SOPHIE'S POV
Nilapitan ko yung lalaki dun sa gilid ng pond. Para kasing may sariling buhay yung paa ko na kinaladkad ako papunta sa kanya.
Naramdaman niya siguro ang presensya ko kaya napalingon siya sa dereksyon ko. Nanlaki ang mata ko ng makilala ko siya.
"Linus?" - gulat ba sambit ko.
"Sophie? Anong ginagawa mo dito? Di ba may date kayo ni Josh?" - tanong niya sa akin.
"Naku. Wag mo na nga banggitin yung lalaking 'yun. Baliw yata siya. Nakakatakot." - sabi ko na lang. Ayoko na pag-usapan ang creepy na iyon.
"Bakit? May ginawa ba siyang masama sa'yo? Sinaktan ka ba niya?" - usisa pa niya sa akin na parang nag-aalala.
"Saan ka naman nakakita ng tao na kakakita palang sa'yo mahal ka na agad?" - paliwanag ko.
"So.. Totoo pala." - Linus.
"Totoo na ano?" - naguguluhang tanong ko.
"Na nililigawan ka nya." - pagpapatuloy niya.
"Hindi naman ako pumayag e. Tsaka bakit ganyan ang expression mo?" - paliwanag ko pa.
"Nakakatuwa lang na sa iba ko pa talaga nalaman." - Linus.
"Pano ko naman sasabihin sa'yo? Di ba umiiwas ka sa akin? Ni hindi mo nga ako tinitingnan. Ngayon nga lang ulit tayo nagkausap e." - naiinis na sabi ko.
Hala... naiiyak na naman ako. Hindi pwede. Hindi sa harap niya. Bakit ba kasi lagi mo nalang akong pinapaiyak?
"Sorry kung ganun man 'yung nangyayari. Hindi ko naman ginusto 'to e. Hindi ko lang talaga kayang suwayin si Casey." - paliwanag naman niya.
"'Yun naman pala e. Bakit pa tayo nag-uusap?" - Sophie.
Matapos kong sabihin 'yun ay umalis na ako. Hindi ko na siya hinayaan pang magsalita ulit dahil alam ko na anytime tutulo na ang luha ko. Hindi naman na siya humabol pa. Patunay lang na ipinagpalit na niya ang friendship namin sa girlfriend niya.
Buti nalang ng araw na iyon ay nawalan ng klase, biglang kasing nagkameeting ang mga professor.
Makaalis na ako dito sa school. Wala namang magandang nangyayari dito. Ang aga pa umuwi ni Trixxie. Pupunta daw kasi sila ng family niya this weekend sa Singapore. Buti pa siya. Sina Mommy kaya, kailan ako isasama sa mga lakad nila.?
Pupunta nalang ako sa bar. Baka sakaling makalimutan ko ang problema ko.
Nakikinig ako sa radio ng kotse ko nang mga humihingi ng advice sa dj.
(Girl: Hello Mr. DJ.. Gusto ko lang po sanang humingi ng advice para sa love life ko. May gusto po kasi ako sa bestfriend ko. Kaso natatakot ako na kapag nalaman niya ay lumayo siya sa akin. Ano po bang pwede kong gawin? Hindi ko na din naman po kayang itago kasi habang tumatagal mas lalong lumalalim 'yung feelings ko sa kanya at hindi ko po kayang makitang masaya siya sa iba.
DJ: Masyadong kumplikado ang takbo ng love life mo no? At sa totoo lang, nasa sa'yo na din kung ano ba ang mas gusto mo. Timbangin mo din kung kaya mo bang harapin kung ano ang consequences ng pag-amin mo sa kanya. Kaya mo bang lumayo siya sa'yo? O kaya mo bang masaktan ng masaktan nalang na nasa tabi ka nga niya pero wala ka namang magawa kahit nagseselos ka na sa mga babaeng nalalapit sa kanya. Pero teka, may girlfriend ba yang bestfriend mo?
Girl: Ahm... Meron po e.
DJ: Mas mahirap yan. Baka makasira ka pa ng isang masayang relasyon.)
Pinatay ko nalang yung radio. Nakakatawa lang na hindi lang pala ako ang nakakaramdam ng ganito. Nakarating na ako sa bar at dumiretso na ako sa VIP Room.
"Give me all the hard drinks that we have." - utos ko sa staff.
Ayun sumunod na sila. Wag sila sumunod e baka tanggalin ko sila lahat dito.
Ininom ko 'yun lahat. Pero tig-iisang shot lang naman.
Pagkatapos ko uminom lumabas na ako dun.
Paglabas ko ay dumiretso ako sa kotse ko. Pagkapasok ko palang ay bigla nalang lumabas lahat ng luha ko.
Ano bang meron kay Linus? Bakit hindi ako makamove on? Magkaibigan lang naman kami e. Bakit ba kasi ako nagkagusto sa kanya? Mga tanong na alam ko ang sagot pero hindi ko kayang harapin.
Nagdrive na lang ako palayo doon sa bar. Nakarating ako sa isang mataas na lugar. Kita ko ang buong city mula dito. Dun ko isinigaw lahat ng sama ng loob ko. Iyak lang ako ng iyak. Nung nahimasmasan ako, doon ko na nabuo ang desisyon ko. Sasabihin ko na kay Linus ang nararamdaman ko. Kahit na anong kahinatnan nito ay tatanggapin ko.