bc

Labstory II (gxg)- MaxGel SEQUEL

book_age18+
205
FOLLOW
1K
READ
possessive
sex
family
fated
bitch
comedy
sweet
LGBT+ Writing Contest
gxg
bisexual
like
intro-logo
Blurb

Thank you for reading the first book. This is the most requested second book.

I hope you like it.

Enjoy!

xchoiix

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Max's POV "Love matagal kapa ba? Late na tayo oh!" Sigaw ko. Nakapameywang ko syang hinihintay dito sa may sala. Ngayon na kami uuwi sa pilipinas at mukhang malilate pa kami sa flight namin. "Kung hindi mo kase ako pinagod kagabi hindi ako tatamarin ngayon!" Hay ako pa ang nasisi. Sya nga tong nangungulit kagabi eh! Bow talaga ako sa asawa ko. "Oo ako na ang may kasalanan. Tara na nga!" Nauna na akong lumakad palabas sa condo habang bitbit ang dalawang malalaking maleta. "Wala ka na bang nakalimutan sa loob?" Tanong ko habang nakatayo kami sa tapat ng elevator. Bitbit naman ni Angel ang isang maleta at isang bag nito. "Wala na baby tsaka last day pa tayo nakapag-impaki kaya I'm sure ok na lahat." "Excited ka ba?" "Yeah super baby. Gustong gusto ko ng makita ang bahay natin." "Ako rin love!" Agad kaming pumasok sa elevator pagkabukas nito. 10 months na kaming kasal ni Angel ngayon. Masasabi kong ibang-iba ang pagsasama namin bilang mag-asawa kesa sa mag-kasintahan lang. Marami na akong dapat e'consider at responsibilty na gagampanan. Inaamin ko hindi talaga madali ang pinasok namin. Nahihiya na rin ako sa parents nito dahil hindi pa ako natatapos sa pagiging doctor pero nagtatrabaho na rin naman ako sa isang hospital dito. Maluwag naman sa pagbibigay ng pera ang parents ni Angel sa amin. Kahit nga ang bahay namin sa pinas ay galing sa parents nito. "Matulog ka muna love." Andito na kami sa loob ng airplane. "Mamaya na nawala na ang antok ko." "Ok. Basta kapag dinalaw ka ng antok matulog ka lang." "Yes baby." Kumapit ito sa braso ko sabay yakap dito. "Kumusta na kaya si Mommy?" "Wag kang mag-alala love I'm sure magiging ok rin si tita." Ito rin ang main reason kung bakit kami uuwi sa pinas dahil may sakit ang mommy nito. Kelangan nitong operahan sa puso upang maka-survive ang katawan nito. "I hope so." Hinalikan ko ang buhok ni Angel sabay tapik-tapik sa kanyang kamay. Kawawa naman ang mahal ko. After 13 long hours nakarating rin kami sa pilipinas. Ang himbing rin ng naging tulog ni Angel. "Love andito na tayo gising na." Hinawakan ko ang mukha nito. "Hmmmm.. yeah." She open her eyes and smile. Bumaba na kami ng eroplano at hinintay ang mga maleta namin. Tinawagan ko naman si Rafael para sunduin kami. "Oo andito na kami sa labas ng airport." Sabi ko sa kabilang linya. "Coming dude." Binaba ko ang tawag sabay akbay kay Angel sa tabi ko na tahimik lang at halatang inaantok pa. "Diretso muna tayo sa bahay love ah bago tayo pumunta sa inyo." "Yeah. Gusto ko rin munang umidlip tsaka maligo." "Ako rin." Ngumiti lang ito at yumakap sa akin. Beep beep beep..... busina ng kotse habang palapit sa amin. "Thank God. Bakit ba ang tagal mo kuya?" Sabi ni Angel pagkababa ng kuya nito sa kotse. Pinasok ko naman ang mga dala namin sa likod. "Sorry traffic lang, besides kakarating nyo rin lang." Pinagbukasan ko ang asawa ko sa backseat at ako naman ay umupo katabi si Rafael. "Ano Max kumusta si Angel bilang asawa?" Nakakalokong tanong ni Rafael na halata namang gusto lang mang-inis sa kapatid. "Fine." Tipid kong sagot. "Fine mo mukha mo! Tara na nga kuya I wanna sleep!" Ang sungit! Hay! Tumawa lang si Rafael at pinaandar na ang kotse. "Seriously Max how was it? I mean kumusta ang buhay may asawa?" Nakatingin lang ito sa daan. "Wala namang nag'bago Raffy it's just the same." "Anong wala? Parati na kaya kitang pinagluluto Max. Tsaka pag-uwi mo galing hospital minamasahe pa nga kita." Oo nga pala wala pang trabaho si Angel kaya sa bahay muna ito lagi. Ayaw rin naman nyang magtrabaho dahil mas gusto nyang alagaan na lang daw ako. "Tama meron palang nagbago Raf mas naging sweet na sya ngayon." Natatawa kong saad. "Bakit hindi ba ako sweet dati?" "Sweet naman love kaya nga sinabi ko mas naging sweet di ba?" Lumingon ako at kumindat sa kanya. "Pero hindi ka naman ba nasasapak na ng kapatid kong amazona Max?" "Minsan Raf lalo na pag hindi napagbibigyan!" Biro ko. "Ang kapal mo! Pinapalabas mo ako pa talaga ang nayayamot kapag di na pag-bibigyan ha? Excuse me Maxwell! Tingnan natin kapag talaga ikaw humiling mamaya who you ka sa akin!" Natatawa akong tumingin sa kanya. Kung maka depensa talaga halatang totoo. "Teka ano ba yang pinag uusapan nyo? Naku Angel ah masama yan asawa mo na si Maxwell kaya dapat sya ang masusunod parati." "No way! Ako parin ang masusunod period!" "Paano yan Max sya daw ang masusunod?" "It's ok Raf as long as she loves me at wala syang gagawin na ikaka galit ko walang problema yun sa akin." "Yeah dude yun lang naman talaga ang importante dun." "Wala akong gagawin na ikakagalit mo baby." Lumapit ito sa akin at humalik sa pisnge ko. Ang bilis talaga magbago ng mood. We just talk about random things. Gaya ng relasyon nila ni Jessy na going strong parin daw. Sina Lorenzo at Megan na may anak na at isang healthy baby boy ang first born nila. Masayang masaya ako para sa kanila. *** Wow! Pareho kaming nakangiti ni Angel pagkababa namin sa kotse. Ang ganda na bahay namin, isang simple western style house ang tumambad sa amin. "Ito si Delfin ang guard nyo." Pakilala ni Raf sa isang security guard na nakatayo sa labas ng gate. "Hi po maam." "Hello, ako nga pala si Maxwell at ito ang asawa ko si Angel." Lumaki naman bahagya ang mata nito at halatang nagulat, siguro hindi nya alam na mag-asawang babae ang magiging amo nya. "Sige na Delfin paki kuha na lang ng mga gamit nila sa likod." Utos ni Raf bago bumaling sa amin. "Come on guys I'm sure you will love your house at baka hindi na kayo bumalik sa states." Sumunod kami ni Angel sa loob. "I really like this house kuya. Maganda ang aura ko dito." Napaka modern kase ng bahay at halatang denisinyo na parang sa america. "I know magugustuhan mo talaga to. Sige magpahinga na muna kayo. Kelangan ko ng umalis, may aasikasuhin pa'ko." "Thanks kuya. Mamaya na kami dadalaw kay mommy paki sabi na lang kay dad." "Yeah. Sige." Humalik ito sa pisnge ng kapatid. "Max ikaw na ang bahala dito." Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Ng makaalis si Rafael inakyat ko naman ang mga gamit namin sa kwarto. Napahanga rin ako sa ganda ng master bedroom, tama lang sa laki at napakaayos ng pagkaka arrange. "Baby wala ba tayong katulong?" Tanong nito habang nakahiga sa kama. Ako naman abala sa pag'lilipat ng mga damit sa closet. "Bakit gusto mo ba?" "Hmmm.. pwede ba? Malaki kasi tong bahay hindi naman pwede kung wala di ba?" "Madali lang naman yan wag kang mag-alala. I'm sure matutulungan tayo ng mga agency." "Ok. Maliligo lang ako tapos matutulog kunti ha." "Sige, susunod na lang ako. Tataposin ko lang to love." "Ok." Tumayo ito at nagtungo sa banyo. Pagkatapos kong malagay lahat ng damit namin ay nagtungo na rin ako sa banyo para maligo. After 10 minutes sabay kaming natapos. "Love lalabas muna ako ngayon para mag'grocery. Ako na ang bahala basta matulog ka lang." "Ok. Kunti lang ang bilhin mo yung sakto lang sa'tin." "Sige. Pero si manong guard di ba dito rin sya kakain?" "Oo." "Bibili na rin ako para sa kanya. Tapos tatawag na rin ako sa agency para mabigyan tayo ng kasambahay." "Sige. Pero dapat makita muna natin para makilatis. Mahirap na baka hindi mapagkakatiwalaan yung ibibigay." "Oo. Wag kang mag'alala kakausapin muna natin bago tanggapin." Nagbihis na'ko ng pants at tshirt. "Mag-iingat ka ha. I love you." "I love you too love." I kiss her lips bago lumabas ng kwarto. ---------------------------------------- Pagkarating ko sa isang mall agad akong nagtungo sa groceries. Kumuha ako ng cart. Nasa meat section na ako ng mapansin ko ang isang red wallet sa sahig. Agad ko itong pinulot para ibalik sa may-ari, tiningnan ko ang loob para makita ang I.D. Nakita ko ang isang driver license. Abigail S. Gomez ang nakalagay na pangalan. "Hey. Akin to ah!" Sabi ng isang babae sabay hablot ng wallet at I.D sa kamay ko. I can say she's beautiful pero napaka liberated lang ng suot. "You must be Abigail?" Ngumiti ako. "Obviously yes. Nakita mo naman ang mukha ko sa I.D na kinuha mo di ba?" Mataray nitong sagot. "Oo. Ah sorry pala, tiningnan ko lang naman kung sino ang may-ari para ibalik sana." Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Mukhang hindi ka naman magnanakaw kaya papalagpasin ko to." "Hindi naman talaga ako magnanakaw miss. Nakita ko lang talaga yan." "Fine! Salamat!" Sabi nito pero hindi naman nakangiti. "You're welcome." Humarap ulit ako sa mga karne. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang pag'alis ng babae. After kong mabili ang mga kelangan ko agad akong umalis para umuwi. Hindi pa ako nakakalayo sa mall ng makita ko ulit ang babae kanina at nakatayo ito sa labas ng isang sports car. Ginilid ko ang sasakyan para madaanan ito, binaba ko ang bintana ko pagkatapat sa kanya. "May problema ba?" Tanong ko dahil mukha kasing may tinatawagan ito sa phone pero hindi sinasagot. "Ikaw na naman?" She crosses her arms. "Tinatanong ko lang kung may problema? Baka makatulong ako." Pinikit nito ang mga mata saka bumuntong hininga. "Marunong ka bang magpalit ng gulong?" "Hindi pero may kilala ako." Lumabas ako ng sasakyan. "Good. Pwede mo bang tawagan? Na flat kasi ang gulong ng kotse ko." Tumango ako at tiningnan ang gulong nito. "Sige tatawagan ko lang." Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang company number ng isa kong kaibigan na mekaniko. Agad itong sumagot. Pagkatapos kong makausap hinarap ko naman si Abigail. "Ok na. Maghintay ka lang kunti darating na sila." "Salamat." Nagpupunas ito ng pawis. Naawa naman ako kaya binigay ko ang panyo ko. "Oh ipunas mo to, don't worry hindi ko pa to nagagamit." Tumingin sya sa akin. Para naman itong nag-aalangang kunin ang panyo. "Sige na, tingnan mo oh nasisira na yang make-up mo." Ngumiti ako para hindi ito mailang. "Kung hindi lang mainit hindi ko tatanggapin." Hinablot nito ang panyo sa kamay ko. "Thanks.... uhm what's your name anyway?" "Maxwell San Jose." Inabot ko ang kamay ko. "Ah, Abigail Gomez." Hindi naman nito tinanggap kaya binaba ko na lang. "Sige aalis na ako." "Ok. Thanks again." Nagpunas ulit ito ng pawis. Tumalikod na ako at pumasok sa kotse. Habang nagmamaneho na ako palayo tinitingnan ko parin ang side mirror ko. Kawawa naman! Hay! ☆

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.5K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.2K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

My Master and I

read
136.2K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
491.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook