TRIXXIE'S POV
Nakipagkita na ako kay Linus. Nung una ayaw pa nya dahil baka nga daw magalit si Casey sa kanya, pero syempre hindi ako nagpatalo. Nakakaawa na kaya ang bestie ko.
"Bakit mo pala ako gusto kausapin?" - Linus.
"Wow ha? Parang wala tayong pinagsamahan kung makapagtanong ka." - Inis na sagot ko. Ganoon ba ang epekto ni Casey sa kanya?
"Pasensya na. Ano nga yun?" - Linus.
"End of friendship na ba talaga kayo ni Sophie?" - Deretsong tanong ko. Syempre hindi na ako magpapaligoy-ligoy dahil baka biglang tawagan pa ito ng manloloko niyang girlfriend.
"Sino nagsabi?" - Linus.
"Sya. Iniiwasan mo na daw sya. Yun ang sabi nya." - Trixxie.
"Wala naman akong sinabi na end of friendship na kami. Sabi ko lang didistansya na kami sa isa't isa. Nagseselos kasi si Casey." - Linus.
"E di ganun na din yun. Pinapakomplikado mo lang." - Trixxie.
Labo din kausap ng isang ito.
"Magkaiba yun." - Linus.
"Naku. Kung lalayo ka lumayo ka nalang. Pinapahirapan mo lang si Sophie e." - Trixxie.
"Magbestfriend kami at alam kong naiintindihan nya ako." - Linus.
"Oo. Pilit ka nyang iniintindi. Kahit nahihirapan na sya." - Trixxie.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" - Linus.
Umalis na ako agad. Ayokong sakin nya pa malaman. Ayoko naman pangunahan si bestie. Baka hindi pa sya handa. Lagot ako pag nagkataon.