TRIXXIE'S POV
Ilang araw na tulala si Bestie. Bakit kaya? Nag-iiwasan na sila ni Linus. Umamin na kaya sya? Pero imposible yun.
"Bestie.. May problema ba kayo ni Linus?" - Trixxie.
Hala. Tulala pa din.
"Na-r**e ka ba?" - Trixxie.
"Sinong na-r**e?" - Classmates.
"Hala! Mga tsismosa. Hindi kayo kausap ko. Walang na-rape." - Trixxie.
Mga tsismosa talaga tong mga to. Tapos si bestie wala pa ring kibo.
"Bestie.. Gusto mo sumama sa bar mamaya?" - Sophie.
Nag-usap din sa wakas.
"Anong bang naiisip mo bestie? Magba-bar? Alam mo namang underage pa ako. Kahit ikaw din naman e." - Trixxie.
Baliw na talaga to si bestie.
"Bar ko naman yun e." - Sophie.
Bar niya ba yun? Alam ko sa parents niya 'yun.
"Sabihin mo nga may war ba sa pagitan nyo ni Linus?" - Trixxie.
"Ok nga sana kung ganun lang e. Pero hindi e." - Sophie.
Hala.. Umiyak na.
"Bestie.. Anong ba talagang ganap sa inyo? Umamin ka na ba? Ni-reject ka ba nya? Alam mo namang may girlfriend yung tao e." - Trixxie.
"Ok lang sana kung ganun e. Pero hindi. Iniiwasan nya ako kasi sabi lang sa kanya ni Casey na iwasan nya ako." - Sophie.
"Bestie, girlfriend yun e. Wala na tayong magagawa." - Trixxie.
"Sana pala umamin nalang ako para kahit papano may dahilan." - Sophie.
Nababaliw na talaga to.
"Ano bestie? Sasamahan mo ba ako?" - Sophie.
"Pagpaalam mo ko kay Mommy. Sabihin mo nalang gagawa tayo ng project." - Trixxie.
Yun na nga. Pinagpaalam nya ako kay Mommy at sinabi nya na overnight na din kami sa kanila. Pero ang masama nag-cutting pa kami. Baliw na talaga to si bestie. Running pa naman sya for c*m laude.
"Bubugbugin ko talaga yun si Linus kapag nagkita kami nun." - Trixxie.
Ito si bestie iyak lang ng iyak. Kawawa naman sya. Minsan na nga lang ma-inlove.
"Ayoko na Trixxie. Kakalimutan ko na sya." - Sophie.
"Tama yan bestie. Wag mo na sya isipin. Hindi bestfriend ang tawag sa ganyang klaseng tao." - Trixxie.
Iyak na naman sya. Lasing na lasing na sya. Buti nalang walang pasok bukas. Sabado. Kung hindi patay ako lalo kina Mommy at Daddy.
"Uwi na tayo bestie." - Trixxie.
"Ayoko pa. Sayaw tayo." - Sophie.
At biglang nakigulo si Sophie dun sa nagkakaribok na tao sa gitna. Masama na tong epekto sa kanya ni Linus.
Hinatak ko sya paalis dun sa dance floor. Hindi na naman sya pumalag dahil talagang lasing na sya.
Kakausapin ko nalang si Linus bukas.