dahil ito ang pinili ko. Kailangan kong tanggapin nalang na hanggang dito na lang. Friendship Over. Hindi na sumagot pa si Linus. Naguguluhan pa rin siguro siya at naghahanap pa siya ng mga salita na pwede niyang sabihin sa akin. Pero bago pa man siya makapagsalita, tatapusin ko na. "Wag ka mag-alala. Hindi na natin kailangan mag-iwasan sa campus. Ayaw naman kitang mahirapan. Kaya.. Ako na yung lalayo." - Sophie. Kumunot ang noo niya. Hindi niya pa rin ma-gets? Hindi ka lang manhid e.. Slow ka pa. "Sige na. Alis na ako. Goodbye bess." - paalam ko sa kanya. Umalis na ako. Parang nawala ang lahat ng alcohol sa katawan ko. Iyak lang ako ng iyak. Wala na lahat. Wala na akong bestfriend. Pero kailangan kong tanggapin dahil ito ang pinili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD