bc

Before We Fall

book_age18+
123
FOLLOW
1K
READ
billionaire
love-triangle
possessive
dominant
aloof
powerful
drama
tragedy
weak to strong
lonely
like
intro-logo
Blurb

Solana Alano is barely keeping her head above water.

With her grades dropping, she's on the verge of failing and repeating another term in college, something that she could not afford to happen. The only way to improve her grades is to earn extra credits. But things are easier said than done, especially while juggling between school, a part-time job, and countless responsibilities at home.

Fortunately, she's given the easy task of helping the Arts club's upcoming event to earn those credits that she desperately needed. There's only one problem. She must get along with the aloof and annoyingly handsome club president, Rio la Torre.

Will things work out the way she had planned? Or will this chance encounter with a guy who can seemingly stir up her emotions cause an unexpected storm in her life?

chap-preview
Free preview
Prologue
Paano na kami nito?  is what came to my mind as I stared at the coffin in front of me. I glanced around the room, and was immediately greeted by vacant stares from people that I don't know. Siguro ay mga kakilala sila ng mama at papa ko. Hindi ako sigurado. Pero ayaw ko iyong mga tingin nila sa akin. The way they looked at me made me feel even more miserable than I already was. Even the things that came out of their mouths were unbearable to hear. "Hindi siguro kinaya 'yong panganganak." "Ang dinig ko hindi raw nadala agad sa ospital." "Wala kasi lagi ang asawa. Iyong panganay naman nasa school, kaya ganoon ang nangyari." Mabilis akong nag-iwas ng tingin. Gusto kong sumagot sa kanila, pero pinigilan ko ang sarili. Nakakabastos kung gagawin ko 'yon dahil nandito sila para makiramay, kaya kahit na naririnig kong pinag-uusapan nila ang pamilya ko ay hindi ko 'yon pinansin. Instead, I directed my attention towards my father who was sitting beside my Mama's coffin. Wala nang buhay ang mga mata niya. Ang paningin niya ay nakatuon lang sa kawalan habang nakabagsak ang mga balikat. Ilang araw pa lang ang nakalipas, pero napakalaki na nang ipinayat at pinagbago ni Papa. He doesn't seem like the father I once knew. Parang nawalan na siya ng dahilan para magpatuloy, kasabay ng pagkawala ni Mama. "Matulog ka muna, Antonio. Ako na muna ang magbabantay rito," narinig kong pangungumbinsi sa kanya ni Tita Teresa. Matamlay na umiling si Papa. Kahapon pa siya nakaupo roon, ngunit kahit anong pilit sa kanya ay ayaw niyang umalis. Ayaw niya ring matulog at kumain. Kahit uminom ay hindi niya magawa kung hindi pa siya pipilitin. "Kaya ko pa," sagot ni Papa. Bumuntong-hininga ang tiyahin ko. Hilot-hilot niya ang kanyang sentido habang nakapukol ang paningin sa aking ama. "Ano ka ba. Tingnan mo nga ang sarili mo. Buto't balat ka na!" "Kaya ko pa nga, Tere. H'wag niyo na lang akong pakialaman." "Anong h'wag pakialaman? Naririnig mo ba ang sarili mo? Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo, pero alagaan mo rin ang sarili mo. Hindi pwedeng ganyan!" "Hayaan mo na nga lang ako," mariing sinabi ni Papa. Ginulo niya ang kanyang buhok, tapos ay ibinagsak ang ulo sa parehas na kamay niyang nakatungkod sa kanyang mga tuhod. "Hindi mo naman kasi naiintindihan. Hindi niyo naiintindihan ang nararamdaman ko!" Lahat ng tao ay napalingon sa unahan. The whole place had turned silent. Everyone was surprised by my father's sudden outburst, since people knew him as someone who was always calm and collected. Kahit ako ay magugulat sana kung hindi ko lang nasaksihan 'yong pagwawala niya noong nasa ospital pa si Mama. He really did changed, as though he was a completely different person now. Matapos ang ilang sandali ay bumalik ang lahat sa dati. Everyone went back to what they were doing earlier, as if nothing happened.  Nilibot ni Tita Teresa ang kanyang paningin, bago siya bumuntong-hininga. She shook her head, dismay and frustration written all over her face as she turned her eyes back to Papa. "Listen, Antonio..." sabi niya, ngayon ay sa mas maliit na boses. "Siguro nga tama ka na hindi ko alam ang kung ano mang nararamdaman mo ngayon. Kaya lang, isipin mo pa rin ang sarili mo. Hindi pwedeng pababayaan mo ang katawan mo hanggang sa magkasakit ka na rin. Kailangan ka ng mga anak mo." Natigilan si Papa roon. Matagal siyang hindi nakasagot kay Tita Teresa. Makailang sandali ay dahan-dahan siyang lumingon sa direksyon ko. I flinched. I felt like all the air inside my lungs were punched out of my body. Humigpit ang pagkakabuhat ko sa kapapanganak pa lang na kapatid, lalo na nang magtagpo ang paningin namin ng aking ama. Sa ilang segundong iyon, mas lalong nawasak ang puso ko. Ang hirap huminga, na para bang may biglang bumarang kung ano sa dibdib ko. Kahit kasi hindi nagsalita si Papa, alam ko na kaagad ang nasa isip niya. Alam ko na ang ibig sabihin noong titig niya. He does not care about us anymore.  Hindi ako sigurado kung dahil ba 'yon sa galit at sama ng loob niya sa akin, o dahil sa matinding sakit mula sa pagkawala ni Mama. Siguro, pareho. Kasi kung tingnan niya kami ng kapatid ko, para bang hindi niya na kami mga anak. Ito na ba? Ito na ba ang sagot sa tanong ko? Ngayong wala na si Mama, mawawala na rin si Papa? Ibig sabihin ba nito ay kanya-kanya na kami ng buhay? Hindi ko maintindihan. Hindi lang naman si Papa ang nawalan. Ako at si Leila, nawalan din kami ng ina. Hindi lang siya ang nasasaktan dito, pero bakit parang siya lang ang may karapatang maging mahina? Bakit parang siya lang ang may karapatang magluksa? It wasn't as if we wanted this to happen. We're all in the same sinking boat, but he already threw us overboard without even bothering to ask us if we could swim, or make it on our own. While he was still there, sitting on that boat, waiting for the whole goddamn thing to completely sink to the bottom. Paano niyang nagagawang maging makasarili sa panahon na kailangang kailangan namin siya? Nag-iwas ng paningin si Papa mula sa akin. Inayos niya ang kanyang upuan para tuluyang matalikuran kami ng kapatid ko, na parang nasusuklam siya sa mga mukha namin. Ang paningin niya ay pinanatili niyang nakapukol roon sa kabaong ni Mama. Hindi niya na rin sinagot si Tita Teresa, kaya wala na ring nagawa ang tiyahin ko kung 'di ang umalis at iwan siyang mag-isa. Gustuhin ko mang umiyak habang pinagmamasdan ang likuran ng aking ama, hindi ko naman ‘yon magawa. Naubos na yata ang mga luha ko. O baka dahil alam ko na rin na kahit ilang beses pa akong umiyak rito ay wala na rin namang magagawa iyon. Tears couldn't bring my mother back; they won't be able to heal our hearts; they cannot give my father strength. Kung ganoon lang kadali ang lahat, sana ay hindi kami nasasaktan ngayon. Yumuko ako at pinagmasdan na lang si Leila na nasa mga bisig ko. Bahagya siyang gumalaw at nagmulat ng mga mata, ngunit bumalik rin sa mahimbing na pagkakatulog. Napangit ako. I wasn't sure if it was a good thing or not, but I was happy that she couldn't feel the same weight growing inside my chest, or the suffocating truth that our family would never be the same again. Masaya ako na kaya niyang matulog nang walang ibang iniisip. Nakakalungkot man na hindi niya nakilala si Mama, pero mabuti na rin siguro ‘yong ganito. At least, she isn't suffering like us. Niyakap ko siya papalapit sa akin, at hinalikan sa noo. I cannot guarantee her that things won't be hard in the future, but at the very least, I could promise her that I wouldn't leave her behind like what our father is doing right now. I wouldn't let her feel left out and unwanted. Lahat ay gagawin namin nang magkasama. Hindi ko hahayaang maranasan niya ang mga nararanasan ko ngayon. We only have each other now. And somehow, that was enough for me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
33.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.9K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
107.6K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
115.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook