02 | Rio la Torre

2289 Words
Pagkarating sa parking lot ay naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. Hindi na ako nagpasama sa kanila papunta sa building ng Architecture department dahil malayo-layong lakaran din iyon. Tinanggihan ko rin ang alok nila na ihatid ako roon gamit ang sasakyan ni Deby dahil sayang lang sa gas. Sanay naman kasi akong maglakad. Buti na lang ay pumayag sila at hindi na ako pinilit. Maaga pa naman, at mamaya pang alas-tres 'yong susunod kong pasok kaya hindi ako nagmadali sa paglalakad. Sa paligid ko ay nagsasayaw ang naglalakihang mga puno. Tumagos mula sa mga sanga ang sikat ng araw, at gumawa 'yon ng iba't ibang hugis sa dinaraanan ko. May kainitan pa rin, pero hindi katulad kanina ay hindi na 'yon masyadong masakit sa balat. I wandered my eyes around the place as I walked. Maraming tao ngayon doon sa malawak na soccer field na hindi kalayuan sa kung nasaan ako. Siguro ay may laro silang pinanonood. Mayroon ding mga nakatambay roon sa mga gazebo malapit sa may man-made pond. Makulimlim kasi roon dahil maraming mga puno. Hanggang ngayon, namamangha pa rin talaga ako sa lawak ng lugar na 'to. Naalala ko tuloy no'ng unang araw ko rito, halos hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil sa sobrang laki nito. Malimit akong maligaw dahil madali akong makatanda ng mga direksyon, pero ilang beses yata akong naligaw rito sa campus noon. Gano'n siya kalaki. Sabagay, isang sikat na paaralan din kasi ang De La Sorelle. Halos lahat ng estudyante rito ay galing sa mayayamang pamilya, o 'di kaya'y mga may kaya sa buhay at handang magbayad ng malaki. Habang ang mga kagaya kong scholar naman ay mabibilang lang dahil sa higpit ng pagsasala nila. Kaya nga hindi ko rin inasahang makakapasa ako rito. God, I never even thought I'd be able to study in such a prestigious school. After all, things does not magically happen just because you wanted them. Life doesn't work that way. Hindi dahil ginusto mo ang isang bagay ay basta-basta mo na lang makukuha 'yon. Siguro para sa ibang tao, pwede ang gano'n. The lucky ones. But that wasn't the case for me. Reality had continuously reminded me of that. Pagkarating sa Architecture department ay ginawa ko 'yong sinabi ni Deby sa akin. Sinubukan ko munang puntahan ang Mac room o computer room nila sa second floor. Hindi naman naging mahirap na hanapin 'yon dahil kita naman mula sa malaking bintana ng computer room 'yong mga nakahilerang Mac PC's. Kaso nga lang ay sarado 'yon, kaya ngayon tuloy ay nagtatanong-tanong ako para malaman kung saan banda ang Arts Club. Nagtanong na rin ako kung may nakakakilala ba roon kay Rio. Gusto ko kasing malaman ang itsura niya para mabilis ko siyang mahanap. Mabuti na lang at mukhang kilala nga talaga siya. "A, si Kuya Rio po? Opo, kilala ko siya. Bakit po?" sagot ng babaeng pinagtanungan ko. Sa itsura niya, mukhang mas bata siya sa akin. I quickly smiled at her. I hope I didn't sound weird for asking about Rio. "Hinahanap ko kasi siya, kaya lang hindi ko kasi alam ang itsura niya." "Matangkad po siya, maputi, tapos mukhang suplado. Malalaman niyo po 'yon agad kapag nakita niyo siya." "Talaga?" paniniguro ko.  Ganoon ba talaga siya kapansin-pansin para sabihin ng mga tao na makikilala ko kaagad siya sa unang kita pa lang? Even Deby said that. I mean, there's already a good amount of good-looking guys in my class alone. Paano pa sa buong campus? Is he that attractive that you can easily distinguish him from other guys? I don't get it. Hindi kaya biased lang sila dahil ka-department nila? "Opo, gwapo po kasi talaga 'yon!" aniya sabay tawa. "Try niyo po siyang hanapin sa club room nila. Nasa may third floor po 'yon. Doon siya madalas tumambay, pero kung wala po siya roon, baka kasama niya po si Kuya Yohan sa rooftop." Tumango-tango ako. Halos mapangiwi na ako dahil sa sobra-sobrang impormasyon na nakukuha, pero pinigilan ko ang sarili. Kahit 'yong mga unang pinagtanungan ko, ganoon din ang mga sagot sa akin. Napapa-isip na tuloy ako kung normal pa ba 'kong estudyante dahil ako lang yata ang walang kaalam-alam. Nagpasalamat at nagpaalam ako roon sa babae, tapos ay tumulak na putungong third floor. Fortunately, I was able to locate the Arts Club easily. Dahil 'yon sa mga banner at sa malaking sign na nasa pinto nito. Medyo kinabahan nga lang ako dahil walang maririnig na ingay sa loob ng club room mula rito sa labas. Parang wala yatang tao.  Sabagay, kung wala man akong abutang tao sa Arts Club, I could still go to Rio's next class — an information that was generously given to me. Kaso, magagahol ako sa oras. Baka ma-late pa ako sa susunod kong klase. And I don't want that. So, I prayed hard as I knocked on the door, that Rio is in this room. When nobody answered, I shamelessly reached for the doorknob. Halos mapatalon ako nang umikot 'yon.  Maingat kong binuksan ang pinto. Hangga't maaari ay ayaw kong umagaw ng atensyon. Dumungaw ako mula sa siwang, at inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. My heart almost sank when I didn't see a single soul. But then, I noticed a guy at the far corner of the room. Nakayuko siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. He occupied one of the drawing tables, and was busily sketching something on his pad. May nakasapak na earphones sa mga tainga niya, kaya siguro hindi niya ako narinig. "Excuse me," malakas na pagtawag ko para makuha ang kanyang atensyon. Sa wakas ay napatigil 'yong lalaki. Mula sa ginagawa niya ay nag-angat siya ng paningin. He took off his earphones. Mahina akong kumaway at ngumiti. I hope I didn't disturbed him. "Hi," bati ko. Dahan-dahan kong itinulak ang pinto at pumasok na nang tuluyan sa club room. "Hinahanap ko si Rio. Pumasok ba siya?" Tinitigan niya lang ako. Mapupungay ang kanyang mga mata, para bang inaantok o tinatamad. I couldn't really tell. "Bakit mo siya hinahanap?" "Ang sabi kasi ni Sir Rowan, siya raw ang in charge sa upcoming event ng Arts Club, kaya sa kanya niya ako pinapupunta. Tulungan ko raw siya. Kailangan ko kasi ng extra credit." "You're gonna help with the event?" Pinaglapat ko ang mga labi ko. Sa totoo lang, hindi ako sigurado kung paano ko isisingit sa oras ko 'yong pagtulong sa event. My plate was already full, and I'm pretty sure handling and organizing an event would be pretty tedious. Kaya lang, ano bang choice ko? Kung tutuusin nga, ito na ang pinakamadali sa lahat ng pwedeng ibigay sa akin, kaya wala akong karapatang magreklamo o tumanggi.  Dahan-dahan pa akong tumango. "Kung pwede pa, oo. Tutulong sana ako." Hindi siya sumagot. Nanatili lang ang namumungay niyang mga mata sa akin habang pinaiikot ang lapis niya sa kanyang mga daliri. I forced out another smile. His stares suddenly made me feel awkward. Bakit hindi siya nagsasalita? "So... pwede pa bang tumulong?" tanong ko dahil baka hindi niya lang ako narinig. Hininto niya 'yong pagpapaikot sa lapis, pagkatapos ay tumayo siya sa upuan niya. Pinanood ko lang siya na maglakad papunta roon sa kabilang dulo ng silid. "Follow me," tipid niyang utos. Tahimik akong sumunod pagkatapos isara 'yong pinto. Nang huminto siya sa isang desk, tumigil na rin ako sa paglalakad, ilang hakbang ang layo mula sa kanya. May hinugot siyang papel sa isang drawer. He then turned to me, and handed me that paper. "Fill this up," aniya sa isang tamad na tono. Mabilis na dumako ang paningin ko sa papel. Kumunot ang noo ko nang makita ang mga nakasulat roon. "Huh?" "I said fill this up," pag-uulit niya. Nang hindi ko pa rin kinukuha 'yon sa kanya ay halos padabog niyang inilapag 'yon sa ibabaw ng lamesa. Bumuntong-hininga pa siya na para bang sinasayang ko ang oras niya. Ano bang problema ng lalaking 'to? Hindi ko pa rin kinuha 'yong papel. Hindi lang dahil sa wala akong balak na sagutan 'yon, kung 'di dahil na rin sa nagsisimula na akong mainis. Alam ko naman na nakakaabala ako ngayon. I'm the one who needed this, after all. Kaya lang, tutulong naman ako sa event nila. We're both going to benefit from this, so why the is he acting like that? "Are you going it pick it up or not?" matabang niyang tanong. 'Yong mga mata niya ay diretsong nakatingin sa akin. Sinalubong ko ang titig niya. "Pero application form 'yan para sa Arts Club," sagot kong medyo may halong iritasyon. "Exactly." Hindi pa rin nagbago 'yong titig niya na parang tamad na tamad. Akala mo ay tinakasan ng emosyon ang mukha niya. "E, hindi naman ako sasali. Nandito lang ako dahil 'yon ang sabi ni Sir Rowan sa 'kin." "But according to you, Sir Rowan said that you have to help Rio with the event." "Oo nga." "Then that means you're here to help him, right?" Wala sa isip akong napatango. "Oo." Ngumisi siya roon. It looked so forced as if he was mocking me or something, and it irked me to the core. Mas lalo pa akong nabwisit nang mabilis niya ring binawa ang ngisi na 'yon, at bumalik sa dating walang ekspresyon ang mukha niya. "Well then, miss... Kung gusto mong tulungan si Rio, kailangan mong pirmahan 'to." Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko na talaga nagugustuhan ang tono ng pananalita niya. I'm only holding myself back because I think he's a part of the Arts Club. "Pero hindi nga ako sasali sa club ninyo. I'm just here to help." "And I'm telling you that you're not allowed to help unless you're a member of the club." I scoffed. "Talaga? Why should I listen to you?" "Because I'm Rio la Torre." Natigilan ako roon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Pakiramdam ko rin ay biglang tumigil ang utak ko, at umatras ang dila ko. For a while, I couldn't do anything but stare at him. Tama ba 'yong narinig ko? Siya si Rio? No way. Sabi ng mga tao, malalaman ko agad na siya 'yon pagkakita ko sa kanya! "Ikaw... si Rio?" tanong ko pa dahil baka nga nagkamali lang ako ng dinig. Nagsalubong ang mga kilay niya roon. "Do I have to repeat myself?" Hindi kaagad ako nakasagot. Ngayon na nakumpirma na, mas lalong hindi maproseso ng utak ko na ito palang lalaki na nasa harapan ko ay ang taong pwedeng magsalba sa akin at sa mga grades ko. Hinagod ko ng paningin ko ang kabuuan niya, nagbabaka-sakaling nagpapanggap lang siya na si Rio. Itim na itim ang buhok niyang medyo gulo-gulo, at bahagyang natatakpan no'n ang mga mata niya. Makakapal ang kanyang mga kilay, at 'yong mga mata niya ay may pagka-caramel ang kulay. Ang labi niya ay medyo nakasimangot kaya lalo siyang nagmukhang suplado. Maputi rin ang balat niya, at kahit pa may katangkaran ako ay halatang halata pa rin na mas mataas siya. Matangkad, maputi, mukhang suplado, at gwapo... Nakagat ko na lang ang labi ko nang maisip ang mga salita no'ng mga pinagtangunan ko. Napakabobo ko naman! Bakit hindi ko kaagad naisip na siya si Rio! "B-bakit hindi mo agad sinabi?" tanong ko. Gusto kong sampalin ang sarili dahil nautal pa ako. "Kahit naman sabihin ko sayo o hindi, tutulong ka pa rin dahil kailangan mo 'to, 'di ba? Knowing my name won't make a difference." It certainly will, though! Kung alam ko kung sino ka kanina, hindi sana ako mapapahiya! Kinuyom ko ang mga kamay ko. Gusto ko sanang magsalita, pero pakiramdam ko ay lalo lang akong mapapahiya kung gagawin ko 'yon, kaya hindi ko na sinagot ang sinabi niya. "I still can't join your club," iyon na lang ang nasabi ko matapos mag-isip-isip. "Limitado lang ang oras ko. Hindi rin ako makakapag-participate sa club activities dahil marami akong ginagawa after school." "Akala ko ba gusto mo ng extra credits?" he asked. 'Yong tono niya ay medyo iritado na. "Oo nga! Kaso—" "Then fill this up, join our club, then we'll talk about those extra credits. Gano'n kadali. Kung ayaw mo, then don't. I could easily find someone else." Hindi ako nakasagot. Tama naman siya. He could easily find someone else that could help him with the event, while I only have this option. Kung mawawala 'tong tyansa na binigay ni Sir Rowan, hindi ko alam kung ano pa ang magagawa ko para makapasa. Kaya lang kasi... hindi ko talaga kaya. The last time I joined a club, bad things happened, and up until now, I still couldn't forget the memories from that day. Kaya nga hangga't maaari, ayaw ko nang sumali sa mga club dahil ayaw kong mangyari ulit 'yon. "I'm sorry. Hindi ko talaga kaya. Hayaan mo na lang kasi akong tumulong nang hindi sumasali." Desperado na ako. Pakiramdam ko ay mababaliw na rin ako. Wala naman kasing sense ang pagsali ko sa Arts Club kung tutulong lang ako para sa isang event. Rio looked at me with an exasperated expression. I couldn't help but feel embarrased for being such a pain in the ass, but I also couldn't make myself agree to his conditions. Ipagawa niya na sa 'kin ang lahat, 'wag lang ang pagsali sa club nila. "Can't I do that? Can't I just help you without joining the club?" "Can't you just shut your mouth and fill this up? Ang dami mong sinasabi, e. You know, if you can't stay in our club, then leave after the event is done. Wala naman akong pakialam do'n. But if you really want to get your extra credits..." Tumigil siya, at malakas na tinuktok 'yong lapis niya sa application form. "Then this is your first step in earning it."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD