LINUS POV
"Hoy nabalitaan nyo na ba? Yung Ms. Genius ng Management sasali daw sa Search for Ms. Campus." - Kyle.
"Talaga? Maganda naman kasi talaga yun e. Matalino pa. Sya ang iboboto ko for Ms. Campus." - Gerald.
"Ako din. Gusto ko nga din ligawan yun e. Kaso parang liligawan na yata sya ni Joshua Lee." - Kyle.
"Sayang no? Mahirap naman makalaban ang isa sa campus heartthrob. Para ka na din humukay ng sarili mong libingan. Nung highschool kami kapag may kumalaban dun pinagtitripan ng buong school." - Gerald.
Ano na naman kaya yung pinag-uusapan ng mga lalaki dito. Kalalaking tao mga tsismoso. Pero parang familiar yung si Ms. Genius ng management a. Sana mali lang ako. (Makapagsabing tsismoso e nakikinig ka din naman sa usapan nila.)
"Linus! Baby!" - Narinig ko tawag sa akin ni Casey habang papalapit sa akin. Nung nakalapit na siya ay agad akong nagtanong sa kanya. Siguradong alam niya dahil kasali siya sa pageant na iyon.
"Babe. Alam mo ba kung sino yung pinag-uusapan nilang Ms. Genius?" - Linus.
"Don't tell me interested ka dun? At totoo ba to? Wala kang alam sa mga pinaggagagawa ng bestfriend mo?" - Casey.
"Si Sophie? Sya si Ms. Genius? Sasali sya sa Ms. Campus?" - Linus. Hindi nga ako nagkamali ng akala. Siya nga. Ang bestfriend ko nga.
"Oo. At mukhang gusto akong kalabanin ng bestfriend mo. Ano bang pumasok sa isip niya at sumali siya dun? Dapat nanahimik na lang siya at ipagpatuloy ang pagsusunog ng kilay. Mas bagay sa kanya 'yun. Pagsabihan mo nga siya." - inis na sabi ni Casey.
"Pero.." - Linus. Sino ako para pagsabihan siya matapos kong sabihin sa kanya na didistansya na ako sa kanya? Bukod dun, bestfriend niya lang ako kaya wala akong karapatan na pigilan siya sa mga gusto niyang gawin sa buhay niya. (Qualified ka pa bang sabihin yan?)
"Akala ko ba mahal mo ako?" - Casey. Ito na naman siya.
"Sige babes. Kakausapin ko sya." - Sinabi ko na lang pero paano?
Tumahimik na si Casey. Ano bang problema ni Casey kay Sophie? Hirap naman kung ang dalawang taong mahalaga sayo ay hindi magkasundo. Pero ang gumugulo talaga ng husto sakin ay kung bakit parang may iba na kay Sophie.