Chapter 5

619 Words
THIRD PERSON'S POV Pagkagising palang ni Sophie ginawa na nya ang daily routine nya. Pero parang may nagbago... May nadagdag... Nag-make up siya? Anong meron? FLASHBACK SOPHIE'S POV Sa tagal tagal kong nag-isip kung ano bang meron yung Casey na yun na wala ako talagang wala akong naisip kundi make up lang. Paano kaya kapag magmake up ako? Magustuhan na din ako ni Linus? Makita na kaya nya ako bilang babae at hindi lang bilang bestfriend nya? Try ko nga... Makapunta ng mall. Pagkarating ko ng mall dumeretso agad ako sa mga make up store. Hindi ako marunong nito kaya nagtanong ako sa mga sales lady. Tinulungan naman nila akong pumili at nagustuhan ko naman. Tinuruan na din nila ako kung paano iapply lahat dahil bukod sa powder and lipstick ay wala na akong alam gamitin sa lahat ng iyun. Successful naman dahil natutunan ko naman ang lahat ng tinuro nila. END OF FLASHBACK Kaya iyan na sya ngayon. Ang bago at lalong pinagandang si Sophia Cassandra Park. SOPHIE'S POV Nakakahiya naman pumasok. Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko ito? Di ako sanay na nakaganito. Pero kakayanin ko. Ajah! "Hi Bestie!" - Sophie. Masayang bati ko kay Trixxie. Lingon bigla si bestie. Nanlaki ang mata niya. Hala... Pangit kaya? "Bestie?! Wow! Kasama ba yan sa pagmumove on?" - Trixxie. OA na sabi niya. "Ahm.." - Sophie. Nakakahiya naman. Talagang pinaglakasan pa. Mabagal akong tumango. Baka magalit pa si Bestie sakin kapag nalaman nya na nagtransform ako para mapansin ako ni Linus. Siguradong sesermunan niya ako to the max. Mas okay na iyung alam niya na magmumove on na ako. "Hayan. Tama yan. Mag-ayos ka. Tapos sali ka na din sa mga pageant para hindi puro si Linus ang iniisip mo." - Trixxie. "Pageant?" - Sophie. Pumasok nga ngayon na ganito itsura nagdalawang isip pa ako. Tapos sasali pa sa pageant? "Oo. Sali ka sa Search for Ms. Campus." - Trixxie. Binigay nya sakin yung flyers. Mukha ngang interesting. Pero hindi ko kaya ito. Nakakahiya... Baka sabihin lang nila assumerang froglet ako. At wala akong ganoong kataas na confidence para sumali sa ganitong bagay. "O, iniisip mo na di ka bagay dyan? Wag ka na ngang negative thinker. Maganda ka, matalino at talented. At mas pinaganda pa ngayon. San ka pa?" - Trixxie. OA talaga ang bestie ko. "Sobra naman ang tiwala mo sa beauty ko. Baka tawanan lang nila ako pag sumali ako diyan" - Sophie. "Ano ka ba? Walang tatawa sa inyo. Baka nga marami pang sumuporta sa iyo. Susuportahan din kita. Ako na bahala sa lahat." -Trixxie. "Pag-iisipan ko muna." - Sagot ko sa kanya. "Ano ka ba? Wag mo na pag-isipan. Tara na." - Trixxie. Hinila ako ni Trixxie dun sa may bulletin board. Inilista nya dun ang pangalan ko. Nakita ko pa na kasali dun si Casey. So... Kasali pala siya. Sige. I will try my very best to beat her. Pagkatapos ng klase pumunta kami ni Trixxie sa cafeteria. "Nakakatuwa yung mga classmate natin no? Todo suporta sayo nung nalamang sasali ka sa pageant. Gagawa daw sila ng tarpaulin na may picture mo. Ipopost nila sa bawat sulok ng campus." - Trixxie. "Hindi ba parang nakakahiya naman yun? Hindi pa nga ako nananalo e." - Sophie. "Kasama sa laban yun. Kailangan maging popular ka para maraming bumoto sayo." - Trixxie. "Sige. Basta wag mo ko iiwan dun ha?" - Sophie. "Syempre naman bestie." - Trixxie. Buti nalang si bestie hindi ako iniiwan. Si Linus iniwan na ako para sa girlfriend nya. Basta gagawin ko nalang to. Hindi ako magpapakamiserable dahil lang sa kanya. Malalaman din nya kung anong nawala sa kanya. Pero syempre tutulungan ko siyang marealize kung ano iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD