01 | The Arts Club

2163 Words
"You're failing, Solana," bungad sa akin ni Sir Rowan, ang head professor ng Fashion Department. Yumuko ako habang pisil-pisil ang braso. Nakakahiya. Hindi ko alam ang sabihin ko dahil wala namang pwedeng idahilan. I was failing, and I knew very well that it was because my efforts weren't enough. "I'm sorry, Sir," iyon na lang ang nasabi ko matapos ang matagal na pag-iisip. Nag-angat ako ng paningin, at mabilis na sinalubong 'yon ng seryosong mga mata ng professor ko. Bahagyang magkasalubong ang makakapal niyang kilay. Napayuko tuloy ulit ako. Bibihira ko lang siyang makita na ganito, kaya mas lalo akong tinamaan ng hiya. He may be young, but that certainly didn't mean that he couldn't be scary when he needed to. Minsan, mas nakakatakot pa siya kaysa sa mga professor namin na mas matanda sa kanya. "I don't want an apology, Solana — I want results! You're already on your ninth term! You can't afford to have grades like these, especially when you're about to start working on your portfolios. If this goes on..." huminto siya at narinig ko ang kanyang buntong-hininga. "I don't think you'll be graduating anytime soon." Tumango ako. Pinili ko na lang na hindi sumagot. Alam ko naman na kasi 'yon. Kung papalya ako ngayong term, kakailanganin kong umulit ng panibagong term. Siguro para sa ibang estudyante ay ayos lang 'yon, dahil pupwede naman nilang habulin 'yong bumagsak nilang subject sa summer class at special term. Kaya lang, hindi 'yon ganoon para sa 'kin. I wouldn't be able to afford it. Doble ang presyo ng mga klase na 'yon kaysa sa regular na klase lang. Kung hindi nga dahil sa scholarship na nakuha ko ay hindi ko makakayang makapasok ni isa sa regular class, kaya paano pa ang sa summer class at special term? Kahit yata ibenta ko ang kaluluwa ko ay hindi 'yon magiging sapat na pambayad. "Look, Solana... I know you're more than this. You've been my top student up until last term. But lately, you aren't focusing enough." I nodded, again. Wala na yata akong gagawing iba kung 'di ang tumango. "Alam ko po, Sir. Sorry po talaga. Pagbubutihan ko na lang po sa susunod." "I know that. I'm sure you will. Pero ano ba kasi ang problema? Ano bang nangyayari sayo?" May halong frustration ang tono ni Sir nang sabihin 'yon. Natigilan ako roon, at napakagat sa labi. Umayos ako ng pagkakatayo at mas ibinaon pa ang mga kuko sa braso. Parang kailan lang ay 'yan din ang tinanong nina Cassi at Deby sa akin. Ganoon na ba ako kahalata na pati ang professor ko ay nakapansin na rin? "Wala po talaga, Sir," sagot ko. Nag-angat ako ng ulo, sabay tipid na ngumiti. "Siguro po naging distracted lang ako nitong mga nakaraan, pero babawi po talaga ako." Tinitigan niya ako nang mabuti, malamang ay binabasa ang ekspresyon ng mukha ko. Tuloy ay kusang lumawak ang ngiti ko, isa sa mga nakasanayan kong gawin sa tuwing nagsisinungaling. It wasn't really my intention to lie. Kung kaya ko lang sanang sabihin ay ginawa ko na. But as much as I wanted to tell people about my problems, I just couldn't. I mean, sino ba naman kasi ako? Hindi naman ako importanteng tao para basta-basta na lang magkwento ng tungkol sa mga problema ko. Everyone's dealing with their own problems, so why should I bother them with mine? It was my burden, and my own baggage to carry, that's why I couldn't afford to trouble anyone about it. Kahit na ilang beses pa akong tanungin ng kahit sino, hindi ko sila magagawang sagutin. Isa pa, hindi naman gagaan ang problema ko dahil lang sa naikwento ko siya sa iba. It wasn't as if they could help me with my situation. At kahit pa magprisinta nga sila, hindi ko rin naman tatanggapin. Sobrang nakakahiya 'yon. Kaya mas maganda talaga na wala silang alam. "And how exactly are you going to do that?" tanong ni Sir nang hindi pa rin pinuputol ang kanyang titig. Nagsisimula na tuloy akong kabahan. Nahalata niya kayang nagsinungaling ako? O tinitimbang niya pa rin ang mga sagot ko? Hindi ko na alam. "Magtatanong-tanong na lang po ako sa ibang mga professor kung pupwede silang magbigay ng extra credit," nag-aalangan kong sagot. Natatakot ako na baka hindi 'yon magandang ideya. 'Yon na lang kasi talaga ang naiisip kong paraan. Mabuti na lang at tumango si Sir Rowan kaya nakahinga na ako nang maluwag. "Okay..." he said. Sinandal niya ang kanyang likod sa inuupuang swivel chair, pagkatapos ay pinagsalikop ang malalaking mga kamay. "If you want extra credits, then go find Rio. He's an Architecture student, and he's in charge with the Arts Club's upcoming event. Tanungin mo siya kung ano ang maitutulong mo." "Gusto niyo pong tumulong ako sa event nila?" kunot-noo kong tanong. "Yes." I looked at my professor, confused. Hindi ko maintindihan kung bakit isang estudyante ang pinatutulungan sa akin ni Sir. The guy is even a student from the Architecture department. Wala man lang koneksyon 'yon sa department namin. "Papayag po kaya siya?" "Of course. He needs another set of helping hands, anyway. Basta't sabihin mo lang na ipinadala kita. If the event's successful, then I'll give you those extra credits that you need." Mas lalo akong naguluhan doon. Parang biglang naging fairy godmother sa paningin ko si Sir Rowan. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niya? "Iyon lang po? Gano'n kadali?" "Bakit? Gusto mo pang dagdagan ko?" Tinaasan ako ni Sir ng kilay. "O baka mas gusto mong magbigay ng sandamakmak na project sa iba mong profs?" Mabilis pa sa ala-singco akong umiling. Hindi naman sa tumatanggi ako, talagang hindi ko lang maintindihan kung bakit ganoon kadali ang binibigay na task sa akin. Marami ang subjects ko na nasa alanganin, kaya inaasahan ko nang marami ring trabaho ang kailangan kong gawin para mapataas ang mga i'yon. But Sir Rowan here is basically pointing me towards the easy route. "Hindi po! Okay na okay po sa 'kin 'yon, Sir. Thank you," nahihiya kong sagot sa kanya. Humalukipkip siya. He then nodded his head, looking satisfied. "Then, it's settled. Help the Arts Club's upcoming event, and you might just get through this. I'm only helping you this one time, Solana, kaya siguraduhin mong hahabol ka! I don't want to lose a great student. Naiintindihan mo?" Hindi sinasadyang gumapang ang ngiti sa mga labi ko. "Yes, Sir. I will. Salamat po talaga." "No worries," sagot niya. "Sige na, umalis ka na. Tapos na tayo rito." Natawa ako nang ikumpas niya ang kamay niya na parang nagtataboy ng aso. Matapos magpaalam ulit ay lumabas na ako ng faculty room. Kanina lang ay problemadong problemado pa ako kung paano patataasin ang grades ko, lalo na't dalawang buwan na lang ay matatapos na ang term namin. Tapos ngayon, nasolusyunan kaagad ang lahat na parang magic. Pakiramdam ko tuloy ay isang malaking tinik ang natanggal sa lalamunan ko. Hindi tuloy ako makapaniwala. Pagkalabas ko ng department building namin ay nakita ko agad sina Cassi at Deby. Nakaupo sila roon sa concrete bleachers sa ilalim ng malaking puno. Malapit lang naman kasi 'yon sa entrance ng building kaya madaling makita. Nang mapansin nilang papalapit na 'ko ay tumayo sila at sinalubong ako. Kita sa mga mukha nila ang pag-aalala. "Anong sabi ni Sir Rowan?" tanong kaagad ni Cassi nang makalapit. "Tinulungan ka niya?" I smiled, and quickly nodded my head. "Yup, ayos na. Kailangan ko lang daw tumulong sa gagawing event ng Arts Club, tapos mahahabol ko na 'yong grades ko." Napatili silang pareho, pero sabay rin na kumunot ang mga noo nila. Pagkatapos ay nagkatinginan sila, halatang nagtataka rin gaya ko. "Wait... 'Yon lang? Wala nang iba?" tanong ni Deby. "Oo. 'Yon ang sabi ni Sir, e." I shrugged. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanila dahil kahit ako ay hindi alam ang dahilan. They didn't looked satisfied with the lack of explanation, but in the end, we all just dropped the topic and decided to just be happy instead. Ang mahalaga ay ayos na ang problema. Minsan din kasi ay may pagka-unpredictable si Sir Rowan. Deby even joked that maybe he was being easy on me because I'm his favorite student. Hindi ko na lang 'yon sinagot. Kung alam lang nila kung paano ako sinabon ni Sir kanina, hindi nila maiisip 'yon. Sabay-sabay kaming naglakad paalis. Ang alam ko ay wala na silang subjects na kailangang pasukan ngayong hapon, kaya tinanong ko sila kung ano ang balak nila. Sabi ni Cassi ay may pupuntahan daw sila ni Deby. Hindi ko na nga lang tinanong kung saan, dahil malamang ay sa mall na naman para maglakwatya. Madalas nila akong yayain na sumama noon, pero lagi kong tinatanggihan, kaya ngayon ay hindi na sila nagsasabi sa 'kin. Hindi na rin nila ako niyayaya masyado sa mga lakad nila, pwera na lang kung may special occasion. Wala naman 'yon sa 'kin. Sa totoo lang, pabor pa nga ako na ganoon sila. Mahirap din kasing mag-isip palagi ng idadahilan. Hindi kasi gaya nila, wala akong oras para magliwaliw. Aside from school, I have chores at home, and a part-time job at night. I also have a sister that I needed to take care of. Doon pa lang sa mga 'yon, ubos na ubos na ang oras ko. Minsan nga kahit tulog ay hindi ko na magawa, kaya naaapektuhan na ang pag-aaral ko. Hindi 'yon alam ng dalawa dahil hindi ko sinasabi sa kanila. I don't want them to worry about me, or took pity on me, so I never told them about my situation, even though sometimes, I could tell that they knew I was hiding something. Mabuti na lang din at hindi sila namimilit. Mukha namang naiintindihan nila na hindi ko kayang sabihin sa kanila. Nakakakonsensya nga lang minsan. "By the way, may kilala ba kayong Rio? Architecture student daw siya, e," tanong ko habang naglalakad kami. Nilingon ako ni Deby nang nakangisi. "Why? You're one of his fans now?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tiningala ko siya, at takang taka na tiningnan. "Bakit? Artista ba siya?" She looked at me as if she could not believe the words that came out of my mouth. Mas lalo tuloy akong naguluhan. I asked her that since I genuinely had no clue. Hindi naman kasi ako mahilig makinig sa mga balitang kumakalat sa school. Isa pa, wala akong masyadong kakilala. Madalas ay sina Cassi at Deby lang ang nakakasama ko, dahil sila lang din naman ang mga kaibigan ko rito sa school. "Are you being serious, Sol?" Deby asked, disbelief still evident on her face. I slowly nodded my head, unsure whether my answer was right or not. "Uhh... yes? Siya kasi 'yong kailangan kong lapitan, kaya ako nagtanong sa inyo. Ang sabi ni Sir Rowan, 'yong Rio daw ang magha-handle ng event ng Arts Club." Tumango-tango si Deby habang hindi pa rin maipinta ang mukha. Malakas na tumawa si Cassi dahil doon. Napatingin tuloy ang ibang estudyante na naglalakad rin sa amin. "Walang alam 'yan, Deb! Para namang hindi mo kilala 'tong si Sol," ani Cassi, pagkatapos ay inakbayan ako. Her pale arm around my neck seemed like milk against my light tan skin. "I can see that," Deby agreed. Hinawi niya ang mahaba at itim na itim niyang buhok nang magulo 'yon ng hangin. She then turned to me, a smile now plastered on her face. "Ngayon mo na ba pupuntahan?" "Sana. Para hindi ko na iisipin mamaya pagkatapos ng afternoon classes ko." "Oh, okay... Basta Rio la Torre ang buong pangalan niya. Fourth year student yata 'yon. Try mo magpunta sa Mac room ng Architecture deparment sa second floor. If he's not there, then try the Arts Club on the third floor. I heard he goes there quite often." "s**t. Alam na alam, Deb, ha? Baka naman ikaw 'yong totoong fan ni Rio?" mapang-asar na pagsingit ni Cassi. Tuloy ay kinurot ni Deby 'yong braso niyang naka-akbay pa rin sa akin. Napa-iling na lang ako. Kahit kailan ay ang gugulo nila. "Fan ka d'yan. Alam ko lang 'yon dahil siya ang laging bukang-bibig no'ng katabi ko sa Calculus. Stalker ata ni Rio, e." "Nagdahilan pa ang gaga. Aminin mo na lang na type mo." Mas lalo pang tumawa si Cassi. Deby rolled her eyes at her. "He's not my type 'no. Aaminin ko, gwapo si Rio. But I'm not into aloof guys. Mas type ko 'yong best friend niyang si Yohan." Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanila. Hindi ako makasabay. Who's Yohan? And why does Rio sounded so popular? Ano bang mayroon sa kanya at mukhang ako lang yata ang hindi nakakakilala sa kanya? And the weirdest thing is, bakit siya ang pinili ni Sir Rowan na tutulungan ko? There were a lot of professors and clubs that he could have recommended. Our department has its own clubs too, but instead, he chose that guy out of all of them. Ano bang mayro'n sa Rio na 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD